MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2...

By mic_pagayunan

10K 167 3

Si Kami ay ampon ng isang mayaman na haciendero na si Don Gabriel El Farma, sa Canada sya nito pinalaki. Sa p... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 15

214 4 0
By mic_pagayunan

KAMI vs JOANA

Nakarating na kami sa parking ng office nila, anyways first time ko dito at firts time rin nila na makita ako. Parang akong kinakabahan na iwan.

"Are you ok?" tanong ni Xan sa akin, siguro napansin nya na balisa ako.

"Uh-um" tumango ako ng nakangiti.

Sabay na kami na bumaba ng car, wala naman akong dala maliban sa phone at card na bigay nya.

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa kamay, napatingin ako doon bago sa mukha nya. plain expression again.

Pero ok lang, pinagsalikop nya ang mga kamay namin at pumasok na sa building.

"Good morning sir, ma'am" bati sa amin ng guard, tinapik naman ni Xan ang balikat ng guard at nginitian.

Pagpasok namin sa loob ay nagtinginan sa amin ang lahat ng empleyado at isa-isang binati si Xan ng 'good morning sir'.

Hhmmm, highly respected sya dito a.

Ang lahat ng mata ay nakatuon sa amin, especially sa akin. Siguro dahil first time ako dito?

Medyo nahihiya tuloy ako sa kanila kase nagbubulungan pa ang iba.

Ang aga naman ng maritesan dito.

"Sir, Xan. Andyan na po si Miss Joana sa conference room"

Bungad kaagad ng isang babaeng naka corporate attire, at tinanguan naman ito ni Xan.

Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ni Joana.

"You'd better come to my office first"

Pero umiling ako "Hintayin lang kita dito" sabi ko sa kanya ng may mga ngiti sa labi.

"Are you sure?" paniniguro pa nito sa akin at sinilip ang mga mata ko para magtama ang mga iyon, tinanguan ko sya na ok lang na maghintay ako dito.

"Ok, babalik ako kaagad after" nagulat na naman ako ng halikan nya ako sa noo bago umalis, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil tinitingnan pa rin ako ng mga tao sa paligid.

Umupo ako ng isa sa mga sofa na andon sa gilid, wala manlang may lumapit sa akin kahit na isa. Sana pala ay umakyat nalang ako sa office ni Xan, napapaso ako sa titig ng mga tao dito.

Ilang minuto lang ay tumunog ang phone ko, unregistered ang nakalagay.

'Are you ok?'

Napangiti ako dahil isang tao lang naman ang may alam ng number ko.

'Yeah' -reply ko sa kanya.

At hindi na nagreply ulit, pumunta muna ako sa restroom para tingnan ang itsura ko kase baka may dumi sa mukha ko dahil hindi mawala ang tingin sa akin ng mga tao.

Nagkagulatan pa kami niJoana nang magkita kami sa loob ng CR.

"Oh, anong ginagawa ng ampon dito? Sunod-sunuran na naman kay Xan?" nakataas ang kilay na tanong nya.

Hindi ko sya pinansin at hinarap ko ang sarili ko sa salamin para sipatin kung saan ang may dumi.

"Hindi ka pa rin nadala no? Hindi mo ba alam na may relasyon kami ni Xan? Nakita mo naman diba kung paano nya ako halikan sa loob ng bahay nya at sa harap mo pa mismo?"

Mataray na sabi ni Joana.

"Hinalikan ka or hinalikan mo?" patuyang tanong ko.

"Hindi ka nya magugustuhan Kami, kase immature ka at tingnan mo nga ang sarili mo, baby bra pa yata ang gamit mo?"

Sabay liyad nya para ipagmalaki sa harap ko na malaki ang coco melon nya.

"At tingnan mo nga ang damit mo, daig mo pa ang magmamadre dahil balot na balot ka. Hindi ganyan ang mga tipo ni Xan.
Ang mga tipo nya ay ang mga babaeng seksi, in short katulad ko.
At hindi conservative na katulad mo dahil ang katulad mo, imbes na mapaungol sya sa sarap ay baka pagro-rosaryo mo ang maririnig"

Nainsulto ako sa sinabi nya, dinamay pa nya ang mga madre.
Gusto mo ng world war 3 a.
Sige pagbigyan kita!

"Alam mo tama ka, napapa-sign of the cross nga si Xan.
Dahil pag inumpisahan ko na syang  i-rosaryo, nababanggit nya ang lahat ng santo,  at pati mga demonyo ay napapa-convert ko.
Ikaw nalang ang hindi pa, i'm sure ikaw ang leader nila".

Napaawang ang labi nya sa mga narinig sa akin, akala nya kase uurungan ko sya.

"Ito ba ang ipinagmamalaki mo?" sabay turo ko ng boobs nya.

"Parang ulo mo lang 'to e, malaki pero puro hangin ang laman"

Sasampalin nya sana ako pero mabilis ko na hinawakan ang kamay nya. Oo, matanda sya sa akin pero mas matangkad ako sa kanya ng hindi hamak kaya hindi nya pa napadapuan ng palad nya ang pisngi ko nasalag ko na agad.

"Sige, subukan mong saktan ako. Baka ma child abuse ka?
Bata ang tingin mo sa akin diba? Bakit nananakit ka?"

"So lumalabas na ang tunay na kulay ng ugali mo?"

"Fyi, Ms Joana. Matagal ng rainbow ang color  ko, depende nalang sayo kung aling kulay ang gusto mong ilabas ko.

"Hindi pa tayo tapos" sabi nya sabay hila ng kamay nya na hawak ko pa rin.

"Kung handa ka ng tapusin, tell me when and where and i'll be there" matigas na sabi ko sa kanya bago tuluyang binitawan ang kamay nya.

Napahawak ako sa mga tuhod ko ng tuluyang umalis na si Joana, kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ko hindi ko lubos akalain na magagawa ko yon sa kanya.

Well, palaban lang ako sa buhay at hindi ako pang teleserye na api-apihan. Ako ang bida kontra bida.

Pagdating ko sa lobby ay andon na si Xan at nakita kong naka-abresyete si Joana sa isang braso nya, hindi ko na sila pinansin.

Ang alin ang hindi mo pinansin?
tudyo ng isip ko.
Ang nakita mo sila o ang puso mong nasasakatan?

Mabilis kong pinalis ang isipin at damdamin na nagseselos ako sa nakikita ko ngayon.

"Saan ka galing?" tanong kaagad ni Xan nang makita ako.

"Ah, sa likod lang nag-rosaryo" sabay tingin kay Joana na malaki ang ngisi sa akin at ibinabalandra ang pagkaka-angkla nya.

"I think you are busy, mas mainam na uuwi nalang ako para hindi ko kayo maisturbo"

Sabi ko sabay labas ng building, pumara kaagad ako ng taksi ng may makita akong dumaan. Pagkasakay ko ay tumulo kaagad ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan at alam mo yung masakit? yong hindi ka manlang sinundan.

"Ma'am, saan po tayo?" tanong ng driver.

"Kahit saan kuya" wala sa loob na sabi ko.

"Ma'am, baka gusto nyo po manood ng sunset, maganda po rito sa Manila bay" manong driver understood the assignment.

Maganda nga dito sa Manila bay, kaya lang medyo mainit pa, maganda dito pumunta pagwala ng araw.

Umupo ako sa likod ng malaking bato, tumunog ang phone ko at number ni Xan ang tumatawag. Hinayaan ko lang na mag ring hanggang sa kusa itong namatay.

Pumunta ako sa mall na malapit sa manila bay at naglibot-libot ako doon, bumili ako ng mga kung anu-ano at dahil nainis ako ay pinaggagastos ko ang pera ni Xan. Kasalanan nya dahil kinuha nya ang card ni Papa at pinalitan nya ng card nya.

Bumili ako ng mga seksi na damit, yung damit na revealing para hindi na ako pagsabihan ni Joana na parang magmamadre. Tapos nagpamasage din ako ng whole body para marelax naman ako and binilhan ko ng isang white rose flower ang sarili ko, ilalagay ko ito mamaya sa tubig at ilagay sa loob ng kwarto ko.

Gabi na ako umuwi, hindi ko alam kung naka-uwi na si Xan sa bahay. Whatever!

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko sya sa sala tahimik na nakaupo, inilagay ko sa mesa ang pinamili ko at pumasok ng kwarto para magbihis.

Nag white t-shirt lang ako at black shorts, nasa bahay lang naman ako at dito ako mas kumportable. Hindi pa rin umaalis si Xan sa pagkakaupo sa sofang pang-isahan, nakatingin lang sya  sa ginagawa ko. Hindi ko sya pinapansin.

Kumuha ako ng isang baso, nilagyan ng tubig at inilagay ko ang nabili kong white rose para hindi kaagad malanta at dinala ko na sa kwarto ko.

Pagbalik ko sa kusina ay tumayo na sya.

"Mag-uusap tayo" sabay tingin nya sa mga pinamili ko.

Medyo kinabahan ako, dahil hindi biro ang presyo ng mga iyon. Kulang-kulang ay umabot ang halaga ng kalahating milyon. Bakit kase ang mamahal ng mga paninda nila?

Bumalik sya sa sofa na kung saan sya umupo kanina at nag cross legs.

Tahimik akong umupo sa kabilang sofa na kaharap nya, tahimik lang sya kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Sorry, kung nagastos ko ang pera mo. Promise sasabihin ko kay Papa na bayaran ka"

Agad na paliwanag ko sa kanya dahil natatakot ako sa pagiging kalmado nya, half a million is not a joke. Mariin syang nakatitig sa akin at maya-maya lang ay lumapit sa harap ko at inuluhod ang isang paa para pumantay kami.

"Wala akong pakialam kahit ubusin mo ang laman ng card, para saan pa ang pagtatrabaho ko kung hindi mo maibili ang mga gusto mo?"

Napanganga ako sa kanya at muli ay umagos na naman ang mga luha ko.

"Bakit nagtatrabaho ka para sa akin?"

Natigilan sya saglit.

"Tell me, may nangyari ba sa inyo kanina ni Joana?" kalmadong tanong nya sabay punas nya ng mga luha ko.

Umiling ako sa kanya.

"I promise you na hindi ako magagalit pag-sinabi mo ang totoo" sabay kuha nya ng isa kong kamay at ikinulong ito sa dalawa nyang palad.

"Lagi nya kase ako sinasabihan na ampon at-at" napahagulhul na ako.

"Para daw akong madre magsuot ng damit kaya hindi mo daw ako magugustuhan"

Bahagya syang tumawa at sinulyapan ang mga dala kong paperbag na nasa mesa.

"Kaya bumili ka ng mga seksing damit?"

"Uh um" tumango ako.

"Tapos-tapos immature daw ako at naka baby bra pa" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na talagang pumalahaw ng iyak.

Tumayo sya at umupo na sa tabi ko at niyakap ako, that was the first time na niyakap nya ako ng mahigpit kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at isinubsob ko ang sarili ko sa kanya. Naramdaman ko ang mga munti nyang halik sa buhok ko.

"Next time pag-aalis ka, magpaalam ka ha?" bulong nya sa tenga ko.

"Kase ikakabaliw ko kung hindi kita matagpuan"

Kumalas ako ng yakap sa kanya at tinitigan sya ng mabuti.

"Bakit ang bait mo sa akin lately?" tanong ko sa kanya.

"Bakit masamang tao ba ako noong nakaraan?"

"Hindi naman, madalas kase masungit ka sa akin and then hindi mo ako pinapansin"

"Tara, ipagluto kita" sabay pisil nya ng ilong ko at hinila na ako papuntang kitchen.

Continue Reading

You'll Also Like

493K 14.4K 61
Silent, unforgiving and strikingly gorgeous, Rylan Parker is a cold-hearted businessman. An intimidating CEO, perfectly fitted in tailored suits and...
1.4M 35.5K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
603K 49.7K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...