MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2...

By mic_pagayunan

10K 167 3

Si Kami ay ampon ng isang mayaman na haciendero na si Don Gabriel El Farma, sa Canada sya nito pinalaki. Sa p... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 36

169 2 0
By mic_pagayunan

HE FOUND HER

Mula Manila ay lumipad kami ng team ko papauntang probinsya ng Masbate. Hindi natuloy ang project ko dito dapat 2 years ago pa dahil hindi naaprubahan ng DENR. Pero ngayon ay may isang project ang tuloy na tuloy na.

Mula sa airport ng Masbate ay sumakay kami ng van na sumundo sa amin papuntang Panguiranan at doon ang location ng project namin. Isang resort ang ipapatayo dahil sa pag-usbong ng turismo sa probinsya ay nangangailangan na ito ng mga accessible places like hotels para may matutuluyan ang mga turista.

First time ko na makapunta sa lugar na ito at masasabi ko na maganda talaga ito by nature, para syang New Zealand dahil greeny ang kapaligiran at marami ring mga baka na makikita sa daanan. Tunay nga na developing province ang Masbate pero nalulungkot din ako at the same time sa  pag-usbong ng turismo kaya unti-unti ay pinapatayuan na ito ng mga modernong establishments.

Pagkapasok namin sa Barangay Panguiranan ay bumungad kaagad sa amin ang mga banderitas na naka kabit sa mga kalsada. Fiesta pala ngayon dito.

"Parang ang ganda dito sir a" sabi ni James ang secretary ko, kahit saan ako magpunta ay kasama ko talaga ito. Hindi ako umimik, pinagsawa ko ang mga mata ko sa mga makukulay na naka sabit sa dinadaanan namin.

"Kung gusto nyo sir magsayawan ay may sayawan dito bukas ng gabi, maraming pumupunta dito para makisaya" sabi ng driver namin na local din dito.

"Naku, gusto namin yan at matagal na rin na hindi ko na experience ang ganito" si Mark na mukhang excited. As if naman pagsasayaw talaga ang habol nito, sa tagal na kasama ko sya sa team namin, alam ko ang galaw ng bituka ng taong ito.

"Malayo pa ba tayo Kuya?" tanong ni Mark.

"Malapit nalang po sir" sagot ng driver.

"Medyo nauuhaw na po kase ako, baba kaya muna tayo" si Mark

"Sige po, doon kila Pareng Mario may tindahan doon pwede kayo tumambay para magpalamig muna"

We went down to a mini grocery store with shades of brown and white, clean and fresh looking.

"Tao po!"

Tawag ni Mark at ilang minuto pa nang may biglang lumabas at binuksan ang glass window ng tindahan at gayon nalang ang pagkagulat ko sa aking nakita.

No, is this true?
Is it her or does she just look like her?
I can't take my eyes off of her. But if it's her, she must know me, but from the woman's movements  it's like she's seeing us for the first time, especially me who didn't take my eyes off her.

"Engineer, anong drinks mo!?"

Saka lang ako nahimasmasan mula sa pagkaka-shocked ng tanungin ako ni Mark. Ngunit umiba ang pangangatawan nya kung sakali na sya nga si Kami. Pumayat lalo although, payat naman talaga si Kami pero ang babaeng ito ay mas lalong payat at pale ang mukha.

Tiningnan ko ang kamay nya kung may sing-sing, parang nabunutan ako ng tinik nang wala akong makita na suot nya. Ang buhok nya at nakabun na missy bun na lalong bumagay sa mukha nya kahit na wala sya ng kahit na anong make up na nakalagay sa  mukha pero hindi nabawasan ang kagandahan nya. Napansin ko na may basa sa parte ng dibdib nya pero hindi naman nagfocus ang paningin ko doon kundi sa mga galaw nya.

Tumalikod kaagad sya at hinarap ang ref para kumuha ng drinks, pinagmamasdan ko ang likod nya,  pagdating sa pananamit nya ay napakalayo nya kay Kami. Although si Kami ay simple lang din pero iba ang ataki, ito naman sya ay simple and very plain.

"Hoy, Cameia" at napalingon kaming lahat sa babaeng may bitbit na batang babae na parang laruan sa sobrang pagka cute. At mas lalo akong nagulat nang tinawag nya ang babae na "Cameia"

Confirmed.

Sya nga pero bakit hindi nya ako kilala at paano sya napadpad sa lugar na ito?

Marami akong bakit? Na naglalaro sa isip ko pero sa kabila non ay umiiyak ang puso ko sa galak. I found her, i found her. Kung paano sya napunta dito at bakit hindi nya ako kilala ay sisiguraduhin ko na malalaman ko ang lahat kahit na sa  kaliit-liitang detalye ng buhay nya habang nawalay sya sa amin at mas lalong nawalay sya sa akin.

Dito ko lang pala sya makikita, kaya siguro ganon nalang ang kagustuhan ni Daddy na tanggapin ko ang project na ito dahil siguro nasesense nya na andito ang Anak nya. Ang spoiled but not brat daughter nya.

"Padedein mo na 'tong Anak mo 0" sabay kaming napalingon sa gawi ni Cameia at pinandilatan ko ng mata ang dalawa nang susunod pa sana ang mga mata nila sa inginuso ng babae kay Kami.

So may anak na sya at breast feeding ang baby, pero sino ang asawa nya at ang ama ng anak nya? kunsabagay ay limang taon syang nawala sa amin at malamang nga ay nag-asawa na sya.

Biglang parang may kutsilyo na tumarak sa dibdib ko nang malaan na may asawa na pala sya, andon ang panghihinayang ko. Ganon nalang kadali ang nangyari sa amin at basta nya nalang yon itinapaon? kunsabagay, ako ang may kasalanan ng lahat, ilang beses kong tinanggihan ang mga pagtatapat nya sa akin noon. Napaka weak ko pala talaga at hindi ko naipaglaban ang tunay kong nararamdaman sa kanya.

Cute na cute ako sa bata na nakapatong sa mesa, para syang laruan. Nakuha nya ang kulay ng balat ni Kami na parang gatas sa pagkaputi. Ngunit umiyak ito nang dinala nya sa loob pero agad din naman kinuha ng kaibigan nya ang bata at dinala ulit sa harap namin at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na naipigilan na hawakan ang kanyang mga malilit na daliri, parang walang buto pa iyon. Humagikgik ang baby habang hawak-hawak nya ang isa kong daliri.

Napatingin sa amin si Kami, wala akong mabasang reaction sa mga mata nya kundi normal lang. Bigla nalang din ako nagulat nang ibigay sa akin ng nag  nga-ngalang Karen ang baby dahil magbanyo daw sya.

Hindi ko alam pero ang saya sa pakiramdam, para ako ang tatay ng batang ito pero impossible iyon mangyari.

Tiningnan ko ulit ang paa nya na kanina lang ay itinaas dahil ang liit daw at walang kasya na shoes para sa kanya. Ganoon nalang din ang saya nang sabihin nito na hindi alam nito kung sino ang kanyang asawa. Kahit ako ay gulong-gulo sa takbo ng usapan nilang dalawa pero isa lang ang nasisiguro ko.

Hindi na makakawala pa ulit sa akin si Kami. Pero bakit nga ba Cameia ang tawag sa kanya gayong ayaw na ayaw nya na tinatawag ko sya ng ganyang pangalan?

Malalaman ko rin ang sagot, dahan-dahanin ko lang para hindi mabigla.

Lumapit si Kami sa akin at kinuha nya ang anak nya mula sa akin, para ayaw ko pa sanang ibigay pero ano ang karapatan ko?

Noon ay sya lang ang karga-karga ko pero ngayon ay ang anak nya naman. Ang sarap sa pakiramdam na dumaan sila sa mga palad ko noong baby palang sila.

Dumikit ang mga daliri nya sa kamay ko, nabuhay ang mga kuryenteng matagal ng nananahimik sa katawan ko at isang pagdikit lang ng balat ni Kami sa akin ay nabuhay silang lahat.

Ngunit ganon nalang ang takot ko ng hindi nya tuluyang nakuha sa akin ang anak nya dahil napahawak na sya sa kanyang ulo at namimilipit sa sakit. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya kahit nakapikit sya at tinitiis ang sakit ng ulo. Naghahanap ang mga kamay nya ng mahahawakan kaya inilapit ko ang sarili ko sa kanya at halos bumaon ang mga kuko nya sa balikat ko ng mahawakan nya ako.

"Hold the baby" sabi ko at mabilis na kinuha sa akin ni Mark ang bata at saktong pagkabigay ko ay nawalan ng malay si Kami at mabuti nalang ay mabilis ko syang nasalo.

"Open the car!" sigaw ko para mabuksan kaagad ang sasakyan. "Hospital!" sigaw ko para marinig kaagad ako ng driver, ayuko na may masamang mangyari kay Kami.

Nakita ko ang mga mata nina Mark, James at Karen na nagtatanong pero hindi ito ang tamang oras, naghahabol kami ng time para sa buhay ng babaeng matagal ko ng hinahanap, sa babaeng mahal naahal ko mula noon at hanggang sa ngayon.

Mabilis na umakyat ang tatlo sa sasakyan habang kalong ko si Kami at karga-karga naman ni Mark ang baby. Walang may naglakas ng loob para tanungin ako, tahimik ang lahat na tila hinihintay lang ako na magsalita.

Tiningnan ko ang baby, ang mga mata nya na bilog na bilog ay nasa walang malay na kanyang ina. Don't you worry baby, your mom will be ok. Pangako ko sa kanya sa sarili ko lang.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Hospital, kaagad ni James binuksan ang Van at maingat ko na binuhat si Kami at dinala sa energency room.

Mabilis sya na inasikaso ng mga nurse at pinaghintay nalang kami sa labas maliban kay Mark na hawak ang baby. Hindi sila pinayagan na makapasok ng hospital dahil bawal ang bata kaya hanggang waiting shed lang sila ng gate ng hospital.

Nasa harap kaming tatlo ng pinto kung saan dinala si  Kami.

"James, inform the team na malate tayo ng dating" i said to my secretary.

"Noted sir" James replied at nagpaalam sya na lalabas muna. I nodded.

Si Karen nalang at ako ang naiwan sa harap ng kwarto ni Kami.
Mariin ang mga titig nya sa akin na tila ba ay binabasa ako, naniningkit pa ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.

"May maaari ba akong malaman?" maya-maya ay sabi nya habang sya ay nakaupo sa upuan at ako ay nakahilig sa pintuan ng emergency room.

I smirked. "I don't know how to start. Even I had no idea that I would find her here"

Nagulat din sya sa sinabi ko. "So kilala mo talaga si Cameia?" tanong nya na tumaas pa ang isang kilay.

"Yes" i nodded to her. "Limang taon ko na syang hinahanap pero hindi ko sya nakita at hindi ko aakalain na dito pala sya sa lugar nyo"

"Five years?" ulit nya sa sinabi ko "two years palang sa amin si Cameia mula ng makita sya ng tatay ko sa dalampasigan na sugatan at punit-punit ang damit, walang malay"

I was shocked sa sinabi nya, ibig sabihin may masamang nangyari kay Kami during those years na wala sya sa amin? Napasapo ako sa noo ko at pinisil ang gitna ng ilong ko dahil hindi ko matanggap na may nangyari kay Kami na masama.

"Habang nasa amin sya ay napansin namin na lumalaki ang tyan nya at ang hinuha nina Nanay at Tatay ay narape sya"

"Oh, god, shiiiit!   Halos suntukin ko ang pader na posible ang sinasabi ni Karen na nangyari kay Kami. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko. Binayo ko ng mahina ang dingding ng hospital. I'm sorry Kami, i'm sorry kung hindi kita naprotektahan sa kung kanino man, sa kung sino man ang nagpahirap sayo ng ganito. Hinging patawad ko sa halos walang tinig na lumalabas sa aking mga bibig.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 69.8K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
541K 25.7K 31
He's a blind mafia man, the heir who lost his eyesight. She's a kindhearted girl whose job is to take care of him. Will the two of them find their wa...
1.6M 139K 46
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...