Colliding Stars

By liveaches

5.6K 284 479

In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineeri... More

colliding stars
soundtrack
prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen

chapter seven

203 7 33
By liveaches

━━━━━━━━━━

CHAPTER SEVEN

Malayo na ang sasakyan to the point na hindi ko na makita pa si AK.

Maybe this is for the better. Siguro tama nga na ilayo ko na ang sarili ko kay AK. Para sa ikabubuti ko rin naman 'to.

Ako na mismo ang lalayo sa kanya. Kapag nilayo ko ang sarili ko sa kanya, mas maliit ang chance na masaktan ulit ako. Because these coincidental encounters, it's bad — bad for me, bad for my heart.

The further I am from him, the less likely I'm getting a broken heart. And I couldn't take another heartbreak ever again. Once is enough. Dalang-dala na ako. I am too tired of bearing another heartbreak because what if mangyari ulit? What if masaktan ulit ako? I can't the risk.

I would rather avoid a heartbreak than risk myself to another one.

Minsang binigay ko ang lahat, binalik lang sa akin trauma.

Hindi ko na kayang sumugal ulit kasi paano naman ako makakasugal kung hanggang ngayon ubos na ubos pa rin ako...

Sure, I always tell myself that I have moved on. I keep telling myself that I'm so over AK.

But how can you really tell that a person has really, truly moved on?

Kapag wala na talagang feelings kapag nakikita siya? Sure ako na nagwawala pa rin ang puso ko kapag nakikita ko siya.

Kapag hindi mo na sila iniisip? I admit, there's still times that my mind wanders to him and to the things we did in our one-year "relationship".

I admit that I'm in the stage of moving on. I'm in the stage of forgetting him. Akala ko nga naka-move on na ako pero noong nakita ko siya ulit after two years, isang malaking maling akala ko lang pala 'yun.

Nandoon pa rin pala, I can still feel the yearning, the pain — lahat na. I still felt those emotions nang makita ko ulit siya.

Sabi sa isang website na naka-move on ka na talaga kapag wala ka nang nararamdaman na emotional attachment pero wala, meron pa rin palang emotional attachment.

I don't even know why I'm so hung up over AK. It's so frustrating.

I mean, I get it! He's handsome, smart, talented, mayaman, magaling mag-gitara, magalang, may sense of humor, mabait, masaya kasama... basta nasa kanya na ang lahat!

But I'm sick and tired. I'm so done with everything about him.

I just want to be free from his shackles.

As much as I want to forget him, itong puso ko ang kalaban. I can't seem to fight the emotions I'm having whenever he's there even though my brain is screaming and shouting not to.

Hirap kalabanin ng pusong umiibig.

Hindi kayang magkasundo ng puso't isip ko kapag nand'yan si AK. Talong-talo ang isip ko kapag si AK ang usapan. Laging puso ko ang nananaig.

It's all just fucking crazy. I can't do this anymore.

I promised myself that I'll never fall in love ever again. Gumuho na ang mundo't lahat, hinding-hindi na ulit ako magmamahal.

Ayos lang na tumanda akong dalaga!

Nahinto ang aking five stages of grief experience nang marinig ko na tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa may bulsa ko at binuksan ko ito. Nakita ko na may message ang mayor namin sa group chat namin.

I clicked on the notification and it brought me to my Messenger app.

BAJ 2C - Announcement

Mayor Gina
@everyone may magandang balita ako...

wala daw tayong pasok sa pe nang friday
(❤️🤍💛 17)

may seminar daw si sir that day so maaga uwian natin hehe
(💞💜🤍 13)

Gracey
yown ty yooorr !!
(💙)

I double-tapped the message our class mayor sent to like the message.

Isa talaga 'yung magandang balita. Ayaw ko na maglaro ng Basketball.

Napaka-malas nga naman namin at natapat pa sa klase namin Basketball para sa PE namin tapos hapon pa ang klase namin do'n.

Warm-up pa lang pagod na pagod na kami. Lagi na lang sumasakit katawan ko tuwing maglalaro kami ng Basketball. Physically draining na nga sa PE namin tapos kinabukasan, mentally draining naman dahil instead na magpahinga ka, may pasok pa ng Sabado. Sakto pang major subject namin ang klase namin sa araw na 'yun.

Mapapa-mura ka na lang talaga.

Sobrang ganda naman kasi ng schedule namin. Hirap mong mahalin, BulSU.

Ayaw ko na talaga. Kung pwede lang na magdrop-out, ginawa ko na!

Nakaka-drain na mag-aral, I don't know why. Para bang wala na akong gana mag-aral at pumasok. Gusto ko na lang matulog.

Kung pwede lang na mag-time travel ako papuntang future nang matapos-tapos ko na ang pag-aaral na 'to.

Pero mukhang mas nakakapagod ang future kaya 'wag na lang.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan at na-realize ko lumagpas na ako sa dapat kong bababaan.

"Para po!" malakas kong sigaw pero hindi pa rin huminto ang sasakyan.

"Para raw po!" sigaw ng isang pasahero.

Mukhang narinig na ng driver ng jeep ang sigaw kaya naman agad na huminto ang jeep.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at bumaba na sa jeep.

Hindi naman malayo ang nababaan ko. Sakto lang. Halos ilang bahay lang ang nalagpasan.

Nakasaksak pa rin ang earbuds ko sa tenga ko nang ito ay tumunog ulit.

Ang dami ko namang notifications ngayong araw...

Baka naman binawi ang walang pasok namin sa PE...

No, 'wag naman sana!

Because of curiosity, I opened my phone once again and saw a notification from Messenger again.

Napangiti ako nang makita ko kung sino ang nag-chat sa akin.

I clicked on it and brought me to our conversation.

samahan ng mga masasama ugali

4:21 PM

Karenina
@everyone

Hayleigh
Uuwi kami ni nina sa fri ng bulacan

Free kau non?

Karenina
miss n namin kau 🥹

You replied to Karenina
[miss n namin kau 🥹]
weh?

Hayleigh replied to you
[weh?]
OO NGA

Ikaw nga tong walang social media presence ah

Di mo nga kami inuupdate sa buhay mo ☹️

You replied to Hayleigh
[Free kau non?]
yeah, pero may pasok pa ako hanggang 12pm ...
(👍)

Karenina
guds na yun

si @Javi ba?

hoy @Javi buhay ka pa ba?

o naging psycho ka na jan sa dhvsu ?????

@Javi

@Javi

@Javi

@Javi

Javi replied to Karenina
[si @Javi ba?]
wait kasi mga gaga

nasa klase aq mga burikat kau

chat kau ng chat

taena mo tlga nina

Karenina
ay wow nagaaral ka pa pala
(😡)

Javi replied to Hayleigh
[Free kau non?]
oum pero sunduin nyo aq sa pampanga
(😭)

Hayleigh
Ay ganda mong bakla ka

Karenina replied to Javi
[oo pero sunduin nyo aq sa pampanga]
wag ka na lang sumama teh

Javi
e bkt ???

sino nagyaya ???

saka may car nmn si hayleigh

bili na sunduin nyo n ako

aq n bahala sa tollgate nyo

baka mamaya mag carfun lang kau magjowa don
(😆)

Hayleigh replied to Javi
[saka may car nmn si hayleigh]
Ano mo ako?! Service!?

Karenina replied to Javi
[baka mamaya magcarfun lang kau magjowa don]
at least may karat e ikaw???? 🤨
(😆)

tuyot na tuyot k n jan beh feel sorry for u 😝😝

Javi replied to Karenina
[tuyot na tuyot k n jan beh feel sorry for u]
ay di m sure 😝😝😝

baka si @Francine ang tuyot jan

Francine
????

ba't naman naging ako ????

Javi
sino b satin walang jowa 🤨

Francine
ano naman ngayon?

i'm so done with those things

Karenina
HALSHSHSHSH 😭😭😭😭

Javi
ay uu nga pla xori frans
(😭)

Karenina replied to Javi
[sino b satin walang jowa 🤨]
wala k rin naman baka mamaya fubu mo lang yan

porket kasi may sinosoft launch na si adrian
(😭)

Javi replied to Hayleigh
[porket kc may sinosoft launch na si adrian]
ay sis naka move on na aq sa kanya nand2 nmn kc ako hahanap p sha ng iba jan sa bulsu ☹️
(😆)

Hayleigh
Kapal ng apog mo beh

Javi replied to Hayleigh
[wala k rin naman baka mamaya fubu lang yan]

paki m b as long as may kumakarat sakin masaya ang kiffy q
(😭)

Francine
ang bababoy nyo 😭

Javi
d k nmn kau pinapakielaman kapag nagsesex kau ni hayleigh

Hayleigh
Oo na oo na

Dami mo pang sinabi

Pati sexlife namin ni nina inano mo pa

susunduin ka rin naman namin
(💞)

Javi replied to Hayleigh
[Susunduin ka rin naman namin]
yey!!!! 🥰
(👍)

Hayleigh
Basta sagot mo rfid saka gas

Natatawa na lang ako sa conversation ng mga kaibigan ko.

Kahit kailan talaga, mga sira-ulo pa rin. Walang pa ring pinagbago.

I'm happy that they're still the same because I can't bare it if they changed and never talked to each other again.

Isa pa naman 'yun sa mga kinakatakutan ko noong pa-graduate na kami ng senior high.

Since magkakaiba na kami ng university, hindi na kami gaanong makikita pa, 'di katulad noong high school. I was afraid that once we turn college students, hindi na kami gaanong mag-uusap at magkikita dahil busy kami and eventually, magkalimutan na.

I don't want that to happen because they've been with me since we were thirthteen or fourteen. They've been with me since the start of mg teenage years. They have been a special part of me. They're one of the reasons why I am who I am today.

Pinatay ko muna ang phone ko nang makarating ako sa harap ng gate ng dormhouse namin.

Binuksan ko ang red na metal gate at pumasok. Sinarado ko muna ang gate bago pumasok sa mismong dormhouse namin.

Pagpasok ko ng bahay, nakita ko ang iba pang tenants ng dormhouse na nakatambay sa common room namin.

"Hello, Frans!" bati sa akin ni Ate Jewel, one of the tenants na kasama ko sa dormhouse.

She's sitting in the couch with Ate Silvie, isa rin tenant sa dormhouse.

Nakaharap sila sa mga laptop nila, mukhang may ginagawa silang gawain nila. May mga papel pang naka-kalat sa tabi ng mga laptop nila.

"Hello, dami gawain?"

"Oo, ayoko na gumawa ng thesis!" Ate Jewel exclaimed. She's already a fourth year Business Ad student kaya busy na busy siya sa thesis nila.

"Kaya mo 'yan, ate!" I cheered for her. Nakita ko na may mug sa tabi ng mga papel nila.

"You want coffee?" I asked her.

Simula noong magtrabaho ako sa Grounded Bean, natuto na akong gumawa ng kape na hindi 3-in-1 at nagustuhan iyon ng nga kasama ko. Masarap daw ako magtimpla. I was happy naman kaya pinagtitimpla ko sila, lalo kapag kailangan nilang mag-pull ng all-nighter.

I'm happy that in some ways, I can help them.

Umiling naman siya. "No, thanks, Frans! Nakaka-ilang kape na rin ako. Pang-anim ko na yata 'to... kaunti na lang magpa-palpitate na ako..."

"Ikaw, Ate Silvie? Gusto mo?"

Umiling din siya.

"Okay po, punta na ako sa kwarto namin..."

Pumanhik ako sa second floor ng dormhouse at pumasok sa kwarto namin ni Alex.

Hinubad ko ang messenger bag ko at binaba ito sa study table ko.

I opened my phone again.

samahan ng mga masasama ugali
4:32 PM

Karenina
basta sa friday ha!

@Francine san tau magkita?

Francine
kapitolyo mini forest na lang?

tas kain din tayo?

Hayleigh replied to you
[kapitolyo mini forest na lang?]
Ok!

Sige ba, samg tayo @everyone?
(👍💙 3)

Karenina
ogow lng bby

Javi
yak pota

kadiri

bby 🤮🤮🤮🤮🤮

pangit nmn ng tawagan nyo

ang common

corny mo nina

Karenina
tangina mo eto ka 🖕🖕🖕🖕

inggit ka lng kc bading k

may kumakarat nga sau wala nmn kau label

Javi
@Francine pinapatamaan ka
(😭)

Francine
HOY 😭

TANGINA MO JAVIER HAHAHAHA

💀💀💀

Javi
WAG MO NMN BUOIN PANGALAN KO BAHO BAHO NG JAVIER 😭😭😭
(😆)

XORI NA BEH 😭 WAG MO LANG BUOIN PANGALAN KO
(😆)

Francine
ay btw madami rin akong ikekwento sa inyo

Javi
yan usto k

marami chismis

pag journ tlga madaming chika e

Karenina replied to you
[ay btw madami rin akong ikekwento sa inyo]
marami ba tau masisiraan ng tao jan?

Francine
depende, tungkol lang naman 'to sa isang tao...
(😲🤨 2)

Hayleigh
Don't tell me it's...

Karenina
HOYJSKSHDJ WAIT

Javi
ANO YAN

SI AK YAN HANO

DONT TELL ME NAKIPAGBALIKAN KA SA GAGU NA YON

➥ You replied to Javi
[DONT TELL ME NAKIPAGBALIKAN KA SA GAGU NA YON]
WTF no

pero yeah it's about AK...

Karenina
POTAENA 😭

Francine
pero sa friday ko na ikekwento

bahala kayong macurious dyan

😈😈😈
(😭)

Hayleigh
Tangina mo na lang kapag nakipagbalikan ka diyan sa gago na yan

FO na tayo

Joke 😆
(😭 2)

Karenina
ate ko alahanin mo kung ilang galon ng luha ang iniyak mo noon

Francine
ang oa?!?!

galon agad??

parang isang linggo ko lang naman iniyakan...

Javi
ugok ka anong isang linggo

after ng grad umiyak k din

Francine
oo na oo na

mali na ako 😭

dalawang linggo ko na siya iniyakan
(😭😆 3)

Javi
taena nyo muntik n aq mahuli ng prof namin
(😭 3)

ttyl
(👍)

Karenina
taena mo yan kc dsurv
(🤬)

ay nagreact p nga si bading

kaya k nagkaka 2.25

makinig k kc sa prof mo

Javi
TANGINA MO NINA

MAWALA SANA NAIL CUTTER NYO NANG DI KA MAFINGER NI HAYLEIGH
(😭 2)

MAUBUSAN SANA BATTERY VIBRATOR NYO
(😭 2)

Karenina
BABOY MO PUTANGINAVSJDBD

Tawang-tawa na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko.

Mga gago talaga kahit kailan.

Binaba ko ang phone ko sa study table ko at chinarge iyon.

Kumuha ako ng pambahay na damit sa cabinet ko at kinuha na rin ang nakasabit na tiwalya sa likod ng pinto.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa paliligo at lumabas ng kwarto. Nakita ko na nakasarado ang pinto ng banyo. Kumatok muna ako para tingnan kung may tao ba sa loob.

Wala naman sumagot kaya binuksan ko ang pinto.

I took a cool and nice bath. I need this. Sa sobrang init ng uniform namin, nanlalagkit ako. Dumagdag pa ang init ng panahon. Malapit na ring mag-summer.

Halos thirty minutes ang nakalipas, natapos na akong maligo. Lumabas ako ng banyo na dala-dala ang mga gamit ko.

Bago ako pumasok sa kwarto, pumunta muna ako sa terrace ng dormhouse sa first floor para patuyin ang tiwalya ko. Nang makapasok ako ng kwarto, nakita ko na nakarating na si Alex.

"Uy, nand'yan ka na pala..."

"Yup, kadadating ko lang." sagot ni Alex. Kakauwi pa lamang niya pero nakaharap na agad siya sa laptop niya.

Suot pa rin niya ang uniform niya at nakalagay sa kama niya ang bag niya na mukhang binalibag niya lang.

Lagi na lang niyang nilulunod ang sarili niya sa schoolworks. Minsan nga, kapag nagigising ako ng alas-tres ng umaga, nakikita ko na nakatutok pa siya sa laptop niya.

She really needs a break from all the academic work. #AcademicFreezeNow.

Nilagay ko ang mga marurumi kong damit sa isang hamper. Sinabit ko rin ang bag ko sa upuan sa may study table ko.

Mahihiga na dapat ako sa kama pero naalala ko na may activity nga pala ako na dapat gawain para sa Beat Reporting namin. Sa Sabado na rin ang pasahan noon.

Napabuntong-hinga na lang ako. Gawain na naman. Gusto ko na mag-health break! Gusto ko lang ng pahinga. Pagod na pagod na ako, jusko!

Umupo ako sa silya at binuksan ang laptop ko upang simulan ang activity. Tatapusin ko na rin 'to nang wala na akong iisipin sa Biyernes. Hindi ko na gagahulin ang sarili ko.

Habang nagpapatugtog ako, may biglang tumunog na phone.

"Putangina naman!" narinig kong mura ni Alex. Napatingin ako sa kanya.

Pinatay niya ang tawag.

"Si Kelvin na naman ba 'yun?" tanong ko.

Kelvin is her cheating and creepy ex-boyfriend na hindi matigil-tigilan si Alex kasi gustong makipagbalikan kahit na ayaw na ni Alex.

Ang baho talaga ng pangalan ng ex ni Alex. And he's not even that good-looking. He's also not that smart. Hospitality Management na nga 'yung course, hindi pa kayang mag-excel sa studies. Puro ML lang naman inaatupag.

I don't even know what Alex sees in that guy, she is definitely out of his league and siya pa 'tong may audacity na mag-cheat kay Alex.

"Oo, putangina! Nakakainis tawag pa rin nang tawag!" sagot niya.

"Hindi mo pa napapalitan sim card mo?"

She shook her head no. "Ngayon ko pa lang dapat papalitan, kasi hindi ko napalitan kahapon kasi nakalimutan ko. Marami kasi akong ginagawa." she explained.

Oh, that explained it. I was scared na baka nalaman ni Kelvin ang bagong number niya kasi kakabigay ko lang kahapon ng biniling sim card ni Tori para sa kanya.

"Binlock ko na sa Messenger saka Instagram, gumagawa pa rin ng ibang account para lang maperwisyo ako!" she took a deep breath. "Chat pa rin nang chat sa 'kin. Hindi ko na lang sine-seen."

"Good, bayaan mo na siya. Just make sure to take a screenshot of your conversation para may resibo ka."

"Pati mga blockmates ko pineperwisyo na rin." she explained as she tried to calm herself down.

This is getting out of hand na talaga. This fucking Kelvin needs to stop. Kapal pa rin talaga ng mukha niyang mangulit when he's the one who cheated.

Kakapal talaga ng mukha ng mga lalaki. Sila na nga 'tong nambabae tapos sila pa nanggugulo ng buhay.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Alex ran her had through her hair in frustration. "Lahat na ginawa ko. I blocked his number, I blocked him on social media pero ayaw pa rin tumigil." she sighed loudly.

Halatang-halata na pagod na pagod a si Alex dahil sa ex niya. Stressed na nga siya sa acads, maii-stress din siya sa ex niya. I feel bad for her.

Malapit pa naman birthday niya, next week na. Sa February 14 na tapos ganito pa ka-stress si Alex. Jusko.

"I've been thinking na mag-file na ng complaint sa Dean's Office pero I don't know where to start..."

"I think that's a good idea," I agreed. "Siguro, ano, try reaching out muna sa student council ng college department niyo. Baka makatulong sila sa complaint mo." I suggested.

Tumango-tango si Alex. "Will try to do that. Thanks, Frans..."

"No problem, what are friends for," I said with a smile.

✧・゚: *✧・゚:*

It's already Friday.

Wala naman kaming pasok kahapon dahil Thursday at wala kaming klase tuwing Thursday. Thank God kasi hindi ko kakayanin na mula Monday hanggang Saturday ang pasok namin. Buti na lang naawa pa sa amin ang Admins.

Pre-registered na kasi ang mga schedule namin so hindi kami ang namimili ng schedule namin kaya malas ka na lang kapag pangit ang schedule ng block niyo.

Even though wala kaming PE class dahil may seminar daw ang prof namin sa subject na 'yon, sinuot ko pa rin ang PE uniform namin kasi it's much comfortable than our school uniform at ayokong mag-pants ngayong araw.

I'm wearing a red shirt pero white ang mangas nito. Red shorts naman ang pang-ibaba ko. Pareho itong may tatak ng logo ng university namin.

Katatapos lang ng klase namin sa The Entrepreneurial Mind. Hindi rin pumasok si Tori ngayong araw dahil meron daw problema sa bahay nila kaya ako lang mag-isa buong araw. I wonder what happened... Sana kung anuman 'yon, maayos nila.

Papunta ako ng Capitol Mini Forest para makipagkita kila Hayleigh ngayon. Sa gate two ako ng BulSU dumaan kasi mas malapit iyon sa Mini Forest.

They just messaged me around eleven-thirty na kakasundo lang nila kay Javi sa SM Pampanga.

I can't wait to see them. It's been a long time since I met them. Last na pagkikita namin ay noong pagkatapos ng Pasko last year. Lahat kami ay umuwi sa Sta. Maria, our hometown dahil Christmas break. Halos isang buwan na rin since the last time we met. We hung out and had fun since ang tagal na rin naming hindi nagkita.

Nadaanan ko ang Provincial Hall ng Bulacan pati na rin ang rebulto ni Gregorio del Pilar sa harap nito.

It was a peaceful noon kaso tanghaling tapat kaya napakatirik ng araw. Ayaw kong kunin ang payong ko sa loob ng bag ko kasi nakakatamad. Malapit lang naman ang lakarin ko kaya ayaw kong ilabas.

Titiisin ko na lang.

Naglakad pa ako ng kaunti at nasa Mini Forest na ako. Nakita ko na maraming estudyante ang nakatambay sa may open part ng park. Halos sa kanila mga senior high school student na nagpa–practice ng mga sayaw. May mga BulSUans, mga students ng university namin na nakatambay at natutulog.

May nakita akong malilim na part na malapit sa isang puno. Pumunta ako doon at umupo. Sumandal din ako sa puno.

Nilabas ko ang phone ko at ang earbuds ko. Kinonect ko ang earbuds ko sa phone ko using bluetooth at nagpatugtog na lang. Since papunta pa lang sila sila ng Bulacan — siguro Apalit, Pampanga pa lang sila or somewhere near there, siguro makakatulog pa ako dito.

Naglalaro lang ako sa phone ko ng cooking games nang may kumalabit sa likod ko. Nagulat pa ako akala ko mga bata namamalimos dito pero pagkatalikod ko, nakita ko lang si Hiro may dala-dalang styrofoam na cooler. Merong nakadikit na graphics doon pero hindi ko makita ng maayos, may nakita lang ako na 'waffles'.

Nakalahad ang palad niya sa harap ko na para bang namamalimos sa akin.

Tinanggal ko ang earbuds ko mula sa tenga ko.

"Ate, penge pera," sabi niya sa akin.

"Gagi ka, akala ko bata!"

Hiro laughed. "Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin.

"May hinihintay lang ako,"

"Siguro may ka-meet-up ka dito."

Ang Mini Forest kasi ay isang dating spot dito sa Malolos kaya siguro akala niyang may ka-meet-up ako. Madalas kang makakakita ng mga mag-jowa sa tabi-tabi lalo na sa may fountain. Mga nagkalat ang mga mag-jowa.

"Hoy, wala!" I exclaimed. "Hinihintay ko lang mga kaibigan ko..." I explained.

Binaba niya ang dala-dala niyang styrofoam na cooler sa lapag at umupo sa tabi ko.

"Ano 'yan?" tanong ko at tinuro ang styrofoam na cooler sa tabi niya.

"Product namin, kailangan namin ibenta for a project." sabi niya at binuksan ang cooler.

Hiro is a fourth year Entrep student kaya ganyan project nila. May mga iba rin na Entrep students na nagbebenta sa amin ng mga product nila. May mga nagbebenta pa ng mga cheese ball, donuts, and whatever.

"Bili ka na, kaunti na lang 'to." pinakita niya ang waffles na binebenta nila.

Mukha naman masarap ang waffles na tinitinda niya pero hindi ako makakabili ngayon kasi gagastos ako sa pang-samgyup namin pero nakakahiya naman na hindi bumili kasi close kami ni Hiro.

"Magkano ba 'yan?"

"Trenta, isa."

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung bibili ba ako o hindi.

"Sige na, Frans! Bili ka na, please!" pagpilit sa akin ni Hiro. May pa-beautiful eyes pa siya. "Sige na, Frans... bilhin mo na, iilan na lang 'to, para matapos na rin ako dito! Please! Support a friend here!"

Ano ba 'yan, mapapagastos pa yata ako dito...

"Sige, isa lang ha!"

"'Yon! Kaya sa'yo ako, Frans!" he exclaimed while smiling so brightly.

Ang pogi rin pala ni Hiro kapag nguminguti, no wonder nagka-crush si Kylira sa kanya noon. Kaya rin siguro maraming bumabalik sa Grounded Bean noon dahil sa kanya.

"Wait, ano ba gusto mong filling? May chocolate, custard, saka ube dito..."

"Ube na lang," sagot ko at binigay niya sa akin ang isang balot ng waffle na may kulay violet na sticker na nakadikit sa wrapper.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ng pera. I gave thirty Pesos to Hiro.

Titikman ko na sana ang waffle na binili ko kay Hiro pero may narinig akong familyar na pangalan.

"Hoy, Kaden! Dito malilim, oh!" narinig kong sigaw ng isang lalaki.

Kaden? Don't fucking tell me it's AK...

Sa dinami-daming pwedeng pagtambayan, bakit dito pa sa Mini Forest! Ayaw kong lumingon kung saan nangaling ang sigaw. Ayokong makita na nandoon si AK.

Bakit ba lagi na lang kami nagkakaroon ng encounter ni AK?

Hindi ko na lang siya papansinin.

Sinubo ko ang waffle na binili ko. "Masarap!" sabi ko kay Hiro habang ngumunguta.

"Masharap?" he teased me and I lightly punched his shoulder.

Habang kinakain ko ang waffle, nasagi ng paningin ko ang grupo nila AK.

He's with four other people. Ang dalawa sa kanila nakahiga sa damuhan at si AK naman ay nakaupo, naka-kandong sa kanya ang acoustic guitar niya. Ang isa naman sa kanila ay mukhang naglalaro.

While AK's too focused on playing the guitar. He's playing some familiar tune but I can't remember what is song title.

Whenever I see him holding a guitar, there's something so charismatic about him. It's like the guitar is really made for him. Bagay na bagay sa kanya.

I will always be in awe watching him play the guitar.

I didn't notice that I was watching him when our eyes met. Putangina.

Hindi ko nga siya papansinin, 'di ba?!

I diverted my eyes from him.

Kumagat ulit ako sa waffle but then it happens so fast. I didn't even realized what happened. 

Nasagi ako ng isang bata na tumtakbo. Napa-aray pa ako. Mga bata talaga dito ang lilikot kapag naglalaro. But then I can't blame them, napabayaan na sila ng mga magulang nila.

Nang malagpasan na niya ako, nakita ko na may hawak-hawak siya na dark blue na messenger bag that looks exactly like mine.

"Gago, Frans! 'Yung bag mo!" sigaw sa akin ni Hiro.

That's when I realized na bag ko pala 'yun. Putangina, nanakawan ako ng bata!

Napatayo ako mula sa damuhan. Hahabulin ko na dapat ang bata nang makita kong may isang lalaking humahabol sa bata.

It's AK.

It's fucking AK.

---

hellaur, hope you liked this chapter!

i had so much fun writing frans and her hs friends' convo lmao 

here are pics of what the mini forest looks like hehe those pics are mine :3

a

lso THANK U SO MUCH FOR THE 1K READS💕💕💕💕

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 89 7
"I just want to be loved, is that too much to ask for?" *** Eris Castillo knows all too well the weight of being labeled the most hated girl in her s...
18K 631 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
33.1K 707 15
Before darkness fully envelops the sky as the sun sets, a scintilla of hope and light can always be seen at the horizon. Despite the privilege she ha...
477K 13.3K 35
WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, Calisse Abigail Guillermo, an Iska from U...