Make You Mine Season 2 | Hear...

By chrisseaven

5.9K 374 82

Hayaan mo muna akong lumayo sa 'yo. | As Tian and Haku are now officially partnered on a movie, the feelings... More

Make You Mine
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Author's Note
About Make You Mine S2
About Heartful Academy
Series Timeline
Invitation

Chapter 10

175 17 4
By chrisseaven


TIAN MARTELL

AFTER I take a shower ay naka-white towel nalang akong lumabas sa banyo at nadatnan kong nakaupo si Haku sa kama. "Jusko, kakagulat ka naman..." halos mapahawak ako sa dibdib at napansin kong malalim ang titig niya sa 'kin.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ko at biglang dahan-dahan siyang tumayo at lumakad papunta sa 'kin. "Ang galing mo pala." Biglang hinawakan niya ang pwet ko. "I wanna fuck you again and again."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Gago ka ba!" Inis ko.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko habang lalo niyang hinihimas ang pwet ko. "It's Scene 12." Halos ramdam ko ang lamig ng boses niya.

Natulala ako, hindi dahil nagulat ako sa sinabi niya kundi napapaisip ako. I just realized na hindi niya lang 'yon ginawa dahil gusto niya, kundi inacting lang niya ang isa sa scene na kasunod do'n sa scene na ginawa namin sa beach.

Binitawan niya ako at nakangiti pa rin siya habang dahan-dahan na tumalikod at mukhang babalik na sa kanyang kama. Habang tinitigan ko siya ay napapalunok ako at may nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Naalala ko na ang lahat...naalala na kita..."


Natigil siya nang sabihin ko 'yon at napadahan siya sa pag-harap. Nang makatitigan niya ako ay nagkaroon ng katahimikan sa paligid. Unti-unting umaabot tenga ang ngiti niya na parang tuwang-tuwa siya.

"R-Really...? Tian, do you remember everything now...?" Parang maiiyak siya. "It's me. Your Hakuna—"

Agad akong tumawa kaya natigil siya. "HAHAHA...nauto rin kita! That dialogue is from the last scene." Tawa ko at napansin kong natahimik siya. "Natahimik ka yata? Bakit, iniisip mo bang may connection 'yon sa personal nating buhay?" Muli akong tumawa. "Hindi naman eh. Dahil hindi naman kita nakalimutan."

Napaangat siya ng tingin. "T-Talaga...?" Agad niyang tanong at tumango ako. "Aba oo. Hindi ko kaya nakalimutan 'yong pagiging manyak mo nong una nating kita. Hindi ko nakalimutan 'yong mga araw na bwesit na bwesit ako sa 'yo." Sa nasabi ko ay parang nawalan ulit ng kulay ang mukha niya.

Nagugulohan na ako sa kanya, kaya lumapit na ako sa drawer at nagbihis. Sobrang tahimik niya at pinabayaan ko lang siya. Lumapit na ako sa kama ko at humiga. Magkaharap lang ang kama namin kaya nakikita ko pa rin ang mukha niyang nakasimangot.

"Matulog ka na. Good night." Sabi ko at hindi siya kumibo. Tumagilid na ako para hindi ko na makita ang pagmumukha niya.


Mayamaya ay napalingon ako nang lumapit si Haku at parang balak pa niya humiga sa tabi ko. "Can I sleep beside you?" Mahinahong tuno ng boses niya.

Hindi ko siya pinansin. "Pagod ako Haku. Huwag ngayon." Seryosong sabi ko.

"Me neither. Can we both recharge?" Tanong niya at tinuloy pa rin niya ang paghiga sa kama ko. "Anong recharge-recharge pinagsasabi mo??" Kumunot ang noo ko.

Nag-iba siya ng position na parang same sa 'kin naka-tagilid, at naramdaman ko ang katawan niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko at unti-unti niya akong niyakap.

"A hug." Sagot niya.

Napabuntong hininga ako. "Maybe kailangan ko nga n'yan." There's a little smile on my face. "Pero kalmahan mo lang. Huwag mong dalhin sa ibang level huh." Sabay tawa ko at narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

I guess tama nga si Haku, a hug is all we need right now. His hug are giving me comfort now, at parang gumagaan ang pakiramdam ko. I know it feels weird, pero naging payapa ang tulog ko ngayon.

"Haku, it's been a long time na rin na natulog akong may yumayakap sa 'kin. Hindi ko nga alam kong na-experience ko na ba dati ang mayakap tuwing oras ng tulog. Kasi wala na akong maalala eh. Ang hirap no'n 'no?" Sabi ko at hindi na siya nagsasalita. "Mukhang mahimbing na nga ang tulog mo. Sige na, good night na."

"We could do this all night. It was fine for me." 'Yon na ang huling sabi niya tsaka kami natulog na.



Dahan-dahan nagmulat ang mga mata ko at kahit gusto ko pa matulog ay agad naman pumasok sa isip ko na kailangan ko na bumangon at kumilos dahil may taping pa. Dahan-dahan akong napalingon sa gilid ko at laking gulat ko nang makita kong wala ng suot pang taas si Haku.

"Uy tangina! Ba't nakahubad ka na?!" Sobrang nagulat ako. "Taika, huwag mo sabihing may nangyari—" natigil ako nang bigla siyang tumawa.

"Oa mo masyado. Nagtanggal lang ako ng damit dahil naiinitan ako." Ngumiti siya. "Bakit, gusto mo ba may mangyari? Pwede naman natin gawin ngayon." Sabay kindat niya.

Sinapak ko siya. "Siraulo! Bumangon ka na, may taping pa tayo." Tumayo na ako at pumasok na sa shower at nauna ng naligo.


After preparation ay nag start na mag shooting sa iba pang natitirang mga scenes. Medyo mahihirap at pa-intense nang pa-intense ang bawat scenes, pero dahil nag cooperate naman ang lahat ay hindi rin kami natatagalan tumapos ng scene.

At syempre pagdating ng tanghali ay hindi mawawala ang aming pagsalo-salo dito sa tabing dagat. Nakalapag lang sa mahabang lamisa ang mga pagkain at kumukuha nalang kami. Ang iba sa amin ay nakaupo nalang sa buhangin at nag-kamay lang sa pagkain.

Kumukuha palang ng pagkain si Haku, meron na ako kaya nauna na ako sa kanya. Nakita kong mag-isa lang si Red sa kanyang lamisa, kaya lumapit ako. "Red, pwede ba ako dito?" Tanong ko at agad siyang tumango.

"Yeah sure!" Nakangiting sagot niya at umusog siya kaya tumabi na ako sa kanya. Habang kumakain ay nagkaroon kami ng pag-uusap tungkol sa career niya, kasi ang alam ko ay may plano siyang tumigil muna sa pag a-artista para muling mag-aral.

Masarap ang kwentohan namin nang biglang dumating si Haku sa harapan namin at napaka-seryoso pa ng titig niya. Walang salita-salita na hinawakan niya ang kamay ko at kinuha din niya ang plato ko. "Uy ano ba, nag-uusap pa kami dito..." inis ko.

Hindi niya ako kinibo at bakas pa ang galit sa mukha niya habang maingat niya akong hinila at inilayo dito. Hindi ako makaangal dahil sobrang bilis ng lakad niya. Dinala niya ako sa isang lamisa na malayo kay Red.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung nag-seselos ba siya, or nang-bwesit lang talaga siya?


Nawala ang inis ko at napalitan ito ng saya nang makita ko si Vincent na nandito sa lamisa kung saan ako dinala ni Haku. Inalis ko ang kamay ni Haku at agad akong tumabi kay Vince. "Hi Vince...kumusta naman kayo ni Blue dito, okay naman ba?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Yes okay naman. Nag enjoy nga kami maging extra sa movie na 'to eh, at least 'di ba may nagawa din kami sa pagbisita namin sa 'yo dito..." halatang tuwang-tuwa siya.

Napalingon kami nang makitang papalapit na si Blue habang dala-dala ang pagkain niya at may hawak-hawak pa siyang Mogu-Mogu na strawberry flavored na pariho naming favorite. "Hi guys..." kumaway siya at nakangiti din akong bumati. "Hello Blue..."

Napansin kong nilingon ni Blue si Red, kaya napatingin din ako kay Red at nagkatinginan nga sila. Naunang umiwas ng tingin si Blue at inabot sa 'kin ang Mogu-Mogu. "Tian, sa 'yo nalang 'to, alam kong favorite mo rin 'to..." sabi niya.

"Thank you..." aabotin ko na sana ang Mogu-Mogu nang biglang kinuha ito ni Haku at muling binalik kay Blue. "Huwag na, bibilhan ko nalang siya. Ibigay mo nalang 'yan kay Red, baka sakaling gusto niya." Seryosong sabi ni Haku.

Ang bwesit na 'to, parang shini-ship na nga niya ang dalawa.


Tinignan ko si Blue at parang bakas ang lungkot sa mukha niya, nakayuko siya at parang hindi niya kayang tumingin. "N-Nahihiya ako eh.." mababang tuno ng boses niya.

"Sige na, do'n ka na sa tabi niya..." pinagpipilitan pa rin siya ni Haku at talagang dahan-dahan pa niyang tinutulak si Blue para lumakad papunta kay Red.

Nilingon ko si Red at nang makitang niyang papunta na nga sa kanya si Blue ay napaiwas siya ng tingin at muling nag focus sa pagkain. Napaisip tuloy ako. Ano kayang meron sa dalawang ito.

Mukhang may something na hindi ko alam.

Kung kailan malapit na si Blue ay bigla namang tumayo si Red at dahan-dahan na umalis dala-dala ang pinagkainan niya. I feel sad for Blue dahil i-aabot na niya sana ang Mogu-Mogu pero umalis naman si Red.

Nakita kong nalungkot si Blue, kaya nilapitan nalang namin siya ni Vincent at isinama namin siya sa aming lamisa. Hindi niya pinapahalatang malungkot, nakangiti pa siya habang ininom nalang ang Mogu-Mogu.



After ng ilang araw na taping, ay sa wakas dumating na rin kami sa last and final scene. This final scene is filmed in the middle of the night, and in the middle of the sea.

Nakatayo kami ni Haku sa gitna ng dagat na abot sa aming bewang ang tubig. Napakadilim ng paligid, pero isinantabi namin ang takot para matapos na ang taping na 'to. Tanging si Direk Mike at dalawang cameraman lang ang kasama namin dito sa dagat, ang ilan sa crew namin ay nasa tabing dagat at nag-aayos ng gamit.

Hindi rin naman kami nakaramdam ng takot dahil mapayapa naman ang dagat. At higit sa lahat ay kasama ko naman si Haku. Nakasuot siya ng white long sleeve polo at black pants. Habang ako nama'y nababalot ng itim na mga damit, dugoan ang mukha, pula ang mga mata, may kaliskis sa katawan na parang sa mga isda, at may malaking sungay sa ulo ko.

Ito ang naging costume ko, dahil ang ending naman ng story na 'to ay napabilang na ang character ko sa mga madidilim na nilalang na nakatira sa ilalim ng dagat. At balak niyang kunin at isama na ngayon ang minahal na niyang character ni Haku.


Habang magkaharap kami ay nagbabadya ang aming mga luha. Dahan-dahan namin inaabot sa isa't isa ang aming mga kamay. At nang magkahawak na kami ay tuloyan na nga akong lumuha, at pumatak na rin ang mga luha niya.

Dahan-dahan na hinaplos ni Haku ang mukha ko. "Mahal na mahal kita..." tumatangis siya habang tinitigan niya ako.

Ang nagagawa ko lang ay umiyak sa harapan niya. Pero dahil multo na ang character ko ay sinikap kong pumatak lang ang luha ko pero hindi gaano makikita ang expression ng nasasaktan, para lang akong tulalang umiiyak.

Hanggang sa dahan-dahan akong niyakap ni Haku, at lalo pa niyang hinihigpitan ang pagyakap sa 'kin na parang ayaw na niya ako bitawan. Nagtagal ng ilang minuto ang aming pagyakapan para makapag-develop ng perfect moment ang mga cameraman.


"CUT! THAT WAS A PERFECT SHOT!"


Kahit nag cut na si Direk Mike ay parang ayaw pa rin akong bitawan ni Haku. Yakap-yakap pa rin niya ako at hinayaan ko lang siya. Nang bitawan na niya ako ay makikita ang tuwa sa mukha namin.

"It's a wrap!" Dagdag ni Direk at nagpalakpakan sila ng cameraman.

Naiiyak pa rin kami kaya pinupunasan namin ang aming luha. Tears of joy siguro, dahil tapos na ma-shot ang ending. Kaya muli kami nagyakapan ni Haku at pagtapos ay umakbay ako sa kanya.

"We made it, Haku." Nakangiting sabi ko. "Congrats to us." Kalmadong sabi niya at magkaakbay kaming lumakad papunta sa mga kasama namin.


•••••••

Sorry for the slow updates Lovers, sobrang busy lang sa work at sa personal na buhay. Again, I still invited everyone na nagbabasa at nagmamahal ng mga stories ko to join our official Facebook Group. It's open to all who wants to join. Let's interact there.

Facebook Group: Lovers/Readers of ChrisSeaven

Link: https://www.facebook.com/groups/762428345696775/?ref=share_group_link

And we can also be friends on my Facebook Account, also on my Instagram. Pwede tayo mag chikahan don.

Facebook: Chrisseaven WP

Instagram: chrisseaven

Thank you Lovers! 




Continue Reading

You'll Also Like

4M 257K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
1.1M 29.3K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
42.4K 1.2K 37
Tian has a rare memory disorder, he forget every moments and people he doesn't seen for a long months. Despite the condition he become one of the big...
249K 6.6K 43
Two billies!? I think so 😋