CHAPTER 19

301 7 1
                                    

NEW LIFE.

Safe na nag-landing ang sinasakyan kong eroplano sa airport ng Canada. Nagpara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel para makapagpahinga muna kahit saglit lang.

Ipagpahinga ko muna ang pagal kong katawan, isip at puso. Hindi ako dumiritso sa bahay namin dito sa Canada. At wala akong balak na manatili pa dito. Kase kung gagawin ko iyon ay nilunok ko nalang din ang paninindigan ko kahit my tinik. Andito lang ako para hindi ako matunton ni Papa, bukas kaagad ay lilipad ako ulit papuntang Turkiye. Doon ko balak na manatili, alam kong hindi nila maiisip na doon ako pumunta...Sana nga!

Lihim kong dasal.

Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa malambot na kama ng hotel, nakatingala ako sa ceiling at ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng aking noo at pumikit para sariwain ang magiging bagong buhay ko ngayon na wala na ako sa Philippine Area of Responsibility. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?

Naglandas ang mga luha ko papunta sa aking tenga habang nakapikit ng mariin at kinagat ko ng madiin ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pumalahaw ng malakas.

Ano na kaya ang nangyayari sa bahay?
Hinanap ba ako ni Xan, ni Papa?

Alam ko sa sarili ko na kahit galit si Papa sa akin ay kapakanan ko pa rin ang iisipin nya, kaya sigurado ako na once na malaman nya na nawawala ako ay sigurado na hahanapin nya ako.

How about Xan?
hahanapin nya rin kaya ako katulad ni Papa?

Hmmmm, i don't know.

Pero sigurado ako na hindi, sa mga ipinaramdam nya sa akin ng huling mga araw namin na magkasama ay evident.

hindi ko pa sya lubos na kilala kaya hindi ko pa kabisado ang mga iniisip at galaw nya.
pero may bahagi ng puso ko na tumututol sa naiisip ko na possible na hahanapin rin ako ni Xan.

What if nga matunton nya ako one day?
Ano ang gagawin ko, sasama ba ako sa kanya pabalik ng Pilipinas?

No, malabong mangyari yon. Dahil in the first place wala ay wala naman pagtingin ang gagong iyon sa akin. Baka nga nagse-celebrate na iyon sa tuwa dahil wala na ako na malaking kargo nya na parang malaking bagahe na lagi nyang pasan.

Napatawa ako sa iniisip ko, tawa na may kalakip na pait dahil sa pagkabigo ng unang pag-ibig.

knock, knock, knock!

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa silid ko, tamad ako na bumangon para pagbuksan.

Nagpasalamat ako sa naghatid ng order ko na food bago isinara ang pinto, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom after long travel by air.

Halos hindi ko rin malasahan ang kinakain ko dahil ang isipan ko ay okupado ng iba't-ibang bagay, pero pilit kong nilulunok dahil kailangan ko ng sapat na lakas para harapin bukas ang hamon ng pakikipagsapalaran ko mag-isa.

Ito ang kauna-unahang travel ko na mag-isa. Madalas kase ay si Papa ang kasama ko kaya medyo nahirapan ako ngayon at puro tanong lang ang ginagawa ko kapag wala akong maintindihan.

At kailangan ko rin magtipid ng pera dahil kunti lang ang dala ko. Mga naipon ko pa iyon mula sa ibinibigay sa akin ni Papa at ang emergency funds ko. Kinuha ko lahat sa banko para may magamit ako sa pagsisimula ko. Sapat ang halaga na !yon para sa iilang buwan na pamumuhay ko, pero kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho bago maubos.

Pero, ano naman kaya ang trabaho na pwede sa akin gayong wala naman akong alam na gawin? Pinalaki rin kase ako ni Papa na parang prinsesa kaya malaking hamon ito sa akin ngayon.

After kong kumain ay naligo muna ako at natulog dahil maaga rin ang flight ko papuntang Turkiye, malapit lang din ang tinutuluyan kong hotel at  pwede ko syang lakarin bukas papunta roon para makatipid ng pamasahe.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt