FPS 1: His Illicit Affair

By perieaus

27.9K 355 11

His Illicit Affair Forbidden Passions Series A Collaboration Genre: Erotic Romance/R-18 Status: Complete Ly... More

Forbidden Passions Series
Paalala
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Wakas
Pasasalamat
Bonus Chapter

Chapter 18

587 5 0
By perieaus

Chapter 18

May mga tanong na naglaro sa isip ni Traios habang nagmumukmok sa loob ng Jaguar. Hindi siya umalis sa condonium kung saan naglalagi si Lyxhel. Umalis lang siya sa floor ng unit nito dahil ang puso niya ay namamanhid na sa sakit.

Is he really that worthy of her? Or that’s what he only thinks? Paano kung mas sapat ang boy bestfriend nitong si Bryxse kaysa sa kaniya?

Never in his entire relationship with Lyxhel, he thinks so low of himself. He didn’t even feel threatened by any boy who got involved with her. Because he trusts Lyxhel so much. He knows that she only loves him.

Pero iba na ngayon. Ibang-iba na dahil may nagawa siyang mali rito. Isa pa, hindi na rin niya hawak ang puso ni Lyxhel. Nakipaghiwalay na rin ito sa kaniya kahit na hindi naman niya gusto ang desisyon na iyon ng dalaga.

Gusto niyang magwala ngunit hindi niya naman magawa dahil naisip niya na baka makaapekto iyon kay Lyxhel. Hindi niya rin naman maaaring sisihin ang dalaga sa nangyari sa kanilang dalawa. Nasaktan ito kaya tama lang ang naging desisyon nito sa relasyon nila.

Tama lang na hiniwalayan siya nito.

Dinukdok ni Traios ang ulo sa steering wheel ng ilang beses. Minumura niya rin ang sarili. Pero dahil hindi niya pinatay ang makina ng Jaguar, naglikha ng tunog ang busina nito. Na siyang nakaabala sa parking lot.

Nilapitan siya ng security at kinatok nang kinatok pero hindi niya pinansin. Nanatili lang siyang nakadukdok doon. Pinagbantaan na siya’t lahat-lahat ngunit hindi pa rin talaga siya nagpatinag.

“Sir, nakikiusap ako. Buksan niyo na ho, kung ayaw niyo hong umalis, mabuting patayin niyo na lang ho ang makina niya. Nakakaabala ang busina niyo sa lahat.”

Bumuntong-hininga na muna siya bago siya umalis sa pagkakayuko. Binuksan niya ng bahagya ang salamin at humingi ng tawad sa security.

“May unit ho ba kayo rito, sir o may binibisita? Kung may binibisita kayo, pwede namin silang ipatawag para ipaalam ang kalagayan niyo. Lasing din ba kayo, sir?”

Umiling siya. “I’m not drunk. But, yeah, I’m visiting my girlfriend. Or should I say ex-girlfriend.”

“Ah, brokenhearted kayo, sir? Dinamay niyo pa ho ang busina niyo pati mga tainga namin. Alam niyo ba, sir na akala namin ay mabibingi na kami?” Sabay tawa nito habang nagsasalita.

Maraming tao nga ang nakiusyoso at ang iba ay nakitawa rin. Pero hindi naman niya magawang matawa dahil mas matimbang ang sakit na nararamdaman ng puso niya. Isa-isa na rin namang nagsialisan ang mga ito matapos tumawa. Kaya ang natira na lang ay silang dalawa ng security guard.

Kinuha niya ang kaniyang wallet, bumunot siya ng ilang libo roon at inilahad sa security. “I’m really sorry. Here, take this. Para maps-check mo ang tainga mo.”

“Sir talaga! Mapagbiro ka rin pala. Pero hindi ko iyan matatanggap, sir. Ayos na rin naman ang tainga ko. Mabuti pa, sir na sabihin niyo na lang sa akin kung sino ba iyang ex-girlfriend niyo para matawagan namin at mapapunta rito.”

“No, it’s okay. Aalis na rin naman ako. I’m really sorry.”

“Okay, sir. Huwag ho kayong maglasing, ah. Baka mas malala pa ang gawin niyo, eh.”

Isasara na niya sana ang bintana matapos niyang tanguan ang security pero hindi iyon natuloy nang marinig niya ang boses na ilang araw niya ring hindi narinig.

“Traios? W-what . . . is happening?” she asked in a confused tone. “Kuya Bong?”

“Ayy, Ma’am Lyxhel, ikaw po ba ang ex-girlfriend ni sir? Kaya naman pala broken na broken itong si sir, ma’am.”

“Ano po ba ang nangyari?”

“Bukas po kasi ang makina niya tapos ay idinukdok niya ang ulo niya sa steering wheel, ayon ho, tumunog nang tumunog ang busina. Muntik kaming mabingi. May mga tsismosa kasi kanina dito.”

“Uhm, sige, Kuya Bong. Sorry po sa abala. Ako na hong bahala sa kaniya. Pwede niyo na kaming iwan.”

“Sige, ma’am!” Sumaludo na muna ang tinawag na Kuya Bong ni Lyxhel bago sila tuluyang iniwan nito.

Nang mawala na sa paningin nila ang security guard, pumasok sa passenger’s seat si Lyxhel. Isinara muna nito ang pinto bago siya nito hinarap.

“What were you thinking, Traios? And why are you here? Didn’t we break up already?”

Malungkot siyang tumungo. “You were the one who decided to break up, Xhel. I didn't approve of it. Nandito rin ako dahil gusto kong magbakasakali. Bakasakaling sa oras na makita mo ako, bigla mo akong yakapin at tanggapin ulit sa buhay mo. Pero nagkamali ako, nakita kasi kitang masaya na sa iba.” Ayaw niyang manumbat pero iyon ang lumabas ang bibig niya.

Hindi niya rin kasi matanggap na may iba na ito samantalang hindi pa naman tumatagal ang break up nila na hindi naman niya inaprubahan.

Malakas na bumuga ng hangin si Lyxhel. “I do want to run back to you. But I don’t know why I’m having second thoughts. Baka dahil sa nagawa mo. Na naiisip ko, kung hindi ka nagtiwala sa akin. Maaring gawin mo ulit iyon. Maaaring maglihim ka ulit.”

“I was just doing us a favor, Traios. Baka mas lalo tayong magkasakitan kung mananatili pa rin tayo sa isa’t isa. Gusto ko ring ayusin muna ang nasa isip ko. Hindi mo man ako naging mistress pero gusto pa rin na lumayo sa iyo.”

“I’m really sorry, Xhel. I’m really really sorry.”

“Naiintindihan ko naman na ginawa mo iyon dahil nangako ka sa kapatid. Basta, magulo lang talaga ang isip ko ngayon. Isa pa, wala akong in-i-entertain na iba. Kung nakita mo man kami ni Bryxse dahil iyon sa nagpunta siya sa unit ko para kausapin ako. Para sabihin kung ano nga ba ang dapat kong gawin. And to assure you, he already has his own lovelife. But I’m not sure if they’re planning to get married.”

Tumingin siya sa dalaga na tumingin din sa kaniya. Nakita niya sa mga mata nito na tila nahihirapan ito at nangungusap din. Na para bang sinasabi ng mga mata nito na intindihin na muna siya at hintayin.

“Can I at least get a hug? I’ve missed you.”

Hindi ito nagsalita pero bahagya itong lumapit sa kaniya. Hinila siya nito at niyakap. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kaniya. Pagkatapos ay bigla na lang niyang naramdaman na humihikbi ito.

“Oh, Traios. I don’t know what to do. I love you but . . .” she said in a troubled voice and stopped what she’s about to say.

Isang magkahalong malungkot at masayang ngiti ang namuo sa labi niya. Nasasaktan siya na malamang nahihirapan ang babaeng minamahal niya na dahil din naman sa kaniya. Gagawin na lang niya kung ano ang makakabuti rito.

Hahayaan niya muna si Lyxhel na makapag-isip at kapag may buo na talaga itong desisyon, ‘tsaka niya ito muling susuyuin at hindi na muling hahayaan na makabitiw sa kaniya.

“In the meantime, ikaw muna ang mag-alaga sa sarili mo, okay? Please, don’t unlove me, love. Keep loving me until we get back together. I love you so much.”
He planted a little kiss on her temple many times. “You’re allowed to meet boys but don’t make them court you, okay?”

Bahagya siyang tinampal nito sa kaniyang tagiliran. “Sira! How can I let them court me if you’re the one I was thinking all the time, huh? Sige nga!”

“Fine, just don’t fall out of love with me. Kapag handa ka na ulit na makita ako, alam mo naman kung saan ako pupuntahan, ‘di ba? O kung ano ang numerong tatawagan mo.”

“Ang dami mo namang bilin. Paano pala kung bigla akong makalimot? Mauntog ang ulo ko tapos hindi na kita maalala, hmm? Anong gagawin mo? Lalapitan mo pa rin ba ako noon o tutuparin mo ang sinabi mong hahayaan muna ako?”

Napaisip saglit si Traios. Tinitimbang ang sasabihin niya sa dalaga. Baka kung mali ang sabihin niya ay tuluyan na nga talaga na mawala ito sa kaniya.

“Oh, bakit hindi ka makasagot?”

“Oh, Xhel! You really know how to wrap your fingers on me. Hindi kita lalapitan pero lahat ng lalaking lalapit sa iyo para ligawan ka ay tatakutin ko. Aba, hindi naman pwedeng porket may amnesia ka noon ay mawawala ka na sa akin. No way!”

Tumawa ng mahina si Lyxhel. “Ewan ko talaga sa ‘yo. Ay, tama na nga itong yakapin natin. Aalis na ako. Ikaw, mag-ingat ka rin, okay? Kung sakali mang hindi mo na ako mahintay, hindi naman kita pipigilan na magmahal ng iba.”

Ipinakita naman ni Traios sa kaniyang mukha ang pagsang-ayon. “I won't like anyone else. You're the only one I like and love for the rest of my life.”

“Oo na, sige na! Alis na ako. Bye! Ingat ka sa pag-da-drive.” Tuluyan na nga itong lumabas sa Jaguar niya. Kumaway ito sa kaniya bago tuluyang lumakad papalayo sa kinaroroonan niya.

Dala ang pag-asa na ibinigay sa kaniya ni Lyxhel, pinaandar na niya ang Jaguar at umalis na may sayang nararamdaman sa kaniyang puso.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 61 27
"Ni minsan ba minahal mo ako? O pinilit mo lang ang sarili mong mahalin ako dahil kapag kasama mo ako pansamantala mong nakakalimutan ang pag-iwan ni...
27.4K 496 38
A girl who fell in love with his first crush. Dahlia Moretti a bubbly girl who had a crush on a snob-Theseus Ferrari. He became her inspiration and s...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...