In A Secret Relationship?

By Sha_sha0808

101K 8.5K 2.4K

HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking... More

Prologue
Chapter 1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41

4

2.2K 143 25
By Sha_sha0808










Unedited...






"Balita ko hindi ka umuwi kagabi," seryosong sabi ni Black nang pumasok si Orange. Sina Black at Nathalie ang mga parents niya. Sila rin ang gumagabay sa kanilang magkapatid kapag nandito sila sa Maynila dahil ang mga magulang niya ay nasa Nueva Vizcaya. "Ikaw Orange, marami akong naririnig sa 'yo ha! Kapag hindi mo pa baguhin 'yang ugali mo, ipapatapon kita sa CTU!" pagbabanta ni Black. Nagsimula rito ang kakaibang pangalan nilang magkapatid. Puro crayons color na ang weird lang.

"Haist! Hayaan mo na, binata na eh," sabat ng lolo Sky niya na napadalaw lang para magkape. "Ikaw naman, Itim. Parang hindi tayo nanggaling diyan. Hayaan mo siyang i-enjoy ang buhay."

"Hayaan mo akong magdisiplina sa mga apo ko, Sky!" ani Black sa kapatid. Triplets silang magkapatid. Siya, si Sky at Blue kaya hindi na magtataka ang mga nakakilala sa mga Villafuerte dahil lahi talaga sila ng mga kambal at triplets.

"Apo ko rin naman siya ah," sabi ni Sky. "Ka-triplets kita kaya may karapatan din ako sa kanya na magdisiplina."

"Hindi mo nga kaya ang mga apo mo tapos makialam ka pa sa amin!" salubong ang kilay na sabi ni Black.

"Seryoso mo naman sa buhay!" ani Sky at uminom ng kape. "Baklang 'to."

"Ulitin mo ang sinabi mo, Sky!" galit na sabi ni Black kaya nag-peace sign si Sky sabay ngisi. Kahit na nagkakaedad na ang mga ito, napaka-jologs pa rin kapag sila ang mag-uusap.

"Hoy, saan ka pupunta, Orange? Kinakausap pa kita!" galit na sabi ni Black nang mapansing patungo sa kusina si Orange.

"Lolo, kakain lang po, nagutom ako," sagot niya. Mula sa hotel, dito na siya dumiretso dahil alam niyang hindi nawawalan ng pagkain sa kusina.

"Saan ka galing?" seryosong ulit ni Black.

"Birthday po ng anak ng designer namin kaya invited ako. Naparami po ang inom kaya sa hotel na po ako natulog," magalang na sagot ni Orange.

"Ikaw Orange, kung sino-sino na lang ang babae mo ha!" ani Black. "Hindi ka ba titino?"

"Lolo, tsismis lang po iyon. Isa pa, wala ho akong girlfriend."

"Walang problema kung marami kang girlfriend," sabat ni Sky. "Basta magbaon ka lang ng condom hindi kaya i-withdraw mo."

Gigil na sinipa ni Black ang kapatid.

"Kaya namimihasa 'yan kasi pinagtatanggol mo!" ani Black. Dito yata nagmana sa kapatid niya ang ugali ni Orange.

"Marami lang pong babaeng lumalapit sa akin pero wala talaga akong girlfriend," sagot ni Orange saka tumuloy sa kusina at naghanap ng makakain. Saktong kakaluto lang ng katulong ng nilaga kaya kumain na siya at pagkatapos ay nagpaalam na bumalik sa condo niya para magpahinga.

Minsan makirot pa rin ang katawan niya dahil sa aksidente pero papahilom na ang mga sugat kaya nakakalakad na siya nang maayos at nakapagmaneho na ng sportscar niya.

Mahilig talaga siya sa motor dahil iyon ang gamit niya sa probinsya. Mas nadagdagan pa nang minsang napasama siya sa mga Lacson dahil mga racer ang mga iyon.

Kumbaga Lacson ang naghahari sa CTU o Chrysanthemum University at mga Villafuerte naman ang sa Westbridge. Medyo bloody lang ang CTU dahil legal ang frat doon.

Buong araw siyang nanatili sa condo para makapagpahinga.

Kinabukasan, maaga pa siyang pumasok para doon na sa tambayan mag-breakfast.

"Morning, Nanay Ashley. Sarap po ng pancit," puri niya sabay bigay ng isang libo dito.

"Ay, ano 'to? May papabili ka?"

"Bili mo po ng damit para sumeksi ka pa lalo," nakangiting sabi ni Orange sabay kindat kaya natawa si Nanay Ashley.

"Nako, bata ka. Ampogi mo talaga."

"Ay, gagawin ko na pong dalawang libo sa susunod," ani Orange.

"Hindi ba pupunta ang girlfriend mo?"

"Si Kaitlyn? Hindi ko siya girlfriend."

"Sus, kunwari pa kayong dalawa."

"Ate naman," ani Orange at napakamot sa ulo. Speaking of Kaitlyn, nasa kanya pala ang cellphone nito. Nakita niya sa sahig sa hotel kaya dinala na niya.

Lumabas siya para hanapin ang dalaga. Malapit na siya sa classroom nito nang mapansin niyang kausap nito ang pinsang si Elias. Tumigil siya sa paglalakad at sumandal muna sa wall para pagmasdan ang dalawa. Ang sweet ng mga ito habang nag-uusap. Bakas sa mukha ni Kaitlyn ang kasiyahan. Kung titingnang maigi, parang hindi sila magpinsan. Sa unang tingin ay iisipin mong magkasintahan ang mga ito kaya marami siyang naririnig sa mga kasama na ang hirap pormahan ni Kaitlyn dahil bantay-sarado ito kay Elias. Kahit freshman pa lang, matapang na si Elias. Hindi rin ito nagpapatalo sa pagiging maangas. Iilan lang din ang kaibigan pero narinig na niyang wala itong sinasanto kapag may hindi nagustuhan.

"Ala Tita Angela at Tito Dust?" bulong niya. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi perpekto ang pamilya Villafuerte. Ang Tito Dust at Tita Angela niya ang nagpapatunay na love has no limits, no boundaries. Mali man sa paningin ng iba, tanggap naman sila ng buong pamilya. Hindi naman sa kinukonsiti sila kundi wala lang talaga silang choice kundi tanggapin ang mga ito sa ngalan ng pamilya. Kaya nga sa Europe na ang mga ito nanirahan. Pero at the end of the day, mali pa rin ito sa mata ng lahat. Swerte lang dahil walang abnormalities sa mga pinsan niya. Lahat sila ay normal.

Nang makita niyang iniwan ito ni Elias matapos makipagbeso-beso, nilapitan na niya ang dalaga.

Iiwas sana si Kaitlyn pero hinarangan niya.

"Dadaan ako," ani Kaitlyn.

"At kung ayaw ko?" ani Orange.

"Wala akong panahong makipagtalo, Orange," sabi ni Kaitlyn. Sa lahat ng tao, ito ang pinakaayaw niyang makita dahil wala siyang mukhang ihaharap dito.

"Kapal naman ng makeup mo ngayon," ani Orange nang mapansin. Hindi naman ito naglalagay ng blushon. "May pinapagandahan ka?"

"Wala ako sa mood, Orange! May kailangan ka?"

Napansin ni Orange na kakaiba ang kulay ng kaliwang pisngi ni Kaitlyn sa malapitan.

"Who hurts you?" seryosong tanong ni Orange.

"Wala. Pinagsasabi mo?"

"Did he slap you?" tanong ni Orange. Oo, pasaway rin ang mga kapatid niya lalo na si Purple pero ni minsan, hindi ito pinagbuhatan ng kamay ng kanilang mga magulang.

"Wala ka na roon! May kailangan ka?" sagot ng dalaga.

"Here. Nakita ko sa hotel," ani Orange sabay abot ng cellphone sa dalaga.

"T—Thanks," ani Kaitlyn saka kinuha ang cellphone. Buti at hindi hinanap ng ama para i-confiscate dahil kapag nagkataon, talagang malalagot siya. Walang pasabing tinalikuran niya si Orange. Ni hindi na siya lumingon pa bago pa na maraming makakita sa kanila na nag-uusap. She can't blame her father. Higit pa sa sobra ang binibigay nito sa kanya mula nang bata siya. Sinaktan siya ng ama, oo. Ngayon lang pero alam niyang dahil lang iyon sa labis na pagmamahal sa kanya. Kahit siya, gusto rin niyang saktan ang sarili.

"Uy, Kaitlyn!" tawag ni Rose Ann kaya tumigil siya para hintayin ito. "Oh my gosh! Are you okay? Hindi ka na namin mahagilap kagabi."

"I'm fine. Sorry kasi na-lowbat ako," paumanhin ng dalaga. "N—Nahihilo ako sa party kaya nag-book na ako ng hotel room."

"Oo nga pala, hindi ka sanay na maki-party. You're parents called me. Hindi ko na rin alam ang isasagot kaya sinabi kong kasama kita at sa akin ka na natulog," sabi ni Rose Ann.

"Thank you," pasalamat niya. Kaya pala hindi na nagtanong pa ang parents niya dahil kapag nalaman ng mga ito na wala siya kina Rose Ann, mas lalong magalit ang tatay niya. "Sana all may apartment."

"Malayo kasi ang bahay namin," ani Rose Ann. "Kausapin mo kaya ang tatay mo."

Umiling si Kaitlyn. Malabo. Alam niyang hindi siya nito papayagan.

"Teenager ka na. Kailangan mo nang bumukod sa kanila. Ang daming condo riyan oh. Safe naman 'yon," pangungumbinse ni Rose Ann.

"Hayaan mo na. Nag-i-enjoy pa akong kasama sila," ani Kaitlyn. Sobrang mahal niya ang parents kaso gusto rin talaga niyang maranasan na mamuhay nang normal. Yung mga nagbo-board or may sariling condo. Halos lahat ng kaklase niya ay malayo sa pamilya dahil mula pa sa iba't ibang probinsya ang mga ito.

Nang pumasok sila sa classroom, hindi na sila nagtaka kung bakit nandito na ang professor nila.

"Morning, Miss Luna," bati nila sa guro.

"Miss Mary Jean Quiniano Luna," pagtatama ng professor kaya napangiti si Kaitlyn. Bilib din siya sa gurong ito. Naikwento na nito ang buhay nito kung paano naging guro ng Westbridge. Working student ito noon nitong paaralan. Walang-wala sila pero dahil matalino at masikap ay nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng scholarship program ng mga Villafuerte. Mabait ito. Naging madali ang subject dahil kayang i-simplify ang mahihirap na lessons.

Nagsimula na ang klase kaya tinago na ni Kaitlyn ang cellphone sa bag.

Hindi na siya pumunta sa tambayan nina Orange dahil kaya naman na nito ang sarili. Isa pa, hindi rin naman ito tumawag sa kanya.

"Uy, may suntukan!" sabi ng mga estudyante nang palabas na sana siya sa gate para umuwi dahil nasa labas na raw ang driver nila.

"Hala! Sino?" tanong ng isang estudyante.

"Villafuerte raw!" sabi nito kaya kinabahan bigla si Kaitlyn at dali-daling tumakbo patungo sa nakatumpok na schoolmates pero agad na napatipigil.

"Pakialam ko sa kanya!" saway ni Kaitlyn pero hindi mawala ang curiosity sa utak niya kaya pumunta pa rin siya para sumilip.

"Orange!" usal niya nang makitang nakabulagta si Orange at sinusubukang tumayo habang pinipigilan ni Green Maroon.

"Guys! D—Dalhin na natin sa ospital," umiiyak na pakiusap ni Purple kaya agad na binuhat nila si Orange para dalhin sa hospital.

"Ano ang nangyari?" usisa ng mga estudyante.

"Hindi ko alam. Lasing ata si Orange tapos nakipagtalo sa kanila sa loob ng tambayan nila kaya ayun, bugbog sarado ng mga kamag-anak." sagot nito.

"Alam naman niyang bawal pumasok na lasing," sabi nito.

"Haist. Pasaway kasi," sabi ng kasama nito. "Palibhasa Villafuerte."

Nag-aalalang sinundan ng tingin ni Kaitlyn ang binata. Kahit naman magaspang ang ugali ni Orange, maaawa talaga kahit sino kapag makita ang kalagayan nito.

Gusto man niyang samahan ito pero malalagot din siya sa ama kapag ma-late siyang umuwi. Lalo na ngayong malaki ang kasalanan niya rito kaya lumabas siya at nagpahatid na sa bahay.

"Nay?" tawag niya sa inang nasa balkon.

"Hello, baby. How's your class?" tanong ni Kate at nakipagbeso-beso sa anak.

"Okay lang po. Where's tatay?" pabulong na tanong niya.

"Nasa bahay ng lola mo, pinatawag siya kanina dahil masama ata ang pakiramdam ni Lola Kristina."

"Nay? G—Galit pa rin ba si Tatay?" naiiyak na tanong niya. Hindi siya sanay na pinapagalitan ng ama.

"Hayaan mo na, lilipas din 'yun. Alam mo namang hindi ka niya matiis," ani Kate. Ang totoo ay buong gabi silang nagtalo dahil sa pagsampal nito sa anak nila. Sising-sisi naman si Ace at panay ang hingi ng tawad sa kanya pero pinagsabihan niya na kay Kaitlyn humingi ng tawad.

"Naunawaan ko ho si Tatay," sagot ng dalaga saka napayuko.

"It's okay. Mahal ka lang niya kahit na mali na talaga ang paraan niya kahapon. Don't forget na mahal ka namin ha."

"Yes po," sagot niya sabay yakap sa ina.

"Anak, masyado na ba kaming mahigpit sa 'yo?" seryosong tanong ni Kate. Hindi rin niya gusto ang pamamaraan ni Ace sa anak nilang babae. Masyado itong mahigpit pagdating sa security.

Umiling si Kaitlyn. "I have freedom naman po kahit na sino ang kaibiganin ko or saan ako pupunta. I really appreciate it po. Kaso 'nay, malaki na po ako at hindi sila lumalapit o nakipagkaibigan sa akin dahil sa bodyguards ko. May freedom nga po ako pero nahihirapan pa rin akong gumalaw," pag-amin niya. "Ang totoo, naiinggit po ako kasi may apartment sina Rose Ann. They can do whatever they want nang walang bantay. May tiwala kasi ang parents niya sa kanila."

"May tiwala naman kami ng tatay mo. Ang inaalala lang niya ay ang mga nasa paligid mo lalo na't—" Napabuntonghininga si Kate. Ang totoo ay ayaw lang ni Ace na malinlang ng mga nasa paligid ang anak nila kaya ng nangyari sa nakaraan nila. Pero may sariling buhay at kapalaran ang anak nila. "Ang taong gusto ka maging kaibigan o makasama sa buhay nila, kahit na puno ka pa ng bodyguards, hindi 'yan sila matatakot na lapitan ka kasi malinis ang konsensya nila," sabi ni Kate kaya ngumiti si Kaitlyn.

"Sana nga po. Pero sana magkaroon din ako ng sariling condo. Gusto ko pong maranasan ang—" Napatigil siya sa pagsalita at napayuko nang makita ang amang nakatayo sa tapat ng pinto. Mukhang kanina pa ito at nakikinig lang sa usapan nila. "T—Tay," usal niya kaya napalingon din si Kate pero tinalikuran sila ni Ace at tumungo ito sa kwarto.

"Hayaan mo na, lilipas din 'yan," sabi ni Kate kaya tumango si Kaitlyn. Sana nga hindi tumatagal ang galit ng ama. Gusto sana niyang tawagan ang Daddy Niel niya pero ayaw niyang magsumbong dahil tiyak magagalit din ito sa ginawa niya.










Author's note:

Sa mga bago po na nagtatanong kung wala akong first POV na story. Meron. Mostly ng Villafuerte series ay mga naka-first POV.

Ang story ng parents ni Orange, "The HEART OF EDUCATION" po. Basahin nyo na lang habang naghihintay ng update nito.

Sa mga bago, ito na po ang pagkakasunod-sunod (in order) ng "VILLAFUERTE" series.

1.My Jealous Little Boss - Ryan
2.My Jealous Little Bossings- Ian
3.Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom Pa -Skyler
4. My Hard To Get Hubby - Kyler
5.Destiny's Game - Kevin
6.University Princes(Intro) - Sky/Blue/Black
7.Beki si Black - Black
8.My Trip Buddy - Sky
9The Superstar Daddy - Blue
10. Laro ng Apoy - Erika & Lyn
11.Got A Baby With A School Heartthrob -Kean
12. He's Been A Badboy - Keana
13. My Unideal Girl - Clouds
14.Mali Ba Ang Ibigin Ka? - Dust
15. Stupidly Engaged - Sun
16. My Piggy Love - Star
17. La Pescadora (The Fisherwoman) - Matter
18. I'm Not Jelous, Just Territorial - Moon
19. Langit Ka, Lupa Ako - Red
20. Superstar's Mistake - Grey
21.Princess Without A Crown - Venella
22. My Childhood Princess - Maymay

PROBINSYA SERIES 1
23. The Heart of Healthcare - Ash
PROBINSYA SERIES 2
24. The Heart of Education


Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 582 20
Luca is one of Aizen's friend at isa mga lalaking hindi nagseseryoso sa isang relasyon hanggang may nakilala siyang babae noong high school siya pero...
187K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
214K 6.3K 25
Ano ang kaya mong isugal para sa'yong pangarap. Handa ka bang magpabayad kapalit ng gabi sa piling ng babaeng tila yelo sa lamig at singtigas ng bato...
923K 56.6K 93
Hello Duology, Book οΌƒ1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.