Virgin Villain (The Villain S...

By wintertelle

31.8K 2.2K 1.1K

Due to Zero almost wiping out the fictional dimension, Fictosa's system malfunctioned. It has failed to disti... More

The Villain Series
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Wakas
Winty's Note

Kabanata 44

378 32 14
By wintertelle

ISABELLA ran outside the room with her tear-stained face as questions still flooding her mind. Lumapit siya sa isang bintana at binuksan ang nakatakip na kurtina. Sumilid ang init ng araw dahilan para mapapikit siya. Sa 'di malamang kadahilanan, nais niyang buksan ang nilalaman ng envelope. Malakas ang kutob niyang may kinalaman iyon sa sinabi ni Drake.

Napalunok siya nang makita ang duguan niyang kamay. Totoo ngang napuruhan niya si Drake.

Kumapit ang dugo sa envelope habang binubuksan niya ito. Kinuha niya ang papel na naroroon at binasa.

Tuluyang bumigay ang kaniyang tuhod nang mabasa ang nilalaman. Nabitiwan niya ang papel at nanginginig na tinakpan ang kaniyang mukha.

"Imris is my . . . baby." Napaupo siya sa sahig at binuhos ang kaniyang paghagulhol.

Muling binuklat ng kaniyang isipan ang mapait niyang alaala apat na taon na ang nakararaan. Ang kaniyang pagsisisi kay Drake at ang hindi na mabilang na beses upang patayin lang ang bata sa kaniyang sinapupunan. Kaya ba pinalabas ni Jasia na patay na ito dahil sa kaniyang mga pinaggagawa? Natatakot ba itong kamuhian niya ang bata?

Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil hirap na siyang huminga. Hindi niya alam kung anong uunahin niya, ang pag-iyak ba, paghinga o ang pagsisisi. Pero kahit na may parte sa kaniya ang natuwa na buhay ang kaniyang anak dahil minsan niya na ring hiniling na sana nga'y buhay ito, hindi pa rin niya kayang iharap ang sarili dito.

"I don't deserve her . . ." Imris doesn't deserve her. After all that she had done, she was a terrible person, and never a deserving mother.

Tama lang ang desisyon ni Jasia na huwag itong ipakilala sa kaniya dahil paniguradong hindi rin niya ito aalagaan nang tama kung sakali mang lumaki nga si Imris sa kaniya.

But still, deep in her heart, she hoped for a change.

Now that her baby was alive, would it be too late to ask for a chance?

"Damn you, Isabella!"

Napasigaw si Isabella nang may kamay na humila sa kaniyang buhok. Namilog ang kaniyang mga mata nang makitang si Drake ito, duguan ang buong mukha at hindi na mamulat ang isa pang mata.

"Ang kapal ng mukha mong saktan ako!" His face covered with blood shadowed his emotion; he was in rage. He gritted his teeth and raised one of his arms. "If you were planning to kill me, ginalingan mo na sana. Now, ikaw ang mauunang ihahatid sa kamatayan!"

Walang pagdadalawang-isip na sinaksak ni Drake ang kaniyang tiyan sa hawak nitong patalim. Ilang segundo ang nagtagal bago niya naramdaman ang nagraragasang dugo at nanununtok na sakit. Her stomach burned in agony as she shuddered on the ground.

Tinadyakan ni Drake ang kaniyang mukha bago siya tinalikuran. "You're not pleasurable anymore."

Hinawakan niya ang kaniyang tiyan habang pilit na nilalabanan ang pagdilim ng kaniyang bisyon. Habol-habol niya ang hininga nang may masulyapan siyang pigura.

Hindi kalayuan sa kaniya ay isang bata. Her child, Imris.

"Papa! Mama!" naluluhang sigaw nito at mukhang hindi na alam kung saan papunta.

Isang mahina at madilim na tawa ang narinig niya sa lalaking nakatayo sa kaniyang harapan. Inangat niya ang tingin at nakangisi ito nang nakakaloko sa kaniya.

"Ah, bigla kong naalala. Ayaw mo nga pala sa aking ipakilala ang anak natin. Alam mo bang nasaktan ako ro'n?" sarkastiko nitong sabi. Muli nitong inapakan ang kaniyang mukha. "Ngayon ikaw naman, Isabella. Anong mararamdaman mo kung kunin ko ng panghabang-buhay ang anak natin?"

"N-nahihibang ka na ba?" Hinawakan niya ang paa nito. "Huwag mong idamay si Imris sa kahibangan mo!"

"Stop me, then. It's not like I care about you and that thing." Inalis nito ang paa at buong puwersa na tinadyakan ang sugatan niyang tiyan. Impit siyang napasigaw. Muntik na siyang mawalan ng malay dulot ng kaniyang pagkahilo. Hindi na rin siya sigurado kung ang kumikirot niya bang mukha o ang dumudugo niyang tiyan ang nagbibigay sa kaniya ng walang-kamatayang sakit.

"Remember, Isabella. You were just my plaything. Wala akong pakialam kung mamatay ka man ngayon dahil kapag nakuha ko ulit ang mga tape, isa ka pa rin sa babaeng papanoorin ko hanggang sa malabasan ako, naiintindihan mo ba?" Umalingawngaw ang nakakarindi nitong tawa. "Tingnan mo ako kung paano ko saktan ang anak mo. Ganti ko na rin sa ilang beses mong pagpukpok sa ulo ko."

At sa pangalawang pagkakataon, tinadyakan nito ang kaniyang tiyan. Naglakad na ito papalapit kay Imris.

"N-no . . ." Napaubo siya ng dugo. Sinubukan niyang abutin ang paa nito ngunit lumihis lang ang kaniyang kamay, nangangahulugang hindi na niya magawang maabot ang lalaki.

Muling tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at nais niyang sumigaw. She wanted to shout at Imris and tell her to runaway, but her voice couldn't longer scream.

Dahan-dahan nang kinukuha ang kaniyang buhay. Nandidilim na ang kaniyang paningin.

Pero ayaw niyang sumuko rito.

Kahit na nanghihina, pinilit niya ang sariling makabangon. Ininda niya ang namimilit na sakit at inipon ang lahat ng natitirang lakas upang makasunod kay Drake. Kahit sa pagkakataon man lang na ito ay nais niyang maprotektahan ang kaniyang anak.

Paika-ika siyang tumakbo papalapit sa direksyon ng lalaki nang inamba na nitong saktan ang nakatalikod na Imris.

"Tumigil ka!" Binangga niya ang katawan nito dahilan para parehas silang mawala sa balanse.

Gulat na napatingin si Imris sa kanila. "A-ate?"

Sinipa niya ang pagmumukha ni Drake nang pilit siya nitong alisin sa pagkakadagan sa likuran. Inagaw niya sa kamay ang hawak nitong patalim ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Drake. Kahit na nagkasugat ang kamay ay hindi siya bumitaw. Kinagat niya ang pulso nito dahilan para mabitiwan nito ang kutsilyo.

"Buwisit ka!" Hinawakan nito ang kaniyang damit. Tuluyan siyang nahila nito paalis sa likuran ng lalaki subalit hindi niya sinayang ang pagkakataong iyon upang itarak sa likuran nito ang patalim.

Wala na siyang pakialam kung tuluyan ngang mapatay niya si Drake. Kung mawawala lang din naman siya, mas mabuting masiguro niyang ang kaligtasan ni Imris.

"Ate!"

Napalingon siya sa kaniyang likuran nang maramdaman ang mga kamay ni Imris sa kaniyang braso. Luhaan ang mga mata nito at pilit siyang pinapatayo.

Imris must have been so scared, witnessing what she had just done.

Hinawakan niya ang kamay nito at inalis sa kaniyang braso. Hindi na niya magawang maaninag pa ang mukha nito dulot ng pandidilim.

"I-I'm sorry, Imris . . . I'm really sorry." The tears from her eyes mixed the blood on her face. Marahan niyang tinulak ang bata palayo sa kaniya. "Umalis ka na . . ."

"But you're hurt!" Ngumuwa si Imris at muli siyang hinawakan.

Kaagad niya itong inalis. "Tumakbo ka na. H-hanapin mo si Xibel . . ."

Paniguradong papunta na rito si Xibel. She knew how protective he can be to the people he cared for. After all, she was who wrote him that way.

Hindi na niya narinig pa ang sinagot ni Imris. Ang pigura nitong tumatakbo na palayo sa kaniya ang huling bagay na kaniyang nakita bago siya bumagsak at tuluyang mawalan ng malay.

XIBEL sighed when he felt that Jasia and Stone had entered the house. Mukhang hindi nga nagpatinag ang babae. Napatingin siya sa bubong. Sa ikatlong palapag naroroon si Rasheed at Neva, ang dalawang lalaking naging rason sa pangyayaring ito at ang nais niyang puntahan.

He could leave Jasia and Stone to go meet Imris and Isabella. Total pinatay na niya ang mga kumuha sa kanila at ang natitira na lamang ang may pakana nito.

Naglakad na siya paalis ng kuwarto. Aakyat na sana siya sa hagdan subalit napakunot ang kaniyang noo nang mapansin ang paninipis ng pulang sinulid sa kaniyang daliri. Ito ang sinulid na nakakonekta kay Isabella.

Were the threads also affected by the glitch?

Pinagmasdan niya ito nang bigla na lamang siyang kabahan. Iba ang kutob niya rito.

"System, what is happening?"

[Report System: The writer's life is depleting, thus, the threads are disassembling your linkage.]

"What?" Xibel's eyes circled in shook and immediately forfeited his plan. He flew towards where the threads were pointing him.

Hindi puwedeng mawala si Isabella.

"Papa!"

Kaagad siyang napababa nang madatnan si Imris. Napaluhod siya at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. Hinaplos niya ang buhok upang pakalmahin ito sa panginginig.

"Papa, Ate Isabella is hurt!" Humiwalay ito sa yakap at may tinuro. Ang malalaking butil ng luha nito ay patuloy pa ring tumutulo.

"We'll help her." Pinahid niya ang mga luha bago kinarga at nagtungo papunta sa direksyon ng manunulat.

Naabutan niya itong nakahandusay sa sahig kasama ang isang lalaki.

Binababa niya muna si Imris at nilapitan ang kalagyan ni Isabella. Marami siyang katanungan kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon subalit inuna niya munang ayusin ang pagkakahiga nito at tinapat ang kamay sa duguan nitong tiyan.

The threads were barely visible, but it was still there. Buhay pa si Isabella.

Nanginginig ang mga kamay niyang tinawag ang kapangyarihan. Naglabasan ang itim na mga alikabok at kaagad na pinalibutan ang babae habang ang kaniyang isip ay walang tigil sa kakahiling na gumaling ito.

Dahan-dahan nang naghilom ang sugat nito sa tiyan pati na sa mukha. Subalit ang sinulid ay tuluyan pa ring nawawala.

Inalis niya nang tuluyan ang kamay nang tuluyang naghilom ang mga sugat. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ng babae.

"Isabella, wake up." Hindi pa rin nawawala ang kaniyang kaba dahil sa sinulid na hindi pa rin bumabalik sa dati.

Why was it still disassembling? Was he incapable of healing a dying person? Was it because he was now a necromancer that he couldn't rescue a dying person?

"Isabella, wake up!" Tumaas ang kaniyang boses dahil sa takot na hindi na nga ito magising pa. Tumulo ang pawis mula sa kaniyang noo habang niyuyugyog ang babae.

Hindi ito puwedeng mamatay lalo na't nanonood ang anak nito.

"Please, heavens of the earth. Please, just this once. Please." Mariin siyang napapikit at hiniling sa isipan na sana'y mailigtas niya si Isabella. They could punish them in any way they wanted, he couldn't care less. They could take his title once again and even put him in an outrageous place, he doesn't care. He would promise to never complain.

Just give him his author back. That is all he asked.

Dahan-dahan nang namuo ang luha niya sa mga mata nang marinig ang muling pag-iyak ni Imris.

"Isabella, wake up. Please." He tapped her cheeks one last time.

A minute had passed, and Isabella still never responded.

He was about to give her up when her forehead twitched. Nabuhayan ng loob si Xibel nang makita itong dahan-dahang minulat ang mga mata. Ang sinulid din na nakakonekta sa pagitan nilang dalawa ay bumabalik na sa dati ang liwanag.

[Report System: The writer has gained consciousness. The thread will now go back to its normal state.]

"Xibel . . ." mahinang usal nito.

Kaagad niya itong hinila sa isang yakap.

---

Winty's note: 4 chapters na lang natitira sa outline ko. See 'ya!

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...
13.4K 1.5K 70
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
13.5K 934 26
A standalone novel. Faye, a freelance artist, wants nothing but to die. She ends up hating God for taking everything away from her. Everything that...
805 218 53
Dark has been Zach's escape. It echoes for him as the world fear him. It rumbles whenever his face is seen in the dark where there lies a silhouette...