Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

917K 31.3K 20.5K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 49

10.8K 427 438
By JosevfTheGreat

Chapter 49: Opacity and Proximity

#DittoDissonanceWP

AUTHOR'S NOTE: tenchu for waiting! don't forget to vote :) enjoy! always and always kong ma-appreciate ang votes and comments ninyo :> cute lahat ng reactions hahaha

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Alas-diez na ako ng umaga nagising ng Wednesday. Sinulit ko talaga 'yung day-off ko putangina. Sabi ko kina Ashton, hindi ako puwedeng hindi makatulog nang mahimbing kagabi. Sinabihan ko rin sila na 'wag akong ayain mag-almusal nang sobrang aga. Sinabayan naman nila ako, gigising na lang din daw sila ng mas late.

Nakapagkuwentuhan din kami saglit ni Mishael habang nagbibihis siya. May lakad daw sila ng girlfriend niya. Sakto raw kasi na-cancel 'yung pasok niya ngayong Miyerkules. Hindi ko na rin kasi siya gaano nakakausap dahil salungat 'yung schedules namin.

Dahil maganda ang gising ko, naligo na rin ako agad para mas guminhawa ang umaga ko. 'Pagkatapos, nag-chat na ako kina Leroy.

Mga bading (except kay Ashton)

Zern:

@everyone gising na kayo? nagising na me kanina, nakaligo na ako.

Ashton:

Nakahiga ako. Hinihintay kita magising. Hinihintay ko chat mo HAHAHAHA

Leroy:

Sakto pala! Sa sobrang inip ko hindi na ako makapaghintay at nagugutom na ako kaya otw na me sa dorm mo zern HAHAHAHAHA

Zern:

Okay, bihis ka na rin Ashton HAHAHAHA kain tayo. Gutom na rin ako. Ano gusto niyo kainin? Kayo naman magdecide palaging yung main character nagdedesisyon e. Kakapagod din kaya mag isip HAHAHAHAHA

Ashton:

Sa Aritori nalang tayo ulit. Gusto ko ng pasta :D

Zern:

Sige HAHAHAHA kaso baka maging hyper na naman si Bading.

Napatingin ako sa pinto nang narinig ko sa labas si Leroy kaya tumayo na ako para labasin siya.

"Nabasa ko 'yon!" bungad ni Leroy sa akin habang nakataas ang kilay.

"Ano? Totoo naman, ah. Tikman ko nga 'yon, parang gusto ko rin ng matamis ngayon. Masarap kasi tulog ko. Maganda ang mood ng main character mong friend ngayon," sabi ko at ngumiti na parang nanalo ng award sa stage.

Nginiwian niya ako. "Nagugutom na ako, teh. Kaya tara na," sabi ni Leroy at nauna na maglakad.

Humalakhak ako't isinarado na ang pinto. Tinulak ko pa ang pinto para i-check kung naka-lock 'yon. Susunod na sana ako kay Leroy nang bigla kong narinig na bumukas ang pinto ng dorm ni Caiden.

Nakangiti akong lumingon. "Hi, Caiden!" sabi ko at kinawayan siya.

Mukhang nakaligo na rin siya at ready na rin lumabas. Baka maga-almusal din. May try-outs pa sila mamayang ala-una. Tapos may party naman ng alas-sais. Ang cute naman ng araw na 'to! Wala akong gagawin!

"Hi, Zern. Good morning. Saan ka punta?" nakangiting sabi ni Caiden 'saka isinarado ang pinto niya.

"Mag-almusal kami nina Leroy. Nagpa-late ako ng gising kasi day-off naman. Deserve ko rin matulog nang mahaba-haba," sabi ko at mahinang tumawa.

Mahina rin siyang natawa. "Ako rin nga, e. Halos kagigising ko lang. Nag-exercise lang ako saglit tapos naligo na ako. Kaso nauna na kumain sina Titus. Kain na lang ako sa karinderya," sabi ni Caiden.

"Aw, gusto mo bang sumama sa amin?" sabi ko at bahagyang nag-alinlangan pa.

Maganda lang 'yung mood ko kaya hindi ako nahihiya. Pero hindi ko pa rin nakalilimutan 'yung ginawa ni Caiden kahapon. Tangina talaga! Sinabihan niya ako ng cute! Tangina. . . tapos parang hindi man lang siya nahihiya sa akin!

Umiling siya. "Hindi na. Bonding muna kayong tatlo nina Ashton. See you na lang mamaya sa try-outs at sa party. Inom tayo, ah!" sabi ni Caiden at humalakhak.

Tumango ako't humalakhak din. "Ay, oo talaga. Iinom talaga ako. Ang tagal-tagal ko nang hindi nalalasing. Hindi na rin kasi nakakapag-night club," sabi ko.

"Zern! Nasa baba na raw si Ashton," sabi ni Leroy mula sa hindi kalayuan sa amin.

"Sige na, baka hinihintay na kayo ni Ashton," sabi ni Caiden habang maamong nakangiti sa akin.

"Sabay na tayo pagbaba," sabi ko.

"Kukuhanin ko pa 'yung phone ko. Naiwanan ko sa loob. Una na kayo ni Leroy," sabi ni Caiden.

Tumango-tango ako't nag-wave na lang sa kaniya bago siya tinalikuran. Bigla akong nalungkot na mag-isa siyang kakain. Kung ako lang siguro mag-isa kakain, sasama siya. Iniisip niya siguro si Ashton. At alam kong nagdahilan lang siyang may kukuhanin para hindi na sila magkaharap ni Ashton.

Hay. . . Sana maging maayos naman sila sa court kahit papaano. Ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko na nag-aaway sila. Okay na kami ni Caiden. Hindi na dapat ginagawang big deal ang nangyari.

Napangiti rin naman ako agad nang nadatnan namin si Ashton na maaliwalas ang mukha at nakatayo sa ibaba ng hagdan.

"Ang gaganda ng gising ninyong dalawa, ah? Ako kasi, ang aga ko nagising tapos gutom na gutom na ako," sabi ni Leroy kaya mahina kaming natawa ni Ashton.

"Kapag mga supporting role lang, okay lang magutom. Kapag mga main character na katulad ko, dapat priority at naga-adjust ang lahat," sabi ko.

"Sus! Porket nakita mo si Caiden. Ang landi pa ng pag-hi mo sa kaniya," nakangiwing sabi ni Leroy sa akin kaya kinunotan ko siya ng noo.

Saglit pang lumipat kay Ashton ang mga mata ko at hindi naman nagbago ang ekspresyon niya. Nakangiti pa rin siya sa amin ni Leroy. Kinabahan lang ako na baka masira mood niya dahil na-mention si Caiden.

"Minsan lang ako makatulog nang maayos. Gusto ko i-share 'yung good mood ko. Hindi ka tatablan ng paghawa ko ng good vibes dahil ikaw 'yung pang-balance ng kapangitan sa mundo," sabi ko.

Humalakhak si Ashton kaya natawa na rin ako habang si Leroy ay iritable dahil nagugutom na. Mas masarap tuloy siyang asarin dahil pikon siya at the moment.

"Tangina mo, Zern Josh Villarama. Isa kang bading. Bading na malandi. Enjoy-in mo 'yang good vibes mo dito sa lupa, dahil wala niyan sa impyerno," sabi ni Leroy.

Napatakip ako sa bibig ko sa pagkagulat 'saka humalakhak. "Tangina mo naman! Bwisit ka. Bawal ba akong maging masaya?" sabi ko at mahina siyang hinampas sa braso.

Nginiwian niya ako't pinagpag ang nadikitan ko sa kaniya. "Don't touch me. 'Saka ninyo na ako kausapin kapag nakakain na ako. Gutom na ako, putangina ninyong dalawa at lahat ng nasa university na 'to," sabi ni Leroy.

Tawang-tawa kami ni Ashton pero hindi na kami nagbagal dahil baka manakal na 'to si Leroy.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Habang nasa biyahe, tahimik lang si Leroy sa passenger seat at tutok sa phone niya. Nilingon ko si Ashton na seryoso lang na nagmamaneho. Nginitian ko lang siya nang napalingon din siya sa akin.

"Bakit?" sabi ni Ashton. "May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman, chini-check lang kita," sabi ko.

Bigla kasing sumanggi sa isip ko na malungkot siya kahapon. Gusto ko rin ingatan ang nararamdaman ni Ashton. Ayaw kong maramdaman niyang mag-isa lang siya at wala kami ni Leroy sa tabi niya.

"I'm fine, Zern. Thank you," sabi ni Ashton at malawak na ngumiti.

'Pagkarating namin do'n, kaonti lang ang tao. May isang grupo lang ng matatanda at isa pang grupo ng pamilya. Kaya nakapuwesto ulit kami sa palagi naming pinagpupuwestuhan.

In-order ko ang favorite ni Leroy na tinapay na dini-dip sa chocolate at gano'n din si Ashton. Titikman namin 'yung kinababaliwan nito ni Leroy. Nag-order na lang din kami ng ibang meal for hint of savory naman.

Nagkuwentuhan lang kami ng masasayang puwedeng pag-usapan. Sinasadya kong hindi maging malungkot ang topic at gano'n din ang ginawa ni Leroy. Hindi naman pilit kaya mas nagiging natural ang pagtawanan namin. Na-miss ko rin na gan'to kami, since ganito naman talaga kami noon pa.

May nagbago lang talaga no'ng biglang. . . dumating si Caiden. Naging mainitin ang ulo ni Ashton. Unlike noon na palagi siyang masaya at nagsisimula pa ng pang-aasar sa amin ni Leroy.

Nang natapos akong kumain, in-excuse ko muna ang sarili ko para mag-CR pero kahit umalis ako, hindi natigil ang pagtatawanan nilang dalawa.

Napabuntonghininga ako habang nakatitig sa reflection ko sa salamin. I look refreshed and happy. Halata lang talaga 'yung pagod. Naghilamos ako para hindi masira ang mood ko. Nakakairita talaga kapag inaatake ng anxiety out of nowhere. Putangina, talagang sira 'yung mood, e.

Kumuha ako ng tissue at halos mapatalon ako sa gulat nang biglang pumasok si Ashton na nakangiti at halatang kagagaling lang sa pagtawa. Kaya ngumiti rin ako agad pero siya naman ang unti-unting nawala ang ngiti.

Hindi ko talaga matatakasan ang mga mata ni Ashton. Masyado na niya akong kilala.

"What's the matter?" mahinahon at malambing na sabi ni Ashton 'saka lumapit sa akin.

Napalitan ng pagod na ngiti ang pilit kong ngiti. "Inatake lang bigla ng anxiety. Ang dami ko lang kasing kini-carry these days. Ang hirap-hirap pagsabayin," sabi ko at mapait na tumawa.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at maamo akong nginitian. Tinitigan ko ang guwapong mukha ni Ashton.

"I know. I'm sorry. Alam kong nakadagdag ako sa bigat na dala mo. I'm okay now. Hindi na ako magagalit kay Caiden. You don't have to worry about it. That's on my side, pero ikaw ang nagdadala. I'm sorry, hmm?" malambing na sabi ni Ashton.

Napangiti ako't tumango. Pinisil-pisil niya ang magkabila kong pisngi habang nakakagat sa kaniyang ibabang labi. 'Ta mo 'to, 'pagkatapos akong i-comfort, panggigigilan naman ako bigla.

"Ayaw kong malulungkot ka dahil kay Caiden, ah? Kapag may ginawa 'yon sa 'yo, sabihin mo sa akin. Hindi puwedeng hindi," pabirong bilin ni Ashton.

Sinimangutan ko siya't kinunotan ng noo. "Kaibigan ko rin si Caiden. He's nice at wala 'yong gagawin sa aking masama. Hindi rin naman kami gaano nagba-bonding dahil mas gusto ko rin kayo kasama ni Leroy," sabi ko.

"Sus. . . palagi mo ngang hinahanap si Caiden. Kahit hindi mo sabihin at itago mo nang ilang beses, alam ko kapag may hinahanap 'yang mata mo. Ako pa lolokohin mo sa ganiyan, e kabisado ko na 'yang mata mo," sabi ni Ashton.

Ngiwian ko siya't tinabig ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Kayo ni Leroy, masyado ninyong ginagawang special 'yung interaction namin ni Caiden. As if naman may dapat i-assume, 'di ba?" sabi ko kahit alam kong mahahalata ni Ashton na may tinatago ako.

Nangunot ang noo niya. "Mukha mo, Zern. Halatang may napag-usapan na kayo ni Caiden. At marami na sigurong moments na kinilig ka sa kaniya. Bakas na bakas sa mukha mo. Kahit hindi ka naman directly nagkukuwento ng moments ninyo, parang kumikinang pa 'yang mga mata mo," mayabang na sabi ni Ashton bago tinalikuran para maghugas ng kamay.

Hinampas ko nga siya sa likod, pero mahina lang naman. "Bwisit ka. Maghuhugas ka pala ng kamay tapos hinawakan mo 'yung mukha ko," sabi ko kaya humalakhak siya.

"Tinapay lang naman hinawakan ko," sabi ni Ashton.

"Iihi nga ako tapos ihahawak ko sa mukha mo 'yung kamay ko," sabi ko at humalakhak dahil bigla rin akong nandiri sa sinabi ko.

"Sige, hamunin mo ako ng kadugyutan, Zern. Kapag ikaw sinampolan ko ng kadugyutan. . ." mapanghamon na sabi ni Ashton bago ako hinarap.

Napangiti ako't walang pasabing niyakap siya bigla. Hindi siya nagulat at niyakap lang din ako pabalik. Basa pa nga 'yung kamay pero putangina hindi ko na inintindi. Gusto ko siyang mayakap.

This is how Ashton and I bond. Parang ang tagal naming hindi naging ganito dahil nga palagi siyang tahimik at may kung ano-anong iniisip. Gawa na rin ng dahil kay Caiden. Kaya kahit papaano ay may natanggal din na bigat sa dibdib ko.

Hindi na rin kami nagtagal do'n dahil walang kasama si Leroy. Baka kung anong isipin no'n at magsimula na naman ng pang-asar. Hyper pa naman siya dahil nakakain na naman ng paborito niya.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Pasado alas-dose namin naisipan umalis sa Aritori. Tumambay na rin kasi kami ro'n at um-order pa si Leroy ng isang batch ng tinapay at chocolate dip. Nag-order na lang din ako ng nachos habang nagkukuwentuhan kami.

Hanggang sa kotse at 'pagkarating namin sa gym, masaya kaming tatlo. Nakaka-miss din talaga na bonding lang kami nang bonding at wala gaanong iniisip.

Namataan ko agad si Caiden na nagsho-shooting kasama ang ibang year. Nando'n din si Titus at 'yung isa pa nilang friend na hindi ko alam ang pangalan. Dumeretso na kami ni Leroy sa bleachers habang si Ashton ay pumunta na ng locker room para magbihis.

Nakita ni Caiden si Ashton kaya kusang lumibot ang mga mata niya at huminto sa akin. Napangiti siya't tipid na kumaway. Kinawayan ko lang din siya pabalik habang nakangiti.

"Ngiting-ngiti si bading. Tangina mo. Alam mo ba, kinikilig ako kahapon. Kasi parang tanga si Caiden, hindi ka nilulubayan. Tingin nang tingin sa 'yo!" sabi ni Leroy.

"Tch. Oo, 'wag mo na ipaalala. Ayaw ko na ngang isipin 'yon. Stress-free ako ngayong araw. At saka, kung gano'n siya, hayaan mo na siya. Ayaw ko ng i-solve 'yung puzzle, lalo na kung wala naman dapat i-solve," sabi ko at ngumuso.

"Sabagay. Although. . . base sa mga sinabi ni Titus, maging delulu ka na. Sayang naman, 'di ba? This is not you, Zern. Delulu tayo, ano ba?" sabi ni Leroy.

"Baliw ka ba. Mabait lang talaga si Caiden. Pinagsisilbihan ka nga rin niya. So, feeling mo may gusto siya sa 'yo? Ang arte mo kasing bading ka. Kukuha ka na lang ng tissue sa counter, siya pa tuloy kumuha," sabi ko at nginiwian siya.

Humalakhak si Leroy. "Tinatamad ako, e. At saka mabait naman siya, e. Panindigan na niya," sabi niya kaya binatukan ko nga.

"So ibig sabihin lang, gano'n lang talaga siyang tao. May mga alam na rin ako sa kaniya dahil nakausap ko nga 'yung mama niya. Kaya somehow napag-connect-connect ko rin," sabi ko at napatingin ulit kay Caiden na busy na ngayon makipag-agawan ng bola.

"Pero. . . kidding aside, Zern. I mean, based lang din sa na-observe ko kahapon. Para kasing may iba siyang pagtingin sa 'yo, or ako 'yung assuming? Sinasabi ko lang 'to dahil baka mamaya mag-overboard ka," sabi ni Leroy kaya napalingon ako ulit sa kaniya.

Nangunot ang noo ko. "What do you mean mag-overboard? Casual lang naman kami ni Caiden. At saka. . . masaya rin siya ka-bonding. Marami siyang kinikuwento at- 'yon nga-mahilig siyang magsilbi," sabi ko.

"I don't know. Feeling ko lang kapag pinagpatuloy niya 'yung gano'ng pagtingin sa 'yo, marami ng makakapansin. Overboard-meaning parang hindi ninyo alam 'yung line ninyong dalawa dahil parang may tinatago kayo sa isa't isa," sabi ni Leroy kaya napatango-tango ako't bahagyang natigilan.

"Sabagay. . . napansin na rin nina Titus. Lalo na 'yung ka-chat niya ako tapos para raw siyang kinikilig. Pero sinabi naman niya na walang ibig sabihin 'yon kahapon. Tinanong ko siya no'ng nasa CR kayo ni Titus. Na-appreciate niya lang daw ako. Naisip kong gano'n naman talaga tayo kapag may naa-appreciate tayong tao-parang gusto na nating alagaan at 'wag madumihan," sabi ko.

Napanguso si Leroy at pinroseso ang sinabi ko. Tumahimik na siya at nanood na kami sa mga nagsho-shooting. Mukhang naging same na lang din kami ng conclusion. Pangit din kasing lagyan ng ibig sabihin 'yung dapat wala naman talaga. Never assume! Lalo na sa straight.

Tumitingin-tingin si Caiden sa puwesto namin sa tuwing nakaka-shoot siya. Hindi ko alam kung sadya pero pumapalakpak na lang ako bilang cheer. Gano'n din naman ginagawa ko kay Ashton kapag nakaka-shoot siya. Hindi ko tuloy alam kung sino ang isu-support ko sa game nila. Pero ang mahalaga, okay na si Ashton. Okay na si Caiden. Wala ng dapat ika-stress unlike last week.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Marami silang ginawang stretching at shooting bago nagsimula ang practice game, kaya naman natagalan bago natapos ang game. Mukhang nagpatay na rin sila ng oras para sakto lang din ang dating namin sa Korean BBQ place.

Almost 5 p.m. natapos ang pinaka-game. Nag-shower din muna silang lahat. May mga bumalik sa dorm, at may mga sa shower area naligo. At opo, pinigilan kong hindi maalala 'yung nahuli ako ni Caiden na naliligo pero wala na, putangina, naalala ko na.

Sinalubong na namin ni Leroy si Ashton na katatapos lang maligo.

"Ang bango naman!" bungad ko kaya mahinang natawa si Ashton.

"Duma-damoves ka na naman, ah. Gusto mo atang amuyin leeg ko," sabi ni Ashton kaya nagtawanan kaming tatlo.

"Why not! Ano naman? Ang bango mo, e. Ang galing-galing pa mag-three points kanina! Nagulat ako no'ng lumabas ka. Parehas kaming napatayo ni Leroy kasi wala ka sa loob kahit dapat center ka," sabi ko.

"Oo, naks naman! Ganado ang manok namin. In love siguro 'yan," sabi ni Leroy kaya awkward na tumawa si Ashton at malakas na tinapik si Leroy sa braso.

"Ha! Ha! Ha! Galing mo talaga mag-joke, Leroy, 'no? Isa pa nga. Para sa kabilang braso naman kita tatapikin nang malakas-lakas," sabi ni Ashton habang nakangiti nang sarkastiko.

Nangunot ang noo ko. "Huh? In love ka?" sabi ko dahil nahalata ko 'yung hangin sa pagitan nila.

Pinipigilan ni Leroy tumawa at hindi tumitingin sa akin. Mukha ng nadulas! Kaya tiningnan ko si Ashton na hindi rin alam ang sasabihin. Itinago na lang niya 'yon sa isang mas awkward na ngiti 'saka umiling.

"Hindi, ah! Ako? Hindi naman ako nai-in love. Kailan pa?" sabi ni Ashton at umiwas ng tingin.

Napanguso ako nang bahagya kong na-gets. Ah. . . baka 'yong napag-usapan nila ni Leroy no'ng isang araw. Which is naramdaman ko naman na kung sino 'yung gusto ni Ashton. Hindi ko na lang din gagawing issue. It's better to be unsaid.

"Tara na nga! Sinabi ni Coach Macapagal na hihintayin na tayo sa labas! Kung ano-ano pa kasing joke nito ni Leroy. Sarap balibagin, e," sabi ni Ashton 'saka kami inakbayan ni Leroy.

"Gutom na ako! At saka inuman na!" sabi ni Leroy at maagap na sinabayan 'yon ni Ashton para siguro magbago 'yung hangin.

Nakitawa na lang ako at nakisabay sa kanila. Na-gets ko naman na. Hindi na kailangan i-overthink.

"Ashton!"

Napatigil kami sa paglalakad nang may tumawag kay Ashton mula sa likuran namin. Napanguso ako nang nakita ko si Titus. Kasama niya si Caiden at 'yung isa pa nilang friend.

"Nice game! Galing mo talaga. Buti tayo magkakampi. Panis na naman 'yung isa diyan," sabi ni Titus at nakipag-apir pa kay Ashton.

Maligayang tinanggap 'yon ni Ashton. "Hindi, boss. Sakto lang," sabi ni Ashton at mahinang tumawa.

"Nasupalpal mo pa 'yung isa diyan. Mahina kasi," sabi ni Titus kaya napatingin ako kay Caiden na nakatingin na pala sa akin.

Napangit ako't mahinang tumawa dahil mukhang siya 'yung sinasabihan ni Titus. Napangiti na lang din siya't umiling-iling nang nakita akong nakangiti sa kaniya.

"Magaling kaya si Caiden! Wala ka namang ginagawa, Titus," sabi ni Leroy.

Nagsitawanan kaming lahat maliban kay Titus na handa ng gantihan si Leroy. Gago! Close na agad sila, huh! Nagsabay lang mag-CR, e. Hmm. . . eme! Chariz lang.

"Tangina mo! Basag ka!" sabi no'ng isa nilang friend habang tawang-tawa.

"Aba. Gusto mo ata akong kalabanin sa asarin, Leroy!" sabi ni Titus at pabirong dinuro si Leroy.

I pursed my lips to stop myself from bursting into laugh. Si Leroy pa hinamon niya! Wala naman 'yang inuurungan.

"Ay, 'wag mo akong hinahamon. Baka gusto mo mag one-on-one pa tayo sa basketball at wala ka pa ring magawa," sabi ni Leroy kaya nalaglag ang panga ko.

"Sheesh!" sabi no'ng isa nilang friend. "Panis! Oh, ayan. Lagot ka. Dumagdag na defender ni Caiden," sabi pa niya.

Sino ba siya? Ano ba pangalan nito. Ang daldal, e. Parang kasing harot 'to ni Titus. Paano kaya 'to naha-handle ni Caiden. Para kasing reserved siyang tao at minsan lang mag-ingay.

"Lagot ka. Hindi pa niyan sumasama si Zern sa pag-defend sa akin. Paano pa kaya kung sumama siya, taob ka diyan," sabi ni Caiden at ngumisi sa akin.

Tumango-tango ako para makisakay sa asaran nila. "Nako. . . baka pag-untugin ko pa kayo ni Ashton," sabi ko kaya nilingon ako ni Ashton.

"Bakit ako nadamay?" sabi ni Ashton sa akin habang natatawa.

"Ka-team mo 'yan si Titus, e!" sabi ko.

"Oo nga! Diyan ka na kay Titus. Magsama kayong bulok mag-shooting," sabi ni Leroy at lumayo agad kay Ashton dahil baka batukan siya.

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Leroy. Dumikit sa akin si Leroy para hindi siya magalaw ni Ashton.

"Tara na nga! Naiinis na ako sa inyong lahat. Mga bully kayo. Binu-bully ninyo 'yung magaling na basketbolista sa org natin," sabi ni Titus at umiling-iling pa't nauna na maglakad.

Napangiwi kami ni Leroy. Natatawang umiling-iling na lang si Caiden bago kami sabay-sabay na sumunod sa kaniya. Ang lakas din talaga ng tama ni Titus. Bagay silang magsama ni Leroy. Baka magkaroon ng riot bigla.

Magkasabay maglakad si Ashton at 'yung isa pa nilang kaibigan. Kasabay ko namang maglakad si Caiden at nasa gilid ko si Leroy. Mag-isa sa harapan si Titus.

"Ano bang pangalan nito?" tinuro ko 'yung katabi ni Ashton.

Mahinang natawa si Caiden. "Si Echo. Si Titus 'yung nasa harap. Tapos 'yung wala rito, si Magnus," sabi niya.

"Ah, okay. Maharot din siya, 'no? Parang kayo lang ni Magnus 'yung tahimik sa inyong apat," sabi ko.

"Oo, sinabi mo pa. Nababanas na nga ako diyan kay Titus minsan. Kay Echo rin. Tingnan mo naman kung paano niya ako sinimulan pag-trip-an kanina. Nahihiya lang akong murahin siya, e. Kasi panigurado idadagdag niya 'yon sa pang-asar sa akin," sabi ni Caiden at natatawang umiling-iling.

"Ang galing mo kanina pala. Pinapanood kita. Galing mo mag-rebound pati mag-layup. Kaso. . . nasupalpal ka ni Ashton kanina," sabi ko at mahinang tumawa.

Namula agad ang tainga niya sa sinabi ko at nahihiyang tumingin sa akin. "Oo, e. Friendly game lang naman kaya hindi ko na ginagalingan masyado sa gano'n. Pero pinapanood mo pala ako, akala ko si Ashton lang pinapanood mo," sabi niya at nakaya nang lingunin ako.

"Kayong lahat pinapanood ko. Mas na-observe lang kita ngayon. Bagay kasi sa 'yo 'yung jersey mo. Batak na batak 'yung braso mo," sabi ko at humalakhak.

"Tss! Kaya pala. Kaya pala tutok ang mga mata sa akin. 'Wag ka mag-alala, se-send-an kita ulit," sabi ni Caiden at humalakhak bago nahihiyang nag-iwas ng tingin.

"Beh. . . nandito ako, beh. Naririnig ko kayo, beh," bulong ni Leroy sa gilid ko pero hindi ko siya nililingon dahil baka mas lalong mahiya si Caiden.

Hindi ko tuloy alam ire-react ko! Nandito nga pala si Leroy tangina.

"Nakakatakot na 'yan. . . baka may ma-send kang iba," pagbibiro ko para bumalik sa kaniya 'yung hiya at hindi sa akin.

He bit his lower lip while smiling from ear to ear. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi na siya nagsalita at itinago na lang sa malawak na pagngiti lahat ng hiya niya. Pulang-pula na naman 'yung tainga at leeg niya.

'Pagkarating namin sa labas ng building, nando'n na silang lahat. Para kaming isang classroom sa dami namin. Partida may mga hindi pa nakasama niyan.

Naisip nilang kaniya-kaniyang punta na lang ang do'n kasi mahihirapan pa kung sabay-sabay. Maghihintayan naman at saka kung male-late, puwede pa rin naman humabol dahil hanggang midnight naman do'n.

I-e-enjoy ko na lang din mun ang gabing 'to. Kakalimutan ko muna lahat ng mga gagawin ko maging ang trabaho ko bukas. Enjoy muna. Kakain ako nang marami, at makikipagkuwetuhan habang tumutoma.

Another deserve ko 'to series kasi-oo, deserve kong uminom kahit may pasok ako bukas. . . bahala na bukas putangina. Basta deserve ko 'to.

"Sabay ka na sa akin. Mukha kasing sasabay sina Coach at 'yung iba pa kay Ashton," sabi ni Caiden at mukhang hindi na namumula.

Hinanap ko si Leroy. Kasama niya si Ashton. Tumutulong siyang magdesisyon sa mga sasabay kay Ashton at sa kung sino ang sasabay naman sa ibang may kotse.

Napanguso ako't tumango. "Sige, sabay na lang ako sa 'yo. Mukhang sasabay naman na si Leroy kay Ashton. Baka makadagdag ako at gumulo lalo 'yung pinaplano nila," sabi ko.

Napangiti si Caiden. "Nice. . . tara?" mahina niyang sabi.

"Huh? Hindi natin sila hihintayin? At saka baka may sumabay sa 'yo," sabi ko.

"That's the point. Ayaw kong may sumabay sa akin kaya nga mauuna na tayo ro'n. Gusto rin kitang makakuwentuhan saglit," sabi ni Caiden at maamong ngumiti.

Tumango-tango ako't nanliit ang mga mata sa kaniya. "Sige, daan muna tayo ng convenience store sa highway. Libre mo ako ng ice cream," sabi ko at ngumiti na parang baby.

Namungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Mas tumamis ang maamo niyang ngiti bago dahan-dahan na napatango.

"Sure. Basta ikaw."


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

352K 5.4K 23
Dice and Madisson
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
917K 31.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.