Jersey Number Nine

By xelebi

409K 21.6K 17.6K

It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter... More

Jersey Number Nine
00
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31

02

11.3K 533 364
By xelebi

• 🏐 •

Sabay nga kaming kumain ni Kuya Nico rito sa kwarto nila.

At iyon na yata ang pinaka-awkward at pinakamatagal na pagkain ko sa buong buhay ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ngunguya. Si Kuya Nico kasi, pinapanood ako habang kumakain. Hirap na hirap tuloy akong lumunok pero dahil sa sobrang seryoso ng tingin niya sa 'kin ay pinipilit ko na lang kahit maraming beses akong muntik mabulunan.

Idagdag pa na walang nagsasalita sa 'ming dalawa. Iyong tunog lang ng aircon at mga kubyertos namin ang naririnig ko. Gusto ko nga sanang tanungin kung bakit niya ako pinapanood pero nakakatakot kasi siya talaga tumingin.

Parang isang salita ko lang, iyong paa ko naman ang babaliin niya para pareho na kami.

Kaya ginawa ko na lang ang lahat ng makakaya ko para hindi siya tignan pabalik.

At hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ako lang ang nag-iisip no'n pero parang sinasabayan niya iyong bilis ko sa pagkain. Para bang kapag susubo ako, doon lang din siya susubo kahit pwede naman niyang bilisan.

Ang awkward talaga na sinamahan pa ng kaba kasi wala talaga siyang pinapalampas sa mga galaw ko. May isang beses pa ngang nanginig iyong kamay ko habang sumusubo pero buti na lang ay nakontrol ko iyon kundi natapon na iyong pagkain.

Gusto ko na sanang bilisan pero baka magtaka naman siya kung bakit ko binibilisan. Hindi ko alam ang isasagot ko ro'n. Hindi rin naman pwedeng hindi ko ubusin ang pagkain ko kasi baka lalo lang siyang magtanong.

Bigla ko tuloy naisip kung ito ba iyong ganti niya sa 'kin sa pag-sprain ko sa paa niya. Kung ito nga, grabe naman itong si Kuya Nico... ang brutal.

Mas matatanggap ko pa yata kung mumurahin niya ako at sasabihang tanga kaysa ganito na para siyang CCTV na nakabantay sa 'kin.

Gusto ko nang bumalik sa kwarto ko.

Naiiyak na ako sa sobrang awkward.

Paano nga kaya kung iyakan ko na lang siya? Baka sakaling maawa siya sa 'kin.

"Seb."

"Ay, awkward!"

Nasa kalagitnaan ako ng pagde-decide kung iiyak na ba ako nang magulat ako nang biglang niyang tawagin ang pangalan ko. Nagkatinginan kami at naabutan kong magkasalubong agad ang mga kilay niya.

Dumoble bigla iyong kaba ko.

Ito na yata iyong cue para umiyak ako.

"Awkward? Bakit awkward?" Seryosong tanong niya.

Hindi pa nakakatulong na ang lalim ng boses niya. Buong-buo iyon na akala mo ay galing sa ilalim ng balon.

Binalik ko ang tingin sa pagkain kong wala pa sa kalahati. Binuka ko ang bibig ko pero sa kasamaang palad, walang lumabas na salita ro'n. Pinilit kong mag-isip ng sasabihin pero lalo akong kinabahan nang mablangko bigla ang utak ko.

Ano na, Sebastian?

Tinatanong ka no'ng tao!

"Awkward ba itong ginagawa natin?" Tanong ulit niya no'ng wala pa rin akong masabi.

"P-Po?" Sabi ko pero agad ding tumikhim. Ang kulit mo, Seb! Wala nga sabing po! "M-Medyo awkward lang. Pero kaunti lang naman..." po. Kinurot ko ang kamay ko nang muntik ko ulit masabi ang pinagbabawal na salita ni Kuya Nico.

"Bakit? Kumakain lang naman tayo."

Pinapanood n'yo po kasi ako habang kumakain. Ano po bang problema n'yo, sir?

Iyon sana ang gusto kong isagot pero mas pinili ko na lang manahimik. Ang gusto ko na lang ng mga oras na iyon ay matapos na sa pagkain para makabalik na sa kwarto ko. Ayoko na rito na malapit kay Kuya Nico. Parang ano mang oras ay babalian niya talaga ako ng buto.

"Takot ka ba sa 'kin?"

Napahinga ako nang malalim nang marinig ang sumunod niyang tanong.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako takot kay Kuya Nico. Ang tamang salita ay kaba. Kinakabahan talaga ako sa kaniya. May kung ano talaga sa kaniya na unang tingin mo pa lang ay pangingilagan mo na. At may mga gano'ng tao naman talaga. Iyong wala pa namang ginagawa sa 'yo pero gusto mo na agad iwasan.

Pero hindi lang naman ako ang kinakabahan sa kaniya. Kahit si Uno ay sinabi sa 'kin dati na kabado rin siya kapag kinakausap siya ni Kuya Nico. Naalala ko pa iyong unang beses siyang nilapitan. Namutla si Uno no'n pero imbes na matawa ako ay naawa ako sa kaniya.

Pero overall, mabait naman si Kuya Nico.

Kita ko naman iyon sa kung paano siya tratuhin ng mga tao sa paligid namin. Respetado siya ng mga seniors namin kahit sophomore year pa lang niya sa team. Madalas ding i-consider ng coaching staff ang suggestions niya.

Pwede na nga siyang maging team captain, e.

Siguro, sadyang initimidating lang talaga ang hitsura niya. Sabi ko nga no'ng una ko siyang makilala, gwapo pero mukhang suplado at palaging galit.

Pero hindi talaga siya suplado, a? Mukha lang.

Basta, nasa mukha niya ang problema.

"Takot ka sa 'kin, Seb?" Tanong ulit niya.

Napakurap ako. "Uhm, h-hindi naman."

"E, bakit kinakabahan ka?"

Napalunok ako. Daig ko pa ang ginigisa sa thesis defense kahit freshman pa lang ako. Pwede bang kumain na lang kami ulit? Pakiramdam ko kasi ay tutulo na talaga ang mga luha ko sa pressure ng mga tanong niya.

"Ayaw mo ba sa 'kin?"

Kasasabi ko pa lang na maiiyak na ako, may panibagong tanong na naman!

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko saka siya tinignan ulit. Agad na nagtama ang mga tingin naming dalawa. Pero nagulat ako nang hindi inis ang nakita ko sa mukha niya kundi... hala... kinakabahan siya?

"Hindi mo ako pinapansin sa mga trainings. Akala mo, hindi ko napapansin iyon?"

Hala. Napapansin niya raw! Napaiwas ulit ako ng tingin.

Pero... hindi ko naman sinasadya iyon...

Isa pa, wala rin akong maisip na pagkakataon para pansinin siya. Ibig kong sabihin, abala kasi siya agad at seryoso pagdating sa oras ng training namin. Kausap niya na agad sina Kuya Harold pati sina coach. Nakakahiya naman kung bigla ko siyang kakausapin no'n, 'di ba?

At... kailangan ko ba talaga siyang pansinin?

Napaisip tuloy ako bigla. Oo, teammate ko siya pero paano ba iyong sinasabi niya na pansinin ko siya?

Kapag dumarating naman ako sa gym, bumabati naman ako sa kanila. Iyong bati ko, para sa lahat na iyon. Wala naman talaga akong specific na tao na iyon lang ang pinapansin ko. Maliban na lang siguro kay Uno na kinukulit agad ako.

So... gusto ni Kuya Nico na kinakausap ko siya sa gitna ng trainings namin?

Pero baka pagalitan kami ni coach kung puro kami kwentuhan...

"Uhm," napalunok ulit ako kahit wala namang sinubo na pagkain. "W-Wala rin naman kasi akong sasabihin."

Nagkatinginan ulit kami.

Iyong nakita kong kaba kanina sa mukha niya ay napalitan na ulit ng kunot ng noo. Hala, may nasabi na naman ba akong ayaw niya?

"A simple hello would be nice," napapaos ang boses na sabi niya pagkatapos ng maikling katahimikan.

Napakurap ako. "H-Hello?"

Gusto niya lang na mag-hello ako sa kaniya? So, hindi pala niya naririnig iyong bati ko sa tuwing dumarating ako sa training? Malamang, Seb. Kaya nga akala niya ay hindi siya kasali sa pagbati mo kasi hindi pala niya naririnig, e.

Tumango siya. "Yes," sagot niya na seryoso pa ring nakatingin sa 'kin. "Can you do that?"

Dahan-dahan akong tumango. "O-Okay."

"Good," aniya at nakahinga ako nang maluwag nang makita na na-satisfy siya sa sinagot ko. "I'll do the same."

"O-Okay po."

"There's the po again, Sebastian."

"Ay, hala," nakagat ko ang labi ko saka napapikit. Medyo kinabahan din kasi tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Parang bigla kong narinig si nanay sa kaniya. Gano'n kasi iyon kapag pinapagalitan ako, e. Tinatawag ako sa full name ko.

Nakita kong napailing na lang si Kuya Nico pero may maliit na ngiti sa labi.

Paano ba kasi hindi mag-po? Sanay na kasi akong gano'n sa mga mas nakatatanda sa 'kin. Dalawang taon lang ang agwat namin pero mas matanda pa rin sa 'kin si Kuya Nico. Sigurado ako na kapag narinig ako nina nanay at tatay na hindi gumagalawang sa matanda sa 'kin, pagagalitan nila ako.

"Kain ka pa," sabi ni Kuya Nico.

Tumango ako at buti na lang ay hindi na niya ako ulit ako pinanood. Naging abala siya sa cellphone niya kaya sinamantala ko iyon na bilisan ang pagkain. Malalaking subo ang ginawa ko para lang matapos na pero nang mapatingin ako sa paa niyang nakabenda ay nawalan agad ako ng gana.

Oo nga pala. Halos makalimutan ko na kung bakit ako nandito. Nagso-sorry nga pala ako sa nagawa ko.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa 'kin.

"Bakit?"

"Uhm, gusto ko lang ulit mag-sorry."

"Sorry for what?" Tanong niya at sabay kaming napatingin sa paa niya. "I told you, it's not your fault."

Umiling nga lang ako. "Kasalanan ko iyon. Hindi ko nai-set nang maayos kaya naapakan mo iyong paa ng blockers ng Creston."

"I'm fine, Seb. Don't think too much about it. Sprain lang naman 'to."

"Pero-"

Pareho nga lang kaming natigilan nang marinig naming bumukas ang pintuan. Nilingon namin iyon at napatayo ako kasi si Kuya Harold pala iyong pumasok. At mabilis pa sa alas quatro na sumama ang tingin niya sa 'kin nang makita ako.

Handa na akong mapagsalitaan ulit pero nilipat niya lang ang mga mata kay Kuya Nico. Mula sa marahas na tingin ay naging kalmado iyon.

"May kailangan ka, Nico?"

"Yeah. I want you to say sorry to Seb."

Pareho kaming nagulat ni Kuya Harold sa sinabi ni Kuya Nico. Nagsukatan sila ng tingin at maya-maya lang ay natawa ang team captain namin sa sarcastic na paraan. Pagkatapos ay ako ulit ang tinignan niya At gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko kaya agad din akong napayuko.

"Bakit ako magso-sorry? Wala naman akong ginawa."

"You know what you did."

"Tangina naman, Nico. Pinapunta mo ako rito para mag-sorry sa katangahan ni Angeles?"

"Watch your words," puno ng pagbabanta ang boses ni Kuya Nico. "Baka makalimutan kong captain kita."

Bahagyang natigilan si Kuya Harold. "What the fuck? Bakit? Totoo naman iyong mga sinabi ko kanina, a? Bakit ako magso-sorry, e, pinatalo naman talaga tayo niyan? At ikaw," sabay baling niya sa 'kin kaya napatalon ako sa gulat. "Nagsumbong ka pa talaga kay Nico? Ang kapal mo rin, e, 'no? Kung gusto mong makabawi sa team, mag-training ka nang malala para matuwid mo iyang mga daliri mo para makapag-set ka nang maayos."

"Harold-"

Pero mabilis na lumabas ng kwarto si Kuya Harold. Gusto pa sana siyang habulin ni Kuya Nico pero hindi na niya nagawa gawa ng paa niyang injured.

Nagkatinginan kami.

Mula sa inis ay lumambot ang expression sa mukha niya.

"Seb-"

"Okay lang po," agap ko saka kinuha iyong lagayan ko ng pagkain na hindi ko pa rin nauubos. "Kasalanan ko naman talaga. Ako po dapat ang mag-sorry," sabi ko saka ngumiti. "Siguro po, ano, uhm, palipasin na lang muna natin iyong galit ni Kuya Harold."

Hindi na sumagot pa si Kuya Nico. Ngumiti lang ulit ako sa kaniya para ipakita na okay lang ako. Ayos lang naman talaga ako. Masakit iyong mga sinabi ng team captain namin pero sabi ko nga, kasalanan ko naman iyon kaya wala akong karapatan na sumama ang loob.

"Pasensya na ulit sa nangyari," sabi ko saka nag-bow kay Kuya Nico na seryosong pinapanood lang akong lumalapit na sa pinto. "Pagaling ka po, kuya."

At paglabas ko ng kwarto niya ay ro'n ko lang na-realize iyong huli kong sinabi. Nag-po na nga ako, natawag ko pa siyang kuya.

Palpak ka na naman, Sebastian.

Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 518 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
23.7K 1.5K 4
It all started when business student Ish Ocampo watched middle blocker Theo Yu play for the very first time.
69.7K 2.4K 38
Eli, a warmhearted boy dreaming of experiencing romance on his youth. He's a good student, works at a coffee shop, and has a massive crush on a young...
446K 13.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.