CHAPTER 14

345 5 0
                                    

PERFECT SHOT

Nagising ako sa kwartong familiar pero hindi sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid. The room has two shade combinations, black and gray. Also the smell is masculine.

What the fuck......!

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko na kwarto ito ni Xan at mas napangiwi ako ng maalala ko rin ang ginawa ko last night.

Oh, shiit! muntikan na yon ah.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba.

Muntikan na ako mapuruhan kagabi.

But at the same time ay may bahagi ng pagkatao ko ang nanghihinayang kung bakit hanggang doon lang muna kami.

Muna?

So nag-eexpect pa ako na may next edition pa? hmmmm, why not!

Ahhh! May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Bakit kase nagpakalasing ako kagabi? Pero...pero gusto ko pa rin naman ang nangyari sa amin pero...pero nahihiya ako sa kanya.

Napatingin ako sa katawan ko sa ilalim ng kumot. W-wala akong damit.

Hinanap ko na ang damit ko pero hindi ko na makita, wala na akong choice kundi ibalot sa katawan ko ang kumot nya. Sumilip muna ako sa labas ng pinto at nakita ko sya na nakaupo.

Dahan-dahan akong lumabas pero nakita nya pa rin ako.

Malamang, nakaupo sya sa silyang paharap sa kwarto kaya makikita nya talaga ako. May hawak na naman sya na papel habang nakatukod ang isang braso sa mesa nasa  mga bibig nya ang kanyang mga daliri tapos naka cross legs.

Men, kahit sino malalaglagan ng panty pagkaharap sya. Naka black shorts at plain white t-shirt lang sya, sabi nga sa kasabihan.... simple is more and that's him. Bet ko talaga ang mga simple nya lang na suot, iyong hindi trying hard pumorma para lang masabing maporma.

Dumako ang mga mata nya sa akin sabay taas ng dulo ng mga labi nya na para bang may pinapatuyaan sya.

Nagkatitigan kaming dalawa. Dahil sa hiya ay agad na ako kumaripas ng takbo patungo  sa banyo at dinaanan sya pero alam ko pulang-pula na naman ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

Pagkatapos kong maligo ay ganon nalang ang pagkadismaya ko nang makita ko na wala ang mga towel sa rock na pinagsasabitan, ayaw ko man gawin pero kailangan ko ng tulong nya. Binuksan ko ang pinto at inilabas ko ang ulo ko doon para tawagin sya.

"Xan!" napalingon naman sya sa akin.

"W-walang towel d-dito" pautal-utal na sabi ko.

Tahimik nyang ibinaba ang hawak na pape at  tumayo at pumunta sa laundry area, at tama nga ang hinala ko, naglaba sya at isinabay nya naman ang mga damit ko.

Hinagod nya ako ng mga mata nya kaya mas lalo kong isiniksik sa likod ng pinto para hindi nya ako masilipan.

Agad ko namang kinuha sa kanya ang towel at mabilis na sinarado ang pinto at lumabas para makapagbihis. Pagkatapos ko magbihis ay naghahain na sya sa mesa pagdaan ko. Dumako ulit ang mga mata nya sa katawan ko na napaplibutan ng white towel.

Ilang at kahihiyan ang nararamdaman no ngayon.

Iba pala talaga ang epekto ng alak sa tao. Nagagawa mo ang never mong magawa na nasa isip mo lang dapat.

Kaya pala ang daming matatapang kapag lasing ay grabe pala talaga ang tama sayo...talagang tatamaan ka.

Ilang minuto na akong tapos magbihis, pero parang ayuko lumabas dahil sa dalawang reason. Una, tungkol sa kapangahasan ko kagabi, lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko and what if mabuntis ako?

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin