Chapter 1 - My Ex

98.6K 709 46
                                    

My Ex And My Boss

By :

NewStoryOfLove

Chapter 1 - My Ex

Kim pov

" Friend may tanong ako sayo " tanong ni Shin

" ano yun? " tanong ko naman, habang nakayuko at pinipindot-pindot yung maliit kung teddy bear na nakasabit sa phone ko

" Teh tanga ka ba o sadyang bobo ka lang " sabi nya

awtsu! sakit naman nun, pero mas masakit pa rin yung nararanasan ko ngayon

" bakit naman? " sabi ko habang pinipindot-pindot pa rin yung teddy bear

" teh nakipagbreak sya sayo then ilang buwan lang ang nakakalipas naging kayo ulit pero nalaman mo na ginawa ka lang naman yang panakip butas, at dahil dun ikaw na mismo ang nakipagbreak tapos may balak ka pa rin na balikan sya " paliwanag nya

tahimik lang ako na nakikinig

" haler 2012 na malapit na magunaw yung mundo pero sya pa rin ang laman ng puso mo, wala bang iba ?? ang dami dami kayang boylet dyan at ang ganda ganda mo naman para ipagpilitan mo yung sarili mo sa kanya " dagdag pa nya

tama nga sya ang dami-daming lalaki dyan na totoo talagang mamahalin ako at ang ganda ko nga pero anong silbi ng ganda ko kung yung taong gusto ko ay mahirap kunin at ayaw na sakin

" shin, sabihin na natin na tanga ako pero ano magagawa ko kasi kahit anong pilit kung limutin sya at isaksak sa puso ko ang galit ay nawawala sya sa tuwing nakikita ko sya at kapag nakikita ko sya na may kasamang ibang babae ay nagagalit ako sa sarili ko kasi pinakawalan ko pa sya " sabi ko at hindi ko na namalayan na may pumapatak na pala sa mata ko

PPPPOOOOOOKKKKKKK  !!!!!!!!!!!

Aray ah, binatukan ako ng baklang tipaklong na mukhang  kabayo, kahit mahina lang yun ay masakit pa rin yun dahil ulo ko yun at naalok ang utak ko

feeling ko baliw ako ngayon kasi natatawa ako sa naisip ko, hindi naman kasi mukhang tipaklong si shin at lalong lalo na hindi sya mukhang kabayo

ewan ko ba kung bakit sya naging bakla eh crush ko kaya sya nung High School kasi ang pogi pogi nya pero sayang lang kasi bumigay sya :(

* flashback *

nandito ako ngayon sa ministop, nakita ko kasi si shin ang crush ko nung 4th year pero minsan ko lang sya makita at sa hallway ko lang sya nakakasalubong

grabe, kahit ngayon ang pogi pa rin nya, sayang naman kung palalampasin ko ito kaya papasok na ako para makausap sya pero bago ako pumasok dapat

inhale

 exhale

ready na akong pumasok " kaya mo to kim go go go !!! " sabi ko sa sarili ko

" hello shin pede ko bang makuha yung number mo " sabi ko sa kanya habang nakangiti

grabe kuha kaagad ng number hindi ba pedeng magpakilala muna, pero anong magagawa ko nasabi ko na eh kaya wala ng bawian at saka gusto ko talaga sya maging katxtmate :)

" sorry ah! hindi tayo talo " sabi nya na may pagkataray

napaisip ako sa sinabi nya ah hindi tayo talo ???

" ah ??? dont tell me bak---- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla na lang sya nagsalita

" oo bakla ako so masaya ka na " sabi nya ng may pagkataray pa rin

" weh " sabi ko

" bakit kaya hindi mo itry na tanungin yung mama mo sakaling maniwala ka " sabi nya habang nakataas ang isang kilay

My Ex & My Boss (Completed)Where stories live. Discover now