Sand Scented Jar (Gazellian S...

By VentreCanard

199K 13.1K 5.2K

Harper Esmeralda Gazellian More

Sand Scented Jars
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 5

9.4K 710 286
By VentreCanard

Chapter 5: Appearance

When I came back to my seat, Caleb was still busy with his flag and his group of cheering squad. Kahit sa malayo ay nakikita ko na kung paano magmasahe sa kanyang noo ni Dastan.

I shook my head. "He's really impossible."

I folded my arms across my chest, leaned on my seat, and crossed my legs. I wearily tilted my head up and looked at the night sky, now filled with stars.

I could feel that Tobias had been staring at me, but I ignored him and focused my attention on the stars. Then I felt his whispers in my ears. "Princess, I don't think you will like it if someone sees you like this, especially your brothers. What will happen to your prim and proper demeanor?"

Habang nakatingala ako sa kalangitan ay nakayuko at nakahilig na sa akin si Tobias at bumubulong. Doon ko lang iginalaw ang mukha ko at hinayaan kong gahibla na lang ang pagitan ng mga ilong namin sa isa't isa.

That was the advantage of having Caleb alone as my brother, abala ito sa ibang bagay kaya hindi na niya nalalaman ang nangyayari sa likuran niya. Habang si Dastan naman ay naroon sa grupo ng mga kapwa niya hari.

Nag-iwas ako ng tingin kay Tobias ngunit nanatili pa rin siyang nakayuko sa akin.

Who said that Rosh was the most flirtatious prince in the empire of Parsua? Hadn't they heard about Tobias? Hindi man mabulaklak ang mga salita niya at wala siyang madalas na rosas na ibinibigay sa babae, sa pinong kilos ni Tobias, alam niya ang magiging epekto niya sa babae. He's indeed a Le'Vamueivos by blood— a family known for their undeniable pheromones.

"Now that you agree with my proposal, King Tobias, what do you want in return?" I playfully traced my fingers on his cheek.

Ngumisi siya. "I am still thinking about it."

Tumuwid na siya ng pagkakaupo, ganoon din ako ngunit ang atensyon ko ay nasa kanya, ngunit sa sulok ng aking mga mata ay nakita ko na si Kreios na nakaupo na rin sa grupo ng mga manunuod na siyang kaharap lang namin.

Tumaas ang kilay ko kay Tobias. He was really a wicked king.

"Tell me, I am a generous princess, Tobias."

"I'll think more about it, you see, it's once in a lifetime chance, Gazellian." Marahang hinawakan ni Tobias ang dulo ng buhok ko at dinala niya iyon sa kanyang labi.

Wala man lang kamalay-malay si Caleb na maging si Kreios ay minumura na siya sa kanyang isipan.

Kapwa na kami sumandal ni Tobias sa aming mga upuan at mas inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya habang mariin nang nakatitig sa direksyon namin si Kreios.

Halos isang oras din ang hinihintay namin bago namin masaksihan ang magagandang pagtatanghal ni Claret. Nawala na sa isip ko ang pang-aasar kay Kreios at ang pagkairita kay Caleb sa mga kalokohan niya dahil hindi na mawala sa aking mga mata sa bawat kilos ni Claret sa buong bulwagan.

Natahimik ang lahat, at ang tanging narinig ko lang ng mga oras na iyon ay ang pag-ihip ng hangin at ang maliliit na butil na buhangin na tumatama sa bawat hampas ng espadang hawak ni Claret. Maging si Tobias ay muntik nang tumayo sa kinauupuan niya para lang higit na mapagmasdan si Claret.

Saglit gumala ang mga mata ko sa paligid, wala yatang nilalang sa bulwagang iyon ang hindi humanga sa sayaw na iyon ni Claret. At nang sandaling tuluyan na siyang matapos agad namin siyang sinalubong ng malakas na palakpakan. Alam ko man na humanga sa kanya ang lahat ngunit pinilit ng karamihan na hindi iyon ipakita.

But I saw them. They're all hypocrites.

Tinanaw ko si Kreios at nakita ko rin siyang masaya sa ginawa ng kapatid niya. He should really be proud. At least, Claret could do something better than him.

Dahil nakasayaw na rin naman ang mga mananayaw ng mga naunang emperyo ay sumunod nang lumabas sa bulwagan ang mga itinakdang prinsipe ng Parsua. Hindi ko na sila pinansin at sinalubong ko na si Claret.

"That was a lovely dance, minsan ay aanyayahan kitang sumayaw sa aking kaharian, Claret." Sabi ni Tobias.

Of course, Parsua Deltora was a kingdom known for arts and performance. Tobias would take this as an opportunity to boost the tourism of his kingdom. Lalo na't nakita niya ang reaksyon ng mga nilalang sa pagtatanghal ni Claret.

"You should ask Zen first, Tobias. It's impossible, to be honest." Sagot ko.

"Hmm . . . I'll ask you then."

"Pag-awit lang ang kaya ko, Tobias."

"Anything will do."

Sa wakas ay parang nakarinig na si Caleb dahil marahas na itong lumingon kay Tobias dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Ngunit nagpatay malisya lang sa kanya si Tobias.

Mas lumapit ako kay Claret at bumulong sa kanya. "He's more dangerous than Rosh. I swear."

"Just like Dastan," sagot ni Claret.

I tilted my head and looked at my brother from afar. Maybe?

But I didn't think that Dastan's trying to conceal or hide a part of his personality because he had always been like that, calm and reserved. Nakikitaan ko pa rin naman siya ng ibang emosyon. Unlike Tobias who had been acting friendly and warm. I had this feeling that he had those sharp edges that he had been trying to hide from everyone.

"Inaanyayahan na ang mga mandirigma mula sa Halla!" Malakas na sigaw ng tagapag-anunsyo.

Mas lalong lumakas ang sigawan dahil mas marami ang nilalang na sumusuporta sa kanila kumpara sa apat na prinsipe na nasa bulwagan na. Pero hindi nagpapatalo si Caleb at ang mga kawal na kasama niya. Mas iwinagayway niya ang bandila na hawak niya at nagawa niya pang tumayo roon sa mismong harang na nakapagitan sa bulwagan at upuan namin.

Nang sunod-sunod nang lumabas ang mga taga Halla, mas lalong nabuhayan ng dugo si Caleb.

"Damn it! Panalo na tayo! Mas makikisig tayo! Parsua! Parsua! Parsua!" Lumingon pa sa amin si Caleb na parang mapipilit niya kami ni Claret na sumabay sa pagsigaw niya.

But what I had noticed? Tobias was happily supporting Caleb while clapping his hands.

"Caleb is so competitive," nasabi ko na lang.

"Parsua! Parsua! Rosh! Huwag ka magpapagasgas!" Sigaw ni Caleb habang walang tigil sa pagwagayway ng watawat.

Nakakunot na ang noo ni Zen, walang pakialam si Blair at nakangisi sa direksyon naming si Seth. Si Rosh iyong nangunguna sa kanilang apat.

"Caleb, nakatingin sa 'yo si Kamahalan," sabi ko.

"Parsua! Parsua! Par—" Unti-unting humina ang boses ni Caleb hanggang tumigil ito sa pagsigaw. Tuluyan na siyang naupo nang makumpirma niyang nakatitig na nga sa kanya si Dastan.

"Umirap . . . umirap sa akin si Kamahalan."

"Buti nga sa 'yo," sabi ko.

Tumawa sa tabi ko si Tobias. "You're not funny at all," bulong niya.

Tumigil na ang sigawan at nanuod na kami sa nangyayari. Nasa kalagitnaan ng pakikipaglaban ang mga itinakdang prinsipe nang biglang tumayo si Claret.

"Harper, may kailangan lamang akong puntahan."

"Saan? Bakit?"

"Madali lamang ako, ang kapatid ko—" agad kong iniwas ang mga mata kay Claret na tila agad na nasaktan sa kaunting sinabi niya na iyon. She was aware that I still had a heartache because of her great brother.

"Bumalik ka agad."

She nodded. "Salamat."

Nang tanawin ko ang posisyon ni Kreios kanina ay wala na nga ito. I still didn't know his reason when he threw those arrows or was it literally an instance that someone tried to pin them against us, but I'd let Claret and King Dastan dig more about that incident.

Hindi rin nagtagal ay agad bumalik si Claret. "Claret? I thought you're going to meet your brother?"

"Mamaya na lang siguro."

Ngunit hindi pa man tuluyang nakakaupo si Claret sa tabi ko ay naramdaman ko na ang pamilyar na presensiya ni Kreios sa likuran namin. Bago pa siya tuluyang makalapit sa amin ay humilig na akong muli kay Tobias habang ang atensyon namin ay naroon sa mga prinsipe sa bulwagan. Tobias intentionally wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him.

"Claret, we need to talk," sabi ni Kreios.

"Kreios . . ."

Nang maagaw rin ang atensyon ni Caleb at lumingon siya, hindi na niya kami higit na pinansin ni Tobias, ngunit nakita ko pa rin ang mas pagdiin ng titig niya sa hari bago niya ibinalik ang atensyon niya kay Kreios. Magkaiba kami ng pananaw ni Caleb, kung ako ay hahayaan na lang sina Claret at Kamahalan na alamin ang kabuuan ng nangyari sa pagpana ni Kreios noong pagdiriwang namin, siya ay kabaliktaran ko.

"Just go, Kreios, maraming oras para mag-usap tayo," sabi ni Claret nang maramdaman na niya ang tensyon sa pagitan ng kapatid niya at ni Caleb.

"Wala ng oras, Claret. We'll just talk."

"She refused. Can't you understand?" Sabi ni Caleb.

Hindi siya pinansin ni Kreios. "Claret, we have to talk."

Nang ramdam kong susugod na si Caleb kay Kreios ay tumayo na si Tobias para pigilan ang kapatid ko. "Caleb . . ."

Tumayo na rin ako, kunwari'y nag-aalangang humarap kina Claret at Kreios, bago ako marahang humawak sa braso ni Tobias at tila napapayuko.

Kreios smirked.

"Claret, please. Just talk to him. Sinisira ng kapatid mo ang katahimikan namin," I dramatically said.

Nagtungo ang mga mata ni Kreios sa kamay kong nakahawak kay Tobias. Ngumisi siya. "I went here for Claret."

Tinabig na ni Caleb ang kamay ni Tobias at iritable siyang bumalik sa kanyang upuan. Kaya naiwan kami ni Tobias na nakaharap sa magkapatid. "It's fine, Claret. Kami na lang muna rito, right, Princess?"

Naupo na akong naupo kay Tobias. Alam kong nakasunod pa rin ang mga mata ni Kreios sa akin, ngunit wala na akong pakialam. Marahan akong tumingala at hinila ko ang kasuotan ni Tobias.

"Just sit down, Tobias . . ."

He chuckled and playfully followed my lead. "W-what?"

Yumuko ako na tila nahiya sa pagtawag sa pangalan ni Tobias kahit matagal na akong ganoon tumawag sa kanya. "I mean . . . Your Majesty. You can sit down. You don't need to waste your time."

Wala na akong narinig pa mula kina Claret at Kreios, kapwa kami lumingon ni Tobias sa magkapatid. Hinihila na ni Kreios si Claret para lang makalayo sa amin.

Umiiling na bumalik sa kanyang upuang si Tobias, pinagkrus ang mga hita at muling bumulong sa akin. "I don't think this is a good idea for you. Sa tingin mo ay hindi siya babawi? In the end, you'll be together and he'd remember all of this, Princess. Nasisigurado kong babawi siya sa napakaraming paraan . . ."

"He should be better on it. Tatanggap naman ako sa kahit anong paraan."

King Tobias laughed.

Pinagpatuloy namin ang panunuod sa mga itinakdang prinsipe hanggang sa may panibagong nilalang na naman ay tumigil sa posisyon namin ni Tobias.

She was the same woman that I threatened. Huminga na ako nang malalim at handa na akong harapin siya nang lumingon na rin sa amin si Caleb. Agad siyang nakilala ng kapatid ko kaya agad siyang lumapit sa amin ni Tobias.

"What's the matter? If you have something against my sister—"

She was hesitant and definitely looked scared, hindi ko lang alam kung kay Caleb o sa akin pero hinayaan ko nang si Caleb ang humarap sa kanya.

"I am here to send you to a place that you need to visit. Kreios told me that I should assist you—" Caleb cut her off.

"Why would we trust that asshole?"

"I think you should go. I'll stay here." Sabi ni Tobias.

Nang sabihin niya iyon ay nakatanaw na siya sa posisyon ni Dastan, at nang nagsalubong ang mga mata namin ng kapatid ko ay ilang beses siyang tumango sa akin.

"C-Caleb, I think we should go."

Nag-aalangan man si Caleb nang mapansin niya rin ang tanaw ko ay naroon kay Dastan, hindi na nakapagsalita pa si Caleb. What was going on?

Tumango muli sa amin si Tobias bago kami sumunod ni Caleb sa prinsesa na kania lang ay pinagbantaan ko ang buhay. She was a foolish if she was trying to do something against us. Hindi niya alam ang kakayahan namin ni Caleb.

She created a portal. Hindi na siya lumingon sa amin at tumawid na siya roon, saglit kami nagkatitigan ni Caleb bago kami sabay na tumawid roon, at nang sandaling tuluyan na kaming iluwa sa ibang lugar, unang tumama sa aking mga mata ang imahe ng kapatid ko.

"F-Finn . . ." usal ni Caleb.

Agad tumulo ang mga luha ko nang makitang nakaluhod sa lupa ang kapatid ko, nakatali at punong-puno ng sugat sa kanyang katawan. No . . . not Finn.

"Oh god, what happened to you, Finn?" Dinaluhan ko na siya at mariing niyakap.

It's been years since I last saw him. Ang huling narinig na lang namin tungkol sa kanya ay ang pagtakas niya sa unibersidad, ilang taon na siyang ipinahahanap ni Kamahalan.

Hindi na makagalaw si Caleb at pinagmamasdan niya lang kami.

"Harper . . ." Finn lovingly buried his face in my hair.

"I missed you, Harper . . ."

"Ayaw mo na sa konseho? It's fine. Huwag ka lang umalis ulit. It's been years, Finn, ilang taon ka naming hinahanap."

Lumapit na sa amin si Caleb at sinimulan na niyang tanggalin ang tali ni Finn. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakawala si Finn ay ramdam ko na ang pagniningas ng mga mata ko, ang paglabas ng aking mga pangil at ang paghaba ng aking kuko. Ganoon din si Caleb na ngayon ay ang atensyon ay nasa nilalang na nanakit kay Finn, ngunit nang sandaling makilala ko siya'y bumalik ako sa aking anyo.

"Tumabi ka, Claret." Babala ni Caleb na ngayon ay tumatayo na. "What do you want? Ngayon naman ay si Finn!"

"Why don't you ask him first? Ano ang kailangan niya sa kapatid ko? Napakagulo ng pamilya ninyo, Gazellian." Tinapunan ako ng tingin ni Kreios.

Handa nang sumugod si Caleb kay Kreios nang sabay kaming humawak ni Finn sa balikat niya. Maiintindihan ko ang pagpigil ko kay Caleb, ngunit nagulat ako sa ginawa ni Finn.

He weakly looked at us. "It was all my fault..."

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 480 61
Cassandra Cooper, also known as Cassy, has been the girl who loves to play around. That's why she takes the opportunity to tease one of her friends...
580K 58.8K 33
There's a lot of always in my life, but being trapped with you is my favorite...
7.6M 439K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
1.4M 96.1K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.