In A Secret Relationship?

By Sha_sha0808

109K 9.2K 2.5K

HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking... More

Prologue
Chapter 1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43

7

1.9K 175 34
By Sha_sha0808







Unedited...







Kaitlyn's POV









"Kyah! Ang galing!" malakas na tili ni Geen.

"Dahan-dahan lang sa kakatalon at kakasigaw," saway ko.

"Ano ka ba, syempre panalo tayo kaya ang saya!" nakangiting sabi niya. "Grabe ang laban. Buti na lang at na-i-shoot sa last second. Woah! Kinabahan ako roon ah!"

Napangiti ako. Grabe nga ang tilian ng mga nandito. Puno rin ang stadium dahil matagal na nilang inaabangan itong friendly game ng mga Villafuerte at Lacson.

"Alam nyo naman na mortal enemy ang Westbridge at CTU mula noon," sabi ni Rose Ann. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na maayos ang samahan ng taga CTU at Westbridge pero pagdating sa basketball, mortal enemy sila. It all started daw sa may-ari ng bawat school,  Skyler Villafuerte at Dylan Lacson hanggang sa naipasa na sa newest generation.

"Tara na, labas na tayo. Ang daming tao," yaya ni Geen. "Baka magka-stampede." Halos lahat ng taga CTU ay nandito rin kaya wala nang space ang parking lot.

Sumunod ako sa kanila palabas.

"Hey, girls!" tawag ng lalaki at hinabol kami.

"Hey, Jason!" masayang sabi ni Geen. "Kamusta? Uy, medyo tumaba ka na ah."

"Hi, girls. Kamusta?" tanong niya at ngumiti sa akin. "Akala ko sa CTU kayo mag-enrol."

"Delikado roon," sabi ni Rose Ann. "Okay na kami rito sa Westbridge."

"Hindi naman delikado," sabi ni Jason. "Masanay rin kayo. By the way, igala nyo naman ako rito."

"Sure," pagpayag ni Rose Ann kaya iginala muna namin siya. Kaklase namin noon si Jason. Mabait naman ito at jolly pero halata ang pagiging playboy dahil ang daming nali-link din sa kanya at sa naalala ko, may nagsabunutan pa dahil isinabay niyang jowain ang mga ito.

"Ang ganda rin pala talaga ng Westbridge at ang tahimik," sabi ni Jason.

"Sinabi mo pa. Unlike sa inyo na sobrang ingay at laging may rambulan," sabi ni Geen.

"Hindi ah, controlled naman," pagtatanggol niya.

"May frat ka na, no?" tanong ni Rose Ann.

"Hindi naman mawala iyon sa amin at normal lang na sumali ako," sabi niya.

"Sus. Buti at buhay ka pa. Ang sakit kayang ma-paddle," sabi ko. Palo nga lang na tsinelas, masakit na. Paano pa kaya ang malapad na kahoy.

"Bakit? Concern ka?" nakangiting tanong niya saka inakbayan ako. "Salamat ha. Sabi ko na nga ba at—"

"Take your hand off her!" Ma otoridad na sabi ng nasa likuran ko kaya napaatras sina Geen At Rose Ann habang nakatitig dito.

"Hey, dude! Long time no see," sabi ni Jason saka binitiwan ako.

"Kung pwede nga lang na hindi tayo magkita," seryosong sabi niya. As expected, hindi talaga siya ang tipo ng taong maloko mo o makipagplastikan sa taong hindi niya gusto. Napabuntonghininga ako at hinarap siya.

"Elias naman. Masyado ka namang seryoso, dude!" ani Jason."Nakikipagkwentuhan lang ako eh. OA mo naman."

"Kasama ba sa kwentuhan ang pag-akbay kay Kaitlyn?" wala talagang kakurap-kurap na sabi ni Elias.

"Normal lang sa kaibigan."

"Magkaibigan kayo?" asik ni Elias at tumingin sa akin.

"Hindi ganoon ka-close," sagot ko saka inirapan ang suplado kong pinsan.

"Oh siya na. Alis na muna ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin," paalam ni Jason. "Bye, girld. See you nextime."

"Masyado ka namang seryoso," sabi ko sabay hampas sa balikat ng pinsan ko pero kinurot niya ako sa kaliwang pisngi kaya tinabig ko ang kamay niya.

"Aray! Ano ba?" reklamo ko.

"Guys, mauna na kami ni Geen. Sasabay siya sa akin," paalam ni Rose Ann.

"Sige, ingat kayo," sabi ko at hinarap si Elias. "Ikaw? Uuwi ka na ba?"

"Mamaya na. Tara, ice cream tayo."

"Puno ang Santillan's ice cream house," sabi ko dahil sa mga taga CTU pero hindi ko naman siya matanggihan kahit na masakit ang ulo ko.

"Sa iba na lang tayo. May coffee shop na malapit dito at kaunti lang naman yata ang natambay ngayon."

"Sure. Paalam lang ako sa driver ko," pagpayag ko. Na-miss ko rin kasi makipag-bonding sa mokong na 'to. Si Elias ang tipo ng taong mapili lalo na sa mga kaibigan. Kagaya ni Tito Ethan, aloof ito sa ibang tao.

Nagpaalam muna ako sa driver ko tapos sumama na sa kanya sa coffee shop.

"Ang ganda palang tambayan dito," sabi ko. Nakikita ko na ito pero hindi pa napasukan. Maganda mag-aral dahil tahimik at free wifi pa.

"Oo, kaya nga madalas akong nandito," sabi ni Elias at nag-order na. "Wait lang, CR lang ako," paalam niya.

"Sige. Dito lang ako," pagpayag ko at nag-scroll ng Facebook pero sa pagkamalas, nakita ko si Orange na papasok kasama ang mga barkada nito.

Iniwas ko ang tingin nang mapatingin siya sa pwesto ko.

"Mag-isa ka ata," sabi niya nang lapitan ako.

"Kasama ko si Elias," sagot ko. Naupo siya sa tabi ko. "May kailangan ka?" inis na tanong ko.

"Bakit hindi ka nagre-reply sa mga chat ko?" tanong nito. Oo nga pala, panay ang tanong nito kung dumating na ba ang menstruation ko.

"Wala akong load."

"How come na ang isang anak ng bilyonaryo ay walang load?"

"Umalis ka na bago ka pa—" Napatingin ako sa maliit na supot na inilapag niya sa mesa.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Pregnancy kit," diretsahang sagot niya kaya napanganga ako.

"Baliw ka na ba?"

"Malapit na kapag hindi pa dumating ang period mo," sagot niya na para bang lalamunin ako nang buo.

"Hindi ko kailangan 'yan." Masakit na nga ang ulo ko, dinagdagan pa nitong kaharap ko.

"Kailangan mo dahil pareho tayong masisira ang kinabukasan kapag mag-positive ka."

"Eh di wag mag-test," sabi ko sabay tulak sa kanya ng supot.

"Inuubos mo ang pasensya ko, Kaitlyn!" aniya sabay tulak ng supot sa harapan ko. "Mag-test ka para makatulog na tayo."

"Nakakatulog ako nang maayos."

"How—" Napansin ko ang pagkuyom niya ng kamao. Baka nasuntok na niya ako kapag kaming dalawa lang ang nandito. "Bakit ba napakahirap mo kausapin, Kaitlyn?"

"Bakit ba namomroblema ka? Di ba sabi ko, wag mo nang problemahin 'yan?"

"Dahil dalawa tayo ang involve rito!"

"Orange, hindi ko—" Napatigil ako nang mapansin kong palapit na si Elias. "Umalis ka na!"

"Why? Takot ka?" may paghamon ang mga ngiti nito.

"Ayaw ko nang gulo."

"Then take it at mag-test ka mamaya."

"Ayaw kong—"

"I won't take it back, Kaitlyn!" sabi niya kaya gigil na tinitigan ko siya.

"Kaitlyn?" tawag ni Elias kaya mabilis na dinampot ko ang plastic saka agad na tinago sa bag. "Bakit nandito ka?" tanong niya kay Orange na halatang hindi nito nagustuhan na nakikipag-usap ako sa rito.

"Ask her," sagot ni Orange sabay turo sa akin.

"Oh. M—May pinapaabot lang siya sa akin," sagot ko saka pasimpleng sinipa si Orange para umalis na.

"May problema ba, Kait?"  Naupo siya sa harap namin ni Orange.

"Wala," sagot ko saka pasimpleng kinurot sa hita si Orange na naka-crossed arms na para bang supervisor.

"Kung may masama kang balak ka sa pinsan ko, 'wag mo nang ituloy, Orange," seryosong sabi ni Elias kaya kinabahan ako. Ito na naman ang boses niya na handang makipag-away anumang oras.

"Itutuloy o titigilan, wala ka na roon," sagot ni Orange sabay tayo. "And for your information, hindi mo ako matatakot, Elias!"

"Hindi rin ako natatakot sa 'yo!" ani Elias.

"Eh di patas na tayo!" ani Orange sabay smirk at napatingin sa akin. "Kung natatakot ka na baka gawin kong babae si Kaitlyn, nagkakamali ka. Wala akong balak na ilista siya sa mga babae ko." Tinalikuran na niya kami at iniwan.

"Bakit ka niya kinausap at ano ang inabot niya?"

Patay! Grabe pa naman 'to makaimbestiga.

"Haist! Na-misinterpret mo naman. Wala. Pinapabigay lang siya sa na design para sa damit nila. Hindi na kasi niya naabutan si Rose Ann. Alam mo na, isa sa designers nila ang mommy ni Rose Ann."

"Sure ka?"

"Oo naman."

"Sinasabi ko na sa 'yo, Kaitlyn! Wag kang magpapaloko sa mga Villafuerte lalo na kay Orange kung ayaw mong magsisi habambuhay. Paglaruan ka lang niyan dahil walang kaseryosohan 'yun sa buhay. Katawan lang ang habol niyan sa mga babae." pagbabanta niya.

"Bakit ba 'yan ang iniisip mo? Nakipag-usap lang siya."

"Alam mo ba kung bakit hindi kumuha si Tito Ace ng condo dito sa tapat ng Westbridge? Kasi pagmamay-ari ng mga Villafuerte ang mga nandito. Mabuti at sa mga Arellano ka niya kinuhaan."

"Haist. Praning ka na, change topic," sabi ko sabay irap sa kanya. Kung alam lang nito ang totoo, baka magwala na ito. Paano, sobrang bilis naman kasing nakuha ni Orange ang pagkababae ko. Ni wala ngang ligaw-ligaw. Ang problema, baka nga napunlaan na ako.

Pagkatapos naming mag-merienda ay agad na akong nagpahatid sa bahay dahil sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.

Pabagsak na inihiga ko ang katawan sa kama at ipinikit muna saglit ang mga mata. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid.

Napabangon ako at napatingin sa cellphone ko. Isang oras pala na nakatulog ako tapos puno pa ng pawis. Kinapa ko ang leeg ko, medyo mainit kaya bumangon ako at naghubad ng damit saka nag-half bath.

Nakaramdam ako ng gutom pero wala akong makain maliban sa yogurt na nasa ref ko.

Naupo ako sa couch dito sa sala at sinubukan kong kainin ang Yogurt habang nanonood ng TV pero hindi naman ako makapag-concentrate.  Pagkatayo ko, bigla akong nahilo kaya muli akong naupo. Pakiramdam ko ay hindi ko pa kaya kaya sinubukan kong mahiga at hinilot ang sintido ko. Sinubukan kong pumikit dahil baka sakaling mawala rin ang sakit.  Hanggang  ngayon, may sinat pa rin ako. 

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang alarm clock sa cellphone ko.

Inaantok na kinapa ko ang cellphone saka pinatay ang alarm. Nanatili muna akong nakahiga habang nakatingin sa kisame.

"Ha?" ani ko nang mapatingin sa paligid. Nasa kwarto na ako. Hindi ba't nasa sala ako kagabi? Kinapa ko ang basang bagay na nasa noo ko, face towel. Bumangon ako at sinuri ang sarili. Nakaroba pa rin ako. Lumabas ako ng kwarto at tiningnan ang sala. Nasa table pa rin ang yogurt na tinikman ko kagabi pero patay na ang TV. Ang remote ay nasa pwesto pa rin nito.

Wala akong matandaan na lumipat ako ng kwarto. Baka nanaginip lang ako or nag-sleep walk? Kung sabagay, sabi ni Nanay, minsan na akong naglakad habang tulog.

Imposible namang may ibang pumasok dito sa bahay dahil mahigpit ang seguridad sa labas at higit sa lahat, walang nakakaalam ng password ko. Ni hindi ko ito sinabi kina Nanay at Tatay dahil sa privacy ko na rin.

Napabuntonghininga ako. Siguro nga masyadong marami na ang iniisip ko kaya hindi ko na maalala ang ginawa ko kagabi.

Tumungo ako sa shower room para maligo. Hinubad ko ang saplot saka isinabit sa gilid pero napakunot ang noo ko nang makita ang pregnancy kit na nasa ilalim ng salamin. Dinala ko ba 'to rito kahapon? Haist! Kinuha ko at tinapon sa basurahan. Ayaw kong i-stress ang sarili ko. Hintayin ko na lang na dumating dahil baka delayed lang.












Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 582 20
Luca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero...
127K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
214K 6.3K 25
Ano ang kaya mong isugal para sa'yong pangarap. Handa ka bang magpabayad kapalit ng gabi sa piling ng babaeng tila yelo sa lamig at singtigas ng bato...