THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)

By Zelien03

3.3K 167 97

" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ... More

AUTHOR NOTE!
PROLOGUE
INTRO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
AUTHOR NOTE!
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
AUTHOR NOTE
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
A/N

CHAPTER 32

37 3 2
By Zelien03

Magkatapat habang mariin na nagkatitigan Ang dalawang center Ng magkabilaang team habang inaantay Ang pag pito Ng referee para sa jump ball. Walang kung sino man ang nagsasalita, halos Ang kaninang nakakabinging ingay Mula sa hiyawan at sigawan Ng mga manonood ay napalitan Naman bigla Ng Isang nakakabinging katahimikan.

" Sobrang tahimik." Ang nawika na lamang ni Jin habang pinapakiramdaman Ang paligid, Napalingat lamang ito Nang magsalita si Maki na katabi Niya lamang din Mula sa pagkakaupo.

" Pero kahit ganun, napupuno Ng mga positibong aura Ang loob Ng arenang ito." Turan nito na nakapag patingin Kela Kyota... Tama nga Naman Kasi ito. Kahit tahimik Ang paligid ay mararamdaman mo Ang kakaibang pakiramdam Lalo na Ng magsimula Nang pumito Ang referee. Biglang naging alerto Ang dalawang center Ng magkabilaang team. Animo'y inaabangan Ang susunod na gagawin Ng referee. Nang matapos pumito ay pumwesto na Ang referee sa gitna at ini-angat nito pataas Ang kanang kamay nito  kung saan ay may hawak na bola upang ihagis ito pataas. Nang maihagis na nito ang bola at Nasa sukdulan na Ang Taas nito ay magkasabay na tumalon Sina Akagi at Ketsuya upang hampasin iyon.

'ayan na.'

Alertong wika ni Miyagi habang mariing pinagmamasdan kung sino Ang mananalo sa jump ball.

" Naku Hindi. Mas mataas Ang Center Ng kabila kaya Naman Hindi Ako sigurado kung makukuha Niya. " Bulalas ni ayako sa bench Ng shohoku Nang mag umpisa Ng tumalon Ang mga ito.

" Kaya Niya Yan, tiwala lang." Ito Naman Ang pasambit na tugon ni Suwahara na Ngayon ay alerto ring nanonood.

" ABA SHEMPRE NAMAN! KAYANG-KAYA  NI GORI YAN! SAN PAT ISA SIYANG GORILLA! " Ito Naman Ang malakas na Saad ni hanamitchi Sakuragi, nakatayo pa ito habang sinasabi Ang mga katagang iyon na para bang alam na alam nito Ang mangyayare.

" Gunggong talaga. " Ang pabulong na wika ni Rukawa sa sarili, subalit mahina lamang iyon kung kayat Hindi agad nakarating sa pandinig ni hanamitchi.  Ganun din Ang mga manonood, jump ball palamang pero tense na tense na Ang lahat sa kung saan mapupunta Ang bola.

" Ayan na! " Anas ni Ikoichi. Hindi gaya Ng inaasahan, unang natapik ni Akagi Ang Bola papunta sa direksiyon ni Miyagi.

' ayos nakuha Niya.'

Bulong na pagkakasabi ni Mitsui Nang matapik ni Akagi Ang Bola papunta sa direksiyon nila ni Miyagi.

" ALRIGHT! " Sigaw ni hanamitchi ganun din Ang iba pang player Ng shohoku.

" Magaling! " Ang Pasigaw ring Ani Mith sa mga naglalaro, Lalo na Kay Akagi. Pagkahawak na pagkahawak palamang Ni Miyagi sa bola ay kaagad Nang inis start ni ayako Ang timer Niya para sa first half.

" WAHHHH! Shohoku ball! Kahit mas matangkad Ng 2 centimeters Ang center Ng Miyaka nakuha paring manalo ni Akagi sa Jump ball! Kahanga-hanga. Hindi. ANBILIBABOL! " Ang malakas na pagkakasabi ni Ikoichi habang abang na abang sa laro.

Na kay Miyagi Ngayon Ang bola at mabilis nitong eh drinibble papunta sa court nila. Dahil sa liit at liksi nito ay nalampasan nito Ang depensa ni Gaiwa at Ngayon si Imashi Naman Ang pumipigil sa opensang gagawin nito.

[ Wahh! Ryota Miyagi kontra Imashi kuyushima! ]

[ Sino kayang mas magaling na point guard? ]

[ Naku nagkatapat na.]

[ Sige Miyagi! Kaya mo Yan! ]

[ Imashi! Galingan mo! ]

[ Mas magaling si Imashi kesa sa number 7 nayan Ng shohoku.]

[ Posible Yun. ]

[ Oo, Tama ka riyan.]

Mga usap-usapan na madidinig sa kalapit upuan nila Mito... Dahil sa pagkaasar ay binanatan kaagad ito ni Takamiya.

" Hoy mga kumag! Mas magaling si Kulot diyan ano! " Wika nito, na sinang ayunan pa ni oukuso.

" Korek! Walang panama yang kuyuma niyo! Mga bilasang Tuyo! " Pangangatyaw pa nito na sinabayan pa Ng malakas na tawanan Nina Mito.

' ibang klase Ang apat na ito.'

Ito na lamang Ang nasabi nila Fudjima habang nakatingin sa direksiyon ng apat... Sophomore palamang Ang mga ito, makikita iyon sa unipormeng suot-suot Nina mito. Nagtatawanan pa Ang mga ito habang nangangasar sa kabilang panig.

" Sa palagay ko Naman, mas magaling si Miyagi sakaniya." Wika ni Miyo na ikinatingin sakaniya ni Fudjima.

" Dahil ba sa Ikaw Ang nagturo sakaniya? " -fudjima

" Hindi. Dahil aktwal ko mismong naramdaman Yun." Ito Naman Ang sagot ni Miyo sa naging Tanong na iyon ni Fudjima. Nung magkatapat Ang team nila ay dun nasabi ni Miyo na Malaki na nga Ang iniunlad ni Miyagi Mula sa paglalaro. Mas bumilis ito at mas Lalo pang gumaling. Kung Hindi lamang ito nanginginig nun sa practice game nila marahil ay kaunti nalamamg at matatapatan narin Siya nito.

Bahagya pa siyang napangiti Ng mapait habang pinagmamasdan Ang kaibigan na Ngayon ay naglalaro sa court. Masaya Siya sa isiping tinutupad nga nito Ang gusto niyang mangyare para rito. Unti-unti na itong tumitiwalag sa anino Niya at gumagawa Ng paraan para makilala. Yun Ang gusto Niya, para sa manlalaro Ng shohoku. Para Kay Miyagi.

" Naku! Hindi Niya Yan kaya Preh! " Bulyaw na wika ni Kyota nabunaga Nang Makita Ang mahigpit na pagbabantay ni kuyushima rito.

Lingid sa kaalaman Ng lahat ay may binabalak Ang point guard Nang shohoku. Bahagya pa nitong eh dirinibol Ang bola pakanan upang buwagin Ang depensa nito, ngunit ginawa Niya lamang Yun di dahil para makalusot. Kundi para makaporma at maipasa Nang maayos Ang bola sa Ngayong nag aabang na Si mitsui. Alam ng 3 pointer Nang shohoku Ang binabalak niyang Yun kaya Naman nag-aantay lamang ito Ng magandang pagkakataon.

" Wag mong ipilit! " Pasigaw naring Saad ni Kogure, ngunit Hindi paman natatapos Ang sasabihin nito Ng ipasa ni Miyagi Ang bola sa kinaroroonan ni Mitsui. Mabilis Ang pangyayare.... at ngayon ay Nasa kamay na ito ni Mitsui sa Ngayon. Bahagya pa itong napangiti Ng mahawakan Ang bola.

" ANG BILIS! At NAPAKA GANDANG PASA!! " Wika ni Ikoichi.

" Pinasa niya." Ito Naman Ang naging Saad ni Maki Nang mapanood Ang pasang iyon galing Kay Miyagi.

[ Kita niyo ba Yun? Ang galing Niya! ]

[ Ibang klase Ang number 7 nayan Ng shohoku! ]

[ Si Ryota Miyagi bayan? Naku! Talagang magaling Yan.]

[ Para siyang kidlat.]

Maririnig na usapan Ng marami, si Miyagi talaga Ang tipong Hindi man makalusot sa depensa ng kalaban, hahanap at hahanap Naman ito Ng paraan para maipasa nito Ang bola sa libre nitong kakampi. Nang mahawakan ni Mitsui Ang bola ay bahagya pa siyang pumorma na parang ititira Ang bola Mula sa 3 point area.

" Ititira Niya kaya? " Ang patanong na Saad ni Ouzumi na tutok na tutok sa laro.

" Naku! Ititira Niya! " Ito Naman Ang naging wika nila murasame Nang Makita Ang pwesto ni Mitsui. Nag-aalinlangan pa si Gaiwa kung pipigilan Niya ba ito o Hindi. Baka lamang Kasi Isa itong fake at malinlang lamang Siya Nito. Ngunit. Hindi iyon Ang inaasahan Niya, walang alinlangang itinira ni Mitsui Ang bola papunta sa ring.

' pumasok kanaman.'

Mga salitang namuo Sa isipan ni ayako Mula sa bench Ng shohoku.

" NICE! " Ang sigaw ni Mith Nang pumasok Ang Tira ni Mitsui. Ngayon, tabla na Ang score sa 3 all. Masaya pang nag apir Sina Miyagi at Mitsui na para bang Hindi kakikitaan Ng pagka kaba.

" ALRIGHT MITCHI! " Masaya Namang wika ni Hanamitchi maging Ang buong bench Nang shohoku. Matapos Ang ginawang Yun ni Mitsui ay binalingan Naman nito si Val Gaiwa na Ngayon asar na nakatingin sakaniya.

" Hindi lang Yun dun nagtatapos, kaya humanda ka." Ang wika niya rito dahilan Ng pagkaasar nito sakaniya.

" Naka Isa kalang kala mo kung sino kana, Hindi kana singgaling Ng Nasa junior high kapa Mitsui. Kaya wag Kang mayabang." Tugon nito. Inismiran lamang Siya ni Mitsui na para bang nang-aasar lang Saka sabay alis... Nakatawa Namang linapitan nila imashi at Yesure Ang nanggagalaiting si Gaiwa, Saka mahinang tinapik. Maging si Azuo ay lumapit rin rito.

" Hay naku, wag ka ngang maasar diyan... Masisira lang Ang fucos mo sa laro. " Ani Imashi.

" Ok lang Yun dude, babawi Tayo." Ito Naman Ang pasambit na Saad ni Azuo Saka sabay alis.

" Tara na, Oopensa na." Ang dugtong Namang Saad ng team captain nilang si Yesure saka mahina ulit itong tinapik sa balikat. Asar man, subalit iginayak narin Naman nito Ang sarili para sa opensang gagawin.

Mabilis Ang pangyayare, at Ngayon tabla nanaman ulit Ang score sa score na 30 all. Halos walang nagbibigayan, para bang walang gustong magpatalo sa laro.


Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 40.6K 93
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
756K 28K 103
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’œ my first fanfic...
97.5K 2.8K 47
Hinamori Amu is now a junior in Seiyo High. After almost five years of not seeing Tsukiyomi Ikuto, she finally sees him, but at school....as her new...
52.7K 529 100
A Story where I judge girls where I would probably Smash or Pass on! I will do Girls and Genderbent Guy's but no actual Guys! also you Can Place your...