When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 1

349K 5K 506
By winry_elrick

A/N: This is the Book 2 of WHEN MISS GENIUS GONE MAD.

Jennifer

Nagising ako dahil sa lamig na bumabalot sa silid kung nasaan ako ngayon. Bumangon ako saka inilibot ang aking mga mata sa buong paligid. This place looks like a five star hotel room. Wait, paano akong napunta rito?

Ilang sandali pa ay halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsulpot ng boyfriend kong si Dustin na ang suot lang ay puting bathrobe. Kung titingnan ay parang kakatapos lang niyang maligo.

"Gising ka na pala, kumustang pakiramdam mo?" Tanong niya saka naupo rin sa kama at pinupunasan ang basa niyang buhok ng towel.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko, nang sa wakas ay maalala ko na kung ano ang nangyari. Boyfriend ko si Dustin at mahal ko siya pero galit ako sa ginawa niya sa'kin.

"Ginawa ang alin?" At nagmamaang-maangan pa!

"Puwede ba Dustin, alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Bakit?!" Tanong ko uli sa kaniya.

"Ah, did you mean..." Nakuha pa niyang magpakawala ng mapang-asar na ngisi sa harap ko. "'Di ba ang sabi ko sa'yo, na gusto ko, ako ang una?"

"Nang dahil lang do'n? Bakit ka ba ganyan? Gusto mo, lagi kang una. Hindi pa ba sapat na ikaw ang una kong boyfriend? At ikaw din first kiss ko." Pagmamaktol ko pa.

"Pero hindi ako ang first love mo." Hirit niya, which is, totoo naman.

"Hindi rin naman ako ang first love mo ah!" Banat ko naman sa kaniya. Naiinis talaga ako kaya nagmadali na akong lumabas dala ang aking bag. Naririnig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon pabalik. Bahala siya sa buhay niya!

Paglabas ng kuwarto ay saka ko pa lang nalamang narito pala ako sa Grande Hotel. Naalala ko tuloy na sa restaurant ng hotel na ito kami unang nag-dinner date ni Dustin no'ng first monthasary namin, kung saan three hours lang naman akong naghintay sa kaniya. 'Yon pa 'yong time na niligawan lang niya ako para pag-tripan kaya wala na 'yon sa'kin at never naman na niyang inulit iyon.

"Beh!" Sambit ni Dustin na nagkapagbihis na agad ng damit at nakahabol sa akin. Bakit ba kasi ang tagal bumukas nitong elevator na 'to!

"Huwag mo nga akong mabe-beh Dustin. Galit ako sa'yo!" Frustrated kong sinabi. "That was my first... Tapos..."

Nga pala, about our term of endearment, I came up with 'Beh' para lang talaga asarin si Dustin noon dahil alam ko namang pinagti-tripan lang niya ako. Pero no'ng maging kami uli ay siya mismo ang nag-suggest iyon na lang ang itawag namin sa isa't-isa.

"Tapos?" Sabat nang napadaang si Kuya Derek and he confronted his brother. "Hoy Dustin! Tell me mali ang iniisip ko. It was Jen's first and you did against her will?"

"Opo." Sumbong ko kay Kuya.

"What the---" Sa galit ay nabatukan tuloy ni Kuya Derek si Dustin. "How could you do that to an innocent girl?"

"Kaya ko nga ginawa 'yon eh, because she's innocent. Sinong matinong boyfriend ba ang hahayaang makakita ng hubad na lalaki ang girlfriend niya? Wala 'di ba? Ayoko siyang makakita ng lalaking nakahubad. Kung makakakita man siya no'n. Gusto ko, ako lang. That's the reason why I did all of this."

"What?" Naguguluhang tanong ni Kuya Derek at para naman maunawaan niya ang mga sinasabi ni Dustin ay inilahad ko sa kaniya ang buong kuwento.

Excited kami ng classmate kong si Aika habang inaabangang magsimula ang isang event dito University kung saan kami parehong kumukuha ng Education course. Sa starting point pa kami naka-puwesto para sa oras na lumabas na ang mga participant ng event ay tiyak na kami ang unang-unang makakakita sa kanila.

Sa totoo lang ay pinagbawalan ako ni Dustin na manood dito dahil ayaw niya raw na makakita ako ng mga tumatakbong lalaki na nakahubo't-hubad. At kung makakakita rin lang daw ako ng lalaking hubad ay gusto niyang siya ang una. Ang kulit lang di ba?

Pero dahil sadyang pasaway ako ay hindi ako nakinig kay Dustin at manonood pa rin ako ng event kahit ayaw niya.

Ilang minuto na lang bago mag-start ang event ay nagulat ako dahil sinundan pala ako ni Dustin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya pero hindi naman niya ako sinagot. Ang galing naman niya para mahanap kami ni Aika sa gitna nitong maraming tao.

"Hi Dustin." Bati ni Aika kay Dustin. Siya ay anak Tatay Lucio na hanggang ngayon ay guwardiya pa din sa bangko na malapit sa East Pearl Academy.

"Hi." Bati pabalik ni Dustin. "May dala akong drinks, inom muna kayo."

"Bakit bukas na 'tong sa'kin?" Tanong ko dahil nakabukas na ang canned softdrink na inabot niya sa'kin.

"Dalawa lang kasi ang nabili ko. Nauhaw ako kaya ininuman ko 'yang isa. Alangan namang kay Aika ko ibigay 'yang nainuman ko na, nakakahiya naman." Sagot naman ni Dustin.

"Ah okay." Uhaw na rin ako ay ininom ko na ang softdrink na bigay ni Dustin. Segundo lang ang lumipas ay nawalan na ako ng malay.

"So that's what happened." Napatango pa si Kuya Derek habang sinasabi 'yon. "Pinainom ka ni Dustin ng pampatulog para hindi mo mapanood ang event na iyon sa University niyo. At kaya ka nagagalit ay dahil first time mo sanang mapapanood ang event na 'yon pero hindi mo nagawa kasi nga nakatulog ka. Mali pala ang iniisip ko, ang akala ko pa naman may iba nang nangyari..."

"Nangyaring ano po Kuya?" Tanong ko Kuya Derek na hindi na niya nasagot dahil biglang nagsalita si Dustin.

"Anong palagay mo sa'kin Kuya? Hindi ako gano'n 'no? Lagot ako sa Tatay nito kapag ginawa ko 'yon."

"Ginawa ang alin?" Tanong ko naman kay Dustin dahil hindi ko gets ang pinupunto niya.

"Inosente ka nga talaga 'tong girlfriend mo bro." Sambit ni Kuya saka niya uli ako binalingan. "Jen, huwag ka nang magalit dito sa kapatid ko please. Pagpasensyahan mo na lang sana ang pagka-praning niya. In-love lang kasi talaga siya sa'yo eh." After no'n ay nagpaalam na si Kuya sa'min. "Pa'no, mauna na 'ko sa inyo. Magmahalan kayo pero huwag muna kayong magpakarami kasi mga bata pa kayo, and I'm not yet ready to be an Uncle."

Tuluyan nang umalis si Kuya Derek at doon ko pa lang naintindihan ang ibig sabihin ng pinag-uusapan nila ni Dustin.

"Oh bakit?" Tanong ni Dustin nang magkatinginan kami.

"Mabuti naman at alam mong malalagot ka sa Tatay ko kapag ginawa ko 'yon." Sabi ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Yeah, I know. Your parents trust me, lalo na si Tito Raul at wala akong planong sirain ang tiwalang ibinigay nila sa'kin." Seryoso niyang sabi at dahil doon ay nawala na ang inis ko sa kaniya.

Bumukas na ang elevator pero hindi namin magawang pumasok dahil na-windang kami ni Dustin sa aming nakita. May couple kasi na naghahalikan sa loob na tumigil lang sa ginagawa nila no'ng magkunwari akong umubo.

"Uy Dustin!" Bati agad no'ng lalaki kay Dustin. Guwapo siya at matipuno ang kanyang katawan. Tumingin muna siya sa'kin bago muling magsalita. "Is that your girlfriend?"

"Tara beh, sa kabila na lang tayo." Sabi ni Dustin saka hinila ang kamay ko patungo sa kabilang elevator. Napansin ko agad na parang bigla siyang nairita.

"Grabe ka naman bro, hindi ko naman aagawin 'yan eh. Ipakilala mo naman sa'kin." Hirit no'ng lalaki na lumabas pa talaga ng elevator habang nakaharang naman ang kamay niya sa pinto upang hindi iyon magsara.

"Kilala mo babe?" Tanong no'ng babae na kita ang kaluluwa dahil sa revealing nitong suot.

"He's ---."

Hindi ko na narinig ang sagot no'n lalaki dahil pumasok na kami ni Dustin dito sa isa pang elevator.

---

"Sino 'yon?" Tanong ko kay Dustin habang sakay kami ng kotseng siya mismo ang nagmamaneho. "Bakit hindi mo 'ko pinakilala sa kaniya? Don't tell me, ikinakahiya mo ang sarili mong girlfriend?"

"Ofcourse not. Hindi kita ikinakahiya at never kitang ikakahiya." Giit niya na para sa akin ay hindi naman mahirap paniwalaan. Alam ko namang proud siya sa akin pero bakit kaya ayaw niya akong ipakilala doon sa lalaki kanina? "Hindi naman siya importanteng tao kaya mas mabuti kung hindi mo siya makilala."

"What do you mean? Parang ang laki ng galit mo sa kaniya ah." Hindi ko mapigilang itanong.

"Because he's an asshole na walang alam gawin sa buhay kundi ang mambabae at lustayin ang perang hindi naman kaniya. Palagi siyang nagdadala ng iba't-ibang babae sa hotel na pagkatapos niyang pagsawaan ay basta na lang niyang itatapon na parang basura. I don't want you to meet or be friends with that kind of guy." Paliwanag ni Dustin at kung totoo ang sinasabi niya ay mabuti ngang hindi ko na lang makilala ang lalaki na 'yon.

"Siya nga pala beh, ayaw mo ba talagang manood ako no'ng event na iyon sa University namin? Ayaw mo talagang makakita ako ng mga lalaking nagtatakbuhan habang nakahubad?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Ayoko." Sagot niya saka seryosong tumingin sa akin. Okay lang na tingnan niya 'ko dahil hindi pa naman kami umaandar. "Next year, kailangan ba kita uli painumin ng pampatulog para lang mapigilan kitang manood no'n?"

"No, you don't have to do that anymore. Dahil suko na 'ko sa'yo. Sige na beh, ikaw na panalo. Promise, hindi talaga ako manonood ng event na iyon. Masaya ka na?" Pagkatapos kong sabihin 'yon ang ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.

Napag-isip ko lang kasi na sundin ang payo ni Kuya Derek, at 'yon ay ang pagpasensyahan na lang ang praning kong boyfriend na sobrang in-love sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1.2K 21
Natural lang na nagkakagusto tayo sa isang tao. Natural lang na magandahan tayo o ma-gwapuhan sa isang taong first time lang natin nakita. Natural la...
60.7K 5.6K 129
"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything."
11.7K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)
48K 2.9K 71
Si Caleb ang tunay na kahulugan ng perpekto. Pinakamatalino, pinakagwapo at pinakamayaman. In short, pinagpala. Hindi siya asal gangster, pero malayo...