Colliding Stars

By liveaches

5.6K 284 479

In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineeri... More

colliding stars
soundtrack
prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter twelve
chapter thirteen

chapter eleven

238 6 17
By liveaches

━━━━━━━━━━

CHAPTER ELEVEN

August of Grade 10...

Tirik na tirik ang araw pero kahit na ganoon ay dumiresto pa rin kaming dalawa ng kaklase ko na si Kate papunta sa isang bookshop na malapit sa school namin.

Malas rin kaming dalawa dahil pareho kaming walang dala na payong. Nararamdaman ko na tumutulo ang pawis ko sa noo ko. Kinuha ko ang panyo ko mula sa bulsa ng uniform ko at ginamit iyon para ipamunas sa mukha ko.

Tangina, August na pero parang pang-April ang init, ah. Tapos in the next few weeks puro ulan naman? Tanginang climate change 'yan.

Kung hindi lang naman kailangan na bumili ng mga cartolina at cellophane para sa mga props namin na gagamitin sa Sabayang Pagbigkas na gaganapin sa isang araw, baka nasa bahay na ako, nakatapat sa electric fan at nakikipag-away sa kapatid ko na si Frankie. Pero dahil medyo rushed na rin ang paggawa ng props, gipit na gipit na rin kaming design committee.

Pero kailangan e... culminating ba naman, as a celebration for Buwan ng Wika. It's an inter-class competition. Competitive klase namin, syempre, hindi kami magpapatalo diyan.

Niyaya ako ng president namin na si Adelyn na sumama daw ako sa mga performers pero ayoko nga! Hindi naman ako magaling tumula or mag-perform. Besides, kailangan ko rin mag-cover ng event na 'yon para sa school publication namin kaya eto ako, tiga-gawa ng props. Mas okay na 'to!

I mean, choice ko naman 'to kesa naman maging freeloader ako sa section namin. Nakakahiya naman kapag ganoon.

"Ano daw bibilhin natin?" tanong sa akin ni Kate na kasama ko ring gumawa ng props.

"Isang blue cartolina, tatlong yellow cellophane, scotch tape tapos double sided," Binasa ko sa kanya lang listahang nakalagay sa cellphone ko. "Sakto ba pera natin?" dagdag ko pa.

Napa-kibit balikat siya at nilabas ang perang binigay sa amin ng treasurer namin na si Riley. Pinakita niya sa akin ang one hundred bill at isang bente. Napakamot ako sa ulo at napatanong sa sarili, kasya ba 'to?

"Ano, bahala na... kapag kulang ako na lang magpaluwal." sagot ko.

Pagpasok namin sa bookshop, naghiwalay kaming dalawa para madali naming mahanap yung mga kailangan naming bilhin.

Kinuha namin ang mga materials para sa props namin at binayaran agad ito. Buti na lang nagkasya ang pera na binigay sa amin, meron pang sukling tres. Hindi ako magpapaluwal, thank God!

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa school namin. Kinuha namin ang ID namin sa guard kasi iniwanan namin iyon noong lumabas kami. Pumunta agad kami sa classroom namin.

Dala-dala ni Kate ang mga pinamili naming materials at binigay niya ito sa leader ng design committee na si Avery. Binigay ko naman ang sukli kay Riley.

"Thank you, Frans!" sabi niya. I gave her a smile at pumunta sa isang grupo ng mga tiga-gawa ng props upang tumulong.

Habang naggugupit ako ng felt paper na magiging parte ng costume ng mga performers, napasigaw na lang ako nang may gumulat sa likod ko. Napatingin ang lahat sa akin... tangina lang. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Adrian na nagkakanda-lumpasay sa kakatawa.

Haha, nakakatawa...

"Tangina mo, Adrian kahit kailan!" sigaw ko sa kanya. Tumawa lang siya nang mas malakas. Saya niya e, porket kasi alam niyang crush ko si AK... lagi nalang niya akong inaasar sa kanya.

Besides, hindi ko na naman crush si AK na. Wala, simula na maging slightly close kami, nawala na lang siya. Hindi na ako masyadong kinikilig pero napapangiti pa rin naman niya ako...

Basta, hindi ko na siya gusto or kahit ano. Wala na akong crush, affection, infatuation—or kung anuman ang tawag sa naramdaman ko kay AK. Wala na siya! As in, completely wiped out! Evicted!

Like what I felt for AK is just an admiration, gano'n lang. That's that. Siguro, nagwapuhan lang ako sa kanya noong nakita ko siyang nag-gigitara noon. Maybe, it's just because of his charisma or whatever. Basta, hindi ko na siya gusto and I am so over him.

Besides, wala rin naman akong balak mag-confess sa kanya. Tanong pa sa 'kin nila Javi, 'take the risk or lose the chance'...

How can I take the risk when I know that I don't even have a chance in the first place.

Alam ko naman na wala talagang chance na magustuhan ako ni AK. Maybe friendship, okay pa and okay na rin ako doon.

I'm happy with that.

Pero mas malala pa sa 'kin itong si Adrian. Matagal ko na sinasabi sa kanya na hindi ko na gusto ang kaibigan niya pero inaasar pa rin ako. Nakakainis lang. Mas matagal pang mag-move on keysa sa akin. Kung sina Hayleigh nga, hindi na mine-mention si AK pero siya, todo asar sa akin.

Bakit ko ba naging kaibigan 'to? Napaka-gago talaga kahit kailan.

"Mag-practice ka na nga lang doon!" inis na wika ko sa kanya at tinuloy ang paggawa ng props na kailangan nila. "Nakitang may ginagawa dito."

Isa kasi si Adrian sa mga performers. More than half ng klase namin ay magpe-perform para sa Sabayang Pagbigkas na 'yon... kasama rin si AK doon.

"Maya pa kami magpa-practice,"

Pasimpleng minamataan ni Adrian ng isang sulok ng classroom namin. Sinundan ko naman ang tingin niya.

Nakita ko si AK sa isang gilid kasama ang iba naming kaklase na lalaki. May naka-kandong na acoustic guitar sa kanya at tumutugtog siya ng isang kanta.

Tarantado talaga, e.

Inirapan ko siya at tinuloy na lang ang ginagawa ko. Baka mamaya pagsabihan pa ako ni Adelyn na hindi gumagawa at nakikipag-daldalan lang kay Adrian.

"Na-in love ka na naman, hano?" mahina niyang sabi sa akin. I sighed. Malapit ko na 'tong sikmuran. Napaka-kulit talaga kahit kailan. Mas makulit pa sa kapatid ko. Hindi ba 'to nabigyan ng pansin noong bata 'to...

"Alam mo," Tinigil ko ang paggupit ng cartolina. I even pointed at him using the scissors I'm using, that's why he took a step back away from me.

"Ilang beses ko na nga sinasabi sa'yo na hindi ko na nga crush 'yang si AK. Kulit rin ng apog mo, e..." I explained. "Magkabisado ka na nga lang, kainis ka talaga!" dagdag ko pa na may kasamang irap.

"Eto naman, joke lang..." wika niya sa tabi ko pero hindi ko na siya pinansin dahil itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hindi ko matapos-tapos 'tong ginugupit ko dahil sa kanya.

"Sorry na, Frans..." he apologized. I looked at him at muntik na akong masuka nang makita kong magbu-beautiful eyes siya sa harap ko.

"What the fuck!" napalakas ang sigaw ko ng makita ko ang mukha niya. "'Wag ka na gagayan! Hindi bagay sa'yo!" I tried my best not to laugh at him pero mukha siyang tanga doon! Hindi siya cute, gusto kong sapakin mukha niya!

"Sama ng ugali mo," sabi niya pero tinawanan ko lang siya. Sino ba naman kasi hindi matatawa sa pagmumukha na 'yon. Sayang, 'di ko na-picturan!

Natatampo siya sa akin nang tawagin ni Adelyn ang lahat ng performers. Magpa-practice na raw sila since binigay ng ng AP teacher namin 'yung time niya para mag-reherse ng performance para sa culmination.

Tumayo si Adrian mula sa tabi ko, pati na rin 'yung iba kong kaklase na kasama sa performance. Si Hayleigh din 'saka Nina, kasama. Si AK rin ay tumayo mula sa kinauupuan niya at sinandal ang kanyang gitara sa gilid.

Pinapanuod ko lang siya nang biglang magtama ang mga mata namin. Hindi ko ba alam kung iiwas ba ako ng tingin o makikipagtitigan ako sa kanya. His eyes never left mine. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. But I'm there, a few meters away from him... looking straight at his beautiful, beautiful eyes.

Hindi ko na nga siya gusto, 'di ba!? Get a grip of yourself, Francine Maya!

I felt my heart pounding so fast, nararamdaman ko rin na pinagpapawisan ang mga kamay ko. Nakabukas naman 'yung aircon pero parang ang init?! Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang ngumiti sa akin.

Oh, fuck that smile!

That pretty smile na nagpapa-singkit sa mata niya. His smile was cheerful and radiant, lighting up his whole face with joy. It's friendly, it's dashing, it's charming... at higit sa lahat, delikado—delikadong delikado 'yang ngiti niya para sa akin... para sa puso ko.

Puta.

✧・゚: *✧・゚:*

This is it!

Ngayong araw na ang culminating activity namin, ang Sabayang Pagbigkas. Nakikita ko sa mukha ng mga kaklase ko ang kaba, na para bang matatae sila anytime. Hindi pa nga kami nakakapunta sa social hall kung saan gaganapin ang event pero mukhang pasan nilang lahat ang buong mundo.

Nakita ko ang iba nag pilit na pinapakalma ang sarili nila ang iba naman ay nakakumpol sa isang parte ng classroom namin na malapit sa aircon. Mainit din kasi, full-on black pa naman sila.

Katabi ko sina Hayleigh at Nina, nakasuot sila ng plain black shirt at black na leggings. may nakasabit na blue felt paper sa kanilang balikat. Nakapusod din ang buhok nila sa isang sleek bun. Kahit na ayaw ni Nina na pinupusod ang buhok niya, napilitan siya. Kailangan e, performer siya.

Binubulong nila sa sarili niya ang tulong ire-recite nila mamaya. I'm just fixing my camera here and there, checking kung ayos lang ba ang lagay nito, pati na rin ang tripod ko. May hinihintay rin ako na message mula sa coordinator namin para makapunta na rin ako sa social hall.

Hinanap ko ang press ID ko sa loob ng bag ko at kinawit ito sa ID lace ko. Hindi ko laging sinusuot ito kasi ang laki, 'saka kilala naman ako ng mga estudyante dito na bilang photojournalist ng school publication namin.

"Guys!" tawag ni Adelyn sa aming lahat. Nagsi-tinginan ang lahat ng kaklase ko sa kanya. "Practice tayo one last time bago tayo pumila," she announced.

Agad naman na gumalaw ng mga magpe-perform at sinunod ang class president namin.

I just watched their whole performance. Ang galing, ang ganda, award-winning. Syempre, baka section namin 'to. Pinaghirapan din namin ang performance na 'to. Dugo, luha at pawis namin ang binigay namin para sa performance na 'yan. Kaya deserve talaga naming manalo!

Kalagitnan ng pagpa-practice nila, nag-message na sa 'kin ang coordinator namin, pinapapunta na lahat ng magko-cover ng culmination. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, dala-dala ko rin ang tripod ko. Pero bago ako umalis ng classroom namin. I eyed Hayleigh and Nina. Tinuro ko ang labas at camera ko, implying na tinatawag na ako sa social hall. Hayleigh gave me a thumbs up and that's all I need.

Lumabas ako ng classroom namin at dumiresto sa social hall ng school namin.

Pagdating ko doon ay nakita ko may mga CAT officers na nag-aayos ng mga upuan. Meron din na mga SG officers na tumutulong sa pag-aayos ng venue.

Nakita ko ang coordinator namin na si Ate Jumi, isang grade twelve student. Kausap niya si Ms. Buenavista, ang adviser ng Veracity Imprints, school publication namin. Kasama niya rin ang EIC namin na si Ate Xyrel, isang grade twelve student din.

Meron din silang mga kasama na member din ng school publication. Mukhang nag-mimeeting sila kaya lumapit ako sa kanila.

"Oh, ayan na pala si Francine..." I mentally cringed nang banggitin ni Ms. Buenavista ang first name ko. Hindi ako sanay na tinatawag na Francine.

"Good morning po, miss." bati ko sa kanya.

Dala-dala ko ang phone ko at ang camera ko, meron din akong dalang isang maliit na notebook at pen para in case na rin. May dala rin ako na extra SD card para kung mapuno man ang storage ko, may pamalit ako.

Dapat lagi akong ready.

Napansin ko na ako lang ang photojournalist na present sa amin. Ang alam ko ang isa kong kasama na photojourn din ay kasama sa magpe-perform para sa section nila kaya hindi siya pwede ngayon. Kaya ako lang ang magpi-picture rito.

Nagkaroon muna kami ng saglit na orientation kung anu–ano ang gagawin namin sa buong event.

Maya-maya pa ay habang nakaupo lang ako sa isang sulok nang makita ko na may pumapasok na ang mga grade seven sections. Nakasuot din sila ng kanilang mga costume. May mga dala-dala pang mga kawahan at kung anong props na gagamitin nila para sa performance nila.

Ganoon din ang mga sumunod na mga klase. At dahil marami-rami na rin ang mga tao sa loob ng social hall, tumayo ako mula sa kinuupuan ko at sinet-up ko na ang camera ko sa may gitna. Picture ako nang picture ng mga estudyante, may iba na kapag nakikita ako ay pumo-pose pa.

Mukhang all-out ang lahat ng mga klase para dito sa culminating activity namin. Kitang-kita talaga ang mga effort ng bawat klase para sa performance nila.

Isa-isang nag-perform ang mga section at bigay na bigay talaga ang lahat. Kitang-kita mo talaga ang effort nila. Every performance is worth-watching pero syempre, pinakamaganda ang performance namin. Of course, section ko 'yan!

As I watch our class' performance, tumatayo ang mga buhok ko sa katawan. Nagkaka-goosebumps ako. I was so amazed to the point na muntik ko na makalimutan na picturan ang performance.

Hindi ko na nga napapansin si AK dahil nakatuon ang pansin ko sa dalawa kong kaibigan pero biglang nag-matrsa paalis sa entablado ang mga kaklase ko pwera lang kay AK at sa isa naming kaklase na naka-suot ng police uniform na may dala-dalang baril. Si AK naman ay nakapambahay lang.

Naghabulan silang dalawa sa stage, meron pang intense background music na kasama. Ngunit nahinto sila sa gitna at doon, umakto na nabaril si AK, kasabay ang isang tunog ng pagputok ng baril. Kumalabog pa siya dahil sa kanyang pagkabagsak.

I took a picture of that particular scene. I don't know, there's something about it.

One of the performers let out a heart-shattering scream that resonated inside the whole place. It's a part of our performance. He had this part where he'll act like one of the victims of EJK.

With that last act, the performance ended. Tumayo si AK sa pagkahiga niya sa stage. Nagsi-balikan ang mga kaklase ko sa entablado at nag-bow silang lahat. Everyone clapped their hands.

Nakaka-proud naman kaya pumalapak na rin ako. Ang ganda talaga ng Sabayang Pagbigkas namin. Syempre, baka kami 'yan!

In the end, nakuha namin ang first place para sa Sabayang Pagbikas. Deserve naman talaga namin ang first place, habang ang section naman nila Javi ang nakakuha ng second place. Tuwang-tuwa pa ang bakla. Pero of course, mas tuwang-tuwa ang section namin.

Nag-picture-taking pa kami sa stage pero dahil part ako ng section namin, binigay ko muna kay Ate Jumi ang camera ko para ma-picturan kami.

Pumwesto ako sa may dulong right-side, katabi nina Hayleigh. I was shocked when AK stood beside me.

"Compress po!" sigaw ni Ate Jumi. "Hindi po kayo kasya sa frame!" Umakbay ako kay Hayleigh at naramdaman ko naman na mas dumikit pa si AK sa akin.

Putangina po. Bakit naman ganito?!

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, feeling ko may mga butterflies sa tiyan ko.

Presence lang ni AK, parang malapit na akong mabaliw dito. Infatuation lang 'yan, Frans. Tatagan mo ang sarili mo.

Pero sino ba naman ang hindi kikiligin, katabi mo na 'yung dati mong crush, oh... Tapos mas lalo pa siyang dumidikit sa'yo. I can feel our arms touching, parang naku-kuryente ako. Ito na ba ang tinatawag nilang sparks?! Akala ko sa mga movies at stories lang 'yun, totoo pala 'yun...

Siguro meron pa akong kaunting feelings para sa kanya pero kaunti na lang talaga!

Ngumiti na lang ako nang magsimulang magbilang si Ate Jumi pero sa loob-looban ko, ngiting-ngiti ako dahil katabi ko si AK. Para lang akong tanga.

Siguro nga tama si Adrian. Maybe I do still have an itty-bitty crush on AK.

✧・゚: *✧・゚:*

September of Grade 10...

"Frans!"

Lumingon-lingon ako sa buong canteen namin, hinahanap kung sino ang tumatawag sa akin. Nasa gitna ako ng pila para bumili ng tacos nang marinig ko may tumatawag sa pangalan ko.

"Frans!" Nakita ko ang isa kong kasamahan sa Vera-Im, si Xiomara. She's also a classmate of Javi. Staff writer siya para sa school publication namin.

She approached me. "Hi, Frans..."

"Uy, Xio... ano meron?" I looked at her. Suot na niya ang bag niya kahit na lunch break pa lamang namin. Napakunot naman ako ng noo.

"Frans, ano... pwede favor?" tanong niya sa akin ng direstahan.

"Ano 'yun?"

"Hindi kasi ako pwedeng mag-cover ng Math quiz bee mamaya..." panimula niya. "Nagkaroon kasi kami ng emergency sa bahay, okay lang ba kung ikaw pumalit sa 'kin?"

"Okay lang naman kung humindi ka e!" dagdag pa niya.

Mukhang stressed na stressed na siya. "Tinanong ko na si Iris kanina, pero hindi siya pwede kasi siya magko-cover ng Science quiz bee..."

"Alam na rin naman nina Ate Xyrel na hindi ako pwede."

Pinag-isipan ko muna kung dapat ba akong um-oo dito. Wala naman akong masyadong gawain 'saka natapos ko na rin ang mga activities ko na dapat ipasa. Inisip ko muna kung meron pa ba akong dapat na gawain.

"Sige lang, Xio!" sagot ko sa kanya.

Agad naman siyang napa-ngiti nang marinig niya ang sagot ko.

"Thank you! Thank you so much, Frans!" malakas niyang sabi na may masayang tono. Niyakap pa niya ako at nagpa-salamat ulit ng ilang beses pa.

Nag-paalam na siya sa akin dahil kailangang-kailangan na siya sa bahay nila. I waved her goodbye.

Pagkatapos kong bumili ng tacos ay bumalik ako sa table naming apat.

Malayo pa lamang ako pero rinig na rinig ko na ang boses ni Javi at Nina. Pustahan, nagbabangayan na naman ang dalawang 'yon. Pagod na pagod na kami ni Hayleigh sa kanilang dalawa. Lagi na lang nag-aaway tapos mamaya, bati na ulit sila. Parang mga bata lang. malakas tama.

"Tagal mo naman," wika ni Hayleigh nang makaupo ako sa tabi ni Javi na nakikipag-away pa rin kay Nina tungkol kung ano ba ang mas nauna, manok ba o itlog... parang kanina lang, nagpo-pogi sighting sila dito tapos ngayon, walang kakwenta-kwenta pinag-dedebatihan nila dito.

"Hindi ako sabay sa'yo mamaya," sabi ko kay Hayleigh since kaming dalawa ang laging magkasabay umuwi dahil pareho kami na tiga-San Vicente.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"Kailangan ko mag-cover ng Math quiz bee mamaya," sagot ko at kumagat sa binili kong tacos. Sarap talaga ng tacos dito. Kahit na medyo maliit, bumawi naman sa lasa, sulit na rin siguro twenty-five Pesos ko.

"Oh, akala ko ba si Xiomara naka-duty do'n?" singgit ni Nina sa usapan namin.

"Oo, pero may emergency daw siya e... kaya nag-ask ng favor sa 'kin."

"Ay, oo! Maaga nga daw siyang uuwi dahil may something daw sa nanay niya." singgit naman ni Javi.

Ah, kaya pala...

Maya-maya ay pumanik na rin kami sa classroom namin. Humiwalay sa 'min si Javi dahil sa second floor lang sila ng building namin habang kami naman ay pang-third floor.

Time went by so fast, pagkatapos ng Science period namin ay dismissal na. Matutuwa na sana ako kaso may duty pa nga pala ako...

Napasimangot na lang ako dahil doon. Gusto ko na sanang umuwi kaso kailangan ko pa nga palang gawin 'yung duty ko para sa school publication. Kung hindi lang nag-ask ng favor sa akin si Xio...

Inaayos ko ang bag ko nang magpaalam sa akin sina Hayleigh at Nina. Sumulpot din si Javi sa gilid nila.

"Una na kami," said Nina, she even waved her hand. I waved back and said my goodbye.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko. Sinuot ko rin ang press ID ko bago ako pumunta sa venue ng quiz bee, dumaan muna ako ng CR. Kanina pa ako naiihi!

Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawain sa banyo, dumiresto na ako sa library kung saan gaganapin ang Math quiz bee. Dahil Science and Math month ngayong September, meron iba't ibang kaganapan buong buwan dito sa school namin na related sa Science and Math. Meron pa nga kaming Science of Color Zumba sa last Friday ng September. Excited ang lahat para doon.

Panigurado, on-duty na naman ako no'n.

May rumors din na baka tumugtog sina AK doon, pero hindi pa sure. Narinig ko lang 'yon sa mga sabi-sabi ng ibang ka-batchmate namin. Maybe, I should ask Adrian about that.

I really want to see them play again!

Dahil kaunti pa lang ang mga participants ng quiz bee na nandito at wala rin ang mga namamahala para sa quiz bee na 'to, naglibot-libot muna ako sa library namin.

Hindi naman ganoon kalaki ang library ng school na 'to. Sakto lang. Marami pa rin namang librong makikita at mahihiram dito 'saka masarap tumambay dito, malakas 'yung aircon. Pwede ka matulog.

I was walking through the fiction section. I was just checking out fiction novels that our school library has. Napatigil ako sa paglilibot nang makita ko ang isang makapal na libro.

It's black and thick. Alam ko na sobrang kapal ng book version nito, pero I did not expect na makapal na makapal siya. Merong isang nakatalikod na batang nakasuot ng yellow na raincoat at may hawak ng isang pulang balloon sa book spine nito. It was IT by Stephen King.

I didn't know that our school had this book. Akala ko puro adventure genre lang meron dito, 'yung mga family friendly lang. Kaya nagulat ako kasi there's actually a lot of sensitive content in this book.

Napanood ko na ang movie nito, but the only the 2017 version. I really liked it. Though, hindi ako masyadong natakot pero, still... one of the best movie remakes for me. I'm actually excited para sa part two ng movie, malapit na nga irelease 'yun kaso hindi ko naman mapapanuod sa sine mismo. Papanoorin ko na lang sa illegal site 'yun...

I was about to get it pero may mas nauna sa akin. Napatingin ako sa taong kumuha ng libro. Maiinis na sana ako pero nang makita ko kung sino ang taong 'yun, what I felt was the opposite of annoyance. Instead na inis ang maramdaman ko, I felt something else.

"Ay, sorry..." sabi niya. "Kukunin mo rin ba 'to?" tanong niya.

I just stood there, hindi ko siya sinasagot. I was just staring at him. Hirap pa siyang i-browse ang buong libro dahil sa kapal nito.

I looked at his eyes, wow. Ang ganda talaga ng mga mata niya. It's so captivating, it's so fascinating. His dark brown almond eyes, I can't get enough of it. Parang gusto ko na lang malunod sa mga mata niya.

I didn't even realize that I'm already staring at him when he said my name, "Frans?"

"Sorry, Frans... kukunin mo ba 'to?" wika pa ni AK.

"Oo, sana..." sagot ko.

He pursed his lips. He reached out his book towards me.

"Ay, hindi! Ikaw na una d'yan, e..." I pushed the book back to him.

"Hindi, okay lang! Hindi ko naman hihiramin 'yan."

"Talaga?" And he nodded. I grabbed the book from him. ang bigat pala nito. Napaka-kapal ng libro na 'to, bakit naman hindi pinaghiwalay ng publisher 'to by parts.

I took a good look at the book cover. Just like what's in the book spine, merong batang nakatalikod na nakasuot ng yellow raincoat and it's signature red balloon.

"I didn't know you like that?" Binaling ko ang atensyon ko sa kanya nang magsalita siya sa tabi ko.

"... Ah, hindi naman sa gano'n pero gano'n na nga..." I joked. Hindi naman ako masyadong maalam sa mga pelikula. Nanunuod lang ako, it's like a time-passer para sa akin. Source of entertainment ba kapag bored. Hindi ko naman talaga masasabi na cinephile ako or what.

"But I really liked the movie, curious lang ako sa book version," I answered as I skimmed through the first few pages of the book.

"You like those kinds of movies? I mean, mga horror?" tanong niya ulit sa akin.

"Oo, I guess... pero I more like, uh, mga thriller." I answered.

"Really?" His face lit up. "Bet ko rin mga gano'n!"

"Talaga?" He nodded his head eagerly. That's so cute, mukha siyang tuta. I mentally giggled at his cuteness.

"I mean lahat naman ng genre pinapanood ko," he commented.

"Do you want some movie recs?" Bigla niyang tanong sa 'kin habang binabalik ko ang libro kung saan namin ito nakita. I stared at him. Mukha talaga siyang puppy. He's like a child who's so energetic and excited dahil dadalhin siya sa isang amusement park.

Unconsciously, I nodded.

"Talaga?!" Kitang-kita ang saya sa mukha niya na para bang isa siyang batang nakahanap ng bagong kalaro. "Sige, ano, send-an kita mamaya ng mga movie recs!" masayang-masaya niyang sambit. His excitement and eagerness made me smile. Ang cute niya talaga.

It's so amusing to see people talk about their interests in life. Parang mas lalo mong nae-explore 'yung personality nila. Nakakatuwa lang.

"Everyone!" Narinig namin ang boses ng Math teacher namin na si Sir Canlas. Siya ang adviser ng Number Thinkers, ang Math club namin kaya siya rin ang nag-aayos ng quiz bee na 'to.

Bumalik kaming dalawa ni AK sa may common room kung saan nandoon silang lahat. Mukhang madami-dami na rin ang mga contestant.

"Oh, Mr. Ladera? Kasama ka pala dito..."

"Yes po, sir..."

Napansin niya na katabi ako ni AK. "Ms. Rivera, kasama ka rin sa quiz bee?" tanong niya sa akin.

Todo iling naman ako. "Sir, hindi po! Magko-cover lang po ako dito," Sabay pakita ng press ID ko.

Alam naman ni sir na hindi ako magaling sa Math katulad ni AK. Lagi nga akong pasang-awa sa mga quiz niya tapos itatanong niya sa akin na kung kasama ba ako sa Math quiz bee. Ayos pa sana kung essay writing contest sasalihan ko, at least alam kong may chance ako doon... pero sa Math? Makakalipad na mga baboy, hindi pa rin ako mananalo d'yan.

Pinaayos na niya ang mga contestant ng quiz bee at ginrupo silang lahat. Dapat bawat group ay merong isang member na galing sa bawat grade level para patas.

As they go on with the quiz bee, pini-picturan ko lang silang lahat gamit ang phone ko dahil hindi ko naman dala ang DSLR ko. After ng ilang tanong, na-eliminate na ang tatlong grupo... kasama pa rin sila AK.

Nagte-take notes rin ako sa mga pangyayari sa quiz bee para sa article na ipo-post mamaya.

As the quiz bee resumes, I was secretly rooting for AK. Duh, kaklase ko 'yan... talagang isu-support ko 'yan. Dapat talaga galingan niya dito, talino ba naman niya sa Math. Siya nga yata ang may pinakamataas na grade sa Math sa buong batch namin. Siya na!

Dahil sa Math kaya hindi ako nakasama sa honor ranking, kinapos ng isang point. Sayang lang. What can I do? Bobo talaga ako sa Math, e. Kahit naman ipilit ko na intindihin ang Algebra or polynomials na yan, hindi pa rin ma-absorb ng utak ko. Ako na yata may problema.

In the end, tatlong grupo na lang ang natira para sa final round. At dahil tie silang dalawang group—group nila AK at group nila Zakery, isang kaklase ni Javi, meron special question para sa kanila bilang tie-breaker.

Sir Canlas announced the question and the students were given a minute to solve the Math problem. Tinry kong i-solve ang question sa utak ko dahil naging lesson namin 'yung question pero sumuko na lang ako. may calculator nga hindi ko magawa, mentally pa kaya. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pag-take down notes kung ano ang nangyayari.

Few seconds later, nagtaas ng kamay ang kalaban nila AK.

"Yes, group five?"

"Sir, negative five po..." Zakery said. Kinakagat pa niya ang daliri niya.

"Wrong!" malakas na sabi ni Sir Canlas. Nanlumo naman ang group nila, but second place pa rin naman sila kapag nasagot nila AK ang tanong na 'to.

Sana masagot nila AK 'to...

I believe in him. Dalhin niya ang bandera ng section namin.

Kinakabahan ako kahit na hindi naman ako kasama sa quiz bee. Tarantang-tarantang nagso-solve ang mga kasama ni AK pero s'ya, mukhang hindi pressured man lang. He's just calmly answering the Math problem.

"Last ten seconds!" sigaw ng isang member ng Math Club. Mas lalong nataranta ang mga ka-group ni AK. He's just unfazed there, he just keeps writing on a piece of paper.

Dahil sa intense ng atmosphere, napahigpit ako ng hawak sa cellphone ko. Muntik ko na nga makalimutan mag-picture ulit.

"Five," pagbilang ni Sir Canlas.

"Four,"

"Three," Nakita ko na ang bilis na magsulat ni AK sa papel. Parang nagi-scribble na lang siya doon. Tinuturan pa siya ng mga ka-group niya. Habang ang iba naman ay nagso-solve din sa ibang papel.

"Two,"

"On—"

"Zero!" sigaw ni AK bago matapos ang pagbibilang ni Sir. Pwede pa yan! Pasok pa 'yun! Napatayo pa si AK mula sa kinakaupuan niya. "Sir, zero 'yung sagot."

There was a moment of silence. Nakakabingi ang katahimikan. Kahit na malamig sa loob ng library namin, pinagpapawisan rin ako dahil sa kaba. Bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi naman ako kasama sa mga nagsagot.

Chineck pa ni sir ang papel niya kung tama ba talaga ang sagot nila AK. Pa-intense naman masyado si sir.

Everyone is so silent. Feeling ko ilang oras kaming nandito at tahimik. Everyone is so silent that you can hear a pin drop. Ako nga 'tong nanunuod lang, hindi na makahinga dahil sa kaba, paano pa kaya si AK?

"Correct!" malakas na sabi ni Sir Canlas.

Nagsihiwayan naman ang mga ka-group ni AK habang si AK ay nakatayo lang, parang hindi pa niya nari-realize na sila ang nanalo. His face is so funny but cute at the same time, ang epic lang!

I took that opportunity to take a picture of the whole group's reaction.

I stood up from my seat. Nilapitan ko si Sir Canlas. "Sir, can we take a picture po? For Vera-Im lang po." I asked him. He immediately called for everyone para sa group picture bago magsi-uwian ang lahat.

Sa may gitna sila ng library pumwestong lahat. Nasa gitna nilang lahat ang grupo nila AK at si Sir Canlas. I took a few pictures of them. Meron din na separate pictures ng group po ni Ak at si Sir Canlas lang.

"Congrats, AK!" bati ko kay AK nang makalapit ako sa kanya.

"Thank you, Frans!" I gave him a smile. "Sige, AK... una na ako. Bye!" aniko. I even waved goodbye at him, and he waved back. Pumunta na ako sa locker kung saan nakalagay ang bag ko.

Lumabas na ako ng library at dumiresto palabas ng school. Nilakad ko papunta ng terminal ng mga tricycle. Sumakay na ako sa isang tricycle at umandar na ito.

Ewan ko ba! Pagod na pagod ako, pero wala naman akong ginawa. Nanuod lang naman ako ng quiz bee, pero feeling ko na-stress din ako doon. But I'm glad that AK won. Dapat lang! Dapat panalo lagi section namin!

Nang makita ko na ang bahay namin, pumara ako at nagbayad sa driver. Bumaba ako ng sasakyan. Nakita ko na sarado ang tindahan namin sa harap. Wala sigurong tao sa loob. Pumasok sa bahay namin.

Saan naman kaya pumunta ang pamilya ko, hindi man lang ako hinintay at sinama...

Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng damit. Papasok na sana ako ng banyo para magpalit ng damit pero biglang tumunog ang phone ko. I opened it. I saw someone messaged me.

It's AK...

AK Ladera
4:56 PM

AK Ladera
Hi Frans!

Francine Rivera
hi AK

ano meron?

ay btw congrats ulit! galing nyo!

AK Ladera
Thank you ulit!

Nga pala these are my movie rec!!!

Sana magustuhan mo hehe 😅

Nakalimutan ko nga pala na se-sendan niya ako ng mga movie recommendation. I almost forgot! Eto na ba maging chance ko para maka-close ko si AK? As in close talaga...

Francine Rivera
sure, send mo lang!

AK Ladera
Alright...

Da Vinci Code
Orphan
Pulp Fiction
Fight Club
The Mist
The Blair Witch Project
Gone Girl
The Lord of the Rings
The Shining
Shutter Island

Sorry medyo natagalan hehe tagal ko pang inisip nyan e...

Though puro horror thriller yan pero sinama ko na lord of the rings kasi favorite movie of all time ko yan

Francine Rivera
wow ang dami naman

hala di ako sure kung mapapanuod ko yan lahat ha

pero i have watched gone girl and the shining

AK Ladera
Actually habang nasa quiz bee ako iniisip ko mga magandang movie recs para sayo

Baka kasi mamaya hindi mo pala mga bet mga movie recs ko ☺️

Tbh ikaw lang nakakaalam na movie nerd ako...

Francine Rivera
ano ka ba 😭

for sure magugustuhan ko yan!!

Napatitig na lang ako sa messages niya. I am inwardly screaming. Sinadya ba niya 'to o ano?!

'Actually habang nasa quiz bee ako, iniisip ko mga magandang movie recs para sa'yo...'

What does that supposed to mean?! Is he implying na he's thinking of me or delusional lang ako?!

'To be honest, ikaw lang nakakaalam na movie nerd ako...'

Should I be honored na may bagay ako na hindi alam ng ibang tao? What should I do with that information?!

Patuloy lang ang pag-uusap naming dalawa. We were just talking about our favorite movies and such pati na rin music taste ko, pinag-uusapan namin. It turns out he also likes Green Day, Paramore, Kamikazee, Eraserheads, pati na rin Arctic Monkeys and Coldplay. Buti na lang talaga at nahawa ako sa music taste ng tatay ko.

I mean, given na naman na posibleng favorite bands niya 'yun because he's into music.

All throughout our conversation, I felt giddy. I was smiling as I typed my messages. He got me giggling over talking to him...

It's so surreal to think that I am literally having a conversation with my ex-crush.

Sa tagal ng pag-uusap namin, hindi ko na napansin ang oras. Nagulat na lang ako nang tawagin ako ng nanay ko mula sa kusina. Hindi ko rin namalayan na nandiyan na pala sila. Nakalimutan ko na rin magpalit ng damit.

As much as I hate it, hindi ko muna nireplyan si AK sa chat. Lumabas ako ng kwarto ko dala-dala ang damit pampalit.

Nakita ko ang kapatid ko na nanunuod lang ng kung ano sa TV namin.

"Kakadating mo lang?" tanong sa akin ni Mama habang inaayos ang mga pinamili nila. Based sa mga pinamili nila, kakagaling lang nila sa palengke at supermarket. Puro paninda ang nasa lamesa. Namalengke sila para mag-restock ng tindahan.

Umiling ako. "Hindi po, kanina pa. Bago mag-five," sagot ko.

"Sa'n si Papa?"

"Nasa labas, nililinis sasakyan." sagot ni Mama. Pumasok ako sa banyo at nagpalit ng damit.

I went back to my room para gawin na ang mga schoolworks ko... also, to talk to AK.

✧・゚: *✧・゚:*

Kakauwi ko lang galing sa BulSU nang makita ko si Alex na paalis ng dorm. Oh, saan naman pupunta 'to?

"Aalis ka?" tanong ko sa kanya nang makita niya ako.

She nodded her head, "Oo, pupunta ako Rob. Tara, sama ka?"

At bilang isang kaladkarin, um-oo ako. Wala na naman akong kailangan gawin. Nagawa ko na naman ang mga activities namin. And gusto ko rin gumala. Ayoko dito sa dorm, nababagot ako.

Less than twenty minutes later, nasa Robinsons na kami. Alex said that she wants to buy baking ingredients kasi magbe-bake daw siya ng cookies mamaya. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nito at nagbalak na mag-bake.

Nasa third floor kami ng mall, nasa loob ng isang shop ng mga baking supplies. Kumukuha lang si Alex ng mga kailangan niyang gamit para sa pag-bake. Sabi rin niya na magbe-bake na rin siya ng cupcakes.

Wow, ano pumasok sa isip nito para magbe-bake siya?

Napapansin ko rin na mukhang hindi na masyadong stressed si Alex ngayon, ha... Ang dami niyang time ngayon para mag-bake siya. Siguro nga gumana 'yung sinabi niyang plano niya para tigilan na siya ni Kelvin.

Tumitingin-tingin lang ako nang mga gamit sa loob ng shop habang bumibili si Alex. Ang dami rin palang gamit sa pagbe-bake. Meron pa mga edible glitters dito at kung anu-anong pang-design.

Baking is such a creative way of cooking. For me, baking—also cooking, it's a form of art. Lalo na kapag magde-design ka na ng gawa mo, it takes a lot of creative juices to come up with those designs.

Never ko naman na-try mag-bake kasi hindi ako masyadong magaling sa kusina. Hanggang luto-luto lang ako.

Alex mentioned to me before na meron silang bakery sa hometown nila kaya natuto siyang mag-bake. She told me that she would sometimes help in the bakery. Siya raw 'yung nagde-design ng mga benta nilang cookies.

Kaya laking tuwa na lang niya nang malaman niyang may oven sa dormhouse namin. Paminsan-minsan, kapag free siya, ipagbe-bake niya kami ng kung ano as a treat.

Her specialty is her sugar cookies.

Siya sa mga tinapay, ako naman ang sa kape.

"Gusto mo ng shake? Libre ko," sabi niya sa akin nang makalabas kami sa shop. Bitbit ko ang mga pinamili niya. Ang dami rin, may mga chocolates, flour, mga pang-design at kung ano pa.

"Ay, wow!" I commented.

"You know, may napapansin ako sa'yo." Napatingin siya sa akin. "Saya mo ngayon, ano meron?"

"Wala lang, trip ko lang... 'saka may pagbibigyan lang ako,"

I raised my brow, "Sino?"

"Secret!" Mas lalo naman tumaas ang kilay ko.

"Well, kung anuman 'yan, happy ako na happy ka na," I told her with a smile on my face. I'm genuinely happy for her kasi sino ba naman ang hindi matutuwa para sa kanya, hindi na siya masyadong ginugulo ng borderline creepy ex-boyfriend niya.

For the past few days, hindi ko na nga rin naririnig na tumutunog ang cellphone niya. Well, good for Alex! Good for her!

Pumunta kami sa fourth floor para bumili ng shake doon. Meron isang stall kung saan meron nagbebenta ng shake. Malapit ito sa may arcade kaya marami-rami ang mga tao sa lugar na 'to.

While waiting for our order, I spotted a familiar figure playing a claw machine with an unknown girl...

Kilalang-kilala ko na kung sino 'yun.

The familiar figure was wearing a gray band shirt and loose dark denim shorts. Mukha silang nagde-date. Pinipilit nilang kuhanin ang isang plushie sa claw machine pero hindi nila makuha-kuha kaya hinampas niya ang ito.

"Hindi ba si AK 'yun?" Narinig kong sabi ni Alex sa tabi ko. Tinuro pa niya sina AK.

"Oo," sagot ko, pero hindi ko na lang pinansin ang dalawa. Pinanuod ko na lang kung paano ginagawa ang order namin.

Si AK nga 'yun. Nakita ko na naman siya. Lagpas isang linggo ko na nga siyang hindi nakikita pagkatapos namin mag-usap sa Grounded Bean. At sa loob ng higpit isang linggo na 'yun, ang saya-saya ko kasi hindi ko na siya nakikita.

Lakas ng tama ng tadhana para pagtagpuin na naman ang ladas namin. Just like I said before, I don't want to see him again, ever! Na kahit mahagip ko ang buhok niya, I will run the other way. And that's what I did.

Nang makuha namin ni Alex ang order namin, I turned around and never looked back.

You did what is right, Francine...

Hanggang ngayon may galit pa rin akong nararamdaman pagkatapos ng ginawa niya. There's still hatred inside me. Hindi ko pa rin siya kayang harapin.

But I'll admit, when I saw him with a girl... I felt my heart clenched. There's a throbbing pain in my chest. I heard it shatter, figuratively.

When I saw him happy with a girl, I felt my blood boiling because how can he be so happy when I've been crying my eyes out after we talked. Bakit? How can he be so cheerful and all when I've been so miserable after that day...

But at the same time, there's a pang in my heart.

I am very much familiar with that feeling. It was my number one enemy. Ayaw ko man siyang maramdaman pero the feeling still lingers.

Tama ba na nasasaktan ako at nagseselos na makita si AK na may kasama siyang iba? When I, myself said that we should not see each other anymore under any circumstances? Do I have the right? May karapatan ba akong ma-feel 'to? My brain says no.

Maybe I should listen to my brain this time.

Minsang sinunod ko ang puso ko pero ano nangyari? Umuwi akong sira-sira. Siguro, utak ko muna pairalin ko. I had enough of listening to my heart. Tama ka muna.

With that thought in my head, I walked away from what I once considered as my strength.

✧・゚: *✧・゚:*

Tahimik ko lang pinapanood si Alex na magkalat sa buong kusina. And when I say magkalat, I mean mag-bake. Nagkalat lahat ng mga pinag-gamitan niya sa pagluluto. May mga bowl na punong-puno ng harina at kung ano pa. May mga harina na nagkalat sa buong lamesa pati na rin sa lapag. Meron din mga harina sa damit at mukha naming dalawa.

"Frans, paki-abot 'yung vaniila extract." utos sa akin ni Alex. Kinuha ko naman sa tabi ko ang isang maliit na plastic na bote na may nakalagay na label na vanilla extract. She added a few drops of that to the cupcake batter.

Nakasalang na ang mga cookies sa oven at hinihintay na lang namin na maluto iyon.

After we saw AK at the mall, hindi na tinanong pa ni Alex kung anong meron. She just kept silent about it. Maybe, she already figured out that he was the reason why I cried myself to sleep that Valentine's Day.

Ayaw ko na lang pag-usapan. Nakakawalang-gana. I don't want to hear his name. I don't want to see his face. I don't want to hear his voice. I don't want to associate myself with him anymore. Nakakapagod na. I am sick and tired.

Titingnan ko na sana ang oven pero biglang nagka-notif sa cellphone ko, from our class announcement group chat. Agad ko naman itong chineck kasi baka mamaya importante pala 'yun. Hindi mo sure.

BAJ 2C - Announcement
5:19 PM

Zyron
baka may gustong mag-apply sa inyo @everyone

Iyon lang pala, akala ko naman kung ano. Naghahanap lang pala ng mga staffers ang Cursor, ang official publication ng CAL. Got me hyped up over nothing...

Nonetheless, I clicked the link Zyron sent and it redirects me to a Facebook post by The Cursor. I saw it.

Photojournalist.

Something in me sparked, na para bang dating dormant siya sa loob-looban ko ta's nang makita ko ang word na 'yun, it exploded.

Should I try? Maybe this will rekindle the flame I used to have for journalism... what if ito na ang calling? Is this a sign? Should I sign-up?

Wala naman sigurong mawawala sa akin kung mag-register ako 'di ba? There's no harm in trying...

---

so ayan haha nakapagupdate na rin! this was the longest chapter so far 

hope yall like the chapter!

hapi 2.5k reads!! 🥰

- liv :3

Continue Reading

You'll Also Like

18K 630 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
44.1K 1.1K 44
It only took one summer break for Valentina Hermosa to start liking Xaviell Vuitton. He's a real charmer, kind, sweet, and witty. From their picnic...
388K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.3K 113 9
- an epistolary - In a society where breakups happen and trust gets broken, a hopeless romantic like Anjali Romero considers finding love 'hopeless...