Jersey Number Eleven

Por xelebi

2M 80.7K 35.3K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. Mais

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

Special Chapter 02

38.9K 1.4K 541
Por xelebi

Happy 100k reads Kai & Roen! So, here's another special chapter to celebrate. Hope you enjoy this one. Thank you so much po!

• 🏐 •

"From the Philippines, outside spiker, wearing jersey number eleven, Roen Alejo!"

Natawa ako nang magsigawan ang mga supporters ng Team Philippines dito sa loob ng arena. Actually, kanina pa nga sila nagchi-cheer sa bawat player namin na tinatawag para sa starting six. Parang mga hindi napapagod, e. Pero sobrang nakakatuwa kasi ang dami nila rito sa venue. Karamihan ay mga OFWs at may ibang dumayo pa talaga rito all the way from Pinas.

Iba talaga sumuporta ang mga Pinoy. Pangalawang national team stint ko na 'to pero naa-amaze pa rin ako sa support ng mga kababayan natin. Hindi rin talaga papatalo sa mga Vietnamese na nandito rin since sila ang kalaban namin ngayon tapos sila rin ang host.

Mas malakas nga lang ang sigawan nila no'ng si number eleven na ang tinawag. Napaka-famous naman talaga ng baby na iyan. At syempre, nakisabay rin ako sa cheer para sa kaniya.

"Go Philippines! Go number eleven!" Sigaw ko.

Nakita kong nilingon ako ni number eleven. Ngumiti siya saka kumindat sa 'kin at namalayan ko na lang na mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao. Iyong iba naming mga teammates ay inasar at tinulak tulak pa ako.

Natawa na lang ako at kinilig at the same time. Naku, for sure may Tiktok video na naman kami nito. This time, international edition na. Hindi na rin ako magugulat kung laman na naman kami ng mga social media pages ng ibang bansa.

Syempre, tuwang-tuwa na naman iyong isa. Hindi lang inaamin ni number eleven pero mas kinikilig pa siya sa 'kin kapag may napapanood kami na video naming dalawa. Lalo na iyong may mga romantic background music tapos slide show ng mga pictures namin. Grabe ang pamumula ng tenga ng baby kapag gano'n.

Inaasar ko siya madalas pero isusubsob lang ang mukha niya sa leeg ko. Nahiya pa, e, most of the time, siya naman ang dahilan kung bakit lagi kaming trending.

"Sana manalo tayo," sabi ko kay Jerome na kasama ko rin ngayon sa national team.

Iyon nga lang, bench players kami. Hindi pa part ng first six. Siya iyong backup setter at ako naman ang backup libero. Pero kung ako ang tatanungin, mas okay nang second libero muna ako ng team. Iba kasi sa international, e. Doble iyong kaba. Isa pa, sobrang galing din naman kasi ng starting libero namin na si Kuya Mikey.

"Mananalo iyan. Nandiyan si Alejo, e," sagot niya.

"Sana nga," huminga ako nang malalim habang pinapanood si number eleven na seryoso na ngayon.

Naka-game face na agad siya. Akala mo ay hindi mahilig magpa-baby sa 'kin, e.

"Pero nanininago pa rin talaga ako na hindi ka naka-jersey number eleven," sabi ni Jerome.

Napatingin ako sa jersey ko. Number 27 iyon. Iyon ang napili ko kasi birthdate iyon ni number eleven.

"Ako rin. Hindi rin ako sanay," natawa ako. "Pero okay na iyan. Bangko naman ako."

"Sabagay," natawa na rin siya. "Kung makatawa ako, akala mo, hindi rin bangko, e."

Humagikhik kami pareho ro'n. Pero napaayos ako ng tayo nang maabutan si number eleven na nakalingon pala sa 'min habang nakakunot ang noo.

Badtrip. Nakuha pa ngang magselos no'ng isa.

Partida, mag-uumpisa na iyong game, a?

Natigil ako sa pagtawa habang si Jerome naman ay hindi pa rin mapigilan na ngumisi. Inakbayan pa ako ng loko para lalong bwisitin si number eleven. Napailing na lang ako saka nginitian iyong nakasimangot na baby kasi baka mamaya ay masira pa ang laro.

Iyon nga lang, wala yatang epekto. Ngumuso lang do'n saka humarap na ulit sa net.

"Sarap talaga inisin ng bebe mo, Kai," bulong ni Jerome.

"Gago ka, cap. Hindi ka natatakot sa braso niya?" Sagot ko na ikinatawa niya lang ulit. "Susuyuin ko na naman iyan mamaya."

"Maganda nga na nagseselos si Alejo, e. Tignan mo, sa kalaban niya ibubuhos lahat ng inis niya. Kaya sure nang mananalo tayo. Thank me later."

Ngumiwi na lang ako sa kaniya. Daming alam!

Pero mukhang magte-thank you nga ako kay Jerome kasi umpisa pa lang ng set 1 ay god mode na agad si number eleven. Halos lahat ng i-set sa kaniya kahit out-of-system pa iyan ay automatic na score!

"Here comes the boom!" Sigaw ng announcer nang mag-spike ulit si number eleven at bounce ball iyon. Halos umabot na sa ceiling ng arena iyong bola!

Mas lalong lumakas ang cheer ng mga supporters ng team. Kahit iyong ibang mga foreign nationals na nanonood, nakita kong pumapalakpak na rin sila at nagchi-cheer para kay number eleven na nagpapagpag na ng jersey niya ngayon.

Yabang talaga ng boyfriend mo, Kaizen.

Pero may maipagyayabang naman kasi, e. At sobrang proud ko sa kaniya lalo na ngayon at may mga foreign teams na gusto siyang kunin to play abroad pagkatapos siyang mapanood.

So, parang ako dapat ang magyabang kasi akin iyang future volleyball import na iyan. Seloso lang pero pogi naman kaya palag na.

"Go Philippines!" Sigaw namin dito sa bench nang makuha namin ang first set sa score na 25-18.

Inabutan ko agad si number eleven ng towel at tumbler habang hina-huddle sila ni coach bago magsimula ang set 2. Natawa pa nga ako kasi nakasimangot pa rin siya pero nilapitan pa rin naman ako. Marahan pa niya akong hinila palayo sa team.

"Selos pa rin?" Sabi ko habang umiinom siya ng tubig. Kinuha ko ulit iyong towel sa kaniya at ako na ang nagpunas ng pawis niya.

"Yeah," sagot niya.

"Ano ka ba. Niloloko ka lang ni Jerome."

"Gusto ko na rin magpa-bench," parang bata na sabi niya.

Natawa ako at pabiro siyang hinampas sa braso. Iyan na, nag-Tagalog na. Iyon nga lang, kailangan pang pagselosin para lang mag-Tagalog.

"Loko ka. Lagot ka sa mga mamamayan ng Pilipinas kapag natalo tayo ngayon."

Pero mas lalo lang siyang sumimangot. "Ikaw ang lagot sa 'kin mamaya."

"Sira! Makinig ka nga do'n kay coach."

Pinalo ko ulit siya sa braso pero buti na lang ay nag-smile na siya. Iyan na naman siya sa mga lagot niya, e. Iba kasi ang meaning sa kaniya ng word na iyon. Mukhang mapapagod na naman ang Kaizen. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko iyon gusto.

Naramdaman kong uminit ang mukha ko at nahuli ako ni number eleven kaya natawa siya saka ako sinundot sa tagiliran. Muntik akong mapasigaw kasi malakas ang kiliti ko ro'n kaya hinampas ko siya ng towel sa mukha.

Akala ko ay tapos na ang harutan namin do'n pero nagulat na lang ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko saka ako mabilis na pinatakan ng halik sa labi. Napakurap ako at namalayan na lang namin na nakatingin na pala sa 'min lahat nang magsigawan ang mga tao.

Mabilis akong humiwalay kay number eleven na patawa-tawa lang ngayon kahit pinapagalitan na siya ng mga coaches namin. Napayuko na lang ako no'n habang nagtatago sa likuran ni Jerome.

Ano ba iyan, Kai.

Iyong kalandian n'yo ni number eleven, dinala n'yo pa talaga hanggang dito sa Vietnam.

Sure akong pagagalitan na naman kami nito ni mama. Sasabihin na naman no'n na ilagay namin sa lugar ang bebe time namin.

Nasa lugar naman, a? International pa nga.

Ay, ewan ko na talaga sa 'yo, Kaizen.

"Go Philippines! Go! Go! Go!" Sigaw ng mga supporters no'ng magsimula na ang second set.

Iyon nga lang, hindi tulad no'ng set 1 na nasa amin completely iyong momentum, sumasabay na rin ngayon ang Team Vietnam. Nakapag-adjust na sila at grabe na iyong bantay nila kay number eleven. Triple block na ang ginagawa nila para lang hindi agad makapatay ng bola iyong isa. Buti na lang ay matalino ang number eleven at puro off the block ang palo niya ngayon.

Tumingala ako sa score board. Dikit ang score. 12-11 in favor of Philippines. Si number eleven ang magse-serve ngayon at jump serve ang ginawa niya. Halos mapatalon kami nang muntik siyang mag-service ace pero nagawan pa rin ng paraan ng setter ng Vietnam.

At parang nag-flashback sa 'kin iyong mismong araw kung kailan ako nagkaro'n ng ACL tear injury.

Nag-dropball iyong spiker ng kalaban at kitang-kita ko kung paano nauna iyong tuhod ng libero namin na si Kuya Mikey sa sahig. Nagsigawan ang mga tao. Sobrang bilis ng mga pangyayari na nakita na lang namin siya na sumisigaw na sa sakit.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napapikit.

Shit... parang naramdaman ko ulit iyong tuhod ko na sumasakit.

"H'wag mo na tignan, Kai," sabi ni Jerome na nakatayo na pala sa harapan ko.

Pumito ang referee. Nahinto sandali ang game habang pinapalibutan na ng mga medic si Kuya Mikey. Sinakay siya sa stretcher at bumalik ulit iyong takot ko nang marinig iyong iyak niya habang nilalabas sa venue.

Titig na titig ako ro'n at napatalon ako sa gulat nang bigla akong tapikin ni coach.

"Kai," sabi niya saka ako tinanguan.

No'ng una ay hindi ko pa na-gets kung ano iyong sinasabi ni coach. Pero umawang na lang ang labi ko nang ma-realize na pinapapasok niya ako sa court.

Kumabog ang dibdib ko. Nagkatinginan kami ni number eleven na tumango na rin sa 'kin. Nilingon ko rin sina Jerome at ang iba pa naming teammates. Ngumiti silang lahat sa 'kin.

Shit... nawala na sa isip ko na ako nga pala iyong backup libero namin!

Wala sa sarili kong hinubad ang jacket ko. Kinuha iyon ni Jerome sa 'kin saka ako dahan-dahan na naglakad papasok sa court. Nagkatinginan ulit kami ni number eleven na binibigyan na ako ngayon ng tingin na nagsasabing "Kaya mo iyan, Kai."

Pero sa totoo lang, nagsisimula na akong mag-overthink. What if hindi ko kaya? What if ako ang magpatalo sa team? What if puro ako misreceives? What if... ma-injure ulit ako?

"Baby," marahan na tawag sa 'kin ni number eleven no'ng salubungin niya ako. Hinawakan niya ako sa magkabila kong siko saka siya yumuko para magpantay ang mga mata naming dalawa. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

"H-Ha?" Napakurap ako. "Uhm, o-oo. Okay ako."

"Are you sure? You look pale."

Kinagat ko ang labi ko para mamula ulit iyon. "Kinakabahan lang pero okay lang ako. Okay ako," sinamahan ko pa iyon ng tango.

Ilang segundo pa niya akong tinitigan. Mukhang pati yata si number eleven ay kinakabahan na rin. Alam niya kasing may trauma na ako sa mga injury na iyan. Kaya ang ginawa ko ay tinapik ko siya sa balikat at saka ngumiti ulit para bumalik na sa game ang isip niya.

"Okay ako. Kaya ko 'to."

"You got this, okay?"

Tumango ulit ako saka huminga nang malalim.

Nilapitan din ako ng iba naming teammates. Gaya ni number eleven ay binigyan din nila ako ng encouraging words. Nagpasalamat ako sa kanila saka na kami pumwesto sa court. Pumito ulit ang referee hudyat ng pagre-resume ng game. Kasabay din no'n ay ang malakas na cheer ng mga supporters namin at nina Jerome.

Kaya ko 'to.

Kaya mo 'to, Kai-

"Shit!" Sigaw ko no'ng mag-serve ang Vietnam tapos service ace sa 'kin.

Nakanganga ako habang pinapanood ang bola na tumalsik papuntang audience. Nag-cheer ang supporters ng kalaban tapos ay nilingon ako nila number eleven.

Badtrip, ito na nga ba iyong sinasabi ko, e! Kaka-overthink ko, nag-misreceive agad ako! Nakakahiya! Gusto ko na lang magpalamon sa taraflex! Kapag natalo kami rito, ako ang may kasalanan!

"Bawi, Kai," sabi ni Kuya Paolo, iyong setter at team captain namin, no'ng mag-huddle kami sa gitna.

Nag-timeout si coach. Tiningala ko ang score board at nakitang lamang na ang Vietnam. 13-12. Isa lang naman iyon pero pakiramdam ko, match point na agad sila. Gusto ko na lang maiyak talaga.

"Kai, okay ka lang ba?" Tanong agad ni coach paglapit namin sa kaniya.

Hindi agad ako nakasagot. Naramdaman ko na lang na may kamay na nakapatong sa ulo ko at nang lingunin iyon ay nakita ko si number eleven na nakangiti sa 'kin sabay gulo sa buhok ko.

"Kalimutan na natin iyon ha? Focus ulit tayo. Ilaban natin 'to para kay Mikey, okay?"

"Yes, coach!"

"Kai, pasa tayo ha? Alam kong kaya mo iyan!"

"Yes, coach," sagot ko saka huminga nang malalim.

Gano'n din ang ginawa ng iba kong teammates. Isa-isa nilang pabirong ginulo ang buhok ko kaya kahit paano ay medyo nawala iyong kaba sa dibdib ko.

"Philippines!" Sigaw namin habang magkakapatong ang mga kamay sa gitna no'ng matapos ang timeout.

Bumalik kami sa court na nando'n pa rin iyong pressure sa dibdib ko pero this time ay alam ko nang kaya kong labanan iyon. Tama si number eleven. Tama sina coach at ang mga teammates ko. Kaya ko 'to. Kailangan kong mag-step up. Para sa teammate kong na-injure. Para sa Pilipinas. At syempre, para na rin sa sarili ko.

Isang misreceive pa lang iyon at hindi na makakaulit ang kalaban sa 'kin. Siguro, mamaya na lang ulit ako kakabahan kapag tapos na talaga iyong game... kapag naipanalo na namin.

"Baby," tawag sa 'kin ni number eleven.

Nilingon ko siya. "Yes?"

"I love you," malambing na sabi niya.

Oo nga naman. Bakit ba ako kakabahan at mape-pressure, e, kasama ko nga pala ngayon sa iisang side ng court si number eleven?

Ngumiti ako sa kaniya. "I love you."

Nakita kong namula ang mga tenga niya. Nakuha pa talaga niyang magpakilig at kiligin sa gitna ng game.

Pumito ang referee. Nag-jump serve agad ang kalaban pero hindi tulad kanina ay halos hindi na gumalaw iyong setter namin sa receive ko.

Malaki ang ngiti ko lalo na nang makita kong nasa ere na agad si number eleven at mabilis na hinampas ang bola. At iyon na nga ang naging kwento ng buong game namin. Sobrang satisfying at saya sa pakiramdam na natutupad na iyong isa sa mga pangarap ko lang dati.

Ako na re-receive ng bola na papaluin ni number eleven.

"Nice pass, baby," sabi niya sa 'kin pagkatapos niyang tapusin ang game with a booming spike.

"Nice attack, number eleven," sagot ko sa gitna ng celebration ng buong team.

Continuar a ler

Também vai Gostar

251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
1.9M 37.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
795K 27K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...