𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬...

Bởi sanzscripts

2.2K 148 17

(ON-GOING) STARTED: January 2, 2024 Nyx Diamond Del Fianza is a dedicated straight-A student who strictly pla... Xem Thêm

AUTHOR'S NOTES
PROLOGUE
01: Alarm Clock
02: Drunk Sapph
03: MedCert
04: Operation Connection
05: Bookworms
06: The Deal
07: His Friends
08: The Highest Peak
09: Negotiation
10: Drunken Advices
11: A New Bucketlist
12: Diamond
13: Trippin'
14: Trash
15: Boracay
16: Confessions
17: Getting in the Mood
18: Heaven or Hell
19: Back Home
20: A Stranger
22: Ambiguous Evidence
23: Who to Trust?
24: Closer to the Truth
25: No Label
26: Restart
27: She didn't know
DEDICATION
28: Sold Out!
29: Anxious
30: Travel Home
31: FAD
32: Everything
33: The Fading Gem
34: S.H.H.

21: Something Fishy

20 3 0
Bởi sanzscripts

Alas dose na ng hapon nang magising ako sa aking paputol-putol na tulog. Pakiramdam ko ang bigat ng ulo ko, epekto siguro sa puyat, tapos nasobrahan sa tulog buong araw.


I checked my cellphone, marami akong messages and call notifications na galing kay Ravi.


From: Ravi Matsunagi

-Nyx, nandito ako sa NBS, sabi mo bibili ka ng art materials. Nasan ka?

-Nyx? Hintayin kita dito.

-Nyx? Asan ka na?

-Lumabas ka ba?

-Nyx?

-Nyx, Mag-reply ka naman, kinakabahan ako sa 'yo.

-Nyx? May nagawa ba akong mali?

-Ayos lang ba tayo?

-Galit ka ba?

-Nasa dorm ka ba? Pupuntahan kita.


'Yong last message niya ay na-receive ko around 15 minutes ago. For sure, parating na iyon. Hindi ko rin naman ma-reply-an si Ravi dahil wala nga pala akong load. Nakonsensya tuloy ako. 


Nagmadali akong pumunta sa banyo at naghugas ng mukha para naman hindi halatang bagong gising. Hindi muna ako lalabas ngayon, gusto ko munang tumambay dito sa dorm mas lalo at kakauwi lang ni Sapphire.


Nagbihis lang ako ng mas maayos na damit 'saka ako lumabas ng aking kwarto. Dumeretso ako sa kusina upang magtimpla ng hot choco. Nakita kong nagluluto si Sapphire ng pagkain habang kumakanta, kaya naman napangiti ako. Looks like she's in a better mood today.


 "Naks ganda pa rin kahit bagong gising. Nagluto pala ako ng itlog at Hungarian sausage, kunwari breakfast," she chuckled as she handed me the plate with the Hungarian sausage and egg.


Napatitig ako sa ulam na nasa plato ko, unti-unting nag-init ang mga pisngi ko. Shet. Sa dinami-rami ng pwedeng iluto, bakit ito pa kasi naisipan ni Sapphire. Jusko naman.


"N-Nyx? Ayos ka lang ba?" Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga kamay ko para kalmahin ang sarili ko. Nakakahiya ka Nyx.


"W-Wala, may naalala lang kasi ako" natawa nalang ako 'saka agresibong hiniwa ng maliliit ang Hungarian sausage.


"Hoy, Nyx. Kung maka-murder ka naman ng hotdog akala mo may kasalanan sa 'yo." Natawa nalang din ito at saka ako sinamahan sa lamesa upang kainin ang kanyang hinain.


Habang kumakaen kami, sumagi nanaman sa aking isipan ang aming naging usapan ni Sapphire kanina. Kailan ko kaya malalaman ang mga tinutukoy niya? Ang tanong, gusto ko ba talaga malaman? 


Kinilabutan naman ako ng si Miss Turner ang pumasok sa aking isipan. Ano kaya ang sinasabi nitong may sagot siya sa mga tanong ko. At paano niyang nalaman na may mga tanong ako? Wait...related kaya ang mga tanong ko tungkol sa sinasabi ni Sapphire?


Nah. Maybe it's just a coincidence. Alam ko naman na walang magagawa si Sapphire na sobrang bigat to the point na itatakwil ko siya bilang pinsan at kaibigan.


"Masarap ba iyong Hungarian sausage?" muntik na akong mabulunan sa tanong ni Sapphire. Kung hindi niya pa ako inalok ng tubig baka tuluyan na akong mabulunan. Ang pangit naman no'n, cause of death: choked by Hungarian Sausage. Ack! iba nananaman naisip ko! Juskolord! Ano bang nangyayari sa akin.


"Dahan-dahan lang naman kasi, Nyx. Kung hindi mo kasi hihiwain ng maliliit, isusubo mo naman ng buo. Hay naku! hindi ka ba pinapakain ni Ravi?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sapphire! Please stop! Please! Hindi mo alam kung anong epekto sa akin ng mga sinasabi mo.


Napaubo nanaman ako. "Nyx naman! Pati ba naman sa pag-inom ng tubig minamadali mo? May lakad ka ba? Deadline? Ano bang hinahabol mo?" 


Napatigil ito sa panenermon sa akin nang may kumatok sa pintuan ng dorm. Siguro si Ravi na iyon. Nagpaalam naman ako na magbabanyo para mag-retouch, pakiramdam ko kasi na haggard ako sa pag-ubo ubo ko. 


Naghilamos lang ulit ako at nag-toothbrush para matanggal iyong mga nakasiksik sa ngipin ko. Nakakahiya naman, baka ma-turn-off pa sa akin si Ravi.


Dahan-dahan akong lumabas sa banyo at tumungo sa kusina upang gulatin sana si Ravi o kaya naman si Sapphire. Ang kaso, parang ako ata ang nagulat.


"Ravi, we have to tell her the truth! Hindi ko na kaya itago." bulong ni Sapphire, halata sa boses nito na naiirita siya.


"Para saan pa? Masasaktan lang siya," ani Ravi habang kausap si Sapphire. Nagtago lang ako sa labas ng pintuan at pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Teka, sino ba ang tinutukoy nila? Ako ba? Tsk. 'Wag assuming Nyx. 


"Pero mas masasaktan siya kapag hindi natin sasabihin," pagmamakaawa ni Sapphire, her voice cracking.


"Ikaw ang nag-plano nito, Sapph. Tapos ikaw pa ang nakokonsensya? Wala pa nga tayo sa kalahati ng plano, gusto mo nang sumuko? Paano nalang kung-"


Napatigil si Ravi nang pumasok ako sa kusina.


Ayaw ko nang marinig ang mga pinagsasabi nila. Ayaw kong i-assume na baka ako ang tinutukoy nila. I have to give them the benefit of the doubt na wala silang intensyon na saktan ako. Oo gano'n nalang. Mahirap mamatay ng may sama ng loob. I just have to believe in what I think. 


"Nyx!" napasigaw si Sapphire. Si Ravi naman inayos ang kanyang pagtayo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako talaga ang tinutukoy nilang dalawa kanina. I don't know what to ask or what to say. 


"Kanina ka pa dyan?" tanong ni Sapphire ngunit hindi ko siya sinagot. Umupo lang ako sa upuan ko kanina upang ituloy ang kinakaen ko kanina.


"M-May narinig ka ba?" tanong muli nito. Tinigil ko ang pagsubo at tinitigan silang pareho. Mga ilang segundo rin ang lumipas bago ko sila sinagot. Walang umimik sa kanilang dalawa.


"Wala naman, bakit?" pagsisinungaling ko. Ayaw kong isipin nila na nag-e-eaves drop ako.  Tumahimik naman ang paligid, ang awkward. Hindi ako nakatingin sa kanila pero ramdam ko na nagsesenyasan sila na kausapin ako.


"Nyx, gusto mo pa ng hotdog?" sambit ni Sapphire, trying to lighten the mood. Nilingon ko siya at napansin ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.


"Sige, salamat," I replied softly, trying to hide the tension in my voice. Sapphire handed me another serving of Hungarian sausage, but this time, I couldn't muster the appetite to eat it. My mind was too preoccupied with their conversation and what they might be hiding from me.


Ravi, sensing my unease, cleared his throat before speaking up. "Nyx, binilhan na pala kita ng art materials mo." Ngumiti ito na parang walang nangyari at iniabot sa akin ang isang malaking paper bag ng National Book Store.


"Thank you!" ngumiti ako ng tipid habang kinukuha ang paper bag. Lumaki ang mga mata ko nang makita ang laman nito. 


"Ang dami naman nito, Ravi" Paano ba naman kasi, may binili siyang mga sketch books na malalaki at maliliit, tapos may oil paint, color pencils, pastel colors, graphite pencils, watercolors, cavas, at unipens na may iba't ibang point. Marami pa siyang binili na hindi ako familiar. Parang binili niya na tuloy lahat ng laman ng NBS.


"Para siguradong hindi ka na mauubusan ng art materials," ngiti nito. Ayan nanaman ang nakakahawa niyang mga ngiti.  Alam kong pampalubag loob lang ito pero I'm still grateful for his gesture.


"Salamat." I gave him a genuine smile.


"Anong balak natin bukas?" si Sapphire naman ngayon ang nagsalita. Naalala ko tuloy ang liham ni Miss Turner, na kung gusto ko ng sagot sa mga tanong ko, kailangan ko siyang i-meet sa park bukas bago lumubog ang araw.


Mas naging curious tuloy ako kung may kinalaman ba ang sulat nito sa mga pinag-usapan nila Sapph at Ravi. Pero am I really ready to know the truth? 


"Nyx, sunset!" sigaw ni Sapphire habang tinuturo ang papalubog na araw sa labas ng bintana. I missed her saying that. Bumalik ang mga panahong kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan, pero ngayon, kahit anong angulo, hindi ko siya maintindihan. 


Life is too short to hold grudges, 'yan nalang ang inisip ko para hindi ako mabaliw. I need to keep myself calm. Hinila ako ni Sapphire patungo sa bintana, kung saan kami lagi humihiling kapag palubog na ang araw. 


We watched the sunset in silence, the orange glow of the sun casting a warm light in the room. It was a peaceful moment, a stark contrast to the turmoil inside me.


"Make a wish," nakangiting sabi ni Sapphire sa akin. Hindi ko alam kung nag-jo-joke siya kasi matagal ko ng hindi ginagawa ito dahil hindi na ako naniniwala na magkakatotoo ang mga hinihiling sa paglubog ng araw. Pero seeing her this happy, I can't just tell her that.


"I wish..." napatigil ako, tinignan ko siya bago napatingin kay Ravi. They were both waiting for my wish. Nakaka-pressure. Pakiramdam ko kung ano man ang wish ko ay nakadepende sa wish ni Sapphire. Dati naman kasi siya lagi ang nauunang mag-wish bakit ngayon kailangan ako?


Gusto kong ihiling na sabihin nila sa akin ang totoo pero ayaw ko namang pilitin sila. Baka ako rin ang magsisi sa huli. Huminga nalang ako nang malalim bago humiling sa papalubog na araw.


"I wish for...peace," I finally said. Gusto ko lang naman ng kapayapaan. Alam kong vague ang hiling ko pero it's all I could think of. Hindi ko naman pwedeng i-elaborate dahil baka malaman nilang narinig ko ang usapan nila kanina.


"Peas? Mayroon naman sa ref, Nyx. Bakit kailangan mo pang ihiling 'yon?" napa-face palm naman ako sa sinabi ni Sapphire, minsan talaga bobita rin itong pinsan ko na ito eh. Hayst!


"Peace, Sapph! Peace. Kapayapaan! hindi gulay!" hampas ko sa braso nito. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa nalang. Jusko!


"Sorry naman, i-clear mo kasi" natawa nalang siya kaya nahatak naman ako. Pinagmamasdan lang kami ni Ravi.


"I wish..." Si Sapphire naman ngayon ang bumwelo para sabihin ang kanyang hiling. Tinitigan ko lang ito habang inaantay ang kanyang sasabihin. Hindi ko alam kung bakit iba ang kabang nararamdaman ko habang nakatitig lang sa kanya.


"I wish for happiness, for the time we have." Sapphire said softly.


Napakurap-kurap ako sa hiling ni Sapphire. Ramdam ko ang lungkot sa boses nito, na para bang nagpapaalam siya. Gusto ko maintindihan. Gusto ko tanungin. Pero bakit ngayon palang nasasaktan na ako? Paano pa kaya kapag nalaman ko na?


*****

#WUAS21



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

31.6K 288 12
BLURB I knew about the story of my father. He was the famous hotelier that everyone wanted to be. Stanislav Vaughn Rozovsky was the epitome of power...
953K 30.5K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
321K 9.4K 53
Clara Sabrina Cortes loathes Claro Lorenzo Lusterio to depths since time immemorial. Aside from the fact that he "accidentally" kissed her when she w...