MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2...

By mic_pagayunan

10K 167 3

Si Kami ay ampon ng isang mayaman na haciendero na si Don Gabriel El Farma, sa Canada sya nito pinalaki. Sa p... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 35

185 3 0
By mic_pagayunan

AMNESIA

"Saan mo na naman ba dalhin itong Anak ko?" tanong ko kay Karen nang makita ko na binibihisan nya na naman si Ella.

"Doon sa plaza, diba pyesta ngayon kaya dalhin ko si Ella at bilhan ko sya ng mga laruan nya at mga tali nya sa buhok" tugon nya habang nilalagyan ng kung anu-ano ang buhok ng Anak ko, mabuti nalang at napakabait ng batang ito at hindi iyakin kaya madali lang bihisan.

"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong nya sa akin.

"Hindi na at maglalaba pa ako ng mga damit namin at marami nang nakatambak" sagot ko sa kanya.

"Wag mo na nga labhan gamit ang mga kamay mo ang mga damit nyo at baka mabinat ka. Itong anak mo ang asikasuhin mo at hindi yang mga labahan" mahabang litanya sa akin ni Karen sabay karga nya kay Ella palabas ng bahay.

"Hoy, Cameia. Sinasabi ko sayo" lingon nya ulit sa akin binalaan na wag ko pakialamanan ang mga labahan namin.

"Ok na po, hindi na" natatawang sabi ko at bahagyang itinulak sya palabas ng bahay at ng makaalis na sila.

Sobrang swerte ko kay Karen dahil naging kaibigan ko sya at hindi nya ako pinabayaan kami ng Anak ko. Kahit na wala akong maalala at hindi ko alam kung sino at saan ako galing, ang tanging naalala ko lang ay ang pangalan ko na Cameia at bukod doon ay wala na akong matandaan pa.

Nakita daw ako sa dalampasigan na sugatan ng tatay ni Karen na mangingisda na walang malay, kaagad nila ako dinala sa bahay nila. Since na malayo sa kabihasnan ang panguiranan pangalan ng baranggay nila ay hindi nila ako nadala sa Hospital at kakulangan din nila sa financial. Ginamot nalang nila ako sa paraang alam nila at sa kabutihang palad ay gumaling naman ako.

Ngunit sa paggising ko ay ito ako ngayon, walang maalala. Pangalan ko lang na syang ginagamit ko hanggang sa kasalukuyan.

Sa paglipas ng ilang buwan ay may napansin sa akin ang pamilya ni Karen, lumalaki daw ang tyan ko at para hindi sila mag-alala ay dinala nila ako sa center at napag-alaman nila na buntis ako.

Wala akong matandaan pero may bahagi sa puso ko na masaya ako sa ipinagbubuntis ko, aalagaan ko ang anak ko ng maayos at mamahalin ng sobra-sobra. Kahit sino pa ang Ama ng Anak ko.

Gusto ko na sana umalis noon sa poder nila Karen pero hindi nila ako pinayagan, ayaw ko kase sila na bigyan ng malaking problema dahil sa kalagayan ko ngunit mahigpit nila akong pinanatili sa bahay nila.

Kinabukasan ay inayos ni Tito Mario ang isa nilang maliit na bahay, ang bahay na naging tirahan namin ngayon ng Anak ko. Iniisip nila na baka daw ako naiilang dahil nakipisan ako sa kanila. Kaya para hindi na ako umalis ay inayos nila ang maliit na bahay na katabi nila.

Doon na ako tumira at madalas ako samahan ni Karen doon, sinasamahan nya ako sa bahay na iyon hanggang sa makapanganak na ako. Malaking bagay din na nakabukod ako sa kanila dahil ng ipinagbubuntis ko si Ella ay sobrang silan ko at ayaw ko makaperwisyo kase malaki na ang isinakripisyo ng pamilya nila sa akin.

Sa araw-araw na lumilipas ay pilit kong inaalala ang nangyari sa akin, bakit nasa dalampasigan ako at sugatan. Ngunit sakit lang ng ulo ang naibibigay sa akin kapag sinusubukan kong alalahanin ang kung sino ako.

Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao rito sa baranggay Panguiranan, tumutulong ako sa mga gawain ng pamilya ni Karen ngunit lagi nila ako pinagsasabihan na 'wag na daw at kaya naman na daw nila. Syempre nang ipinagbubuntis ko si Ella ay gusto ko may pinagkakakitaan kahit paano.

Binigyan ako ng puhunan ng pamilya ni Karen at yon daw ang gamitin ko sa kung ano man ang gusto ko na negosyo. Noong una ay nahiya ako na tanggapin pero no choice ako dahil ayaw ko naman na maging pabigat.

Sa harap ng bahay na tinitirhan ko ay gumawa si Tito Mario ng maliit na tindahan at yon ang pinag-kaabalahan ko hanggang sa ngayon na nakapanganak na ako. Nakilala naman na ako ng lahat ng tao dito sa purok namin at masasabi ko na maswerte ako na dito ako napadpad dahil sa mga mababait ang mga tao rito at itinuturing din nila ako na kapamilya nila.

Pagdating naman sa pag-aalaga ko kay Ella ay hindi ako nahirapan dahil pinagpapasa-pasahan sya ng mga teenagers dito. Tuwang-tuwa sa kanya kase hindi iyakin na bata.

Paggising namin sa umaga ay nagsipuntahan kaagad dito at tanungin kong gising na ba si Ella at dadalhin nila sa baybayin, since na ilang dipa lang ang baybayin sa amin kaya laging andon sila naglalaro.

Isang taon na si Ella pero hindi ko pa sya napabinyagan kahit gusto na nila Karen na binyagan ito, pero sabi ko sa kanila na hihintayin ko muna na makaalala ako bago ko gawin iyon. Nirespeto naman nila ang disisyon ko kaya colurom muna ang anak ko pansamantala sa mundo.

Natapos ko ang labahin ko at isinapsampay ko na sa labas nang may mga dumaan na mga sasakyan, bihira lang mapadpad dito ang mga 4-wheeler na sasakyan.

Baka mga turista, na-myesta at naglibot-libot muna dito banda sa amin.

Napabilis ang lakad ko nang may marinig ako na bumibili sa tindahan, sa kusina na ako dumaan. Glass ang harap ng tindahan namin kaya makikita ko talaga ang mga nasa labas at ako rin ay makikita nila sa loob.

Sa harap ng tindahan ko ay may mga upuan para sa mga istudyante na tumatambay para mag connect ng wifi na meron ako, nakaugalian na mga bata na tatambay rito after class hanggang mag gabi para magresearch at facebook na rin.

"Ano po yon?" tanong ko sa tatlong lalaki na nakaupo na sa nga upuan na andon, binuksan ko ang sliding glass window para mabilis ang access ko sa kanila. Sinasara ko lang yon kapag nasa loob ako at lagi naman bukas kapag nasa harap na ako.

At base sa mga mukha ng mga ito ay hindi sila taga-rito sa amin, napako ang tingin ko sa isang lalaking matangkad, moreno at may itsura rin na nakatingin sa akin. Medyo nakaramdam tuloy ako ng ilang kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Engineer, anong drinks mo?" tanong ng isang lalaki na nakasuot ng itim na damit.

"Anything" sagot ng lalaki na parang natuklaw ng ahas habang nakatingin sa akin.

"Miss, tatlong coke nga po at isang kaha ng sigarilyo" sabi ng nakaitim at ngumiti pa sa akin.

Mabilis ko na tinungo ang ref para kumuha ng drinks nila ng......

"Hoy, Cameia! Napalingon ako sa tumawag sa akin. Of course sino pa ba? edi si Karen.

"O, bakit? nagtatakang tanong ko sa kanya habang iniabot ang tatlong coke sa lalaking naka itim.

"Bakit ang gu-gwapo ng mga customers mo ngayon?" sabi nya habang nakatingin sa mga lalaking nakaupo at nakangiti habang nakatingin rin sa kanya pero ang morenong lalaki ay tahimik at nasa akin parin ang kanyang mga mata.

"Padedein mo na itong Anak mo kase O......" sabay nguso nya sa dibdib ko at nang tiningnan ko ay basa na pala ng gatas ang damit ko, nang sulyapan ko ang mga lalaking customers ko ay nakita ko na nagsi-iwasan sila ng tingin sa akin. Bigla akong tumalikod at pumasok na sa bahay, narinig ko pa ang halakhak ni Karen sa akin.

"Pasensya na kayo sa nakita nyo a, breasfeeding kase itong daga na bitbit ko" narinig ko pa na sabi nya sa mga customers ko.

Ginawa ba namang daga ang Anak ko. Loco talaga itong si Karen. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumalik na ako sa harap ng tindahan para kunin na si Ella na pinatayo nya pa sa mesang nakaharap sa mga customers at ang morenong lalaki ay titig na titig sa anak ko. Napakunot tuloy ang noo ko sa kanya. Ngayon lang ba sya nakakita ng bata sa buong buhay nya dahil kung makatitig ay wagas.

"Akin na" ang sabi ko kay Karen.

"Wala akong mabili na sapatos ni Ella kase puro malalaki at itong paa ng anak mo ay sobrang maliit" sabi pa nya at iniangat ang paa ni Ella pataas. "Siguro maliit din ang paa ng tatay ng batang ito kase kung sayo 'to nagmana parang malabo kase matangkad ka naman"

Sabi pa nya na walang preno ang bibig at sinulyapan pa ang paa ko. Samantala ang tatlo ay tahimik lang na nakikinig sa mga rants ni Karen at palagoklagok lang ng coke habang panaka-naka na ngumingiti.

"So sinasabi mo na hindi matangkad ang tatay ng anak ko, ganon?" irap na sabi ko sa kanya.

"Aba malay ko, kahit ikaw nga mismo ay hindi mo alam kung sino ang tatay ng anak mo e," napatanga ako sa sinabi ni Karen, kase naman diba? Sa harap pa talaga ng mga customers sya nagrant. Tumikhim tuloy ang Matangkad at Moreno na lalaki.

"Sorry, wag kayo mag-alala normal sa amin dito" hinging paumanhin ni Karen sa mga customers.

"Ok lang" sagot ng naka blue ang damit.

Kinuha ko na si Ella sa kanya at dinala sa loob para padedehin ng biglang umiyak ng malakas.

"O, pati ba naman anak mo ayaw sayo" nakangising sabi ni Karen. Inirapan ko sya sabay talikod at pumasok na sa loob. Pero hindi pa rin natigil sa pag-iyak si Ella at firts time nya na mag-iyak ng ganoon kalakas.

"Akin na nga ulit ang Anak mo" sabay kuha sa akin ni Karen at dinala ulit sa labas sa harap ng mga customers. At ganon nalang ang gulat ko nang biglang tumahimik si Ella sa pag-iyak at tumatawa-tawa pa ito na nilalaro ang kamay nya ng Morenong lalaki.

"Siguro ang dami mo ng panganay Sir no? Ang galing mo magpatahan ng bata e, expert kumbaga" ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi ni Karen at wala talagang preno ang bibig nya. Tumawa naman ng malakas ang dalawang kasama ng Morenong lalaki.

"Pahawak nga sir, kanina pa ako nawiwi e" sabay bigay ni Karen sa anak ko sa lalaking moreno. Ganon nalang ang hiya na nararamdaman ko sa mga pinagagawa nya. Alam ko na mukha na akong kamatis dahil sa hiya.

Mabilis ako na lumabas at kinuha si Ella sa Morenong lalaki. "Sorry po, napag-utusan pa tuloy kayo" hinging paumanhin ko habang kinukuha ko si Ella sa kanya, tilang may kuryente na umakyat sa ulo ko ng mapadaiti ang daliri ko sa kamay ng lalaki at bigla akong nahilo ng may parang glitch sa utak ko hindi ko natuloy ang pagkuha kay Ella sa lalaki dahil hinahawakan ko na ang ulo ko sa sakit. Napahawak ako sa shoulder ng lalaki dahil sya ang nakikita ko na pwede kong mahawakan nang kakailanganin ko ng suporta dahil tumitindi ang sakit ng ulo ko at tumulo nalang ang aking mga luha sa sobrang sakit

"Cameia! Sigaw ni Karen at tumakbong lumapit sa akin"

"Hold the baby please" yon ang huling narinig ko mula sa lalaki bago dumilim ang paligid sa akin. Naramdaman ko ang pagsalo ng isang malakas na mga bisig sa katawan ko bago maging blanco ang lahat sa akin.

Who am i?
Where i am?
The only thing i knew, i was giving birth to this beautiful baby in front of me and i named her Gabriyela.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 127K 45
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
711K 43.6K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
2.8M 162K 50
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
603K 49.7K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...