MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2...

By purely_fstories

11.8K 173 3

Welcome to my fictional world, purelovers, where pure love exists. This story belongs to Mika Fable. Purely... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
FINAL CHAPTER 43
SPECIAL CHAPTER 44

CHAPTER 19

301 7 1
By purely_fstories

NEW LIFE.

Safe na nag-landing ang sinasakyan kong eroplano sa airport ng Canada. Nagpara kaagad ako ng taxi at nagpahatid sa isang hotel para makapagpahinga muna kahit saglit lang.

Ipagpahinga ko muna ang pagal kong katawan, isip at puso. Hindi ako dumiritso sa bahay namin dito sa Canada. At wala akong balak na manatili pa dito. Kase kung gagawin ko iyon ay nilunok ko nalang din ang paninindigan ko kahit my tinik. Andito lang ako para hindi ako matunton ni Papa, bukas kaagad ay lilipad ako ulit papuntang Turkiye. Doon ko balak na manatili, alam kong hindi nila maiisip na doon ako pumunta...Sana nga!

Lihim kong dasal.

Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa malambot na kama ng hotel, nakatingala ako sa ceiling at ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng aking noo at pumikit para sariwain ang magiging bagong buhay ko ngayon na wala na ako sa Philippine Area of Responsibility. Ano kaya ang ginagawa nila ngayon?

Naglandas ang mga luha ko papunta sa aking tenga habang nakapikit ng mariin at kinagat ko ng madiin ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pumalahaw ng malakas.

Ano na kaya ang nangyayari sa bahay?
Hinanap ba ako ni Xan, ni Papa?

Alam ko sa sarili ko na kahit galit si Papa sa akin ay kapakanan ko pa rin ang iisipin nya, kaya sigurado ako na once na malaman nya na nawawala ako ay sigurado na hahanapin nya ako.

How about Xan?
hahanapin nya rin kaya ako katulad ni Papa?

Hmmmm, i don't know.

Pero sigurado ako na hindi, sa mga ipinaramdam nya sa akin ng huling mga araw namin na magkasama ay evident.

hindi ko pa sya lubos na kilala kaya hindi ko pa kabisado ang mga iniisip at galaw nya.
pero may bahagi ng puso ko na tumututol sa naiisip ko na possible na hahanapin rin ako ni Xan.

What if nga matunton nya ako one day?
Ano ang gagawin ko, sasama ba ako sa kanya pabalik ng Pilipinas?

No, malabong mangyari yon. Dahil in the first place wala ay wala naman pagtingin ang gagong iyon sa akin. Baka nga nagse-celebrate na iyon sa tuwa dahil wala na ako na malaking kargo nya na parang malaking bagahe na lagi nyang pasan.

Napatawa ako sa iniisip ko, tawa na may kalakip na pait dahil sa pagkabigo ng unang pag-ibig.

knock, knock, knock!

Naputol ang pag-iisip ko nang may kumatok sa silid ko, tamad ako na bumangon para pagbuksan.

Nagpasalamat ako sa naghatid ng order ko na food bago isinara ang pinto, ngayon lang ako nakaramdam ng gutom after long travel by air.

Halos hindi ko rin malasahan ang kinakain ko dahil ang isipan ko ay okupado ng iba't-ibang bagay, pero pilit kong nilulunok dahil kailangan ko ng sapat na lakas para harapin bukas ang hamon ng pakikipagsapalaran ko mag-isa.

Ito ang kauna-unahang travel ko na mag-isa. Madalas kase ay si Papa ang kasama ko kaya medyo nahirapan ako ngayon at puro tanong lang ang ginagawa ko kapag wala akong maintindihan.

At kailangan ko rin magtipid ng pera dahil kunti lang ang dala ko. Mga naipon ko pa iyon mula sa ibinibigay sa akin ni Papa at ang emergency funds ko. Kinuha ko lahat sa banko para may magamit ako sa pagsisimula ko. Sapat ang halaga na !yon para sa iilang buwan na pamumuhay ko, pero kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho bago maubos.

Pero, ano naman kaya ang trabaho na pwede sa akin gayong wala naman akong alam na gawin? Pinalaki rin kase ako ni Papa na parang prinsesa kaya malaking hamon ito sa akin ngayon.

After kong kumain ay naligo muna ako at natulog dahil maaga rin ang flight ko papuntang Turkiye, malapit lang din ang tinutuluyan kong hotel at  pwede ko syang lakarin bukas papunta roon para makatipid ng pamasahe.

Wala akong kahit na anong gadget para maka konekta sa mga kaibigan ko at mas mabuti nga iyon para hindi nila ako ma trace. Bago pa ako umalis ay deleted na lahat ng social media accounts ko kaya pahirapan ang ma-contact nila ako.

I don't want to show them that my departure has a rainbow of arrival.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm na nasa relo ko, bumangon kaagad ako at nag toothbrush, naligo at umorder ng agahan.

Malamig na sa Canada kaya isa sa mga hindi ko nakalimutan ay ang makapal na coat ko, winter na rin kase at katulad sa Canada ay ganoon rin ang  pagdating ko sa Turkiye.

Ang Bansang Turkiye ay isang muslim country na pinaka-huling bahagi ng Asia at unang bahagi ng Europe, kaya tinawag ito na EurAsia na kung saan ay naging tulay ng dalawang continent.  May mga iilan na nagsasabi na ang Turkiye ay bahagi na ng Europe, pero ito ay bahagi pa rin ng Asia kabilang ang Pilipinas.

Sa Angkara ako didiritso, doon ako magsisimula ng panibagong buhay, sa bansang never ko pang napuntahan pero alam ko ang bansang 'to dahil mahilig ako manood ng mga Turkish movies at series na kung saan ay natuto ako ng mga basic turkish language, kaya pagdating sa communication ay sigurado ako na hindi ako masyadong mahihirapan. Knowing Turkiye ay mahalaga sa kanila ang kanilang language, unlike sa Pilipinas na mas mahalaga ang English kesa sa sariling wika kase nakaka-social at nakakatalino daw, pero pag nagsasalita ay wala namang substance for aesthetic purposes lang specially now a days.

Paglapag ng mga paa ko sa bansang Turkiye ay naaamoy ko kaagad ang sikat na pagkain nila na Dolma at Baklava at naririnig ko kaagad ang mga tahol ng Pabo na kapag marinig natin ang salitang Turkey ay ito kaagad ang ating naiisip.

Nasa Turkiye na nga ako.

Kumuha ako ng apartment na sakto lang sa mga solong katulad ko, apartment na mura lang kaya hindi ko na inaasahan na maganda ang makukuha ko. Sa sitwasyon ko ngayon ay wala akong karapatan na mag-inarte pa. Kailangan ko ng matinding pagtitiis kung gusto kong mabuhay na walang suporta galing kay Papa.

Life must go on whatever happens!

Hindi ko naman napigilan na tumulo ang luha ko ng maalala ko na naman si Papa, na-miss ko na sya ng sobra.

Ang mga kambing ko. Kumusta na kaya sina Xxan at Cameia? Naaalagaan kaya sila ni Sibastian ng maayos? Naiyak pa tuloy ako lalo dahil hindi ako nakapagpaalam sa mga baby goats ko.  Paano ko pa sila makikita ulit kung wala na akong balak na bumalik at baka nga ay hindi na ako makakabalik pa ulit sa Pilipinas?

Umiyak ako ng umiyak habang naglilinis ng aking maliit na kwarto. Maalikabok at marumi pero kaya ko pa naman. Kaya ko pa...kahit medyo nahihirapan ako. Ang kwarto na ito ay halos ×10 ng kwarto ko sa mansyon el farma bu i have no choice  but accept the fact that human life is like color, it fades. But if you want the color of your life to be bright again? You need to color it again and start a new life with different colors.

Ibinaba ko muna ang hawak ko na panlinis sa lababo at umupo sa sahig at hinayaan na maubos ang mga luha ko sa pagka-miss sa Ama ko, kay Xan at sa mga naging kaibigan ko na rin sa Pilipinas.

Eversince, si Papa na ang kasama ko. Never nya ako pinahawak ng mga kung anu-anong bagay. Para akong prinsesa kung ituring  nya at ang sitwasyon ko ngayon ay hindi ko ito inaasahan, hindi ko ito na predict....na ang kulay na meron ako ay kukupas.

Ang hirap-hirap pala ng ganitong sitwasyon. Although naisip ko na mahihirapan ako pero hindi ko naisip na sobra palang mahirap.

Niyakap ko ang sarili ko at mas lalo pa akong napaiyak, wala akong karamay at kakampi kundi ang sarili ko lang. At andito ako sa ibayong dagat at estranghero ako sa kanilang lahat kaya mahirap talaga.
Pinahid ko na ang mga luha ko at bumalik sa ginagawa ko na paglilinis.

At makalipas ang ilang oras na inilaan ko ay natapos na rin ako maglinis, lumabas ako ng apatment para bumili sa tinda sahan na malapit lang sa tinitirhan ko. Naghahanap ako ng mga filipino product pero wala akong makita. Hindi ako sanay sa mga pagkain nila dito. Dumaan ako sa bakery at bread nalang ang binili ko at milk dahil kung bibili pa ako ng mga rawfood ay hindi naman ako marunong magluto. Kaya nagpaka-practical nalang ako kahit na gusto ko ng kanin, scrumble eggs at tinola na madalas iluto ni Xan at sinigang na hipon ay wala. No choice!

Naalala ko na naman sya at again, tumutulo ang luha ko habang sinusubo ang bagel na binili ko kanina. Tahimik akong umiiyak pero ganoon talaga kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala akong mesa at kung mga anu-ano pa sa loob ng apartment ko, kundi ang mga importante lang. Katulad ng kama, lutuan at maliit na ref. Sobrang liit lang ng apartment at studio type sya. Sa isang kwarto ay andun na ang lahat, kusina, cr at tulugan mo.

Parang nasa Pilipinas lang ako.

Mabagal kong sinusubo ang bagel, nakasalampak lang ako sa sahig na naka Indian seat. Pakiramdam ko ay nagbabahay-bahayan ako dito ngayon.
ok lang, pansamantala lang naman ito. Alo ko sa sarili.

Noong nasa Pilipinas ako, pag kumakain ako ay lalagyan pa ako ni Xan ng pagkain sa aking plato at titimplahan nya pa ako ng chocolate milk kahit na galit sya sa akin. Ipaglalalaba at ipagpaplantsa nya pa ang mga damit ko and i miss those things, i miss his tiny gestures it makes me happy so much. Napahagulhol na ako ng tuluyan dahil hindi ko maiwasan na ikumpara ang buhay ko doon at buhay ko rito sa Turkiye.

Na miss ko na sila...Miss na miss ko na si Xan.

Humiga ako sa maliit kong kama na nakalatag lang sa sahig at niyakap ko ang aking unan. Inisip ko nalang iyon na si Xan at sya ang kayakap ko.

Naalala ko ang gabing may nangyari sa amin that was my beautiful night ever...with him. Pagkatapos namin gawin iyon ay tumabi sya sa akin at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Xan.." tawag ko sa kanya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Hmmm, bakit?" sagot nya na paungol lang, siguro dahil inaantok na sya at pagod na rin.

"I love you, Xan" sabi ko.

Pero hindi sya sumagot.

Kumalas ako sa yakap nya humiga sa taas nya at pilit ko na binubuksan ang kanyang mga mata. Hindi naman ako nabigo at tumitig sya sa akin habang nakangiti ako sa kanya.

"I love you" ulit ko.

Pero hindi sya ulit sumagot pero nakatitig lang sya sa akin.

"I love you, Xan Laves Recuerda" sabi ko sa pangatlong pagkakataon pero hindi sya ulit sumagot.

Kaya bumaba ako mula sa ibabaw nya at humiga nalang ng tahimik. Ang kanina'y nakatihaya sya na nakahiga ay tumagilid sya patalikod sa akin. Parang hinihiwa ang puso ko sa sobrang sakit pero nang mga oras na iyon ay nagpaka marter ako.  Kaya lumipat ako sa kabila nya at hinalikan ko sya ulit.

Gusto ko may mangyari sa amin ulit dahil napansin ko na kapag ginagalaw nya ako ay doon ko lang nararamdaman na mahalaga ako...na kailangan nya ako. Pero hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.

"Ano ba, Cameia?!" naiiritang sabi nya sabay layo ng mukha nya sa akin.

Biglang nangasim ang sikmura ko.

"Pinagbigyan na kita. Ano pa ba ang gusto mo? Nakuha na kita. Pwede ba tama na at magpaka disente ka naman? Sa ginagawa mo ay ibinababa mo lang ang sarili mo" he is spitting nothing but facts.

Awang ang mga labi ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Masyadong pasmado ang kanyang mga bibig.

"A-ah Sorry. A-akala ko kase ay g-gusto mo pa, Xan" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Bumaba sya ng kama at lumapit sa pinto, kitang-kita ko ang kabuuan nya na walang kahit anong saplot sa katawan. Ang kanyang morenong balat ay mas lalong nadepina sa ilaw na nag iiluminate sa silid. Ang kanyang mahabang likod at malapad na shoulders ay parang inukit ng iskultor. Napalunok ako ng dumako ang mga mata ko sa umbok ng kanyang puwit, mabibilog ang mga ito at wala manlang bahid ng discoloration at ang lahat ay inplaced at pantay-pantay.

Bumangon ako ng marahan at pumasok ng banyo at doon ko iniiyak ang lahat-lahat.

Kinabukasan ay naglakadlakad ako sa labas para maghanap ng trabaho, kahit ano ay handa ako na pasukin basta maka survive lang.

Medyo nahirapan din ako makahanap dahil hindi pa ako graduate sa college. Naghahanap din kase sila ng diploma tapos wala akong maipakita kase first year college palang naman ako ngayon.

Pero hindi ako susuko, kahit malamig ang panahon ay naghahanap pa rin ako ng trabaho kahit maraming beses na nagkadulasdulas ako sa snow na bahagyang tumigas na sa mga daan.

Nilalakad ko lang ang paghahanap ng trabaho at baka sa mga gilid-gilid ay makahanap ako.

One time ay nagdecide ako na makipag-close sa mga nakatira sa apartment na tinutuluyan ko, kailangan ko ng may kaibigan at dito ako magaling kase marami naman akong kaibigan sa Canada at Pilipinas. Hanggang sa makasundo ko si Yasimin na nasa kabilang kwarto lang din.

"May kakilala ka ba na pwede ko pasukan, naghahanap kase ako ng trabaho?" tanong ko kay Yasimin sa wikang turko.

Nagliwanag ang mukha nya nang marinig nya yon sa akin na para bang ako ang sagot sa dasal nya at napa 'Amen' pa sya ng mag tanong ako sa kanya.

"Tamang-tama ay naghahanap kami ng waitress sa restuarant namin, gusto mo isama kita kaagad bukas dahil urgent yon. Biglaan kase ang pag-alis ng isa sa mga waitress doon" excited na sabi nya.

"Talaga Yasimin?" halos mapatalon ako sa tuwa sa kanya. "But wait lang, high school graduate lang ako a?" paalala ko sa kanya at baka mataas ang standard ng restuarant nila.

"Pwede ka na doon. High school graduate lang naman ako at mag a-assist lang naman tayo ng mga customer kaya..huwag kang mag-alala at pasado ka roon" Nagkislapan ang mga mata naming dalawa dahil sa tuwa.

Napayakap ako kay Yasimin sa dahil finally ay may trabaho na ako, dahil ang pera ko na dala ay kunting-kunti nalang kahit sobrang pagtitipid na ang ginawa ko. Majority ay napupunta sa bills katulad ng rent ng apartment, tubig at electricity.

Hindi biro ang manirahan dito sa abroad kaya todong trabaho talaga ang gagawin mo dahil kung hindi? At baka sa lansangan ako maninirahan.

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ni Yasimin sa restu nila at thanks god, natanggap kaagad ako sa trabaho pero nakatuka ako sa paghuhugas ng mga plato. Pero ayos lang sa akin at magtanong nalang ako sa kitchen staff na andoon kung ano ang tamang paghuhugas ng mga plato?

Pero nang makita ko ang gabundok na mga platong hugasin ay  napangiwi ako dahil hindi ko inaasahan na sobrang dami pala talaga.

So ano ang ini-expect mo, Kammee? Kaya nga restuarant at marami talagang hugasin.

Abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Samantala ako ay namomroblema kung paano umpisahan ang paghuhugas dahil hindi ko alam kung paano?

Pero...nakaramdam rin ako ng hiya na magtanong kung paano sa mga kasama ko, kaya inumpisahan ko na kahit wala akong ideya kung paano ang tamang paghuhugas.

Bakit kase hindi ako pinapahugas ni Xan noon? Tingnan mo tuloy at wala akong alam? Dapat pala ay inaway ko sya nang minsan mag attemp ako na maghugas ng mga pinagkainan namin.

Bigla akong natigilan sa ala-alang iyon, bakit hanggang dito sa ibayong mundo ay kumukunikta ang gunita ko sa kanya?

Ipinilig ko ang ulo ko at hinawakan na ang isang pinggan at nilagyan ng sabon pero sa hindi ko inaasahan ay nadulas sa kamay ko at naglikha ng malakas na ingay sa loob ng kusina dahilan para magsi-tinginan sa akin ang mga tao doon.

Hiyang-hiya ako sa kanila at todo hingi ng sorry, nakita ko pa na may iilan na napapailing nalang.

Kaagad ko na pinulot ang basag na pinggan and by accident ay nasugatan ako ng bubog kaya dumugo kaagad ang palad ko.

Hindi ko ininda ang sugat ko at mabilis  na gumalaw para makuha ang mga iyon na nagkalat sa sahig at baka pati ang mga tao sa kusina ay masugatan dahil sa katangahan ko.

Kitang-kita ko ang madilim na tingin sa akin ng manager namin kaya mas lalo akong kinabahan at hiyang-hiya.

"Iyi misin?" napalingon ako sa boses ng isang  lalaki na nasa likod ko.

Mabilis ako na tumango sa kanya. "Evet" sabi ko.

Pero nagulat ako at biglang nasampala ang pisngi nya ng biglang hawakan nya ang kamay ko. Nakuha ko ang pansin ng lahat ng staff at nakabuka ang mga bibig nila na para bang gulat na gulat sila sa ginawa ko. 

Ipinilig lang ng lalaki ang mukha nya at iniharap ulit sa akin pero tumingin muna sya sa paligid at nagsisinghapan ang lahat ng staff at abala na ulit ang lahat.

Kinuha ulit ng lalaki ang kamay ko at hindi na ako nag protesta pa dahil diniinan nya mismo ang paghawak at tiningnan ang sugat na tumutulo ang dugo.

Hinila nya ako sa bandang may sulok at ipinaupo, naguguluhan ako at the same time ay nahihiya dahil ang mga mata ng mga katrabaho ko ay nasa akin ulit at ang iba ay nagbubulong-bulungan kaya mabilis ko na hinila ang kamay ko pero naabot nya ulit nang makaupo na rin sya sa aking harapan at mariin nyang sinisipat ang dalawa kong daliri na nasugatan.

"Yok. Iyiyim ben" 

Natatarantang sabi ko dahil natatakot ako dahil first day of work ko ngayon tapos palyado kaagad, at ito nagpapahawak ng kamay sa isang lalaki na hindi ko kilala kung sino ba 'to at bigla nalang sumulpot sa harap ko.

Pero mas nagulat ako na mas hinila nya pa ang kamay ko na may sugat at ipinatong sa mga hita nya.

Continue Reading

You'll Also Like

226K 5.1K 60
Temptation Series #2 Unedited | Completed Liam Trinidad, a doctor and CEO. Not just a typical man. He's cold, serious and bipolar. A man who never ex...
24.8K 1.2K 45
Andrei and Yvonne shared a deep bond of friendship ever since Yvonne was abandoned by her parents because of the fire accident. Andrei become famous...
9.1M 318K 27
Erika Lovet is used to being in the background, always in her sister's shadow. Since she was a child, her parents have always doted on Alice, have al...