EX with Benefits (COMPLETED)

By youramnesiagirl

26.7M 244K 38.4K

Sabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just... More

EX with Benefits
Prologue
One & Two
Three & Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen & Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven?? (xxx)
Twenty Seven (The Real Chapter Twenty Seven)
Twenty Eight <3
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
B.S. Adam's POV
Epilogue
Final Author's Note

Fifty

242K 2.4K 589
By youramnesiagirl

Scarlett's POV

Tagumpay ang plano ko. My idea is always brilliant! I am really thankful na sa akin ibinigay ni Clarisse ang anak nila ni Kuya. Hindi naman kasi maganda ang break up nila, kaya siguro ako ang hinanap niya. Unfortunately, she died. She was my bestfriend since highschool.

Alam kong susugurin ako ni Kuya pagkatapos ng plano ko, para kunin ang anak niya pero sorry na lang siya, hindi ko pa iyon ibibigay sa kanya.

Alam kong hindi gagawa si Kuya ng kahit na anong bagay na hindi ko gusto, dahil hawak ko ang anak niya. Wala siyang magagawa kundi sundin ako.

Nag-hire din ako ng tao para picturan sila habang nagsasayaw at ipinadala ko yon kay AJ. I'm sure as of now na kay AJ na yon. He badly needs me for comfort.

Mabuti na lang nagpunta ulit dito si Paris. Sabay na lang kaming pupunta sa kanila.

"Is it true na hiwalay na sina AJ at yung girlfriend niya?" tanong ko kay Paris habang nagmamaneho ako papunta sa kanila.

Tumingin siya sa akin na parang nakasagot ng isang malaking puzzle.

"Ahhh kaya pala parang may naririnig akong ingay kagabi", sagot niya.

"Anong ingay?"

"Sa kwarto niya eh, parang may nagbabasag. I'm not sure."

Poor AJ. Don't worry hon, I'm on my way. You don't have to be lonely.

Sabay kaming umakyat pataas ng may marinig kami mula sa kwarto ni AJ.

"Adam, MAKINIG KA NAMAN KAHIT NGAYON LANG!"

Nagkatinginan kami ni Paris, at iisa ang nasa isip namin. Nakinig kami sa pinag-uusapan nila.

"Adam, hindi ta-yo pwe-deng mag-hi-wa-lay."

"Arkisha, kung hindi ka pa tapos sa pananakit sa akin, please tama na. Walang wala na ako. Wala ka ng makukuha sa akin. PINATAY MO NA AKO."

I can feel the pain in his voice. Gustong gusto kong pumasok sa kwarto para yakapin si AJ.

"Kahit kailan hindi kita ginustong saktan. Hinding hindi ko yun magagawa sayo. Alam mo kung gaano kita kamahal--"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babaeng yon! Malandi naman talaga siya!

"SHUT UP!" sigaw ni AJ. "Huwag na huwag mong babanggitin ang salitang mahal dahil hindi mo yun alam!"

Narinig ko ang iyak ng babaeng yon. Best actress ang dating.

"Adam, mahal kita. Maniwala ka."

"Wag na wag mong sasabihin na mahal mo ako. Simula ngayon, ayoko ng maririnig yan sayo, dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag naririnig ko ang isang bagay na alam naman nating hindi totoo."

"Adam, bun-buntis ako!"

WHAT???!

"Buntis ako", ulit ng babae.

"Halika na. Baka makita nila tayo dito", yaya ni Paris at hinila na niya ako papunta sa kwarto niya.

BUNTIS SIYA??

NO!

Hindi pwede to!

I NEED TO DO SOMETHING!

**

Arkisha's POV

"ANONG GINAWA NI ADAM SAYO??!" nag-aalalang tanong ni Ella sa akin. Umuwi ako sa boarding house mula sa bahay nina Adam na pugto ang mata.

"Arkisha.." niyakap ako ni Ate Gem.

Humagulhol ako ng iyak. Iniharap niya ako sa kanya at marahang umiling.

"Hindi niya ako pinakinggan", sabi ko habang humihikbi ako.

"EH GAGO NAMAN PALA TALAGA YANG SI ADAM EH! DAPAT DI MO NA LANG BINALIKAN YUN DATI!" sigaw ni Ella. Galit na galit siya.

"SABIHIN MO LANG, IPAPATUMBA NA NAMIN YUN!" dagdag naman ni Jane.

"Kumalma nga kayong dalawa. Nasabi mo ba na buntis ka?" tanong ni Ate Gem.

"Oo, pero sabi niya hindi daw ito kanya--", nagsimula na naman akong mag-iiyak.

"LANGYA TALAGA!"

"Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na lokohin siya. Siya lang naman talaga! Kahit nga nung wala na kaming relasyon, diba hindi pa din naman ako bumitaw sa kanya?" sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko.

"Oo, at yon ang isa sa mga pagkakamali mo. Dapat noon pa lang nagmove on ka na", tahasang sabi ni Jane.

Binigyan nila si Jane ng shut-up-look. Pero tama naman siya.

"Kahit ang dami dami niyang babae, wala naman akong reklamo diba? Kahit masakit, wala siyang narinig sa akin."

Inaalo ako ni Ate Gem sa bawat hikbi ko. Hindi ko alam pero parang sasabog ako eh. Yung mga bagay na gusto kong sabihin kay Adam sa kanila ko naibubuhos kasi nga hindi niya ako binigyan ng chance na magpaliwanag.

"Siguro nga tanga ako. Tanga ako na hindi pa ako bumitaw noon. Na sana inihakbang ko na lang ang paa ko palayo sa kanya. Na sana hindi na lang ako lumingon. Pero hindi eh, boses pa lang niya noon, nanghihina na ako."

"Kahit na hindi buo ang tiwala ko noon kay Adam, kumakapit pa din ako. Kahit anong sakit, tinatanggap ko. Martir ako, oo! Pero bakit ganun siya? Isang gabi. Isang gabing walang katotohanan lang pala ang sisira sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal ko. Mula ng magkabalikan kami, never ko pinagdudahan ang pagmamahal niya sa akin, pero ngayon hindi ko na alam."

"Lahat ng panloloko niya sa akin noon, kaya ko namang tanggapin. Sige! Pero ang pinakamasakit sa lahat at hindi ko kinaya ay ang pagdudahan niya ang ipinagbubuntis ko! Para na rin niyang sinabing isa akong pakawalang babae! NAPAKASAKIT!"

"Mainit pa ang ulo niya. Hayaan mo munang makapagpalamig siya. Nabubulag pa yun ng galit niya ngayon. Pasasaan ba't malalaman niya rin ang totoo", sabi ni Ate Gem.

Pinahid ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. Tiningnan ko si Ate Gem.

"Kailan pa yon? Kapag malaki na ang mga anak ko?? Kapag okay na ako? Kapag nakamove on na ako? Kapag kaya ko ng buhayin mag-isa ang mga anak ko? Sa sinabi nyang yun sa akin, pinatunayan niya lang na hindi niya ako mahal at hindi siya karapat dapat na maging ama ng mga magiging anak ko."

Lintek. Naiiyak na naman ako.

"Halos lumuhod ako sa harap niya para pakinggan niya pero wala. Anong ginawa niya? Itinaboy niya ako palabas!"

"Pero malay mo kapag lumamig na, makapag-usap na kayo ng ayos", sabi ni Jane.

"Jane! Galit tayo kay Adam!" sabi ni Ella.

"Ehh kasi naman, naaawa ako sa twins kapag wala silang Daddy", sagot ni Jane. "Kausapin mo kaya yung kapatid ni Adam? Yung mabait?"

Gusto kong mapatawa.

"Kung ako nga hindi niya pinaniwalaan, ibang tao pa kaya? I just realized something. Ang isang taong sarado ang pag-iisip, wala talagang paniniwalaan. I did my part, at tapos na ako doon. Kung ayaw niyang maniwala sa akin, bahala na siya. Tama siya, nakakapagod na nga."

**

Araw ng graduation ko, dumating si Mama. Somehow masaya ako na makakapagtapos na din ako. Isa ito sa mga pangarap ko diba, at unti unti ko ng natutupad. Yung una at pangalawa kong pangarap, abot kamay ko na, pero yung pangatlo.. hindi ako sigurado.

Hindi ko sinabi sa Mama ko ang kalagayan ko. Hindi pa ako handa. Alam kong dadating din ako sa puntong iyon, but not now.

Nang matapos ang graduation, lumapit ako sa Mama ko at iniabot ang diploma ko.

"Ma, heto na. Natupad ko na ang isa sa pangarap natin, ang makapagtapos ako. Para po ito sa inyo."

Ibinalik niya sa kamay ko ang diploma at ngumiti.

"Sayo yan anak. Ipinagmamalaki kita. Nahihiya nga ako sayo dahil kinailangan mo pang magtrabaho para makapagaral. Pero hindi mo kami binigo. Natupad mo ang pangarap mo, kaya masayang masaya ako para sayo."

Honestly, masayang masaya ako na makitang masaya ang Mama ko. Masaya siya sa narating ko, pero kapag naiisip ko ang kalagayan ko, pakiramdam ko tuloy there's a part of me na niloloko siya kaya naman bigla na lang tumulo ang luha ko.

"O ayan, nagiging emosyonal ka na. Masisira ang make-up mo sige ka", at pinahid ni Mama ang luha ko.

Ngumiti na lang ako at itinago ang lungkot na unti unting umuusbong.

Sabi nila nabubuhay tayong mga tao para hanapin ang ating happiness. Mali man ito, basta masaya ka, GO!

Nakita ko naman yon. Nakuha ko pa nga. Sabi din nila "Dont ever turn your back on someone that makes you happy." Pero paano kung yung taong yon na mismo ang tumalikod sayo?  


Continue Reading

You'll Also Like

60.4K 2.1K 34
After believing she had passed away, she was utterly shocked to find herself in one of her favorite books that she had just finished reading before t...
12.3M 538K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
252K 1.6K 5
Pera o pagmamahal? Pera para kay Marie. Hindi siya kailanman bubuhayin ng lintek na pagmamahal na kinukulit sa kaniya ng lalaking nagngangalang Gall...