Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

917K 31.3K 20.5K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 53

11.9K 408 700
By JosevfTheGreat

Chapter 53: Downside and Intimacy

#DittoDissonanceWP

AUTHOR'S NOTE: Henlo! Ayan, may update agad. Will try to update as fast as I can kasi marami pang mangyayaring exciting : )

Don't forget to vote and enjoy! <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Magkadikit kami habang naglalakad papunta sa convenience store. Unlike noon na hindi talaga kami gaano magkadikit kapag naglalakad. Amoy na amoy ko si Zern mula sa puwesto ko. Gusto ko tuloy ulit isiksik ang mukha ko sa leeg niya. He's smells so fucking nice. Nakakaadik.

Napatingin ako sa kamay niya pero umiling agad ako. I'm so fucking impulsive. Kung ano-anong naiisip ko. Para akong may sugar rush sa sobrang hyper ng senses ko. I'm really fucking losing my mind. Hindi ko ma-control 'yung dapat kong gawin. This is because I'm with Zern.

Kusa ko na lang nagagawa 'yung mga bagay-bagay na gusto ko talagang gawin sa kaniya. Kahit anong gawin ko, hindi ko na napipigilan 'yung sarili ko. Nakailang halik na nga ako sa kaniya ngayong umaga. Sigurado akong hahanapin ko siya agad mamaya. I'm so fucked.

"Anong gusto mong kainin, Zern?" sabi ko 'saka siya nilingon.

Napanguso siya kaya automatic akong napalunok. I must be fucking crazy. Ngumuso lang siya dahil nag-iisip siya, kung ano-ano agad pumasok sa isip ko.

"Hmm, 'yung easy to eat na lang siguro. Mamayang lunch na lang ako kakain talaga. Kasi kaonti na lang din ang oras," sabi ni Zern 'saka nag-angat ng tingin sa akin.

Tumango-tango ako. "Mag-sandwich lang din ako 'saka Americano. Mag-sandwich ka na lang din," sabi ko at ngumiti.

"Sige. Pero ayaw ko ng Americano," sabi ni Zern.

"Buti na lang Australian ako," sabi ko at itinago ang paghalakhak ko.

Napangiwi siya kaagad sa akin. "Corny mo! Kape sinasabi ko, Caiden. Ikaw, umagang-umaga sobrang harot mo. Kanina mo pa ako nilalandi," sabi ni Zern at pabiro akong inirapan.

Humalakhak ako't kiniliti siya sa tagiliran kaya natawa na rin siya habang umaaktong nakangiwi pa rin sa akin.

"Ayaw mo ba?" I teased him.

Inirapan niya ako ulit habang pinipigilan mapangiti. He's fucking blushing! So adorable.

"Gusto. . ." he whispered shyly.

Napangiti ako at napakagat sa ibaba kong labi. What do I do with him? He's so fucking adorable! Paano ko mapipigilan 'yung sarili kong hindi siya lamugin, kung palagi siyang nagpapa-cute sa akin? At this state, I'm really going to lose my fucking mind.

Hindi na ako nakapagsalita dahil baka hindi ako makapagpigil at hilahin ko na lang siya kung saan walang tao. Lalamugin ko na lang talaga siyang halik. Ang hirap magpigil, kaya mas mabuting iwasan ko na lang. Baka kung ano pa talaga ang magawa ko.

"Anong gusto mo diyan?" sabi ko habang nakatingin kami sa chiller kung saan nakalagay ang mga sandwiches.

Kinuha niya ang egg drop sandwich at isang winter melon schlurp milk tea. Kumuha naman ako ng tuna cheese toasted sandwich at isang canned Americano.

Bago pa siya makapaglabas ng pera, kanina ko pa ni-ready ang isang libo ko kaya 'yon iniabot ko sa cashier. Nahihiya akong sabihing gusto ko siyang ilibre, at ayaw ko rin magtunog pushy or mayabang kung sasabihin kong ililibre ko siya.

"Magkano 'yung sa akin?" sabi ni Zern habang hinihintay namin matapos initin ang sandwich namin.

Umiling ako. "Hindi na. Sagot ko na 'yon. Nagpapabarya rin kasi ako. Walang barya ro'n sa Ginto's, e. Minsan kasi bumibili ako ng kape," pagdadahilan ko.

"Sure ka ba? Baka mamaya wala ka ng pera pang-girls mo," sabi ni Zern at halata namang nang-aasar siya dahil kitang-kita 'yung pagtatago niya ng ngiti.

Mahina akong natawa. "Bakit naman ako mambababae, kung may. . . natitipuhan na ako?" seryoso kong sabi habang nakatitig nang tuwid sa mga mata niya.

Tinitigan niya ako pabalik. Unti-unti siyang napangisi 'saka nag-iwas ng tingin. Mahina akong natawa at hinintay siyang lumingon ulit sa akin, pero hanggang sa matapos initin ang sandwich namin, hindi na siya lumingon.

He must be overthinking again. Maybe he thinks this is all just something that eventually will fall off. Hindi ko man ma-clarify sa kaniya agad lahat, gusto kong maniwala siya sa akin. I'm still trying to figure out some things about this. I just hope that he'll trust me.

Nakatingin siya sa malayo habang kumakain kaya napabuntonghininga ako. Biglang bumigat ang dibdib ko at may kung anong humahalukay sa sikmura ko. Hindi ko masimulang kumain dahil nagwo-worry ako kay Zern.

"Zern?" I called him softly.

Nakataas ang kilay niyang lumingon sa akin. "Hmm? Bakit?"

Muli akong bumuntonghininga. "I'm sorry. Baka naging uncomfortable ka sa sinabi ko kanina. I didn't mean to make you uncomfortable," sabi ko.

Mahina siyang natawa 'saka binuksan ang lata ng kape ko. "Kain ka na, Caiden. Sinasabi mong 'wag akong mag-overthink, tapos ikaw nago-overthink ka diyan. I'm fine. Iniisip ko lang mga gagawin ko today. Muni-muni, gano'n?" sabi ni Zern.

Unti-unti akong napangiti. "Right. Sorry. Ayaw ko lang na maging uncomfortable ka sa akin. Nag-worry lang ako. Akala ko ayaw mo na ako kausap," sabi ko at tina-try alisin sa dibdib ko 'yung bigat.

Napaangat ang kilay ko nang tumayo siya't naglakad papunta sa akin. Pinaurong niya ako 'saka siya umupo sa tabi ko. Nakangiti siya habang nakakunot ang noo.

"Tsk. . . para kang baby, Caiden," sabi ni Zern 'saka inagaw sa akin ang tinapay ko. Siya ang nagtanggal ng plastic no'n saka iniabot sa akin.

"I'm not overthinking, okay? Hindi ako naging uncomfortable sa sinabi mo. Nahiya lang ako sagutin. Baka kasi may masabi ako tapos hindi pala dapat gawing joke. We're just starting to get way much more comfortable to each other. We even did that last night. Don't overthink things. We're fine," sabi ni Zern 'saka tumango para tumango rin ako.

Napangiti ako. "Alright. I'm sorry. Nalungkot lang ako agad. Naapektuhan kasi ako agad kapag tungkol sa 'yo. Ayaw ko lang na-." He cut me off by putting his index finger on my lips.

"Sshh! Eat na! Male-late ka na sa Ginto's. I'm fine, Caiden. You're fine. We're fine. Walang magbabago sa atin. Hindi ako magiging uncomfortable sa 'yo. Tingin mo, mahihiya pa ako sa 'yo after ng ginawa natin kagabi?" sabi ni Zern habang natatawa.

Bigla rin akong natawa sa sinabi niya. Well. . . he has a point. But I still care about him a lot. Like A LOT.

"Alright. That's good to hear. So. . . sabay tayo uuwi mamaya? Anong oras out mo?" sabi ko at sinimulan ng kainin ang sandwich na hawak ko.

"Eleven ng gabi. Then, babalik ako sa university ng 12 p.m. dahil may klase ako ng 1 p.m. pero magla-lunch muna ako bago pumasok," sabi ni Zern at kumain na rin ulit.

"Ooh, we have the same schedule. If hindi kayo magla-lunch nina Leroy, puwede ba tayo magsabay kumain?" sabi ko kaya napangiti si Zern.

"Ikaw! Sobrang clingy mo. Baka mamaya magtampo 'yung mga friends mo sa 'yo, puro na lang ako 'yung inaatupag mo!" sabi niya.

Mahina akong tumawa. "Ano naman? They don't mind. At saka, gagawa pa kaya tayo ng logo. May usapan tayo nina Titus, ah? Ngayong araw natin gagawin," sabi ko at ngumuso.

"Ay, oo nga pala, 'no. Nakalimutan ko 'yon. Kaya ako nananahimik kanina, iniisip ko mga gagawin ko ngayon. Ang hirap-hirap maging architecture. Para kang nasa impyerno palagi," singhal ni Zern.

He's so charming. Sobrang cute na tao, grabe na 'to.

"At saka, okay naman na rin si Ashton, 'di ba? Hindi na siya magagalit kung sasama ka sa akin. Pero hindi pa rin ako mang-aagaw ng time ninyo," sabi ko.

Tumango siya. "Oo na. Mag-lunch na tayo mamaya. Sabihan ko na lang sila ni Leroy. Wala namang problema, Caiden, kung gusto mo akong kasama. Isipin lang din natin 'yung ibang taong nakakasama rin natin. Hindi tayo puwedeng palaging may sariling mundo," sabi ni Zern.

"Opo," sabi ko.

Humalakhak siya sa sagot ko kaya natawa na rin ako. Malawak akong napangiti nang nakita kong namula ang tainga niya habang nakaiwas ng tingin. I just responded! Ugh. . . he's so cute.

Muli niya akong nilingon habang nakangisi nang nakakaloko. "Opo? In english sit? Saan ako mag-sit?" sabi ni Zern 'saka humalakhak.

Wow, holy fuck. I was flustered and didn't know what to respond so I just laughed. He got me there, big time. Nahiya tuloy ako. Kung ano-ano talaga sinasabi ko kagabi. I was out of control. Pero. . . lahat 'yon ay gusto kong gawin at walang ni-isa ro'n ang masasabi kong dala lang ng alak.

"Inaasar mo ako, ah. Gusto mo na naman atang umupo sa akin," sabi ko para siya naman ang mahiya.

Humagikhik ako dahil hindi siya nakasagot agad. He was also flustered. Ang cute talaga niya kapag umaakto siyang matapang kahit pulang-pula siya at halata namang nahihiya siya. Gano'n ang mukha niya ngayon.

"Tama na! Feeling ko umuusok na 'yung tainga ko!" sabi ni Zern at napainom bigla.

Mahina akong tumawa at kusang hinipo ang ulo niya. Napatingin siya sa akin matapos ilapag sa lamesa ang bote ng milk tea. Maamo akong nakangiti sa kaniya.

"You're so fucking adorable," I whispered while staring at him keenly.

He smiled, and reached out the tip of my nose. "Siguraduhin mo lang na hindi ako iiyak dahil sa 'yo," sabi ni Zern habang bahagyang nakangiti.

I scoffed. "Iyakin ka naman ata, e. Baka mamaya kapag naging busy ako, maging clingy ka sa akin, tapos iiyak ka dahil gusto mo ng atensyon ko," sabi ko at mahinang tumawa.

"Ano naman? Ibang iyak 'yung sinasabi ko. Buang!" sabi ni Zern at tinabig ang kamay kong nakahawak sa ulo niya.

"I won't make you cry. I promise. . ."

Tumango siya at ngumiti sa akin bago muling kumain, kaya gano'n na lang din ang ginawa ko. We should probably finish this up, baka ma-late kami. Opening pa naman ako. Hindi ko lang alam si Zern.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Nagpaalam na ako kay Georgina bago pa mag-alas dose dahil nag-chat na sa akin si Zern na maga-out na siya. Buong shift ko ako nag-isip kung anong puwedeng kainin namin ni Zern, pero wala akong naisip. Lumulutang lang ako at kusang napapangiti minsan. Tangina.

Hindi ko kasi alam 'yung mga gusto ni Zern at kung gusto niya ba mag-heavy meal ngayon. If oo, hindi lang naman rice ang puwedeng maging heavy meal. Any carbohydrates could be a heavy meal. I never thought that thinking what to eat will be this difficult.

Napangiti agad ko nang nakita ko si Zern na naghihintay sa labas ng Tafiti's. Napatayo na siya nang nakita ako't naglakad siya papunta sa akin. Nanliit ang mga mata niya dahil sa tirik na araw. Fuck, wala akong payong.

"Wala akong payong," sabi ko 'saka hinarang ang kamay ko sa sinag ng araw para hindi 'yon dumeretso sa mukha niya.

"It's fine. Tara? Saan tayo kakain?" sabi ni Zern at halatang naiinitan.

Nag-panic ang isip ko. Hindi ko alam kung saan kakain at iniisip ko pa na naiinitan siya. Kaya hinila ko muna siya sa lilim para makapag-isip kami.

"Hindi ko pa alam, e. Sabi mo kanina heavy meal ngayong lunch, pero hindi ko alam kung anong heavy meal ang gusto mo. Gusto mo ba ng rice? How about Marugame Udon?" sabi ko.

Napanguso siya. "Ooh, sige. Parang masarap do'n. Nagugutom na ako talaga kaya nagpaalam na ako agad na kakain na ako," sabi ni Zern.

"Alright, it's settled then. Mag-kotse na tayo. Baka pagpawisan ka," sabi ko.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa 'saka pinunasan ang pawis niya sa ilong. He must be sweating while waiting for me. Pinunasan ko rin ang noo niya at hindi siya pumalag sa ginawa ko.

"Wait, manghihiram ako ng payong," sabi ko at bumalik sa loob ng Ginto's.

Nanghiram ako kay Georgina at saktong mayroon siya. Mahina pa akong natawa dahil color pink 'yon at bulaklakin. Okay lang, kaysa naman mainitan si Zern. Ako, hindi naman ako nangingitim kahit anong gawin ko.

'Paglabas ko, nakangiti si Zern nang nakita ang hawak kong payong. Binuksan ko agad 'yon para payungan siya.

"Ganda, ah. Parang payong ng nanay ko," sabi ni Zern at mahinang tumawa.

Humalakhak ako. "This isn't mine," sabi ko kaya mas lalo kaming nagtawanan.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. May mga tumitingin sa payong namin, kaya mahina rin kaming natatawa. Hanggang sa makarating kami sa kotse ko.

Binuksan ko agad ang air-con para hindi siya mainitan. Mabilis lang naman lalamig.

Napanguso ako nang nakita ko siyang nagcha-chat. Sana hindi ako nakakaabala sa kanilang magkakaibigan. Ayaw kong ma-feel nilang inaagaw ko si Zern. Gusto ko rin sundin ang sinabi ni Zern. Ayaw ko rin ma-feel nina Titus na wala na akong time sa kanila. Balance lang, para maganda.

Habang nasa biyahe biglang nagsalita si Zern.

"Tinatanong ni Leroy kung saan tayo kakain. Hindi ko sinabi, kasi ro'n din siya kakain. Pumasok na kasi si Ashton kaya wala siyang kasama," sabi ni Zern at mahinang tumawa.

I chuckled. "Sobrang kulit talaga ni Leroy. Parang si Titus lang, e."

"Bading ba si Titus? May pagkabading siya, for me. 'Yon din napansin ni Leroy. Pero hindi naman sa pagiging judgmental, baka kasi akala namin lalaki siya tapos hindi naman pala," sabi ni Zern.

Nangunot ang noo ko. "I don't know. He's a little sensitive sometimes. Matampuhin kasi 'yon. Favorite niya akong asarin. Hindi ko naman nafe-feel na bading siya. Maarte lang minsan at maharot," sabi ko.

Tumango-tango si Zern. "Aah. . . okay. Feel ko naman straight siya. Or baka hindi pa siya nagigising chariz," sabi ni Zern.

Natawa ako't umiling-iling. "Okay lang naman kung bading siya o kung anuman. Wala namang problema. Kaso I doubt it, puro panlalaki naman 'yung mga hilig at gusto niyang gawin. No signs," sabi ko.

Kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa kabilang mall dahil nando'n ang Marugame Udon. Gusto ko rin kasing makasama pa si Zern kaya sa mas medyo malayo ko siya dinala.

Hindi gano'n katao sa mall, kaya naman 'pagkarating namin sa Marugame, hindi rin gano'n kahaba ang pila kaya makaka-order kami agad. Baka kasi makulangan kami sa oras. Ang hirap-hirap ngayong college habang nagtatrabaho, palaging kulang sa oras.

Sinabi ni Zern na maghahanap na siya ng seat namin at magpe-prepare na siya ng condiments. Para hihintayin na lang namin ang order namin. Nasabi na rin naman niya ang gusto niyang kainin. Teriyaki Chicken Special ang gusto niya 'saka side na salmon flakes omusubi. Katsu Curry Rice naman sa akin.

Hinanap ko si Zern matapos kong um-order. Nadatnan ko siyang nagpo-phone at may mga condiments at utensils na sa table. Imbis na sa harap niya ako umupo, sa tabi niya ako pumwesto.

"What are you doing?" bungad ko habang nakangiti.

Mahina siyang tumawa. "Inaasar ako ni Leroy. Magpapalibre lang ako sa 'yo. E babayaran ko naman 'yung order ko!" sabi ni Zern 'saka sumimangot.

"It's fine. I didn't want you to pay. At saka mapang-asar talaga 'yan si Leroy. 'Wag siyang mag-aalala, ililibre ko rin siya," sabi ko at mahina ring tumawa.

Nilingon niya ako't tinaasan ng isang kilay. "Aba't bakit? Magbabayad ako! Baka maubos pera mo kakalibre mo sa akin. Pabayaan mo 'yon si Leroy. Maraming pera 'yon," sabi ni Zern.

Umiling ako. "Ito ang bayad," sabi ko at ngumuso.

He scoffed and rolled his eyes. Humalakhak ako. "Ayaw mo? Papayag na nga akong may bayad, e. . ." patay-malisya kong sabi.

"Caiden, 'wag mo akong nililibre nang nililibre. Nahihiya ako. Alam kong nag-cut si Tita sa allowance mo, 'di ba? Paano kung gusto mo bumili ng damit? Or may bilhin kang pang-paint?" sabi ni Zern.

"It's okay, Zern. May mga naipon naman ako before. Since puro ako credit card, hindi nagagastos gaano 'yung nasa bank ko. Pero siyempre, gusto ni Mommy na mag-work ako, kaya nagsisimula na rin talaga akong magtipid," sabi ko.

"Tapos ginagastos mo lang sa akin," sabi niya habang nakasimangot.

Nangunot ang noo ko't inabot ang ilong niya para marahan 'yon pisilin. "Ikaw! Okay nga lang! Gusto kita i-treat, okay? Payagan mo na akong ilibre ka, hmm? 'Wag ka ng makulit, dahil may CR sila rito. Madali lang kitang mahihila," sabi ko at ngumisi nang nakaloloko.

He scoffed. "Hay nako. Style mo talaga bulok. Hindi mo ako 'pagbabayadin ng pera, pero may kapalit na iba, 'no!" sabi ni Zern at pabiro akong dinuro sa mukha.

Humalakhak ako't umiling. "No! Wala, ah. It makes me happy kaya kita tini-treat. Kaya sana nagiging happy ka rin. Magaan sa pakiramdam ko na nililibre kita. Gusto kong gawin para sa 'yo. Hindi dahil may kapalit mamaya," sabi ko.

"Oo na. Bahala ka kapag naubos 'yang pera mo, ah. Hindi ko na 'yan kasalanan!" sabi ni Zern.

"Manghihingi na lang ako sa 'yo. Mamamalimos ako sa labas ng dorm mo. Maglalagay ako ng karatula ro'n," sabi ko at mahinang tumawa.

"Malandi kang tao. Baka imbis na pera hingin mo, kiss na lang pala, 'no?" sabi ni Zern at inirapan ako.

Napangisi ako. "Paano mo naman nahulaan?" sabi ko at mas lalong natawa.

Dumating na ang pagkain namin. Kumain na kami habang nagkukulitan pa rin. Kung ano-ano na naman ang pinag-usapan namin. Sa sobrang dami niya ngang kinikuwento, napapahawak pa siya sa hita ko kapag nae-excite siya sa ikukuwento niya. It's a cute gesture, kaso may iba pang nagiging epekto sa akin.

Bumili rin kami ng waffle bilang dessert 'pagkatapos namin kumain. Nagtingin din kami ng damit. Magkaiba kami ng style, pero minsan gusto ko rin 'yung mga sinusuot niya kaya may times na same kami ng tinitingnan na damit.

Pinipigilan ko ngang ngumiti dahil nakahawak siya sa braso ko habang naglalakad kami. I mean, holy fuck. . . Buti na lang hindi niya nakikita na namumula ako, pero kumakalabog na 'yung dibdib ko. Tangina lang talaga.

Bago mag-ala-una, bumalik na kami sa university. Baka ma-late kami. Nagpresinta rin akong ihatid siya sa room niya. Malayo nga 'yung room niya sa room ko, pero okay lang. Hindi naman ako male-late. Sakto lang.

"Thank you, Caiden," sabi ni Zern 'saka kami huminto malapit sa room niya.

Ngumiti ako. "See you later, Zern. Sabay ulit tayo bumalik sa coffee shop. Sabay rin tayong uuwi," sabi ko at mas nilawakan ang ngiti ko.

Napangiti rin siya at halatang kinikilig. "Oo na. Baka pati pagligo ko sumabay ka na rin," sabi ni Zern.

"I already saw you though. . ." mapanuya kong sabi kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Yuck! Naninilip. Una na nga ako, male-late pa ako!" masungit niyang sabi 'saka naglakad papasok sa room.

Mahina lang akong natawa at pinanood siya. Umalis lang ako no'ng nakapasok na siya. Tumutunog na ang phone ko, at alam kong si Titus 'yon. Hinahanap na niya ako.

Pagdating ko sa room, nando'n na ang professor namin pero hindi naman ako papagalitan. Dumeretso lang ako sa tabi ni Titus.

"Saan ka galing? Hindi ka nagcha-chat kanina. Magla-lunch nga," bungad ni Titus.

"Kumain kami ni Zern. Hinatid ko rin siya sa room niya. Hindi ako nakapag-phone," sabi ko at inilapag na ang bag sa sahig.

"'Nak ng pucha, hinatid pa. Nanliligaw ka ba? Totoo na ba 'to? Hindi na lang ba kilig sa gym habang ka-chat si Zern?" sabi ni Titus habang nakangiti nang nakaloloko.

Mahina akong tumawa. "Baliw. Makinig ka na. 'Saka baka hindi pala tayo makagawa ng logo ngayon nina Zern. May work pa kami. Puwede siguro mamayang pag-out namin," sabi ko.

"Oo, pre. Ayusin na natin 'yon. Nakapag-line art na ako no'ng isang logo natin. Ikaw na mag-render at kulay. Nakakatamad mag-blend," sabi ni Titus.

"Sige, sabihan ko si Zern mamaya," sabi ko.

"Dumadamoves ka kay Zern, ah? In love? May pahatid pa, ah," sabi ni Titus kaya nakakunot ang noo kong nilingon siya.

"Shut the fuck up, Titus," sabi ko at natatawang umiling-iling.

"Tangina mo, gago. Lover boy!" pang-aasar ni Titus kaya tinaasan ko siya ng middle finger.

Panigurado sasabihin na niya 'yan kina Magnus. Sinabi ko sa kaniya para hindi nila maisip na bigla na lang akong nawawalan ng time. Maiintindihan naman siguro nila kapag nalaman nila 'yung dahilan. Makikipag-bonding pa rin naman ako sa kanila.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nakangiti ako buong klase. Tangina talaga. . . kinikilig ako tangina. Para kaming nag-date kanina sa mall, tapos sa sobrang comfortable ko nakahawak na ako sa braso niya. Gano'n kasi ako kapag naglalakad, kahit kina Ashton or Leroy mahilig ako kumapit.

Kino-compliment niya pa ako habang nagtitingin kami ng damit. Putangina huhu. Iba 'yung epekto sa akin kapag si Caiden nagco-compliment. Feeling ko sobrang bagay na bagay sa akin. Muntik ko na ngang bilhin 'yung damit kanina dahil sabi niya sobrang cute ko raw do'n.

Tapos putangina talaga, opo. Hinatid niya pa ako sa room ko? Lord. . . huhu. Gusto kong gumulong-gulong sa hallway kanina. Natanong nga ako agad ni Leroy dahil namumula ako 'pagpasok ko, tapos halatang kinikilig ako.

Pero kahit hindi pa ako sumasagot, alam na niya agad kung bakit. Kung ano-anong inasar niya sa akin. Natanong ko rin si Ashton, kumakain daw mag-isa. Hindi kasi niya rin nakasabay si Leroy kanina mag-almusal pati mag-lunch dahil nag-overtime 'yung last subject ni Ashton.

Kaya 'pagkatapos ng first subject namin, nag-chat agad ako kay Ashton kung nasaan siya. Nag-worry ako bigla na palagi siyang mag-isa. Kahit kasi samahan man siya ng ka-block niya, hindi pa rin 'yon gaano comfortable.

Napangiti naman ako agad nang nadatnan namin siya ni Leroy sa labas ng building namin. He looks tired pero ngumiti rin siya sa amin.

"Hello, Ashton. Alas-singko pa next mong klase, 'di ba?" sabi ko.

Tumango siya. "Oo, na-miss ko kayo. Ngayon ko lang kayo nakita ngayong araw. Okay ka na pala? Naihatid ka naman ni Caiden kagabi nang maayos?' sabi ni Ashton.

"Oo. Nagpasalamat ako at pinagpahinga na rin siya kasi may tama na rin. Nagpatulong nga kami kay Magnus sa pag-akyat kay Titus," sabi ko.

Tipid na ngumiti si Ashton. "That's good," sabi niya 'saka nag-iwas na ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Leroy. Hindi rin maipinta bigla ang mukha ni Leroy kaya alam kong may problema. Napabuntonghininga ako. Ashton must be having trouble about the idea of Caiden and me.

Nabasa rin siguro ni Ashton 'yung pinag-usapan namin ni Leroy kanina sa GC. I'm worried that he'll distance himself. Ayaw kong ma-feel ulit ni Ashton na parang wala kami ni Leroy sa tabi niya.

"Ashton. . . can I talk to you for a while?" sabi ko.

Tumango naman si Ashton, 'saka kami naglakad papunta sa isang picnic table malapit sa building namin.

"Are you okay? Hindi mo naman nafe-feel na parang mag-isa ka?" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Umiling siya. "No, I'm okay. May mga iniisip lang at saka pagod. Ang dami ko ring ginagawang essays, and reaction paper. Nakakapagod," sabi ni Ashton.

Napasimangot ako. "Sorry, hindi ka namin nasamahan kumain kaninang umaga. Bukas, breakfast tayo nina Leroy. Na-miss na din kita agad. Na-miss ko 'yung amoy at tawa mo," sabi ko.

Napabuntonghininga siya't pagod na ngumiti. "I miss you, too. Hindi lang siguro ako sanay na may kasama kang iba. But I'm fine. Nahihirapan lang akong tanggapin," sabi ni Ashton.

Napalunok ako't hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "You know that I love you, right? Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng ibang tao kung gaano ako ka-affectionate sa 'yo. Alam kong gano'n ka rin. 'Wag mo iisipin na dahil kasama ko si Caiden, kakalimutan ko na kayo ni Leroy, hmm?"

Tumango si Ashton. "I love you, too. Miss na miss na kita. Pakiramdam ko palagi ang layo-layo mo na sa akin," sabi ni Ashton at mabilis ang pagkurap 'saka binasa ang labi.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "I'm sorry. I can't," sabi ko.

Hindi ko na deneretso. Mukhang alam na naman na ni Ashton 'yung gusto kong sabihin, dahil nakuha ko rin ang gusto niyang sabihin.

"I know. I know. I understand. Nahihirapan lang akong tanggapin," sabi ni Ashton at suminghot.

Namumuo ang luha sa mga mata niya pero pinipigilan niyang tumulo 'yon. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya kaya gusto kong suportahan si Ashton para hindi siya mag-collapse.

"I'm sorry, Ashton. I'm really sorry. Hindi ko alam kung paano ko mapupunan 'yung pagkukulang ko. Or kung paano ako makakabawi sa 'yo," sabi ko.

Umiling siya. "It's okay. I'm fine. Kaonting araw lang, okay na ako. I'm fine. It's okay. Hindi mo kailangan bumawi. This is my problem. You're not responsible for any of this. Pero sana. . . 'wag mo akong lalayuan, please?"

Namuo na ang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako habang pinapanood ang mukha ni Ashton na pinipigilan umiyak kahit kitang-kita ko kung gaano siya nasasaktan.

"Hinding-hindi kita lalayuan, okay? You're so special to me, Ashton. Mahal na mahal kita. As in, super! Hindi kita ipagpapalit kay Caiden. Kayo pa rin ni Leroy ang pipiliin ko kung maging dehado man ako kay Caiden, okay?" sabi ko.

Tumango siya. "Okay. I'm fine. I'm okay. Gusto lang kitang yakapin ngayon," sabi ni Ashton.

Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Ramdam na ramdam ko kung gaano kabigat ang paghinga niya at kung paano 'yon nanginginig dahil sa pagpipigil niyang umiyak. He's hurting so much. Hindi niya 'to deserve. Nalulungkot ako para sa kaniya.

Everything will be all right. . . kailangan ko lang i-balance. Work, family, friends, academics, and him. Sana hindi ako ma-overwhelm. I'll always try to be present dahil lahat sila mahalaga sa akin.

Wala na akong dapat i-overthink. I should just appreciate what's happening right now. It will be fine.

Ashton, Leroy, and me. We'll be all right. Caiden and I will also be all right. All is well. I hope so. . .


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

917K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
171K 931 125
In this book, you will see Taylor Swift's songs with lyrics. This was purposely made for Swifties. Support this book by voting and adding this to you...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...