The Past, We Await

Par snowriteus

509 93 18

Saide Monique Koh is a modest young lady who was born with a protector, ang nagiisa niyang kaibigan na kasama... Plus

Copyright
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 11

16 4 1
Par snowriteus

Kabanata 11

“Angkong...” tawag ni Mommy nang salubungin si Angkong at Auntie sa pintuan ng bahay.

Hinanap agad ng mga mata ko si Shion pero hindi ko siya nakita, tanging si Daddy lang na bumababa ng hagdan at iilang mga katulong na nakaalalay sa mga gamit na dala.

Mommy helps Angkong to sit on the couch. Tulad ng ginawa ni Auntie Mil sa akin, hindi rin siya nagpa-hawak kay Mommy at taas lang ang kilay na tiningnan ito. Hindi na lang siya pinansin ni Mommy.

Sandaling nag-usap si Angkong at Daddy sa wikang Mandarin na tanging si Auntie lang rin ang nakakaintindi. May iilan naman akong naiintindihan pero iyon ay ang mga basic lang.

I messaged Shion that Angkong is looking for him, whether he wants it or not, he really needs to eat lunch here at home imbes na sa bahay nila Blanche, madalas niyang ginagawa kapag galit siya sa mga tao dito sa bahay. He didn’t reply but I know he got what I wanted to convey to him.

Angkong’s vibe is not the same as the vibe of this house, so from the moment he stepped in the door of the house, his aura seems to have spread throughout the room.

Kahit ako’y ayoko talaga na makasama si Angkong. He is bossy, authoritative, and always in a bad mood. Sa tuwing nakakasalamuha ko siya, hindi na talaga naalis sa kanya ang magkasalubong na kilay at kunot na noo kaya siguro’y ganoon na lang kabilis nangulubot ang noo niya.

“I will not stay here. I’m going to Manila tomorrow where my friends are. I just came so that Angkong wouldn’t be alone, and I’ll come back when he decides to go back to Hangzhou.” iyon ang sinabi ni Auntie Mil nang magsimulang kumain ng tanghalian.

Tumango lang si Daddy.

“Take care of yourself, Mil.” si Mommy ang may lakas ng loob na magsalita.

Auntie Mil just rolled her eyes. “Even if you don’t say it.”

Tahimik lang kaming kumakain ni Shion. Halos hindi ko rin marinig ang pag-hinga ni Shion sa tabi ko. I can say he’s nervous.

I really don’t like Angkong’s impact on Shion and me. It’s like he traumatized us without doing anything. Hindi ko kailanman na-imagine na kakabahan kami nang ganito sa sariling bahay mismo namin.

“Donovan, I want to see and meet Saide’s fiancé. When can he come here?”

Sandali akong natigil sa pag-nguya nang marinig na naman ang tungkol kay Rohan. Tiningnan ko si Daddy, tiningnan niya lang ako nang walang ekspresyon at tumikhim bago sumagot.

Even if my parents don’t tell me, I know the real reason why Angkong is here and why he chose to stay here in the Philippines even though his favorite people are in China. Kung papaanong alam ko ang nangyayari nu’ng anibersaryo nila Mom at Dad, alam ko rin ang nangyayari ngayon.

“Rohan Cui is a busy man. He is currently studying Political Science at Ateneo De Manila and does not come here to Cavite very often.” sagot ni Daddy.

Angkong slightly raised his brow. “It’s Christmas vacation, isn’t it? He may be here in Cavite. Tell his parents that I want to meet them.”

“That’s not easy, Angkong. It’s not easy to fit into the Cuis’ schedule.” si Mommy.

Halos mapatalon kami nang marinig ang malakas na pag-bitaw ni Angkong sa kubyertos na hawak. Kinuha niya ang tsaa at sumimsim roon. Wala siyang ekspresyon pero nakakatakot pa rin ang hitsura niya.

“Then, replace him. The children should make their marriage a priority. And I’m important, I’m not always here in the Philippines. They should give me a proper welcome.”

Kinagat ko ang labi ko.

Nag-salita si Daddy sa wikang Mandarin pero sinaway siya ni Angkong at sinabi nitong mag-salita ng wikang maiintindihan ng lahat. Kahit na hindi sang-ayon si Daddy, wala siyang nagawa kundi sumunod sa ama niya.

“Saide is only sixteen years old, she still has a lot to prioritize besides marriage which is not a races. And it’s also not easy to replace Rohan Cui because Ronaldo and I have already talked about the engagement and are on good terms. Their marriage is simply not our top concern right now.”

Iilang iling lang ang sinagot ni Angkong. Tiningnan naman ako ni Auntie na may halong dismaya. Hindi ko siya pinansin kahit naiilang na ako sa tingin niyang para na akong gustong patayin dahil binibigyan ko ng stress ang pinakamamahal niyang ama.

Akala ko ay doon na matatapos ang diskurso na iyon pero hindi pa rin talaga tumigil si Angkong. Gusto niya talagang makilala si Rohan agad-agad kahit imposible iyon dahil hindi naman pwedeng biglang tumawag sa pamilya nila at papuntahin agad dito.

Towards the end of the conversation, Angkong couldn’t do anything, especially when Mom and Dad explained what kind of jobs the Cuis have so it’s not easy to set an immediate appointment. Walang ibang choice ang matanda kundi hintayin ang talagang susunod na pagkikita ng dalawang pamilya.

“What about the Zacarias? Are you still close to the youngest son of the Zacarias couple, Saide?”

Gusto kong sumimangot! Bakit ba palaging ako ang topic ni Angkong? Hindi naman sa gusto ko na maging topic niya naman si Shion, pero wala ba siyang balita sa mga nangyayari sa China at puro ako-ako-ako ang nasa utak niya?

Hindi rin naman ako nakasagot agad dahil ayoko namang malaman nila Mommy ang totoo. Gusto kong sabihin na close pa rin kami, pero gusto ko ring sabihin na matagal nang natapos ang pagka-kaibigan namin.

“Ahia, you must focus on your daughter; perhaps before the marriage, she might develop feelings for someone, and even worse, one of the Zacarias brothers.” Auntie Mil let out a small laughs.

Tiningnan ko siya ng matalim.

Auntie Mildred was only in her mid-twenties because Angkong’s third wife was much younger than him. Ang unang asawa nito ay si Lola kung saan si Daddy ang naging anak nila. Sa pangalawa naman nitong asawa na tinatawag ng iba na mistress ni Angkong, wala silang naging anak.

At ang pangatlo nitong asawa na namatay no’ng ipinanganak si Auntie Mildred, si Auntie ang naging anak. Iyon ang dahilan kung bakit isa lang ang kapatid ni Daddy at half sister pa kaya hindi niya close. However, I have close cousins from Angkong’s siblings.

“Like father like daughter?” umalingawngaw sa buong silid ang tawa ni Angkong.

I pursed my lips together. Nakita ko ang mariing titig ni Daddy sa mga pagkaing nasa harap at si Mommy na tahimik lamang at walang emosyon. Si Shion naman ay dismayadong umiiling habang ngumunguya.

“I promise you, Angkong, that won’t happen. I shall never commit another mistake.” iyon ang naging sagot ni Daddy.

“As you should, Donovan. Your family should be ashamed of me. Without me, you definitely wouldn’t be in this life.” mayabang ang pagkaka-sabi ni Angkong. “Also, the Zacarias’ said nothing to the Cui family.”

I looked at Angkong because of the last thing he said, I couldn’t stop the anger that passed through my expression. Naramdaman ko ang matinding galit sa puso ko dahil sa tila pangma-maliit na ginawa niya sa pamilya ni Andrino.

Pero yung galit na nararamdaman ko ay walang magawa. Ni hindi ko manlang kinayang tingnan pabalik si Angkong gamit ang naga-apoy na mga mata. Wala akong lakas ng loob na iparating sa kanya ang di-kagustuhan ko sa mga sinabi niya.

Zacarias’ family is rich. But that is not the same as the wealth that the Cuis have. Hindi hamak na mayaman talaga ang mga Cui dahil sa samu’t saring negosyo na mayroon sila. Kung tutuusin, wala rin namang sinabi ang yaman namin sa yaman nila.

Pero hindi iyon sapat para magsalita ng ganoon si Angkong. I don’t see enough reason for him to belittle whatever the things that the Zacarias couple worked for. Maaaring hindi pa ganoon kataas ang nararating pero siguradong mayroong mararating.

Sa loob ko’y nagso-sorry na ako sa mag-asawa dahil sa pamamaliit ni Angkong sa kanila kahit na wala naman silang kaalam-alam roon.

Blanche Ariadne:

Where are you? May party dito sa bahay. Sama mo si Shion.  Less alcohol drinks, more fun.

Natanggap ko ang mensahe ni Blanche nu’ng kumakain na kami ng dinner sa hapag. Hindi pa rin natatapos ang usapan tungkol sa kasal ko at sa papakasalan ko. Rinding-rindi na ko, sa totoo lang.

I haven’t finished eating and Angkong and Daddy haven’t finished their discourse—na ginagatungan ni Auntie Mil, I immediately pulled Shion.

“Lagi na lang gano’n. Kakaurat.” reklamo ni Shion habang naglalakad kami patungo sa bahay nila Blanche.

“He’s just workaholic.” sambit ko naman kahit sa loob ko’y nagrereklamo na rin.

“Ahh, so ano ka pala para sa kanila? Trabaho lang din? Do you really accept that?”

I looked at my brother.

Hindi ko makitaan sa kanya na twelve years old pa lamang siya dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

“Na ano? Trabaho lang ang tingin nila sakin? You’re too young to understand, Shion.” I looked away.

“And so are you. You supposed to enjoy teenage life rather than thinking of who, when, where the wedding is. At hinahayaan mo lang na nasa kanila ang pinaka-malaking benepisyo kapag nag-asawa ka?” kunot ang noo at punong-puno ng question mark ang mga mata na sabi niya.

“That’s better than disappointing Angkong.”

“Hindi naman habang-buhay buhay si Angkong. Kapag patay na siya, pwede mo na bang hiwalayan ‘yang mapapangasawa mo at mamili ng taong talagang mahal mo? And what the hell, Ate! Ano naman kung sakaling magka-gusto ka sa Zacarias? Does it make him less of a person? Ano naman kung si kuya Andrino ang totoong mahal mo? He’s rich! And he’s kind! Kilalang-kilala mo pa siya kumpara sa Cui na iyon!”

Pinakinggan ko lang ang mga hinanaing ni Shion hanggang makarating kami sa backyard nila Blanche. Hindi ako sumagot sa mga sinabi ng kapatid ko kahit pakiramdam ko’y bahagyang namula ang pisngi ko dahil sa mga huling sinabi niya.

I can’t see myself liking Andrino or loving him more than the love I have for him as a friend. Hindi ko kailanman naisip na siya itong lalaking inilaan para sakin. Kasi kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya!

Why do people around me come up with such an idea?

Namataan ko agad si Eloise sa alon ng mga kaibigan ni Blanche. Hindi na ako nagtaka pa na nandito ang kaibigan ko kahit siya ay bahagya pang nagulat nang makita ako.

“Balita ko nandiyan ang Lolo mo?” tanong agad nito sa akin pag-upo ko sa lounge sa tabi niya.

Tumango ako. “He wants to meet my fiancé. At gusto pa yatang pamadaliin ang kasal!”

Mahina siyang humalakhak. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil siya at tumango-tango na parang nangaasar.

“Syempre, hindi ka papayag.” konklusyon niya.

“Of course. Pumayag na nga ako sa fixed marriage na gusto nila, tapos mamadaliin pa nila sa edad ko na sixteen? Hindi manlang ba nila hihintayin na mag-legal age ako?” halos pumadyak-padyak ako sa pagka-irita.

“I hate your traditions.” iyon lang ang sinabi niya at uminom ng iced tea.

“Gusto ko ng tequila.” sambit ko sa sarili ko nang kumuha ako ng iced tea sa bar area nila Blanche.

Iginala ko ang mga mata ko para maghanap ng tequila pero wala akong makita. Puro whiskey at vodka ang nakikita ko pero hindi ko gusto ang mga ‘yon. Parang sa pagka-inis ko ay gusto ko ng mas matapang na alak.

I bit my lip when I saw the Silver Patron at the very top of the cellarette. Tumingkayad ako nang kaunti para maabot iyon kahit alam kong bawal akong uminom ng ganoon.

Minsan lang naman at mga isa o dalawang shot lang. Hindi naman ako malalasing, ‘diba? Uuwi pa rin naman akong kumpleto pa ang pagiisip.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko nang may biglang kumuha ng alak. I turned around and saw Andrino with his dark deep eyes looking at me. Hindi na ako nagulat na narito siya.

“You are not allowed to drink this.” sambit niya at itinago pa ang tequila sa mas mataas na kinaroroonan no’n kanina.

“Konti lang. Hindi ako maglalasing.” mahinang sabi ko.

“Kung may problema ka, may solusyon diyan.” he said as he walked towards the refrigerator.

Muli kong naalala ang sinabi ni Angkong tungkol sa pamilya niya. Habang nakatalikod siya sa akin at nakatitig ako sa matipunong likod niya, hindi ko maiwasang mag-sorry sa isipan ko.

“Hindi ako maglalasing, Andrino. Please. Kahit bantayan mo pa ko. I... I just want to try something new.” I almost beg.

Pinanood ko siyang kumuha ng tubig sa ref at mag-salin sa baso niya. Roon ko lang din napansin ang bagong gupit niyang buhok. It was slicked back, clean and straight.

Mas naging malinis siyang tingnan at halos hindi na natatakpan ng iilang hibla ang mukha niya. That’s not a new haircut for me, but seeing him again with that haircut gives a new feeling and aura.

“At the peak of your Lolo’s visit?” tanong niya nang sumandal sa counter at lumagok ng malamig na tubig.

I nodded like a puppy to his owner. “Exactly why I anticipate it.”

“Mas magagalit lang lalo sayo ang Lolo mo, Saide Monique.” ini-iwas niya ang tingin nang banggitin ang pangalan ko.

“At least, I have tried it, ‘diba? Nagalit man siya, pero wala na siyang magagawa.” mahina akong tumawa.

That’s right, Saide, make yourself happy.

Tumalikod ako sa kanya at tumingkayad muli para kuhanin ang tequila na itinago niya. Hinintay kong pigilan niya ako pero nakuha ko na’t iyon at lahat ay wala pa ring pumipigil sa akin.

I faced him again and looked at him. I slightly raised the tequila in my hand and walked towards him. Kumuha ako ng shotglass sa gilid niya at sumandal din sa counter.

“Gusto mo?” alok ko habang binubuksan ang bote.

Pinanatili niyang tingnan ako at panoorin ang bawat kilos ko. For the first time after three years, hindi ko naramdaman ang kaba o kahit anong panginginig sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

I even love the way he stares at me. I love how his eyes follow my every movement. I love how he stares, even if I can’t see any expression from there.

Pakiramdam ko hindi kami katulad ng kung gaano kami kalapit dati, pero hindi rin kami katulad ng kung gaano kami kalayo sa isa’t isa. It’s like we’re in the middle of those two. We’re close but not that close, and we’re far from each other but not that far.

“She might develop feelings for someone, and even worse, one of the Zacarias brothers.” tila bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Auntie Mil sa hapag kanina.

I barely shook my head. No. That’s not possible.

Sobrang layo na magkagusto ako kay kuya Landro. Hindi ganoon kalapit ang edad namin at totoong Kuya na ang tingin ko sa kanya. He cares for me as his little sister, and I love him as older brother I never had. Hindi rin naman kami ganoon ka-close ngayon para ma-develop ang feelings ko sa kanya.

At katulad niya, sobrang layo din na magka-gusto ako kay Andrino. Palagi ko siyang nakikita noon bilang kapatid ko. We were close but not to the point na magkakaroon ako ng feelings sa kanya. Kahit noon pa ma’y palagi na kaming napagkakamalan na may relasyon.

I also don’t see that he likes me or he develops feelings for me. Malayong-malayo ako sa tipo niya. I am Chinese. That’s the first on the list. Hindi niya tipo ang mga Chinese o may mga lahi. Bukod roon, I am certain that he also considers me as his sister.

He loves me, but not as others assume. He loves me, but not to the idea where he is willing to give up other things for me. He loves me, but not in the sense that he can’t hurt me. At noon iyon. Mahal niya ako noon. Noon lang ‘yon. Tatlong taon na ang nakakalipas.

“I hate people.” I said as I gulped down a glass of tequila.

Hindi ako nakarinig ng salita mula sa kanya.

“You, guys, are so selfish.” muli akong nag-salin.

Wow. One shot. Pero wala akong naramdaman.

I am really hurt, huh?

Muli kong nilagok ang sinalin ko. Punong-puno ang shotglass na hawak ko pero wala akong maramdaman. Nalalasahan ko lang ang pait sa tuwing inilulunok ko na pero pagkatapos no’n ay parang bumabalik na sa pagka-manhid.

Uulit pa sana ako pero inagaw na ni Andrino ang baso sa akin. Hinayaan ko lang siya dahil pakiramdam ko, sapat na yung dalawang beses tumikim ang dila ko ng tequila.

“Umuwi ka na. Matulog ka na.” iyon lang ang sinabi niya habang pinapanood ko siyang takpan muli ang bote.

“Ayokong umuwi.” mariin akong umiling.

“Kailangan mong umuwi. Hindi magugustuhan ni Mr. Koh kung madaling araw ka na uuwi.” kahit papaano, kung hindi ako nananaginip, nabahidan ko ng pagaalala ang boses niya.

Itinikom ko ang bibig ko.

Lolo. Angkong. Mr. Koh.

Nakakarindi. Walang katapusan.

“Saide, eleven na.” ani Andrino na parang ipinapaalalang dapat na akong umuwi.

I immediately shook my head. “Ayoko pa ngang umuwi. Dito na ako matutulog. S-Sa guestroom.”

I took a step but stopped when I felt his warm palm on my arm. Tiningnan ko ang palad niyang tila nagbigay ng libo-libong boltahe sa katawan ko at ginising ang buong diwa ko.

Ang init ng palad niya ang nagbibigay buhay sa lamig na nararamdaman ko.

“Umuwi ka na. Ihahatid kita.” simpleng sabi niya.

“Ayo—”

Bahagya akong hindi nakahinga nang bumaba ang palad niya sa palad ko at isinalikop ang daliri sa daliri ko. Sa simpleng mga kilos niya, parang tumigil ang pag-tibok ng puso ko at ang kaba at panginginig na hindi ko naramdaman kanina ay ngayon lang nagsi-labasan.

Nagsimula siyang maglakad. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya na parang aso. Kagat ang labi ko nang tingnan ang palad naming dalawa. It was a simple actions from him. Pero grabe na ang epekto sa buong pagkatao ko.

I’m just not used to Andrino behaving like this again. Mas sanay ako sa malamig na Andrino, sa walang emosyon, sa hindi ako kinakausap o tinitingnan manlang.

But I, honestly, love this Andrino. The Andrino who cares about me, who makes me feel like a friend, who makes me feel like someone is protecting me. The Andrino three years ago.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa tapat na ng pintuan ng bahay, nakakaramdam na ng antok at pagka-hilo habang nananatiling nakahawak sa kamay niya. 

Ngayon lang talaga umepekto yung tequila!

“Magpahinga ka na.”

Tiningnan ko siya nang magsalita siya. Nakatayo siya sa harapan ko, ilang dipa lang ang layo niya sa akin at halos maamoy ko pa ang hininga niya.

Parang bigla namang nagbago ang gusto ko sa buhay at tumango sa sinabi niya.

“Andrino...” I called him with my hoarse voice.

Sinalubong niya ng titig ang mga mata ko. Para namang biglang tumalon ang puso ko nang makita ang pag-angat ng labi niya nang bahagyang ginulo ang buhok ko. He smiled at me!

Hindi ko alam kung dala ba iyon ng tequila o ng antok pero ngumiti siya!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

223 91 23
A compilation of prose and poetry that explored the truths of life. From the awful reality to the beautiful literary trip we once had. A collection o...
5.7K 417 7
A book on abhira and abhinav and abhinav as a father which contains their bond and with grown up abhir too ,the scenes we couldn't able to see in the...
3.3K 74 20
The plan was always simple. Betty would have a perfect life, make good grades, go to a great college and marry Archie Andrews. He was her next door n...
My baby girl Par sugarmy187

Roman pour Adolescents

526K 15.1K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?