Chapter 52 - The Secret

3.9K 63 1
                                    

Chapter 52 - The Secret

Kim pov

" wew? " tanong ko

" pano nangyari yun? ang alam ko nawala ang anak nina Rudolpo at Lea sa isang aksidente pero balita daw na meron silang inampon na bata at si Star yun diba, kaya pano naman nangyari na tunay na mga magulang ni Star sina Rudolpo at Lea  " paliwanag naman ni star 2

Rudolpo ang name ng tataytatayan ko at Lea naman ang name ng nanaynanayan ko

" wait nga lang, pede bang ipaliwanag nyo sa akin ng maayos sakaling maintindihan ko " singit ko

" sa katunayan yan ang isyung iyon ay isang malaking kasinungalingan...

pinalabas nina Rudolpo at Lea na nawawala ang anak nila dahil ayaw nilang dalawa na ang kaisa-isang anak nila ay madamay sa kaguluhan kaya napagpasyahan nila na ipaalam sa marami na isang ampon lang si Star " paliwanag ni king

kung ganun ito pala yung sikreto na matagal ng inililihim sakin nina mama at papa

*Flashback*

" pa, kailan na ba natin sabihin kay kim ang totoo? " tanong ni mama

" hindi ko alam " sagot naman ni papa

" siguro kailangan na yata nya malaman ang totoo "

anong totoo ??? kung ganun may sikreto sina mama at papa na hindi ko man lang alam, siguro hindi ko nga dapat malaman yun dahil isa lang naman akong ampon pero bakit parang gusto kung malaman kung ano yung sikreto na tinatago nila

" wag, yan ang wag mong gagawin! " hindi ko alam kung galit ba si papa o seryoso basta may tono yung pagsasalita ni papa

" pero lumalaki na ang anak natin at kaya na yata nya ang sarili nya "

" pero alam mo naman na isa lang syang babae kaya paano nya magagawang makipaglaban sakaling sugurin man tayo "

" edi habang nandito tayo ay turuan na natin sya "

" paano kung hindi nya kayanin "

" rudolpo, parang wala ka yatang tiwala sa kakayahan ng anak natin "

" hindi naman sa ganun pero isipin mo naman na mahirap sa isang katulad nya ang mapunta sa sitwasyon na dapat hindi naman nya maranasan "

" oo nga pero naaalala mo naman yata yung nangyari noong bata pa sya "

" ang ano? "

" nung ipinagtanggol nya yung bata laban dun sa holdaper "

" pero hindi pa yun sapat "

" kaya nga habang nandito tayo turuan na natin sya atlis kung sakaling wala man tayo sa tabi nya ay magagawa na nya "

" basta ayokong malaman nya ang tungkol satin "

" kung yan talaga ang desisyon mo, tatanggapin ko pero once na dumating ang araw na alam nating mangyayari ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa kanya ang totoo "

*End of flashback

habang nakikinig ako ay napansin ko na lumuluha na ako kaya naman agad akong nilapitan ni jay

" Star ok ka lang ba? " tanong nya

" ah oo naman " sagot ko sabay punas ng mga luha ko

" ok pero umiiyak ka "

My Ex & My Boss (Completed)Where stories live. Discover now