Big BAD Alpha(BL)

By HunterSiann

9K 674 108

Malakas na bumagsak ang hawak niyang libro. Pero hindi ko siya binigyan ng pansin at patuloy na binabasa ang... More

Alpha camp
Lines and Pair
Annoyed
Exchange
Training ground
Saving him
punished
Awake
lost
Cave
Luna Queen
His Mother
Alpha King
misunderstood
Friend
Attack
Azue
What am I?
Everything
Trap
Answer
Sacrifices
His eyes
His Here
unacceptable
Between them
Ability
Eyesight
Luna Queen's visit
Storm
With you
Sick
Sick ll
Dance
They Awake
Laura's Mate
His Cousins
Allen
Missing
Dark
Invader
connection
Eewa
Fire
Second Door
Paradise
Paradise II
under the bridge
Black hole
Holding
Keillan
Goddess Temple
Goddess gift
last stone
Arion

hidden life

75 3 0
By HunterSiann



"Hinihiling ko na iligtas mo sila,tulungan mo akong palayain sila sa walang hanggang paghihirap na ito"
Hayag nito

Parehas na nagtatanong ang kanilang mga isipan kong anong tinutukoy ng natutulog na babae.

"Hindi kita maintindihan,maaari bang sabihin mo ang tamang detalye."si Rain

"Kaya ko pang pigilan ang lahat ng ito hanggang nanatili akong naririto, magiging kataposan naming lahat kong aalis ako dito.Ang buong deminsyong ito ay kagagawan ng aking nilikhang kapangyarihan.Ang lugar na ito ay walang hanggang kawalan.Tanging kapangyarihan ko lamang ang nag papatibay dito.
Kong matutulungan niyo akong ilabas silang lahat sa lugar na ito,tatanawin ko itong malaking utang na loob.May mga pamilya na nag hihintay sa kanilang pagbabalik."




"Kaya namin silang tulungan makaalis sa proteksyon mo, ngunit hindi namin alam kong paano sila ilalabas,kami ay nakain lang din ng lagusang itim at hindi na namin alam kong paano makakaalis."
Tugon ni Rain

Nagkaron ng katahimikan

Parehas silang napa isip .

"May paraan"

Nagkatinginan sina Rain at Novan sa sinabi ng tinig

"May mga lagusan na pabigla biglang bumubukas,subalit hindi ko matutukoy kong saan nito dadalhin ang mga magtangkang pumasok."

"Kong ganon,hindi siguradong ligtas ang lagusan"
Novan na nakatingin ngayon sa babaeng natutulog

"Dapat pag isipan itong mabuti,Mahirap sumugal sa kaunting kasiguradohan lamang."
Si Rain

Parehas na sumang-ayon sina Novan at ang pinunong natutulog.

........


Lahat at nataranta ng makita nila ang pag lamon ng kadiliman sa kanilang prinsipe kasama si Rain

"Hindi!!"sigaw ni Ellieraz na nadapa pa ng subukan niyang habulin ang lagusan.

Napa suntok nalang siya sa inis na nadarama.

Dinaluhan agad siya tumayo nina Helian.

"Sandali!ayos lang sila.."si Orka na nakatingin sa bolang kwentas .

Agad na lumapit si Ellieraz kay Orka.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makitang magkasama sina Rain at Novan sa madilim na lugar.

Nakita pa niya ang pagbaba ni Novan kay Rain

Nag uusap ang mga ito.,kita kong paano may pinainom si Novan kay Rain

"Buti dala mo yan"Anya ni Helian

"Lagi ko namang dala ito eh"si Orka

"Paano ang ating gagawin?may paraan naman diba?"si Ellieraz na nangungusap ang mga matang nakatingin kina Helian at Orka

Huminga ng malalim si Orka,maging si Helian ay napaisip ng malalim.

Maya maya sabay silang nagkatinginan na may pinahahatid na nagtugma ang kanilang naisip

"Naiisip mo ba ang iisip ko?"sabay na sabi ng dalawa at bigla na lamang natawa gawa ng pagkakasabay nila

Gulong gulo naman si Ellieraz habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Kaya ba natin?"tanong ni Helian

"Kaya natin sa tulong narin ng lahat ng dito"















.......








Parehas na nagulat si Rain at Novan ng may liwanag na bigla na lamang lumabas tila lagusan.

"Kamahalan?! naririnig niyo ba ako?!"pamilyar na Tinig

"Orka?!Ikaw ba yan?"si Novan na nabigla din sa pagsulpot

"Oo,ako nga kamahalan.Sandali lamang ang pagkaka konekta namin sa inyo.Maliit pa lamang ang aming nakukuhang lakas para makausap kayo ngayon , patawad kong hindi pa namin magawang makuha kayo dyan..
Nais kong makinig kayo ni Rain.,Bigyan niyo pa kami ng kaunting oras para makaipon at makagawa kami ng lagusan para alisin kayo sa lugar na kinaroroonan niyo."

"Bilisan niyo,gumawa na kayo ng paraan"
Utos naman ni Novan,nakadama na siya ng kapanatagan dahil may pag asa na silang makaalis ni Rain

"Gagawin po namin , prinsipe"si Helian na nakatingin sa bolang kwentas
Iyon kasi ang bagay na ginamit nila upang makausap sina Rain

"kailangan namin ng tulong sa madaling panahon,Helian.
May mga nilalang ditong kailangan makaalis.Madami sila."pagbigay alam ni Rain

"Nakikita namin,Rain.At narinig din namin ang lahat sa nangyayari dyan sa loob.Gumagawa na kami ng plano upang ilabas ang lahat,kasama ang pinuno"

"Paano niyo nalaman?"
Tanong ni Rain

"Nakita namin sa mahiwagang kagamitan ni Orka,sinusubay-bayan namin kayo mula dito sa labas ."

Biglang naalala ni Rain nag lahat ng ginawa nila ni Novan.
Uminit ang pakiramdam niya sa hiya

Agad naman napansin ito ni Novan ,napangisi naman siya dahil may mga naging saksi sa pagiging malambing ni Rain tungo sa kanya.

Kahit hindi niya ipagsigawan na pag-aari niya si Rain.Nakita naman nilang lahat na kanya lang si Rain.

Tumikhim naman si Rain para matabunan ang kahihiyan na nararamdaman.

"Kong alam niyo na ang lahat,masisiguro niyo bang pati ang pinunong naririto ay makukuha natin sila palabas.?"

"Walang imposibleng bagay hangga't nagtutulungan tayong lahat."
Si Ellieraz

"Ama!Ikaw ba yan?"Rain na natuwa ng marinig ang tinig ng ama niya

"Oo ako nga ,anak.Nag aalala ako ng sobra ng hindi kita magawang makuha ng itim na lagusan.Patawad kong wala akong nagawa para pigilan ang bagay na yon."mahina na tinig ng ama ni Rain
Ramdam nila ang pag sisi nito.

"Ama, hindi iyon totoo,alam kong may ginawa kayo.Huwag na po kayong mag alala ,kasama ko si Novan ngayon dito at makaka-asa kayo na hindi niya ako papabayaan."

Tumango tango si Ellieraz kahit pa hindi na kikita ng kausap ang pag sang-ayon niya.

"Hintayin mo kami anak,gumagawa na kami ng paraan,huh."
Naramdaman naman ni Ellieraz na pag marahan na pag patong sa balikat niya ng kamay ni Helian upang iparating na magiging ayos lang ang lahat.

"Opo.mag hihintay kami."tugon ni Rain


"Rain,mag papaalam muna kami.Iniipon na namin ang lahat ng abot ng aming makakaya .Mag iingat kayo dyan.Bibilisan namin ito."

"Hmm!, hihintay namin,ngayon palang nag papasalamat ba ako ng marami,Orka."

"Walang ano man, Rain.....
At kamahalan, hanggang sa muli."Si Orka

Hindi na sumagot si Novan kay Orka.












.......





Tulad ng plano nag ipon ng lakas sina Helian,lahat sila ay nagtulong tulong at maging ang mga nakatira ditong nilalang ay nagbigay ng lakas.,

Sa ginuhit nilang mahika sa lupa ay naging liwanag ito .

"Nagawa natin!"Masaya hayag ni Helian na nakakaramdam narin ng pagbawas ng lakas.

"Ang kulang nalang ang saktong lokasyon ng kamahalan."
Kinuha niya ang kwentas kong saan nakakausap niya sina Rain.

Lumutang ang kanyang kwentas at binitawan na niya,naging kasangkapan ito para matukoy ang daan.



Sa kabilang banda sa lugar nina Rain, gising na ang lahat bukod sa pinuno na pinili paring matulong ng mabalanse ang kapangyarihan sa lugar na binuo.

Ang naging usapan nila,sa oras na makawatid ang lahat,saka siya gigising upang lisanin ang lugar bago pa man gumuho ang lahat ng bagay na ito.


"Rain! naririnig niyo ba ako,handa na ang lahat,maaari na namin buksan ang lagusan."tinig na umalingaw-ngaw sa buong lugar

"Handa na kami"tugon ni Rain.

At binuksan na nga ni Orka ang lagusan.
Muling nasilayan ng mga nilalang na nahimbing ng tulog ng matagal na panahon ang kanilang mundo noon.

Agad na tumawid na sila , sinalubong naman sila ng mga kasamahan na may galak sa bawat mukha.

Nakatinging pinanood ni Rain ang lahat,pinauna nila ang mga ito makatawid,upang masiguradong walang matitira at maiiwan.

Tahimik namang naghihitay din si Novan na kitang kita sa mukha Ang pagka inip sa nangyayari sa harap.Gustong gusto na niyang makaalis para ilabas ang Luna niya,mas higit nitong kailangan ang tamang tubig at pagkain sa labas.


Ng makatawid na ang lahat bukod sa kanilang tatlo nina Novan at ang pinunong natutulog

Humarap na si Rain,

"Gumising ka na,aalis na tayo sa lugar na ito"

Humakbang na patungo si Novan sa papalapit sa lagusan.

"Mauna na kayo,sa oras na gumising ako magiging mabilis lang ang pagbagsak ng lahat ng nandito"
Tinig ng babae


Tulad ng sabi nito tumawid na sina Novan

Sinalubong din sila ng mga kawal at maging sina Ellieraz

"Mabuti ayos ka lang "ama ni Rain

"Opo"nakangiting sabi Ni Rain

"Nasaan siya?"si Qia na nagtatanong ang mata

Napatingin agad si Rain sa lagusan

Lumapit

Agad naman na pinigilan ni Novan.

"Anong gagawin mo?"si Novan na nakasalubong ang kilay
Habang hawak ang kamay ni Rain upang mapigilan sa paglapit sa lagusan

"Bakit wala parin siya?"
Nagtataka na tanong ni Rain


"Rain,isasara na ang lagusan,nauubosan na ng lakas ang pinagkukuhanan."Orka

"Huh?sandali ,nandon pa ang pinuno"
Hayag ni Rain na nataranta

"Bitawan mo ako Novan,iaalis ko siya don."

"Ano bang sinasabi mo,tumigil ka nga.Hindi na maaaring bumalik ka pa don.."
Inis na sagot naman ni Novan

"May usapan tayo na wala tayong iiwan don,naalala mo pa ba?"
Inis ding sagot ni Rain

Pinigilan ni Novan na magalit sa sitwasyon na iyon.

Umupo siya sa harap ni Rain.
Huminga siya ng malalim

"Ako na ang gagawa"mababang tinig niya

Nakadama naman ng pag aalala si Rain , subalit mas makakatulong si Novan kong sa pabilisan.


"Mag ingat ka"hinaplos niya ang mukha nito

Tumango naman si Novan habang hawak ang kamay ni Rain

Gusto niya itong pigilan subalit pinigilan niya ang sarili

Tumayo na ito at mabilis na tumawid sa lagusan

Napapikit ng madiin si Rain,nag aalala at nag dadasal sa mahal na diyosa ng buwan na iligtas sina Novan sa loob at matiwasay na makabalik sa labas ng lagusan

"Magiging maaayos din ang lahat,babalik siya ng ligtas."si Ellieraz habang nakayakap sa anak na si Rain


Minuto ang lumipas,malakas na pwersa ang lumabas sa lagusan,lahat sila at napaatras napashift naman ang mga taong lobo na naroon para makalaban sa lakas...dahil sa hindi inaasahan hindi nakapaghanda ng harang si Rain.Itinago naman agad siya ng ama nito na nagshift din.
Sunod nalang ang malakas na pagtilapon ng malaking bagay palabas ng lagusan, hindi ito nakita ng lahat dahil sa pagsabog .Nasira at naubos din ang lakas na pinagkukuhanan ng kapangyarihan ng lagusan nagsara na ito .

Malakas na pagsabog ang naidulot ng malaking bagay na tumawid sa lagusan.


Ng naging maayos na ang lahat ng nasa paligid,Dali daling napatayo si Rain.

Nakatingin siya sa lagusan ...

"Anong nangyari?!nakatawid ba Sila?!"natatarantang tanong ni Rain kina Orka

Wala silang naisagot , dahil lahat silang nasa paligid at hindi naunawaan ang nangyari,napakabilis at nakakabigla ang pangyayari,hindi nila nasundan


"Hindi namin alam"wala sa sariling sagot ni Orka

"Ano bang sinasabi mo?!dapat alam mo!Ikaw ang bantay ng lagusan "hindi na napigilang pag sigaw ni Rain

Hindi niya alam kong anong dapat maramdaman dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman

"Sandali, kumalma ka"si Ellieraz na nag shift na

Tila nagising naman si Rain ng narinig ang tinig ng Ama

Natahimik at natauhan sa ginawa.
Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili

Tumango tango matapos makahinga ng maluwag,tila naubusan kasi at natigilan huminga ng ayos ng sumara ang lagusan

"Pasensya na,hindi ko mapigilan,Orka.Patawad nadala lamang ako ng aking emosyon."
Nanghihina siyang napaupo.

Sinalo agad siya ng ama niya ng muntik pa itong bumagsak sa kinatatayuan.


Naiiyak siya sa pagsisisi dahil sa kanya ,kaya napunta si Novan don.
Tapos hindi niya alam ang nangyari sa kanyang Mate.

Mahigpit na napahawak siya sa kanyang ama.

Nanginig ang kanyang kamay.





"Rain!"pamilyar na tinig ang tumawag sa pangalan niya



Agad na napatingin siya sa tumawag

"Novan?!"

Segundo lamang at nakita nalamang niya ang sarili na yakap yakap na siya ni Novan ng mahigpit sa mga bisig nito.



At sa pagkakataong iyon tuluyan na niyang hindi mapigilang ang luha na kanina pang pinipigilan.
Mahigpit niyang niyakap pabalik si Novan.

Para siyang bata na umiiyak ng umiiyak,..
Nakangiti namang naluluha sina Orka at Helian maging ang mga kasamahan na nandoong nakikita ang pangyayari.
Ramdam na ramdam nila ang emosyon na nilalabas ni Rain.

















......









Mahigpit ilang araw ang lumipas,nagpahinga ang lahat sa loob ng kweba.
Kasama ang orihinal na pinuno nang lugar.

Tulad ng makita nina Rain sa loob ng pagkakakulong nila,puting puti parin ang katawan niya na maihahalintulad ng ulap sa langit.Abot talampakan din ang mga buhok nitong maputi.Asul at berde ang mata niya.

At may suot itong porselas sa kanang pulsohan.Nag liliwanag ito sa tuwing ginagamit ng kapangyarihan.

Lahat sila ay nag papahinga at nag ipon ng panibagong lakas para taposin ang itim na batong sumpa sa kanilang mundo.

At dumating na nga ang oras para muling harapin ang itim na bato.

Nasa harap nila ito ,nakapalibot sila don,gamit ang kakayahan ni Rain gumawa siya ng harang sa lahat maging sina Helian at Orka ginabayan nila si Rain sa paggamit ng elemento ng hangin.

At sa unang pagkakataon, nasaksihan nila ang kapangyarihan na taglay ng pinunong naririto.
Ang porselas na suot nito at naging sandata,nagliwanag ang buong sandata at naging sibat.

Pinalutang niya sa himpapawid ang sibat ,at sa pagkumpas niya nakontrol niya ang sandata para tirahin ang nag pupumilit na lumalabang pwersa ng batong itim.

Naging abala naman sa pag atake sa paglaban sina Novan sa mga halimaw na kinokontrol ng batong itim.Naging gabay na harang sina Rain upang hindi masira ang pag atake ng punino.


Lahat sila at lumalaban,lahat ay binigay ang makakaya para mapag tagupayan ang laban.




Umabot ng limang pag tira ang ginawang pagsira ng sibat sa batong itim,at sa huling pagkakataon nasira nila ang harang at pag laban nito.
Parang salaming nabasag ang bato,tumagos ang sibat ng pinuno.

Sunod-sunod na natumba at nawalan ng malay ang halimaw na kanila lang matapang at walang kataposan ang pag sugod sa kanilang grupo.






Nagkaron ng katahimikan ang buong paligid,...

Nakadama sila ng malamig na simoy ng hangin.

Humarap ang pinuno sa kanyang mga kasamahan.
Itinaas ang sibat na sandata upang ipakita sa lahat na tapos na ang laban

"Nagtagumpay tayo!!"buong hayag na nagagalak sa nangyari



"Mabuhay ang pinunong Alkrina!!"sigaw ni Qia




"Mabuhay!!!"sigaw mula sa mga nilalang na nakatira sa mundong ito

"Mabuhay sina Rain at ang prinsipe ng mga taong lobo!!"muling sigaw ni Qia

"Mabuhay!!!"tugon ng lahat maging ang mga kawal


Napangiti namang napatingin si Rain kay Novan na papalapit na pala sa kanya .
Puno ito ng itim na likido..mula sa dugo ng mga halimaw.


Napailing na nakangiti,kinupas niya ang palad ,at sa isang iglap naging malinis na si Novan.









Continue Reading

You'll Also Like

466K 14.6K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
17.4M 764K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...