Colliding Stars

By liveaches

6.6K 292 479

In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineeri... More

colliding stars
soundtrack
prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen

chapter eight

176 7 17
By liveaches

━━━━━━━━━━

CHAPTER EIGHT

I saw AK running after the child. 

Nakita ko na tumatakbo sila palabas ng Mini Forest, papunta sa harap ng Capitol Gym. Nagulat din ako nang biglang sumunod si Hiro sa kanila. Iniwan niya ang styrofoam na cooler niyang dala.

Napakamot ako sa ulo ko. What the fuck is actually happening?! I can't believe na nasalisihan ako ng isang bata. 

Kailangan kong makuha ang bag ko! Nandoon lahat ng gamit ko.

Napakamalas ko nga naman! I ran my hand through my hair in frustration. This is all so fucking crazy. I can't believe this is happening to me.

Pagtitinginan sila ng tao. May mga tindero at tindera rin na sinisigawan ang batang nagnakaw ng bag ko pero hindi sila pinapansin ng bata, tuloy lang ito sa pagtakbo. May mga dumadaan din na sinubukang pigilan ang bata pero naiilagan sila ng bata. 

Kinuha ko muna ang dala-dalang cooler ni Hiro at sinundan ko silang tatlo. I ran after them. Buti na lang at naka-PE uniform ako at makakagalaw ako nang ayos kasi kung naka-daily uniform ako, hindi ako makakatakbo. 

Nakalabas na ako ng Mini Forest at tumigil ako sa may harap ng Bulacan Capitol Gym. Hindi ko na alam kung saan sila napunta. Lumingon ako sa kanan at kaliwa pero wala, hindi ko na sila naabutan. Hindi ko sila makita. 

Napakamot ako ng ulo ko. Tangina.

Lumingon-lingon ako sa paligid. May nakita akong nagtitinda ng ice cream sa gilid. Hoping that he saw Hiro and AK running after the kid, I approached the ice cream vendor. "Kuya, may nakita po kayong tiga-BulSU na may hinahabol na bata?" tanong ko sa kanya.

"Ay, oo! Dumiresto sila sa may Provincial Court." my face lit up when I heard his answer. I thanked him and I turned right.

Habang naglalakad ako, matinding kaba ang nararamdaman ko. Bakit kailangan na bag ko pa ang makuha. Ang dami pa namang importanteng gamit doon. 

Nandoon wallet ko, lagot ako kapag nawala wallet ko. Wala na akong pera for the whole month. Nasa loob pa man din ng wallet ko mga card at ID ko. Nandoon din sa loob ang cellphone. Malilintikan ako sa mama at papa ko kapag hindi nabalik sa akin 'yun.  Nandoon din mga schoolworks ko. Nandoon din ang hiniram kong powerbank kay Alex.

 Jusko, ganito ba talaga ako kamalas?!

Bakit naman kasi bag ko pa 'yung nakuha?! Ang bobo ko rin kasi. Masyado kasing na-distract kay AK. Ang dami kasing pagiinarte. Kung wala si AK, edi hindi ako nanakawan. Bakit naman kasi maggigitara sa Mini Forest?! Ano 'yan?! May hinaharana s'ya? Uy, 'di na uso 'yun!

Sana talaga mahabol nina Hiro ang batang 'yun.

Habang hinahanap ko sila sa may harap ng Provincial Court, nauubos ko na yata ang kuko ko dahil sa kakakagat ko rito. So imagine the relief I felt when I saw the three of them in front of the statue of Jose Rizal, Marcelo del Pilar, and Mariano Ponce.

Meron silang isang kasama na officer ng Mini Forest. Hawak-hawak ng officer ang bata sa kwelyo ng damit nito kaya naman agad akong lumapit sa kanila. 

"Ikaw na naman!" sigaw ng officer sa bata. "Dapat sa'yo dinadala na sa juvenile center e!" sa sobrang higpit ng hawak ng officer sa bata, pilit na nagpupumiglas ang bata sa hawak ng officer. 

"Hiro," sambit ko at napatingin silang tatlo sa akin — except sa batang nagnakaw ng bag ko na ngayo'y nakayuko lang. I noticed that AK is the one holding my bag. 

Binigay ko kay Hiro ang styrofoam na cooler na dala niya. Then I made eye contact with AK. 

Kukunin ko na dapat kay AK ang bag ko pero nagsalita si kuya. "Sa'yo ba ang bag 'yon, miss?" tanong sa akin ng officer at ngumuso siya sa bag ko na hawak ni AK. 

I nodded in response. "Opo, kuya."

I took a look at the child in question. Mukhang nasa edad na eleven or below pa ito — he's probably around the same age as my younger brother. Ang damit niyang suot ay marumi at gusot-gusot. May mga dumi rin ito sa katawan. Habang hawak ng officer ang damit ng bata, ito ay pilit na kumakawala sa hawak ng officer pero dahil sa higpit, hindi siya makaalis. I felt pity towards the child. 

Binigay ni AK ang bag ko sa akin. "Thank you," I genuinely thanked him with a calm voice. Pagkakuha ko ng bag ko, tumabi na lang ako kay Hiro. Ayoko nga lumapit sa kanya. 

Pero patago akong tumingin sa kanya. Nagusot na ang uniform niya at may mga butil ng pawis sa mukha at leeg niya. Gulo-gulo rin ang buhok niya. Hingal na hingal pa siya. I would be lying if I didn't find him good looking with this look. 

Not gonna lie, he's so handsome when his hair is so disheveled. Why didn't he have that kind of hairstyle noong high school... edi mas lalo akong nabaliw sa kanya. Besides may dapat na hairstyle ang mga lalaking estudyante sa school namin doon. 

I mentally slapped my face. I should stop checking him out. I have appreciated his handsomeness too much. 

Ang kiri mo, Frans! 

Girl, focus! Girl, get a grip! Get the fuck up! Magmo-move on ka na 'di ba? Panindigan mo mga sinasabi mo, Frans! Huwag na huwag mong kainin ang mga salitang sinabi mo, Frans!

I looked at the kid again. Hanggang ngayon pilit pa rin niyang kumakawala sa hawak ng officer. "Ikaw! Lagi ka na lang gumagawa ng gulo! Noong isang araw, gumawa ka rin ng gulo sa may food court!" sigaw sa kanya ng officer. 

Siguro umiral ang pagka-ate ko at naawa ako sa bata kasi mukhang magkasing-edad lang sila ng kapatid ko na si Frankie. In some weird way, I felt like I saw my younger brother in that child. At para bang sinasabi ng isip ko na I should just let this slide. 

I understand the child's situation. I get where he's coming from. Naiintindihan ko kung bakit niya kailangan gumawa ng ganito para lang mabuhay. Alam ko kung gaano kahirap ang buhay at baka wala na siyang choice kundi gawin 'to para lang makaraos sa araw na 'to at may makain. He is a victim of unfortunate circumstances. 

As much as I want to give him his proper punishment, isang bata pa rin 'to. He does deserve it pero dapat bang managot siya when he's just a helpless child? No. Though I agree with the officer na kung maraming beses na 'tong nangyayari, dapat nang bigyan ng proper help ang bata. Proper help, not punishment.

'Saka mukha namang walang nangyaring masama sa bag ko. Wala namang nawalang gamit kaya no harm done. Ayokong pahirapan ang buhay ng isang bata.

Naaawa na ako sa bata. Nagpupumilit pa rin siyang kumawala sa hawak ng officer pero hindi siya makawala-wala. 

Binitawan naman ni kuya ang bata at binigyan ang officer ng masamang tingin.

"Ah, ganyan ka pa makatingin, kapag tinusok ko mata mo—aray!"

Sinipa ng bata ang hita ng officer at tumakbo nang mabilis. Hahabulin pa dapat ni kuya ang bata pero pinigilan ko na siya. 

"Putanginang bata talaga 'yon!" sigaw ng officer sa bata habang palayo ito nang palayo. 

"May nawala ba sa gamit mo, miss?" Humarap sa akin ang officer at tinanong ako. 

Binuksan ko ang bag ko at hinalughog ang buong bag ko. 

I check for everything: wallet ko, check. Cellphone ko, check. Powerbank ni Alex, check. Mga handouts ko, check. Lahat naman ng gamit ko nasa bag ko pa. Hindi rin naman nasira ang mga ito. 

"Wala naman pong nawala, kuya. Salamat po." sabi ko. I thanked the officer. 

"Mabuti naman. Pagpasensyahan mo na ang mga bata na nandito, ha..." panimula ni kuya. "Mga napabayaan na kasi ng mga magulang kaya ayan nagkalat sa lansangan. Madalas pa naman silang manggulo sa mga taong naka-tambay sa Mini Forest, lalo na sa mga estudyante d'yan." paliwanag niya. 

I get him naman. Hindi naman kasalanan ng mga officer ang nangyari. Hindi rin naman kasalanan ng mga bata iyon. They're victims of the unfortunate life kaya nila nagagawang magnakaw. I just want to be understanding since bata pa naman sila.

Nakakalungkot lang na instead na nasa eskwelahan sila, nandito sila sa lansangan, nakikipagsapalaran sa buhay. 

"Sige po... miss, ser, mauna na ako..." sabi ng officer. I once again thanked him at umalis na siya. 

"Gaga ka kasi, Frans!" Hinampas ako nang mahina ni Hiro sa braso. "Pabaya ka talaga kahit kailan!"

"Aray, sorry na! Oo na, ako na may kasalanan."

Tumingin siya si Hiro sa relo niya. "Ay, pota! Sige na nga, Frans, una na ako..." paalam sa akin ni Hiro.

"Ha? Ah, sige lang."

"Malapit na magsimula klase namin 'saka uubusin ko pa 'to." he explained. "Ingatan mo 'yang gamit mo, bye! Bisita ka sa GB ulit!" dagdag pa ni Hiro.

"Syempre naman, miss ko na nga kayo! Sige na, bye!" I waved him goodbye. Patakbo siyang umalis papunta sa direksyon ng uni namin. Pinanood ko lang na mawala si Hiro sa paningin ko at biglang pumasok sa isip ko na kaming dalawa na lang ni AK ang magkasama. 

Babalik na dapat ako sa Mini Forest pero nandito nga pala si AK. Humarap ako sa kanya.

"AK," I called his name at napatingin siya sa akin. Hindi ko napansin na pinapanuod niya lang pala kaming dalawa ni Hiro.

"AK, thank you nga pala, ha..." I thanked him. He's just looking at me directly into my eyes. Na-conscious tuloy ako sa itsura  ko. Meron ba akong kung ano sa mukha ko? Why is he looking at me so... directly? Pwede ba kay Hiro naman siya tumingin... Nakaka-conscious kasi. 

"Kundi dahil sa'yo hindi maibabalik bag ko..."

"No problem, Frans..." sabi niya pero may binulong pa siya. Hindi ko na marinig ng maayos dahil ang hina na rin ng pagkakasabi niya. It sounds similar to basta para sa'yo... Ano 'yun, si Manny Pacquiao ba siya?

"Ano sabi mo?" Then it hit me. Napa-ubo na lang ako sa na-realize ko. Putangina. Akala ko ba magmo-move on ka na, Frans! Get up! Panindigan mo mga sinasabi mo. Remember what happened back then. Remember! Fight back!

"Ha? Wala, wala..." pagtatangi pa niya. Lakas naman ng tama ng lalaki na 'to. 

"Ah, okay... Salamat ulit, AK! Una na ako..."

"Wait... sabay na ako pabalik ng Mini Forest." he said. Okay...

I started walking and so did he. Tahimik lang kaming dalawa. Walang balak umimik. It was kind of awkward in some way.

"He's... your boyfriend?" Bigla siyang nagsalita sa tabi ko. I tilted my head in confusion, nakakunot pa ang noo ko. Sino ba naman boyfriend ang tinutukoy nito? Wala naman ako no'n. 

"'Yung kasama ko kanina?" I asked him. I was taken aback when he nodded. 

"Oo, that guy... boyfriend mo?"

"Huh, si Hiro? Hindi, ah!" I denied. "He's just a friend. Kasamahan ko dati sa cafe, close lang kami. Anong boyfriend ka d'yan!" paliwanag ko. Bakit naman niya iisipin na jowa ko si Hiro? Hindi na ba pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at lalaki? Kailangan may malisya talaga? "Plus wala na akong time mag-boyfriend. Sakit lang sa ulo," I added. 

Totoo naman. Pagkatapos ng senior high school—after what happened with him, I'm done with relationships. I never initiated a romantic relationship with someone else. Baka wala na rin akong interest sa mga bagay na ganoon. After getting heartbroken, siguro tama na muna. I'm still in the process of healing. It's just crazy to think that mas matagal pa akong mag-heal kesa sa mismong "relationship" namin. It's so pathetic. I'm pathetic. 

"Ah, gano'n ba..." sambit niya at may patango-tango pang kasama. Merong maliit na ngiti sa mukha niya. Kanina nakakunot noo nito tapos ngayon ngumi-ngiti pa. Nababaliw na yata 'to...

Hindi na lang ulit ako nagsalita. Malakas na yata ang tama ng kasama ko na 'to. Masyado na bang madaming equations ang sinosolve niya sa Engineering kaya nagiging bano na 'to? While we were walking back, my phone rang. Napatigil ako ng paglalakad para halughugin ang bag ko para kunin ang cellphone ko. 

Javi is calling...

I answered his call.  "Hello?" panimula ko.

"Sa'n ka, beh? Papasok na kami sa Kapitolyo." sabi ni Javi mula sa kabilang linya ng tawag.

"Nandito ako sa may gilid ng Capitol Gym,"

"Hayleigh, Sa may Capitol Gym daw siya... sige, wait mo na lang kami diyan, sis."

"Sige, sige. Wait ko na lang kayo dito." sabi ko at binaba na nila ang tawag. 

Nagulat ako ng nasa tabi ko pa rin si AK. Akala ko nauna na sa akin 'to. Hindi ba siya hinahanap ng mga kasama niya kanina...

"May pupuntahan ka?" tanong niya ulit. Napakamot na lang ako ng leeg ko at tumango. Napakasawsawero naman nito sa mga ganap ko sa buhay. Curious na curious?! Marites lang? 

"Oo kaya, ano... una na ako, AK. Bye na talaga..." sabi ko. Iiwanan ko na dapat siya doon pero biglang may humintong Mirage sa harap namin. 

Bumaba ang glass window sa harap at nakita ko si Hayleigh. Nakasilip din si Nina na nakaupo sa shotgun seat. Si Javi naman ay nasa passenger's seat na nakasilip din.

It's been a while since I last saw them. I smiled at them and waved. 

"Hi, ganda!" pambungad sa akin ni Javi. Bigla naman silang nawala ang mga ngiti sa mukha nila nang mapansin nila kung sino ang kasama ko. Sure ako na iniisip nila kung bakit ko kasama si AK. I'm pretty that they're also cursing him to the death.

"AK, ikaw pala 'yan..." said Hayleigh in a cold voice. 

"Hi..." awkward na pagbati ni AK sa mga kaibigan ko. Mukhang 'di pa rin maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa dahil sa nangyari sa amin noong high school. It was awful, honestly. I mean, I was angry but they were angrier. Mas malaki pa ang galit nila kay AK kesa sa galit ko kay AK noon.

I remember that time when sinabi ko sa kanila na totally wala na kami ni AK. Ang laki ng galit nila sa kanya. Kahit si Javi na nagkaroon ng lowkey crush sa kanya, malaki rin ang galit. I understand them. Ako rin naman nagalit ako kay AK noon. I know they're just trying to look out for me. They're just trying to be nice friends. 

I can feel the tension between them, na para bang kaunting galaw mo lang may biglang sasabog. 

"Tara na, Frans!" Javi broke the silence. "Nagugutom na ako!" sigaw pa niya. 

Hindi ko alam kung hindi ba nase-sense ni Javi ang tensyon sa pagitan ni Hayleigh at AK pero saludo ako sa'yo, Javi! You are a brave fighter.

There's one thing about Hayleigh, it's that she'll hold a grudge until she dies. Iipunin niya ang sama ng loob niya. Malala pa naman ang anger management issues niyan. So it was very unfortunate for AK that up until now, Hayleigh is still mad at him for breaking my heart.

"Ano, AK... alis na ako, bye..." paalam ko sa kanya. He waved his hand goodbye. 

Lumapit ako sa sasakyan at binuksan ang pinto ng passengers' seat. Pumasok ako sa loob. Katabi ko si Javi sa passengers. 

From the window beside me, nakita ko si AK na nakatingin lang sa amin. Nakatayo lang siya doon at tinitingnan kami. There's something about his face... it looks like he's sad—no, it looks like he's remorseful or something. I can't really tell...

Pinaandar na ni Hayleigh ang kotse at pinanood lang kami ni AK mula sa labas. Hanggang makalayo kami ay tiningnan ko lang siya. Malayo-layo pa ang iikutin namin para lang makalabas ng Kapitolyo. Malaki-laki rin kasi ang buong Capitol 'saka marami rin ang one-way. Minsan traffic din sa loob kasi maraming sasakyan ang naka-park. 

"Hoy, ba't mo naman kasama 'yun?" bungad na tanong sa akin ni Javi. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko rin na lumingon si Nina sa likod. Si Hayleigh naman ay nakatuon ang pansin sa kalsada. 

"Tangina ka, beh... kakasabi mo lang na hindi mo babalikan 'yun, ba't kayo magkasama?!" Javi sneered.

"Oo nga, porket magkasama, kami na agad?" I retorted. I mean, magkasama lang naman kami, wala namang namamagitan sa amin. It's just a coincidence that we are together physically.

"Do'n din papunta 'yun! Tangina ka talaga, bakla! Kapag nabalitaan ko na kayo na ulit, ako mismo kakalbo sa'yo. Rupok mo, sis!" May pa-finger quotations pa siya para i-highlight ang word na 'kayo'. Oo na, oo na. Hindi na kami nagka-label. Kailangan pang ipamukha harap-harapan?!

"Ang OA? Hindi naman 'yon mangyayari," I promised. Hindi talaga iyon mangyayari. Hindi ko na ulit papahirapan at sasaktan ang sarili ko. I'm still vulnerable over what happened two years ago. 

"Dapat lang!" Nina commented. 

"Bakit nga ba kayo magkasama?" biglang tanong ni Hayleigh. Napakamot na lang ako sa ulo. I already expected this. Kaya nga nagmamadali akong iwan si AK doon kasi alam kong maha-hot seat ako dito kapag nadatnan nila kaming magkasama. 

"Ano..." I started. I tried thinking of a way to change the topic but I know damn well they will not let this slide, especially this is about AK. 

"Ano?" sabi ni Javi. Bigla tuloy akong na-pressure for no reason. 

I really have no choice. Wala naman masama 'di ba? Wala naman kaming ginawang masama. I mean, tinulungan pa nga ako ni AK na maibalik ang bag ko. There's nothing wrong, right? Hindi ko nga alam kung bakit ako nape-pressure. 

"Ano... 'di ba hinihintay ko kasi kayo doon sa Mini Forest..." panimula kong magkwento. I told them what just happened. I told them how he ran after the child who stole my bag and all. 

"Ayun lang, coincidental lang ang lahat."

"Coincidence nga lang ba talaga?" tinanong ako ni Hayleigh. Napaisip naman ako. I believe that all of these are coincidental. All just an unfortunate series of events with AK. And soon, mawawala na ulit siya sa buhay ko. Masyado lang ino-overthink ni Hayleigh ang mga bagay. 

"Sa'n ba tayo kakain? Wala akong alam na Sam-G dito," singgit ni Nina. Thank you, Nina for changing the topic. Ayoko na pag-usapan pa si AK or anything related to him. Halos isang buwan ko na nakikita 'yung tao tapos siya pa topic naming magkaibigan.

"Meron akong alam sa may harap ng La Consolacion, 'yung K-Noms!" Since ako lang naman ang nag-aaral sa Malolos, of course, ako lang nakakaalam ng mga kainan dito.

Saktong nakita ko mula sa bintana ang gate two ng BulSU—meaning palabas na kami ng Kapitolyo. 

"Doon na lang tayo?" tanong ni Javi, tumango naman ang iba. Wala rin naman kaming choice, iyon lang ang affordable na pinakamalapit na Sam-G dito. 

Nadaanan namin ang provincial hall ng Bulacan at ang park sa harap nito. Nang makalabas kami ng Kapitolyo, we turned right at ilang metro pa ay kita na ang main gate ng Bulacan State University. Kumaliwa kami sa intersection. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa kakainan namin. 

Inayos lang ni Hayleigh ang pagka-park ng sasakyan at lumabas na rin kami. 

Pagpasok naming apat sa loob ay may lumapit sa amin na server. She settled us down near the entrance at sinet-up ang lutuan namin. We availed the cheapest set they have. The server instructed us that we can now start getting side dishes and other things.

Kumuha kami ng kung anu-anong gusto namin at bumalik sa table. Nilagay ni Nina ang mga karne sa grill para maluto agad iyon. 

"Oh, Frans, ano na ba 'yung sinasabi mong ike-kwento mo?" sambit ni Nina habang naglalagay siya ng mga karne sa lutuan. 

"Ah, 'yung tungkol kay AK?" kumuha ako ng isang potato marble at kinain 'yon. 

"Oo, 'yon. Wait, don't tell me nagkakamabutihan na kayo ni AK ulit..." ani Hayleigh.

Kumunot naman ang noo ko. "Gaga, hindi!" Kung anu-ano iniisip talaga nila, hindi naman ako gano'ng kahina para bumigay agad kay AK. may self-respect pa rin naman ako para sa sarili ko. 

"Eh, ano?" wika ni Javi.

"Hindi naman s'ya importante." Kinuha ko ang Kimchi gamit ang chopsticks at sinubo ito. Nginuya ko muna ito at nilunok bago magsalita ulit. "Ano kasi, bago mag-start ang second sem, nakita ko na s'ya. Sa café na pinagtatrabahuhan ko dati..."

Kinwento ko sa kanilang tatlo ang lahat ng pangyayari. Lahat-lahat na, 'yung unang pagkikita namin sa Grounded Bean, 'yung sa pa-printan, 'yung sa Conve, 'yung pag-like niya ng IG story ko, 'yung encounter namin sa basketball court. Lahat na, no details left out. Everything was told. Walang gine-gatekeep na information, walang alteration. I just told them what exactly happened. 

Besides, nasa Journalists' Code of Ethics na hindi dapat i-distort ang truth. That's Code of Ethics number one!

"Iyon lang, ta's 'yung nangyari kanina sa Kapitolyo. Iyon lang kwento ko,"

"Hindi mo talaga alam na sa BulSU rin siya nag-aaral?" tanong ni Hayleigh at tumango naman ako habang ngumunguya. 

"I can sense something fishy..." Hayleigh mumbled. 

What's so fishy about that? 

"Moo, 'wag mo na lang i-overthink ang mga nangyari. I mean, malaki na 'yang si Frans," wika ni Nina na nasa tabi ni Hayleigh. Si Javi naman ang katabi ko subo lang nang subo ng pagkain. 

"Alam na ni Frans ang mga ginagawa niya, 'saka based naman sa kwento ni Frans, coincidental lang talaga ang lahat," 

"I know but—"

"Walang pero-pero, kumain ka na lang d'yan. Baka pumutok ulo mo diyan kakaisip! Ayan, sumubo ka, Moo!" Tinapat ni Nina ang isang pirasong lutong baboy sa bibig ni Hayleigh. "Say ah," Sinubo naman ni Hayleigh ang pagkain ng girlfriend niya.

Malakas na binaba ni Javi ang chopsticks niya sa lamesa. Nagulat naman kaming tatlo sa kanya. May mga ibang customer din ang napatingin sa pwesto namin. 

"Putangina nito, iskandalosa ka, 'te?!" Nina jested. 

"Tangina n'yo, lalandi!" ani Javi.

"Che, inggit ka lang! Hanggang fuck buddies ka lang kasi!" Javi just raised his middle finger at Nina because of what she said 

"Ano ulit tawag mo kay Lei?" wika ni Javi at tinuturo niya si Hayleigh gamit ang chopsticks. 

"Moo," sagot ni Nina. "My one and only," 

Natawa na lang kaming dalawa ni Javi. Tangina talaga ni Nina. 

"Hoy, tangina n'yong dalawa! Ang cute kaya, 'di ba, Moo?" tumango na lang si Hayleigh. Pinipigilan na lang din niya ang tawa niya. Ang corny talaga ni Nina kahit kailan. 

"Ano si Lei? Baka?" pang-asar ni Javi. 

Pinanood na lang namin ni Hayleigh na mag-away silang dalawa. Hinayaan na lang namin silang dalawa mag-asaran, sanay na kami. Tapos mamaya bati na silang dalawa. Parang mga gago lang ang dalawang 'yan. Away-bati, parang mga bata lang. 

"Frans," pagtawag sa akin ni Hayleigh. Tiningnan ko siya. 

"I'm sorry kung masyado akong nakikisawsaw. I'm just trying to look out for you. Saksi ako kung paano ka nasaktan noon, I don't want you to experience that again. As your best friend since... what? Grade seven? It was so heartbreaking to see you cry over a guy."

"Okay lang, Lei. Naiintindihan ko naman 'saka 'wag ka mag-alala, hindi ko naman na babalikan si AK. I promise!" 

"Good," wika niya at ngumiti. 

"Nina, inaagaw na ni Frans jowa mo," Javi smirked. 

"Hoy, ano ka! Mas nauna ako kay Lei kesa kay Nina! Since grade seven kami magkasama n'yan!" ani ko. 

"Okay lang, at least ako binigyan ng label as jowa." Nina retorted, she even stuck her tongue out. Gaga talaga 'tong si Nina. 

"Tangina, foul 'yun!" 

I miss them so much. 

They're my everything. Kahit na mga gago silang tatlo, I love them so much. Kahit lagi kaming nag-aasaran, I wouldn't trade them for anything else. It's them or nothing. They've been part of my teenage years, and without them, I would be nothing. Totoo nga na high school friends hit different. There's the sense of nostalgia because sila 'yung kasama mo, from your early teenage years hanggang dulo. 

There's something about them that feels like home—no, they are my home. If I would go back to the past, I would still choose to befriend them. They've seen my ups and downs, they've been through that with me. Hindi nila ako pinabayaan. They're my strength. 

Kahit pa noong simula, kasama ko na sila. I can always rely on them and I know that they rely on me because that's what friends are for. 

I will forever cherish our friendship together. I can never let go of them, this is really ride or die. Kaya kapag nag friendship-over kami, I will literally jump off a building.  

"Ba't ganyan ka makatingin sa amin?" Nakataas pa ang kilay ni Nina nang tanungin niya ako. 

"Wala lang, na-miss ko lang kayo..." sagot ko. Totoo naman, I really miss them so much. It's been a while since we met at miss na miss ko na rin ang mga kagaguhan na ginagawa namin noong high school. Miss ko na kasama ko sila sa isang silid. Miss ko na nakikipag-daldalan ako sa kanila tuwing Math kasi walang pumapasok sa isip namin. Miss ko na 'yung mga after class gala namin. 

They made my high school life so enjoyable. Minsan gusto ko na lang bumalik sa past para makasama ko ulit sila.

"Weh? Baka si ano nami-miss mo?" pang-asar sa akin ni Javi habang kumakain siya ng Japchae. 

Inirapan ko siya. "Ew, hindi ko 'yun miss!" I half-lied.

Do I miss AK? I don't know. I think kapag nakikita ko si AK, nostalgia nararamdaman ko. Maybe deep inside, namimiss ko siya pero in denial din ako doon. I don't know. 

"Kapag ten o'clock ng gabi niya namimiss 'yun," dagdag pa ni Nina. 

Inirapan ko rin siya. Kumuha ako ng pagkain na niluluto niya at sinubo ito. 

"Okay lang, sis. Aminin mo na... miss mo na hano?" pagpilit nila sa akin pero pilit ko rin namang dine-deny.

"Fine, fine... may times na miss ko siya, pero!" I admitted. "Pero! Minsan lang..." Aamin na lang ako. Kilalang-kilala na naman ako ng mga taong 'to. Kahit ano pang pag-deny ko, basang-basa na nila ako. 

"Francine Maya Rivera... iba ka talaga, sis!" I once again rolled my eyes at Javi who was looking at me with a smirk plastered on his face. Sadyang nang-iinis talaga 'to. 

"Naku, Francine!" sabi ni Hayleigh. Napakamot na lang ako ng batok ko. Lagot tayo diyan, full name na tawag sa akin. Dapat pala hindi na lang ako umamin...

"Chill ka lang, Moo..." Biglang natawa ulit si Javi. Kahit kailan talaga mapang-asar kay Nina. Since magkatapat silang dalawa, madaling nahampas ni Nina si Javi. Napa-aray naman ang isa. 

"Kapag ba tayo nag-break—oops, knock on wood!" Kumatok si Nina sa lamesa. "Hindi mo ako mami-miss?" tanong niya sa girlfriend niya. 

Natahimik naman si Hayleigh. "Syempre, mami-miss..." sagot niya. 

"Ayun naman pala, kaya bayaan mo na 'yang si Frans." saad ni Nina. "Miss lang naman, walang masama do'n. Hindi naman natin madidiktahan nararamdaman ni Frans..."

"You're right, you're right... Just know your limits, Frans!" paalala sa akin ni Hayleigh. Tumango naman ako. "Basta, 'wag ka lang mag-i-miss-you texting!" 

Ay, hinding-hindi talaga 'yon mangyayari. Just because I miss him or whatever, hinding-hindi ko icha-chat si AK. I would never do that to myself. Hanggang scroll lang ako sa convo namin o tingin ng mga pictures. Hanggang doon lang!

"Ay, talaga lang, 'te! Hindi na kita ide-defend diyan!" saad ni Nina.

---

2nd update of the week!

hope u liked this chapter!

- liv :3

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 583 24
"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Her...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
8.6K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...