chapter 54 - The Last
kim pov
Tok Tok Tok
" ma may kumakatok " sigaw ko, nasa CR kasi ako naliligo
" anak ikaw hinahanap " sigaw naman ni mama
" sandali lang po " sigaw ko sabay labas na ng CR kaya nagbihis na ako at agad akong bumaba
" anak pinapabigay sayo oh " mama sabay abot sakin ng isang envelope na color red
" kanino galing? " tanong ko sabay kuha kay mama
" galing sa guardian mo " sagot naman ni mama
pagkakuha ko ng envelope ay agad kong nakita ang tatak na SK
im sure na galing ito sa Star Knight peroo ano naman kaya kailangan nila
" anak diba sa Star Knight yang envelope? "
" ah opo "
" anong meron? "
" ewan ko " ako sabay bukas ng envelope
pagkabukas ko naman ng envelope ay nakita kong may letter kaya agad ko itong binasa
" kung gusto nyo pang makitang buhay ang mga kasamahan nyo ay pumunta kayo sa Arena kung saan ginaganap ang mga labanan "
" anak pupunta ka? " tanong kaagad sakin ni mama
" ma wag kang mag-alala dahil para toh sa mga kaibigan ko "
" basta mag-iingat ka ah "
Tok Tok Tok
binuksan ko naman yung pinto, pagkabukas ko ay si guardian lang pala
" bakit po yun guardian? "
" gusto po ng boss ninyo na pumunta muna kayo sa meeting "
" bakit daw? "
" hindi ko rin po alam "
" ah sige magpapalit lang ako "
" sige po mam, hintayin ko na lang po kayo sa labas "
umakyat na nga ako at sinuot ko na kaagad yung dating damit ni mama
" anak oh " mama sabay bigay sa akin ng isang pito pero kakaiba yung itsura nya
" para saan naman toh ma? " tanong ko habang pinagmamasdan yung pito
" kapag nasa panganib ka o di kaya kailangan mo ng tulong ay pumito ka lang " paliwanag naman ni mama
" bakit dadating ba si Batman? "
" basta anak, mag-iingat ka ah "
" sige po ma alis na ako " ako sabay labas na ng pinto
pagkalabas ko naman ng bahay ay agadakong sumakay sa kotse
makalipas ng ilang oras ay nakarating na rin kami sa meeting place
" ang tagal mo yata Star " bungad sakin ni jay
" traffic eh " sagot ko naman
" Star umupo ka na " utos ni raphael kaya umupo na ako sa tabi ni jay
" alam ko na nakatanggap kayo ng letter, gusto ko sana na wag na kayong pumunta " seryosong sabi ni raphael
" pero boss, hindi kami papayag na hayahan kang mag-isa " singit ni kuya shin na halatang worried
" oo nga raphael, alam naming hindi mo kayang mag-isa pumunta dun " singit ko naman
si jay naman walang reaksyon sa sinabi ni raphael, siguro naman kahit papaano may pakealam sya
" bilang boss ninyo o ng Star Mafia ay inuutusan ko kayo na wag kayong pumunta dahil ayokong madamay pa kayo " seryoso talagang sabi ni raphael
" pero raphael " singit ko
" kung yan ang gusto mo boss, sige hahayahan ka namin sa desisyon mo " singit ni jay kaya bigla kaming napatingin ni kuya shin sa kanya
" mc star, kung wala kang pake edi wag kang sumama " ako sabay tingin kay jay
" wala naman tayong magagawa dahil boss na mismo ang nagsabi kaya sundin na lang natin sya " paliwanag naman nya
" hayahan nyo pagkatapos ninto magiging malaya na kayo dahil wala ng gagambala sa inyo " raphael na parang akala mo namamaalam
" don't tell me na makikipagpalita ka para lang bumalik silang anim " sagot ko
" kung yun lang ang paraan bakit hindi " sagot naman nya
sa mga sinabi nya ay naramdaman ko na lang na lumuluha na ako pero hindi naman yata nila napapansin yun dahil sa nakaeyemask ako
" ok tapos na ang usapang ito kaya uuwi na ako dahil busy pa ako, basta mag-iingat ka na lang BOSS " jay na inemphasize talaga ang salitang BOSS
pagkatapos yang sabihin iyon ay lumabas na sya
" hindi ko man gusto yung binabalak mo pero wala akong magagawa, basta ito lang ang masasabi ko tunay ka nga talagang boss dahil hanga ka na ialay ang buhay mi para sa iba o para sa amin " kuya shin sabay alis na din bali ako na lang mag-isa ang nakaupo dito
" ikaw star, wala ka bang gagawin? " tanong sakin ni raphael
hindi naman ako sumagot nun dahil umiiyak lang ako
sinabi ko dati na ayoko ng may mamatay pa ng dahil sa gulong ito pero mukhang hindi yata mangyayari ang gusto ko dahil tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan parang mangyari ang dapat mangyari
" star umiiyak ka ba? " raphael habang papalapit sa akin
hindi ko ulit sya sinagot nun dahil bigla na lang ako lumabas at agad akong sumakay ng kotse
" mam tuloy po ba tayo? " tanong ni guardian
" sa bahay na lang po tayo " sagot ko
" sige po mam " guardian sabay start na ng kotse
raphael pov
hindi ko alam kung bakit umiiyak si Star Princess pero minsan sa tuwing nakakasama ko sya ay pakiramdam ko ay kasama ko si Kim
bago ako tuluyang umalis ay kinuha ko muna yung picture na nakalagay sa loob ng polo ko
ang picture na iyon ay kung saan nakasama ko si kim na magbike kami
" hindi ko alam kung bakit hindi man lang kita nagawang ipaglaban pero siguro wala naman yatang sapat na dahilan para ipaglaban ka dahil alam ko naman na talo rin ako kasi mas mahal mo sya kaysa sa akin, pero alam mo mahal na mahal kita, sana makita man lang kita bago ako mawala "
sa mga sinabi ko ay hindi napansin na umiiyak na pala ako
binalik ko ulit yung picture sa loob ng polo ko at lumabas na nga ako
kim pov
tama ba tong gagawin ko? hahayahan ko na lang ba sya na mamatay
una si mico, tapos ngayon sya naman
hindi na ako papayag na may mamatay pa
lalo na at naging bahagi sya ng buhay ko
" guardian gusto kong bumalik po tayo at pumunta tayo kung saan yung lugar na hinihiling ng star knight " utos ko kay guardian
" sure po kayo mam? " tanong nya
" opo sure ako "
" sige po mam "
tinaggal ko yung eyemask ko at pinunasan ko yung mga mata ko gamit ang panyo panyo na ibinigay sa akin ni raphael
matapos kong punasan yung mga luha ko at kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si jay
[ oh bakit kim? ] tanong nya
" jay sure ka ba na hindi mo ko sasamahan? "
alam ko na sinabi nya na hahayahan yang pumunta si raphael pero kilala ko si jay
hindi sya papayag na merong mamatay
[ may ginagawa pa ako pero hayahan mo hahabol ako ]
" kung ganun tama nga yung iniisip ko, nagsinungaling ka lang "
[ kilalang kilala mo talaga ako ]
" naman, basta bilisan mo ah at baka wala ka ng maabutan "
[ oo na, saglit lang naman ako eh ]
" ano ba kasing ginagawa mo? "
[ ito kasama ko yung pamilya ko actually nandito na nga rin si kuya shin ]
" eh si kuya shin sasama ba? "
[ mukhang di yata ]
" ganun ba, sige hintayin kita ah "
[ sige bye ]
inend ko na yung call
after ng ilang oras ay nakarating na rin kami sa Arena
kitang kita ko naman na walang katao-taoo maliban lang kay raphael at mukhang boss yata ng star knight
" kung ganun ikaw pala ang boss ng Star Mafia " familiar sakin yung boses na yun kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kanila
" alam mo nagsisisi ako na hinayahan ko syang mapunta sayo " sagot naman ni raphael
ano kayang pinag-uusapan nila
habang papalapit ako sa kanila ay naramdaman ko na biglang bumilis yung tibok ng puso ko
Dug Dug Dug Dug
ow shit bakit ganito yung pakiramdam ko?
" anong pinagsasabi mo " sagot naman nung kalaban ni raphael
hindi ko makita yung mukha nung lalaki dahil nakatalikod sya sa akin
" hinahamon kita ng sapakan " raphael sabay lapag sa sahig yung baril
ganun din naman yung ginawa nung lalaki
nagsimula na nga silang magsapakan pero hindi ko talaga makita yung itsura nung lalaki
nasapak naman ni raphael yung lalaki at ganun din naman yung lalaki
bali nagpapalitan lang silang dalawa ng mga suntok
napansin ko naman na medyo duguhan na silang dalawa
pero kahit duguhan silang dalawa ay kitang-kita ko naman na ayos pa rin ang mga mukha nila
hindi ko alam kung bakit ba ako nanunuod lang
pakiramdam ko kinakabahan ako sa nangyayari
lumapit pa ako sa kanila
hanggang sa nakita ako ni raphael kaya natulala na lang sya at nasapak sya nung lalaki
napansin din yata nung lalaki na natulala si raphael kaya napahinto rin ito sa pagsapak
" star " raphael na nakatitig lang sa akin
Dug Dug Dug
anu ba bakit ba parang kinakabahan ako
hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko
nakita ko naman na unti-unting humaharap yung kalaban ni raphael
hanggang sa nakita ko na nga yung itsura nya
(0_0)
(+_+)
(^_^)
(*_*)
(-_-)
tama ba tong nakikita ko?
" star diba sabi ko walang pupunta " raphael na nakatingin parin sa akin
" kanina ka pa ba nandyan? hayahan mo matatapos na rin itong laban dahil ito na ang last " yung kalaban ni raphael
dahil sa nakita ko ay bigla na lang nanginig ang dalawa kong tuhod kaya napabagsak ako sa sahig
pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa nakita ko
" star ayos ka lang ba " raphael na hakmang lalapit sa akin
" boss dyan ka lang " pagpipigil ko sa kanya kaya napahinto na lang sya
" ang sweet nyo naman dalawa pero hayahan mo dahil masasaksihan mo ang pagkamatay ng boss mo " sya sabay ngiti ng malapad
lord ano bang nangyayari sa akin at palagi mo na lang nilalagay sa isang sitwasyon ang mga mahal ko
ngayon ko lang naisip
na ang nasa harapan ako ay ang
Ex ko
at ang
Boss ko
tama kayo ng basa dahil nasa harapan ko mismo ang Ex ko at Boss ko
EX kasi yung araw na dapat magbabalikan kami ay hindi natuloy ng dahil sa isang trahedya na kinalungkot ko
BOSS kasi sya ang boss ng Star Mafia
" oh anong problema? bakit parang nanginginig ka " zacharias na may halong evil laugh ang pagkakasabi
" Star ayos ka lang ba? " raphael na worried ang face
huminga ako ng malalim
exhale
inhale
pagkatapos kung huminga ng malalim ay pinilit kong tumayo kahit medyo nanginginig ang mga tuhod ko
hindi ako nanginginig dahil sa natatakot ako
kaya lang naman ako nanginginig dahil ang kaisa-isa kong taong minahal ay kalaban ko, kalaban namin
" yan ba ang dahilan kung bakit hindi mo rin nagawang magpakita sa akin "
" Ha ako ba kinakausap mo? " zacharias sabay turo sa sarili nya
" oo ikaw nga " sagot ko naman
" miss kilala ba kita? "
nagmadali akong lumapit sa kanya at sinapak ko sya ng malakas
isa lang ang dahilan kung bakit ko sya sinapak
naiinis ako dahil sa hindi ko lang sya sinipot ay pumayag sya na maging boss ng star knight
dahil sa sapak ko ay napaatras sya at nagtaka sya kung bakit ko sya sinapak
" Star " gulat na sabi ni raphael
" kulang pa yan dahil sa ginawa mo sakin " ako sabay sapak ulit sa kanya
ang tibay din pala nito ah hindi ko man lang sya magawang mapatumba
" miss ano bang problema mo " zacharias na kitang-kita kong nagtitimpi sya
" di mo ba alam na sa ating dalawa ay ako ang mas nasaktan " ako sabay sapak ulit sa kanya
" ano bang pinagsasabi mo, hindi kita maintindihan " sya sabay hawak sa mga braso ko pero pinipilit kong maalis yung mga kamay nya para masapak ko sya ulit
habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nya ay naramdaman ko na lang na umiiyak na naman ako
dahil sa pag-iyak ko ay napaupo na lang ako sa sahig habang hawak-hawak nya ang dalawa kong braso
" zacharias ano bang problema mo at lagi mo na lang ako sinasaktan " ako na humagulgol na sa pag-iyak
napansin ko naman na lumuhod sya para mapantayan ako
pagkaluhod nya ay naramdaman kong unti-unti yang tinatanggal ang mask ko
" kainis ka " paulit-ulit kong sinasabi habang pinagpapalo ko sya sa dibdib nya
hindi naman nya pinapansin yung ginagawa ko dahil pinipilit pa rin yang tanggaling yung mask ko pero hindi nya matanggal kaagad dahil para bang pinipigilan kong matanggal nya yung mask ko
habang nakahawak sya sa eyemask ko ay humawak din ako sa eyemask ko bali magkapatong lang yung kamay namin
sabay naming dalawa tinanggal yung eyemask ko
kitang-kita ko naman na nagulat sya kaya napatayo sya at napalayo sa akin
" KIM ikaw ba yan? " raphael na ngayon lang ulit nagsalita pero hindi ko naman sya pinansin
" oh bakit ka lumalayo? " ako na pinilit kong tumayo
" totoo ba tong nakikita ko " sya na patuloy lang sa pag-atras
" oo totoo nga ito dahil yung taong sinaktan mo ng dalawang beses ay nasa harap mo "
" kim bakit? bakit ka sumali sa kanila? " tanong nya na huminto na rin sa pag-atras
" bakit? matagal na akong kasali dito, siguro naman hindi ko na kailangan itanong kung bakit ka naging boss dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit ka nasali dito "
" ewan di ko alam siguro magpapakamatay na lang ako "
hindi ko napansin na meron pala syang hawak na baril
" zacharias please itigil mo yan " pagpipigil ko sa kanya
" hindi kim, siguro nga kasalanan ko, sigurp kung hindi ako nagpadala sa galit edi sana wala ako dito at hindi ko na kailan patayin ka pati na rin ang mga kasama mo "
" please zacharias ayoko ng may mamatay ng dahil sa akin ulit "
" pero kim ito lang ang paraan para matigil itong gulo " zacharias sabay taas na baril at mukhang itututok nya sa ulo nya
naalala ko na ito rin yung sinabi ni mico sakin bago sya magpakamatay
ano ba ang sinabi sa kanila ng King nila at nagagawa nilang magpakamatay ng dahil lang sa kilala ko yung mga naging boss
" mali ka zacharias " napalingon na lang kaming tatlo na biglang may nagsalita sa likod namin
paglingon naman namin ay si jay ang nakita namin pero wala syang suot na mask
" Jay pati ba naman ikaw kasali ka rin dito " gulat na sabi ni zacharias
" hay naku ito ang first time ko na ipakita sa inyo ang itsura ko pero anyway hindi sapat na dahilan ang pagpapakamatay mo zacharias para lang matapos na tong gulo dahil kahit magpakamatay ka ay magkakaroon pa rin ng problema kaya kung ako sayo hindi ko na itutuloy ang binabalak mo " seryosong sabi ni jay
" please zacharias wag mong ituloy yan oh " ako na unti-unting lumalapit sa kanya
" please kim wag kang lumapit " pagpipigil nya kaya napahinto na lang ako
" siguro kasalanan ko kung bakit umabot dito yung problema natin kaya sorry zacharias, sana naman mapatawag mo na ako at saka sana bumalik na ulit tayo sa dati " pagpapaliwanag ko
" pero kim " sya na nakatutok pa rin sa ulo nya yung baril
" WAG MONG ITULOY YAN "
napalingon kaming apat sa nagsalita
paglingon naman namin ay kita naming may isang kotse na huminto sa harapan namin at bumaba yung mga nakasakay dito
pagkababa naman nila ay nakita ko si King pati na rin si Tita Tiffany na may kasamang lalaki
" KING " zacharias sabay tingin dun sa lalaki na kasama ni Tita Tiffany
" siguro mali ako ng pagpapaliwanag sa inyo, gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan kaya bilang KING ng Star Knight ay inuutusan kita Zacharias na wag mong ituloy ang binabalak mo " King ng star knight na papalapit sa amin
" anong meron? " tanong ko
" i think nagkaayos na rin si King pati na rin yung kapatid nya " singit ni jay na nasa tabi ko na
" tama ka nga mc star, ito na ang huli dahil simula ngayon ay wala ng Star Mafia o Star Knight dahil ibabalik na namin ulit ang STARS "paliwanag naman ni King
napansin ko naman na may humintong kotse sa harapan namin
pagkahinto nito ay nagsibabaan yung mga nakasakay dun
" star ikaw ba yan " sophie na papalapit sa akin at mukhang yayakapin ako
sina sophie, saturn, maria, adrian, jane, at benjo ang mga nagsibabaan sa kotse
" Kim kung ganun ikaw pala si Star Princess " saturn na papalapit sa amin habang magkahawak ng kamay silang dalawa ni maria
" oh Mc yan pala ang itsura mo " singit naman ni adrian
" tama nga ako ng hinala, dahil ligtas kayong lahat " singit naman ni jay
" Mc ang pogi mo pala sa personal " jane habang magkahawak din sila ng kamay ni benjo
" siguro kung naging tunay kang lalaki edi sana marami kang chicks " pagbibiro ni benjo
" anong meron? " tanong ko
" Zacharias alam kong mahal mo sya kaya itigil mo na yan " King ng star knight sabay kuha ng baril na hawak ni zacharias
" grabe ang pogi pala ng boyfriend mo kim " singit naman ni tita
" King " raphael na ngayon lang ulit nagsalita
lahat kami ay biglang napalingon sa dumating na dalawang kotse
huminto naman ito sa harapan namin
" kung ganun huli na pala kami " papa ni jay
" anak sabi ko sayo na pumito ka lang kapag kailangan mo ng tulong eh " mama at papa na papalapit sa akin
" Zeus " sabay na sabi ni King pati na rin yung kapatid ni King
" oh musta Sebastian at Christian " bati naman nung papa ni jay sabay lapit sa kanilang dalawa
" ikaw jay ah nagsinungaling ka pa sa akin " kuya shin sabay lapit kay jay
" kasi naman kuya kukulitin mo lang ako " sagot naman ni jay
" siguro naman pede ng maging dato ulit? " ako sabay lapit kay zacharias
" sorry kim "
" ayos lang yun, kasalanan ko rin eh "
" ibig sabihin tayo na "
" oo naman, tayong tayo na talaga " ako sabay yakap sa kanya
" Kiss naman dyan " silang lahat
tumingin ako kala mama at papa
" ok lang anak pogi naman sya eh " sabi ni mama
hinalikan ko nga si zacharias sa labi
siguro mga kalahating segundo din kaming magkahalikan
" sorry talaga kim ah "
" hay naku paulit-ulit, oo na pinapatawad na kita so patawarin mo na rin ako "
" pinapatawad na kita kim " sya sabay halik sa labi ko
" oh sya tumigil na kayong dalawa dyan " singit ni jay
" meron pala akong pinahanda sa castle siguro pede tayong kumain muna " singit naman ni KING
" aba oo naman " sagot nilang lahat
teka lang bago ako ipagpatuloy ito ay magchechecked muna ako ng attendance
Ako
Jay
Zacharias
Raphael
Kuya Shin
Adrian
Saturn
Maria
Jane
Benjo
Sophie
sebastian
Christian
Tita Tiffany
Tito Cesar - papa ni Jay
Mama
Papa
grabe dami namin noh
" ah tito pede po bang magtanong sa inyo? " ako sabay kalabit dun sa King ng Star Knight
" oh kim bakit yun? " tanong ni tita
" sya po yung tinatanong ko "
" ah bakit yun iha? "
" gusto ko lang po sana itanong kung ano na pong nangyari kay Mico "
" ah si mico ba, ayun kasama ang pamilya nya "
" Ha? pano nangyari yun? "
---------------
Auhtor:
ok siguro ako na mismo ang magpapaliwanag
para po dun sa mga nagtampo sa akin dahil sa pinatay ko ang pinakamamahal yung si Mico
nagkakamali po kayo ng iniisip
oo alam ko na sinabi kong namatay sya pero hindi ko naman sinabi na inilibing sya
so it means may chance pa para mabuhay sya
actually hindi naman talaga sya patay
kasi yung ginamit yang baril ay mali
dahil yung baril na yun ay hindi nakakamatay
alam ko na nung ginamit ni Mico yung baril na iyon ay maraming dugo na lumabas sa ulo nya
pero ang totoo talaga nun ay galing mismo yun sa mga bala
isipin nyo na kapag nagpaputok kayo ay imbis na bala ang lalabas ay isang tablet na dugo ang laman ang lalabas
kaya nung tumama yung tablet na yun sa ulo ni Mico ay akala nyo nabutas na yung ulo ni Mico pero ang totoo talaga nun ay nahimatay lang sya dahil ang sakit kaya matamaan ng isang tablet at lalong lalo na kung malakas yung FORCE na ginamit
so yun na nga ang dahilan at saka kaya lang naman pinalitan si mico sa pagiging Boss dahil nag decide si mico na magquit na sa Star Knight dahil nga sa nalaman nya na member ng Star Mafia si Kim
magulo ba? ay ewan basta isa lang ang ibig kong sabihin
BUHAY SI MICO
Edi masaya na kayo kaya sana wag na kayong magtampo sa akin
PEACE (^_^)V
---------------