Parang (Meadow)

By zelaiii331

292 62 0

A story of an imperfect man striving to be perfect, and a perfect woman living in an imperfect world. More

Parang
Page O
Page II
Page III
Page IV
Page V
Page VI
Page VII
Page VIII
Page IX
Page X
Page XI
Page XII
Page XIII
Page XIV
Page XV
Page XVI
Page XVII
Page XVIII
Page XIX

Page I

21 3 0
By zelaiii331

Vote and Subscribe!

-Author

________________________________

KEVIN'S POV (Point Of View)

Twwt! Twwt!

Mga tunog ng ibon. Naririnig ko ng malakas dahil katanghalian, nagkakape ako dito sa labas ng bahay.

May bakuran kase ang bahay namin, 'di naman ganun kalakihan. Hindi naman kasi kami mayaman.

Nagmumuni-muni lang ako.

Its been years ago nadin mula nung nawala yung handkerchief ko. I think, masyado akong affected pero mahalagang tao kase yung nagbigay sakin.

"Kevinnnn!" tawag sakin ng Mama ko.

"Ohh?" tugon ko. Hindi naman sa bastos ako sa magulang ko, nagkasanayan nalang kaming magkakasama sa bahay na ganon ang sagutan.

"Sabado na, anong balak mo?"

"Balak sa alin?" napakunot ang noo ko.

"Aba, linggo bukas. May meeting ang secretaries, 5pm ng hapon. Tagal mo nang 'di napunta. Pumunta kana bukas."

"Ahh, sige sige. Pano ba naman kasi, nagka pandemic. Bawal lumabas, at bawal ang social gathering."

"Alam ko. Eh ngayon, okay na naman eh. Ah basta, magpakita kana don bukas. Dyan kana. Maglalaba pa' ko." tugon ni Mama sabay alis.

Kasali kami sa isang Organization at sempre, like every other organization, meron din iba't ibang trabaho. For the better good din naman ang purpose ng organization na 'to.

Ever since kase magsimula ang pandemic this early 2020, napatigil ang lahat ng social gathering at damay kami doon.

"I wonder kamusta na kaya lahat ng kasama ko sa office?"

Kinabukasan..

"Kevs, mag b-bike ka ba papunta don?"

"Ahh oo Pa, para saglitan lang. Nakakapagod din pag nilakad, at medyo malayo layo."

"Sa bagay, pababa naman dito lahat sa GMA (General Mariano Alvarez). Unless galing ka sa baba, akyatin naman lahat."

"Saglit lang yan kahit paakyat, malakas naman ako."

"Aysus, kahanginan. Umalis kana anong oras na. Magpakita kana kay Miss Jo, tagal narin nung huli ka nakita non."

"Eto na, nakabihis na nga eh." tugon ko at nagpaalam nadin.

Naging mode of transportation ko ang bike dahil sa walang bayad at lakas lang ang puhunan, saglit lang makapunta sa pupuntahan.

Mahal na kasi ng pamasahe. Hindi naman kami mayaman para magpa balik balik.

Hindi ko na nga namalayan na malapit na agad ako sa pupuntahan ko. Pababa lang kasi, kahit di ka pumadyak okay lang. Tatakbo ka parin.

Napatingin ako sa malaking istruktura nito, marami naring nagbago.

Habang papasok din ako, ay maraming mga bagong muka akong nakita. Meron din kasabayan ko, na ngayon ko lang uli nakita. Malalaki na yung ibang bata noon.

Pagbaba ko, paderetso ako ng Office ay parang medyo mabigat ang loob ko. Hindi sa ayaw ko, dahil lang siguro antagal ko nang di nakakapunta uli dito.

Binuksan ko ang pinto at pagpasok ko ay may mga tao na sa loob.

"Abaaaa, andito kana ule!" sigaw ng isang babae.

"Oo Ate Doths, napilit ni Mama."

"Kailangan kalang pala pilitin para pumunta eh." tugon naman ni Ate Vherna.

Siguro, sa kanila lang ako walang nakitang pagbabago. The warmth is still there.

Maya maya ay nagsidatingan nadin ang mga dadalo sa meeting. Nang mag ala-sinko (5PM) na ay nagsimula na ang meeting.

Sa kalagitnaan ng pag me-meeting samin ni Miss Jo, ay napunta sya sa topic about recruitment.

"Guys, about naman sa recruitment tayo. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng iba na marami pang duties sa loob ng office ang kulang pa sa tao."

"Much better if magsikap tayong lahat para makapag recruit pa ng panibagong officers, para makatulong satin."

"By the way guys, i want you to meet our new member. Tayo ka." sabi ni Miss Jo na kina tingin ko at ng lahat ng nandoon.

Isang babae ang tumayo. Medyo malayo layo sya sa pwesto ko pero kita ko parin naman.

Maputi, maganda din. Singkit din ang mga mata nya.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Misa Jo.

"Zelhaine po."

"Ayan let's welcome her. Galing pa syang ibang branch."

"Sige na, you may sit na."

"Thank you po."

"And also, let's welcome our bagong-luma na member. Kevin, stand up." tugon ni Miss Jo na kinagulat ko. Tumayo naman ako.

"Anak sya ni Miss Marilou, matagal narin sya dito sa Office and yung iba ngayon palang sya nakikita."

"You can sit na." sambit nito na sinunod ko naman.

"Tuloy tayo." tugon nito at sunod sunod na ang mga topic hanggang sa matapos na ang meeting.

After meeting...

"Kevin, halika. Papagawa ka uli ng panibagong forms ng Acceptance Of Duty. Antagal mong nawala, kaya na-expire na.

"Ahh, okay po. Kausapin ko nalang po si Ma'am Letty."

"Okay okay."

Pagkatapos namin mag usap ni Miss Jo, ay umikot ang mata ko sa buong office. Napaka vibrant ng paligid kahit madilim na ang labas.

Napatingin ako kay Mama na may ginagawa pa. Naalala kong kakausapin ko pala si Ma'am.

Lumapit ako para mapaasikaso ko na.

"Ahh Ma'am—"

"Zelhaine oh. Permahan mo na." tawag nito sa isang babae. Ngayon ko lang din nakita.

"Dito po 'no?"

"Oo, d'yaan."

Napatingin si Ma'am sakin.

"Ayy ikaw, bakit?"

"Ayy ask ko lang po yung about sa forms para po sa Acceptance of Duty." sabi ko kay Ma'am na napatingin din sakin ang babae.

"Okay na po Ma'am." sambit ng babae.

"Ayy okay na, wait lang ano ah." sambit nya habang chinecheck ang forms na hawak nya.

Napatanong ako sa isip ko.

"Bago lang ba s'ya?" 

"Sige Miss, okay na."

"Thank you po."

Bago sya umalis ay tumingin muna sakin at saka bumaling at deretso sa pinto at lumabas.

Hinabol pa ng mga mata ko ang pagalis nya.

Inintay ko na lang din si Mama matapos sa mga Weekly Reports na ginagawa nya after kong makuhanan ng forms.

Sabay narin kaming umuwi ni Mama after.

After awhile...

Nagasikaso lang ako sa bahay at tinapos lahat ng household chores. Ako kase mostly inatasan sa lahat ng gawain eh. Maliban lang sa paglalaba.

Nakaupo lang ako sa sofa at nag scroll saglit sa newsfeed ng Facebook ko.

"Ano nga ulit name nung babae?"

Flashhhbackk—

"Zelhaine oh. Permahan mo na."

End of Flashbackkk—

"Zelhaine? Na-mention ba yung apelyido nya? Parang hindi."

"Well, let's try what we can find."

Tinype ko lang sa search bar ang pangalan nya at inintay ang results.

Lumabas na ang results at the first account seems like sya na agad. Dahil sa may mutual friends kami, kaya yun na ang inuna ko.

"Oh, its her. I can tell from the profile picture. Same eyes din."

"Ayy, in a relationship."

After noon, ay binack ko na. Nag scroll nalang ulit ako ng nag scroll.

After a while, napansin ko na halos iisang tao ang nalabas sa newsfeed ko. Puro shared posts. What's more partly concerning eh, puro pang suicidal.

"Is this person dealing sa matinding situation? I might as well ask. Baka need nya ng help."

Ako na ang nag-chat sa taong yon. Her name is Jane.

Conversation :

"Hello."

"Uhm, hi. Sino po ito?"

"Yes, I'm Kevin. Just to ask, na bother lang ako sa mga shared posts mo. Are you okay?"

"Thank you po for concern, kahit na stranger. Yes, I'm okay po.

"Good to know po."

And with that, nagtuloy-tuloy ang conversation naming dalawa until our feelings fall for each other.

Though, akala ko na magiging maayos na ang lahat, dun ako nagkamali.

"Ano ba?! Hindi ka parin ba mag ch-chat o magse-seen man lang??"

"Good eve. Sorry, nakatulog ako. Sobrang pagod."

"Nakatulog? O nambababae?"

"Ha? Anong nambababae sinasabi mo?"

"Kanina ka pang walang chat, mula nung umuwi ka galing school. Baka naman di kapa umuwi at lumandi kapa sa labas??"

"Ano na naman ba 'to? Ano bang ginawa ko na naman? Lagi ka nang ganyan!"

"Can't you understand my situation?"

"Ako pa ngayon?? Ikaw! Ikaw ang hindi nakakaintindi! Galing na akong school, sobrang daming ginawa. Nag bike pa ako pauwi. Sinabi ko naman sayo kaninang umaga na baka pagod ako paguwi ko pero wala lang sayo yon! Lagi ka nalang tamang hinala, nasasakal nako sayo."

"Nagagalit ka na sakin? Sakin?"

"Oh bakit hinde? Naging konsintidor akong boyfriend sayo kase may sakit ka. Pinaka mali kong ginawa. Nang dahil don, di mo na napapansin ang mga ginagawa mo sakin. Basta gusto mo, gusto mo!"

"I-i mean di naman sa ganon Love. Sorry na."

"Alam mo Jane. Nakakapag isip isip nako lately. Tama na. Let's end this."

"Lovee, wag namang ganyan."

"Stop, I've given you so many chance. Kapag ikaw ang nananakot makipag break, ako ang pilit na naghahabol. Ngayon, hindi ako magpapahabol. I just want to to end this."

Bye.

Yun ang huli kong salita sa kanya ng itigil ko na ang pagre-reply sa kanya. Bli-nock ko din sya.

Andami kong napansin na nagbago sakin. Pero hindi para sa ikabubuti ko. Pati mga duties ko, di ko na nagagawa. Even house chores kase gusto nya lahat ng oras sa kanya.

Buti pa sya. Mayaman sila. Ako na kailangan pa ako sa bahay namin, di ko mahahati ang katawan ko. Pati pag-aaral ko nagagambala dahil sa mga tamang hinala nyang walang humpay. Kahit practice di makapunta.

Tama na siguro 'to. At least tapos na ang lahat.



"Natapos narin ang paghihirap ko."

Continue Reading

You'll Also Like

794K 66.8K 35
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
4.1M 260K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
506K 13.7K 15
A story of young love with an innocent creature and a sinful one.
2.9M 54.5K 17
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...