What Are The Chances? (Profes...

By sinner_from_south

16.7K 925 447

Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind an... More

Characters
Quadro
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chaper 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 11

592 36 12
By sinner_from_south

Vaine Fleur

"Tanginang mukha 'yan." bulalas ni Rain kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Napakaganda!" agad na bawi nito na ikina-irap ko.

"Natutulog ka pa ba?" tanong ni Sunny saka ako inabutan ng kape na agad ko namang tinanggap dahil ito talaga ang kailangan ko ngayon.

"Sa dami ng binabasa at inaaral ko sa tingin mo ba may oras pa akong matulog? Ang kapal naman ng mukha ko kung ganon." sagot ko saka ibinalik ang atensyon sa libro na hawak ko.

"Bakit ka kasi sumali sa competition na yan. Yan tuloy aral ka." tanong ni Storm habang nakahiga sa duyan. Ang yabang porket wala silang ginagawa. Tapos na kasi ang midterm kaya ang sarap na ng mga buhay nila.

Nandito kasi ako ngayon sakanila, wala din naman akong makakausap sa bahay at aantukin lang ako dun. Malawak din kasi ang bakuran nila at maraming puno kaya masarap ang hangin dito, para ka lang nasa probinsya.

"Do you think I have a choice? Hindi ako tanga para pahirapan ang sarili ko." sagot ko naman.

"Bakit naman? No offense ha. Nagtataka nga kami kung bakit ikaw ang pinili eh hindi ka naman matalino." binato ko ng ballpen si Rain ng sabihin niya yun at natatawa niya namang sinalo iyon.

Gago talaga. Basta pag sinabing no offense, asahan mong nakaka-offend talaga ang sasabihin niyan.

"Kapag sinapak kita ngayon 2 days kang tulog pag gising mo puyat ka pa." banta ko sakanya.

Itinaas naman nito ang dalawang kamay na parang sumusuko habang natatawa pa rin.

"Ang ibig sabihin ni Rain, marami namang nag e-excel talaga at kapansin pansin yung mga achievements pero bakit ikaw ang pinili na nanahimik sa gilid?" sabat ni Sunny.

"Kasi maganda ako." walang ganang sagot ko sakanila.

"Anong connect?"

"Gusto ko lang sabihin." kibit balikat na sabi ko saka nakapangalumbabang tumingin sa kawalan.

"Nag-chat si Professor Xanther sa GC, basahin mo daw yung message niya asap." tapik ni Sunny sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang chat ni Professor tsaka binasa ang message niya.

Yndrah Xanther
Come to my house. We will begin the review session.

Napabusangot ako ng makita ko ang message ni Professor Xanther. Tamad akong tumayo at inayos ang mga libro ko tsaka isa-isang nilagay sa bag ko.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Sunny habang tinitingnan nila akong nag-aayos ng gamit.

"Sa bahay ni Professor, pinapapunta niya ako para sa review." nakasimangot kong sagot.

"Wait for me. I will take you there." saad ni Snow saka tumayo na.

"Okay lang ako. Kaya ko na,Snow." sagot ko dahil ayokomg maka-istorbo.

"I insist. You're tired and haven't slept yet. I won't allow you to drive." pinal na sambit niya. Wala na akong nagawa kundi tumango dahil mapilit talaga si Snow.

"Para-paraan 'yan ka nanaman~" pakantang sabi ni Rain na ikinasama ng tingin ni Snow sakanya.

"Geez. Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan." sabi ni Rain sabay yakap sa sarili na parang kinikilabutan.

Natawa ako dahil takot talaga silang lahat kay Snow. Siya kasi ang pinakaseryoso sa kanilang lahat kaya hindi talaga nila mabiro biro ng basta-basta.

"Una na ako. Balik ako mamaya. I'll sleep here." paalam ko sakanila.

Kahit hindi naman talaga ako matutulog, maduguang review nanaman sigurado.

"Ayos. Ingat kayo." sagot naman ni Sunny tsaka nakipag-fist bump sa akin at ganun din sina Rain at Storm.
______

"Just text me when you're done. I'll fetch you." sabi ni Snow pagkarating namin sa bahay ni Professor Xanther bago ako bumaba ng kotse.

"Okay. Thank you again, Snow." nakangiti kong sabi sakanya saka yumakap sakanya bilang pasasalamat.

"Anything for you." bulong naman nito sa akin saka gumanti din ng yakap.

Lumabas na ako ng kotse saka tinapik ang bubong ng sasakyan tsaka nagpaalam ulit kay Snow. Bumusina naman ito ng tatlong beses bago umalis. Nang maka-alis si Snow ay agad kong tinungo ang gate ng bahay ni Professor Xanther at nag doorbell.

Ilang sandali pa ay binuksan ito ng kasambahay nila saka ako pinaghintay sa sala at tatawagin niya daw si Professor Xanther.

Habang naghihintay ay sumandal muna ako sa couch at pumikit dahil hindi ko na talaga kaya ang antok ko. Kusang bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang nilamon na ako ng dilim.

"Alvarez." bigla akong napabalikwas ng bangon ng may naramdaman akong tumapik sa pisngi ko. Agad namang sumakit ang ulo ko sa biglaang pagtayo ko pero hindi ko iyon pinahalata.

"P-professor Xanther, sorry po nakatulog ata ako." nahihiyang sabi ko sabay kamot ng batok.

Hindi naman ito nagsalita at tiningnan lang ako nito. Medyo na conscious naman ako kaya nahihiyang nag-iwas ako ng tingin.

"We can review later. For now, get some sleep. You look like a panda." sabi nito sa akin na ikinagulat ko.

"P-po?" tanong ko ulit.

"You can use the guest room that you used when you slept here." sabi nito saakin.

"Thank you but no need po. I'll get some sleep after nalang po ng review natin." pagtanggi ko na ikinasama ng tingin niya kaya natahimik ako.

"Do you think you can focus if you're tired? Don't refuse and just follow me." sabi niya saka nauna nang tumalikod at umakyat ng hagdan. Agad ko naman siyang sinundan dahil baka magalit pa siya sa akin kapag tumanggi pa ako.

Pagkarating namin sa pinto ng kwarto ay binuksan niya ito saka tumingin sa akin. Sumunod naman ako sakanya nang pumasok siya.

"When you wake up, just come to my office. It's on the third floor, the first door on the right." sabi pa nito saka ibinalik ang remote ng aircon pagkatapos niya itong buksan.

"Thank you po, Professor." pagpapasalamat ko na ikinatango niya lang saka siya lumabas na ng kwarto.

Palundag na nahiga ako sa kama at saka ko lang naramdaman ang pagod ko nang dumampi na ang katawan ko sa malambot na kamang hinihigaan ko. Mukhang makakatulog ako nito kaagad dahil ang komportable sa pakiramdam.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang 10am palang ng umaga. Nag-alarm ako ng 1pm para magising kaagad ako mamaya, nakakahiya naman kasi kapag mapapahaba ang tulog ko eh hindi naman ito yung pinunta ko dito eh.

Tumayo ako saka pinatay ang ilaw at muling bumalik sa pagkakahiga. Agad kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa lamunin nanaman ako ng dilim.
____

Pinilit kong buksan ang mga mata ko kahit gusto ko pang matulog nang marinig ko ang alarm ko. Umupo muna ako ng ilang minuto bago tumayo at pumunta ng CR para maghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at tama nga si Professor Xanther, mukha talagang panda ang itsura ko ngayon. Ang itim na ng ilalim ng mata ko pero syempre maganda pa rin, mayabang ako eh.

Pagkatapos kong maghilamos ay inayos ko na ang sarili ko saka umakyat na ng 3rd floor para puntahan si Professor Xanther sa office niya. Kumatok muna ako sa pinto at pumasok na ng marinig ko siyang magsalita.

"Did you sleep well?" tanong nito sa akin at saglit akong tiningnan bago ibinalik ang tingin sa binabasa niya.

"Medyo bitin po pero mas okay na yung pakiramdam ko kesa kanina. Thank you po ulit." sabi ko sakanya na ikinatango niya lang.

"Take a seat. We'll start." sabi niya kaya agad akong umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk niya.

Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng office ni Professor Xanther. Ang ganda ng interior ng office niya. Simple, yet exuding luxury. Halos lahat ng mga gamit niya dito ay umiikot lang sa black tsaka white. Kitang kita din ang malaking garden sa likod ng bahay nila na puno ng malalaking kahoy at mga bulaklak.

"Did you read all of the books that I gave you?" tanong ni Professor Xanther kaya napabaling ang tingin ko sakanya.

"Yes po. May mga hindi lang po ako naintindihan but I think I can manage to answer your questions." sagot ko naman.

"Very well. Let's try it then." sabi nito saka tumayo at umupo sa upuan na nasa harap ko. Itinali nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang ballpen saka tumingin sa akin.

Pasimple akong napamangha sa itsura niya ngayon. Hindi ko pa kasi nakikita ang itsura niya na nakatali ang buhok. Kahinaan ko pa naman yung mga babaeng naka-messy bun na nakasalamin. Luluhod talaga ako ng malala.

"Last time, we had you guess the diagnosis and the disease. This time, let's try it again, but with a time limit. You'll have 30 seconds to answer. I can only say 'Yes' or 'No' to your questions." sabi nito na ikinalunok ko sa kaba.

"Are you ready?" tanong niya na ikinatango ko.

Ang sarap sumagot ng "Wala naman po akong choice eh." pero pinili ko nalang iclose ang mouth ko dahil baka mapalayas ako dito ng wala sa oras.

"Timer starts, now." anunsyo nito sabay start ng timer sa cellphone niya.

"Does it affect the cardiovascular system?" mabilis na tanong ko at iniiwasang tumingin sa oras dahil baka mas lalo akong ma pressure.

"No."

"Respiratory?"

"No."

"GIT?"

"No."

"Neuro?"

"Yes."

"Does it present acutely?"

"No."

"Chronically?"

"Yes."

"Is it a degenerative process?"

"No."

"Dementia related?"

"No."

"Is it a autoimmune?"

"Yes."

"Is it a secondary to an infection."

"No."

"What about neuromuscular weakness?"

"Yes."

Napatingin ako sa oras at nakita kong 3 seconds nalang ang natira.

"Is it antibodies against the post-synaptic?" mabilis na tanong ko.

"Yes."

"It's Myasthenia gravis." sagot ko at saktong natapos ang oras kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Great job." compliment nito sa akin saka may isinulat sa papel na hawak niya. "But you gotta be faster than that. You can't tell yourself that you shouldn't feel pressured. You should feel pressured. Your opponents are no joke, so you should always do your best." dagdag pa nito saka kami ulit nag-umpisa.

Tinuruan din ako ni Professor Xanther ng mga paraan para mas lalong mahasa ang utak ko lalo na pagdating sa mga tricky questions. Naging madali at magaan lang ang pagre-review namin dahil ang galing niya magturo kaya mabilis ko din matandaan at ma-gets.

"That's all for today. You can rest tomorrow since it's Saturday. Go get some good sleep." sabi ni Professor Xanther saka tumayo.

"Thank you po, ma'am. I learned a lot today." pagpapasalamat ko pa.

"Good to know. Make sure to remember everything I've taught you. Focus on understanding concepts deeply rather than just memorizing facts. Apply critical thinking skills to solve complex problems effectively." advice pa nito ulit sa akin.

"Tatandaan ko po lahat. Ay ma'am, iiwan ko nga po pala yung ibang libro dito na tapos ko nang basahin. Medyo mabigat din po kasi." sabi ko saka

"You've got a car with you, right?" tanong niya saakin na ikinailing ko.

"Wala po. Magpapasundo po ako kay Snow. Doon po kasi ako matutulog sa kanila." sagot ko na ikinatingin nito sa akin.

"Are you two in a relationship?" tanong niya.

"Po?" nagtatakang tanong ko.

"You and Ms. Fuentabella." pagkaklaro nito.

"Hindi po ah." pagtanggi ko naman. "We're good friends po pati na din yung tatlo." dagdag ko naman na ikinatango niya lang.

"Then go home and rest. May bahay ka naman bakit ka pa makikitulog sa iba?" masungit na sabi niya.

Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi niya at hindi na nakasagot.

"I will take you home and you'll rest there. Don't you dare disobey me, Alvarez. Are we clear?"

"Y-yes, ma'am." at kahit nagtataka ay sumagot nalang ako dahil nakakatakot ang aura niya.

Pagkatapos sabihin iyon ni Professor Xanther ay sinabihan ako nitong maghintay dahil kukunin niya daw ang kotse. Tinawagan ko naman si Snow para sabihing huwag niya na akong sunduin dahil uuwi ako sa bahay. SInabihan pa ako nito na ihahatid ako pero tinanggihan ko at sinabihang si Professor Xanther ang maghahatid sa akin.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng busina mula sa labas kaya lumabas na din ako dahil siguradong si Professor Xanther iyon.

"What's your address?" tanong niya nang makapasok ako sa kotse.

"Sa Terranza po." sagot ko pagkatapos ikabit ang seatbelt. Napatingin naman siya sa akin

Buong byahe ay tahimik lang kami pero hindi naman awkward. Nakatingin lang ako sa labas habang tinatanaw yung mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. Hapon na din kasi kaya marami nang mga nasa labas.

Ang sarap maging bata ulit pero hindi ko gugstuhin bumalik. I had a rough childhood at hindi katulad ng ibang bata ay pinagkait sa akin ang maging masaya. Experiencing a traumatic childhood is incredibly challenging. Yun din siguro ang dahilan kung bakit hirap akong magtiwala at iwas sa tao. The trauma is still affecting me even now.

"We're here." anunsyo ni Professor Xanther kaya napabalik ako sa reyalidad.

Masyado atang napalalim ang iniisip ko at hindi ko namalayang nandito na palla kami.

Agad ko namang ibinaba ang bintana ng kotse saka sumenyas sa guard. Mabuti nalang at nakilala niya kaagad ako kaya nakapasok kami.
Tinuruan ko nalang si Professor Xanther kung saan liliko papunta sa bahay namin.

"Pasok po kayo." aya ko sakanya nang huminto ang kotse sa harap ng bahay namin.

"Maybe some time. I still got a lot of things to do." pagtanggi naman niya na ikinatango ko

"Okay po. Thank you po ulit, Professor." sagot ko naman sakanya.

"Call me Ms. Yndrah from now on." rinig kong sabi nito nang akmang bababa na ako ng sasakyan.

Napalingon naman ako sakanya saka ngumiti ng matamis.

"Okay, Ms. Yndrah."

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 477 19
One shot pero marami 😂😂😂✌🏻
16.7K 925 22
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
363K 15.6K 85
Better to read, for you to understand.
209K 4.3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...