THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)

By Zelien03

3.3K 167 97

" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ... More

AUTHOR NOTE!
PROLOGUE
INTRO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
AUTHOR NOTE!
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
AUTHOR NOTE
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
A/N

CHAPTER 31

27 1 2
By Zelien03

Naghahanda na Ang lahat para sa laro. Halos lahat Ng manonood ay pawang Hindi magkamayaw sa si sinusuportahan nitong team. May sumisigaw sa team Ng Miyaka at Meron ding sumisigaw sa team Ng Shohoku.

Unang tinawag Ang team Ng Miyaka at pinakilala Ang starting five nito.

" From Kanagawa Miyaka High school! Starting five! Team Captain jersey number 4 Hiruki Yesure." Wika Nang announcer, matapos ay patakbong pumunta sa gitna Ang team Captain Ng Miyaka. Pasimple pa itong naki apir sa mga ka teammates nito. Bahagya pa itong napatingin sa direksiyon kung asan Ang team Ng shohoku habang ngumunguya Ng bubble gum.

[ Hiruki! ]

[ GO! MIYAKA! ]

[ Yesure galingan mo! ]

[ Pang Lima Sila Nung nakaraan, samantalang pangalawa Ang team Ng Shohoku sa Kainan. ]

[ Malabo nilang matalo Ang shohoku! ]

[ Anong malabo? Chamba lang Ang panalo Ng Shohoku nun.]

Wika pa Ng mga manonood, lingid sa kaalaman Ng mga ito ay nadinig iyon ni hanamitchi kaya Naman Hindi maiwasang maasar at mainis ito. Imbis na tumahimik ay tumayo pa ito at pangunggong na binalingan Ang kung sino man Ang nagsalita nun.

" HOY SHOKOY! Anong Chamba lang? Gusto mo bang makatikim ha?! " Hindi napigilang wika ni hanamitchi Nang hilain Siya ayako kaagad. Nakaduro pa Siya habang sinasabi Yun. Gulat at takot Naman Ang bumalatay sa lalaki Ng duruin Siya ni Hanamitchi.

" Bitawan mo ko ayako! Mukha atang gusto niyan makatikim! " -sakuragi

" Manahimik kana nga riyan Hanamitchi Sakuragi." Pagbawal Namang Saad ni ayako sakaniya... nag Buntong hininga nalamang si Rukawa habang nakaupo at tila nakatingin sa direksiyon ni hanamitchi.

" Anong hinuhumhum mo diyan Rukawa! " Asar pang Saad ni hanamitchi rito, itinaas lamang ni Rukawa Ang dalawang kamay na para bang Nang aasar lang. Nabawi Rin Naman kaagad Ang atensiyon ni hanamitchi Nang tawagin na Ang sunod na player Ng Miyaka.

" Wearing Jersey number 6 Imashi kuyushima! " Nagbulungan ulit Ang lahat Nang tawagin ito. Sunod na tinawag ay Ang center nila na Si Negil ketsuya, sunod ay si Val Gaiwa at Ang pang huli.

" Wearing Jersey number 8 Ikuyuchi Azuo." Anas pa Ng nagsasalita. Halos dumagundong Ang usapan tungkol sa manlalarong ito. Panghuling sinambit Ang pangalan Ng coach nila. Si Coach Mo yushima.

" Siguro Siya nga talaga Ace Ng team nila... Pero para sakin mas nakakakilabot pa Ang Isang Yun." Turan ni Miyagi na Ang tinutukoy ay Ang team Captain na si Yesure.

" Sinabi mo pa... Palagay ko mas magaling Rin sakaniya Ang Isang Yun." Ito Naman Ang pasagot na tugon ni Mitsui habang nginunguso Ang tinutukoy nitong si Kuyushima.

" Siguro Naman magaling Siya, Siya Ang ace player diba? " Ngiwing pagsingit Naman ni Kogure sa usapan Ng dalawa... Hindi paman subalit naghiyawan na Ang mga manonood Ng bigkasin Ang team Ng shohoku.

" Grabe, Ibang-iba na talaga Ang shohoku... Pakiramdam ko nakakatakot na Silang kalaban Coach." Anas pa ni ikoichi na sige parin sa pag Hila sa damit ng Coach nila. Natigil lamang ito Ng hampasin ni coach Taoka Ang kamay nito dahilan Ng pagbitiw nito sakaniya.

" Pede be wag ka ngang maingay." Saway pa nito sa binata, halos tuon na tuon lamang Ang tingin ni sendoh sa panonood ganun din Ang iba. Wiling-wili Siya sa Rami Ng sumisigaw sa team Ng Shohoku.

" Mukhang wiling-wili ka sakanila sendoh." Ang pasambit Namang Turan Ng kung sino, bahagyang napalingon si sendoh sa gawi nito. Pamilyar Kasi Ang boses nito kaya kaagad siyang napalingat.

" Fukuda! " Anas ni ikoichi rito.

" Ikaw Pala, shempre.... Mapapanood ko nanaman. Yung dalawang rookie dati." Nakangising wika ni sendoh. Alam na ni Fukuda Ang tinutukoy nito. Yun ay Sina Kaede Rukawa at si hanamitchi Sakuragi, Ang dalawang manlalarong paborito nito magmula paman noon. Hindi malaman ni Fukuda kung San Nang gagaling Ang pagkaasar niya satuwing nababanggit Ang pangalan Nang dalawang manlalarong yan. Naiinis Siya sa isiping Ang dalawang player Ng shohoku na Sina Hanamitchi at Rukawa ay Ang paboritong player ni sendoh.

" From Kanagawa, Shohoku high school! Wearing Jersey number 4 team Captain Takenori Akagi! " Isang malakas na sigawan Ang dumagundong sa loob Ng arena, kilalang-kilala nga talaga si Akagi sa kahit Anong larangan. Ang magaling na center sa Kanagawa na kahit kelan ay Hindi nakatagamtam Ng kampyeonato sa buong Buhay nito.

" Aba si Gori! " Sigaw nila Mito Mula sa Taas... Kasama pa Ng mga ito si haruko at Ang dalawa pa nitong kaibigan.

" Sikat ata si Gori Ngayon? Kailangan niyo talagang sumigaw at baka magwala Yan, mahal panaman Ang saging pang patigil diyan." Nakangising Turan pa ni hanamitchi na pansamantang nakaupo na Ngayon at Nasa magandang mood na. Subalit, Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Akagi kaya namuo Ang ugat nito sa noo dahil sa pagkaasar. Ganun din Kay Suwahara na may hawak na board.

" Para saan Naman Ang saging ha Sakuragi?" Ang Tanong nito sa binata... Bahagya pa itong napahagikhik dahil sa katarantaduhang naisip. Saka lumapit sa kinaroroonan ni Mith Saka mahinang bumulong.

" Atin lang to all-star, bigyan mo lang Ng saging yang si Gori tiyak na gagaling Yan." Pabulong na Saad nito, Hindi namalayan ni Mith na napatawa Siya sa kagunggungan nito kung kayat tinapik nalamang Niya ito sa balikat.

Sunod Naman na tinawag ay ang 3 point shooter Ng shohoku na Si hisashi Mitsui.

" Wearing Jersey number 14 Hisashi Mitsui!" Wika pa nito.

[ Mitchi boy!!!! ]

[ Mitsui! ]

[ Galingan mo! ]

[ Ikaw parin Ang 3 point shooter Ng barkada Mitchi Boy! ]

Sigaw nila outa, maging si tetsuo ay napasigaw narin... Bahagya pang napa busangot si Mitsui sa pangalang tinawag Ng mga ito sakaniya.

' nagkakasakit talaga Ako satuwing naririnig ko Ang mga ungas na ito.'

Aniya sakaniyang isipan. Sunod na tinawag ay si Ryota Miyagi.

" Shohoku high wearing Jersey number 7 Ryota Miyagi! " -announcer

[ Aba! Si Miyagi! ]

[ Idol na idol kita Miyagi! ]

[ Yung parang kidlat na point guard Ng shohoku! Galingan mo! ]

Hindi nakalagpas sa pandinig ni Imashi Ang salitang Yun. Kaya dumerekta Ang tingin nito Kay Miyagi.

" Parang kidlat Pala ha." Nakangising saad nito sa sarili.

" Galingan mo, Balita ko best point guard daw Yan. " Pangangatyaw pa ni Yesure rito... Imbis na maasar ay tumawa lamang Si imashi na para bang pleasure sakaniyang makatapat Ang point guard Ng Shohoku. Sunod na tinawag ay Ang vice captain Ng team si Kogure... At Ang pamalit Kay Rukawa na Si Kakuta.

" Head Coach, Mith Suwahara! " -announcer

" Wahhhhhh! Coach Ng shohoku si Mith Suwahara? Bago Yun prehhhh! " Bulalas ni Kyota.

" Baket Siya Ang coach? Andito Naman si coach Anzai? " Ito Naman Ang patanong na Saad ni Jin.

" Walang nakakaalam sa tinatakbo Ng shohoku... " Ito Naman Ang pasambit na wika Ng coach nila. Ang coach Ng Kainan.

' Kung dati ay tinaguriang white hair demon ang napunta sa Shohoku para maging coach, Ngayon Naman Isang Legend sa basketball Ang gumagabay sakanila. Isang white hair Buddha at Isang legend.... Pambihirang kombinasyon.'

Wika pa nito sakaniyang isipan habang pinagmamasdan Ang bench Ng shohoku, magkatabi roon Sina Suwahara at Anzai habang tila may pinag-uusapan.

" Baket? " Ito Naman Ang natural na wika ni sendoh Ng Hindi starting Ang dalawang player na hinihintay Niya.

" Teka? Baket Hindi kasali sa starting five Sina Rukawa at Sakuragi? " Malakas na Saad ni ikoichi. Takang-taka pa ito habang pinagmamasdan Ang dalawang player Nang shohoku. Nakaupo Ang mga ito sa Ngayon.

" Baket ngaba Hindi ko napansin, kanina pa nakasuot Ng jacket Sina Rukawa at Sakuragi, habang Yung iba naka suot na Ng jersey uniform. " Wika pa ni ikoichi sa sarili... Mahigpit pa nitong hinahawakan Ang telescope nito na kanina Niya pang dala.

" Hindi starting si Rukawa." Ang wika pa ni Maki habang na sa dalawa rin Ang tingin.

" Kung Ang ungas na Si Sakuragi Hindi Nako magtataka, pero kung si Rukawa? Bago Yun prehhh."  Anas narin ni Kyota.

" Masiyado ba nilang minamaliit Ang Miyaka kaya Hindi nila pinaglaro si Rukawa? " Ang pasambit na Tanong ni Coach Taoka. Nang may magsalita Mula sa likuran nila.

" Sapalagay ko Hindi ganun, nagsuntukan kasi Ang dalawang Yan kaya Siguro Hindi pinaglaro."

" Captain Ouzumi! " Anas ni ikoichi rito... Umupo pa ito sapagitan Nina sendoh at Fukuda.

" Nagsuntukan? " Kunot-noong Tanong ni Sendoh sakaniya, Saka sabay baling sa kinaroroonan Nina hanamitchi. Makikita Ang mga nakalagay na band aid sa pagmumukha Ng mga ito. Halatang kagagaling nga lang sa suntukan. Bahagya pang napailing si sendoh Saka itinuon Ang atensiyon sa mga maglalaro. Pagkasabing Yun ni sendoh ay tumango si Ouzumi bilang pag sang ayon. Nakita Kasi nito Ang dalawang Yan kanina habang nagsusuntukan, nakasakay Siya sa tren nun kaya Naman Hindi na Niya Nakita pa Ang sunod na pangyayare.

[ Baket Hindi starting five si Rukawa? ]

[ Hindi maglalaro Ang number 11 Ng Shohoku, Siya panaman Ang ipinunta ko rito.]

[ Sayang, Hindi starting five Ang may pulang buhok. ]

[ Balak ko pamandin sanang mag cheer sakaniya.]

[ Baket Wala Yung number 11? ]

Komento Ng marami, marahil ay nagtataka Siguro Ang mga ito dahil sa Hindi kasali sa starting five Ang dalawang manlalaro Ng Shohoku. Nakakapagtaka nga Namang Hindi kasali Ang ace player nilang si Kaede Rukawa sa limang maglalaro.

' baket Siya lang Ang pinag-uusapan? Namumuro na talaga tong mayabang nato sakin? Tong mga panget Naman, kung pag-usapan Naman tong si yabang wagas... Eh mas magaling Naman Ako riyan.'

Ito Ang painis na wika ni hanamitchi sa sarili, Hindi Niya napigilang Hindi mainis satuwing pinag-uusapan Ng karamihan Ang pangalan ni Rukawa. Para siyang sinasampal Ng Isang daang beses kapag naririnig Niya iyon. Yun Ang pakiramdam Niya.

" Hanamitchi! Wala paring bago! Bangko ka parin! " Tawang pangangatyaw nila Takamiya sakaniya. Asar Niya iyong binalingan.

" Bangko ba kamo? Baka si hanamitchi Sakuragi yern? " Ang pangangasar pa ni Mito na sinabayan pa Ng malakas na tawanan Ng mga ito. Dagdag pa sa inis ni hanamitchi ay dahil naroroon pa si haruko at nakatingin sakaniya.

' nakakahiya talaga Ang mga unggoy nato, nangasar pa habang nandiyan si haruko mga Bwisit.'

Aniya sakaniyang isipan, habang matalim na binalingan Ang apat niyang kaibigan.

" Hanamitchi! Kunin mo nalang Yung parcel ko sa Bahay! Nang Hindi ka mabangko riyan! " Ito pa Ang pahabol na sigaw ni Oukuso sakaniya.

" MANAHIMIK NGA KAYO DIYAN MGA UNGGOY! " ito Naman Ang asar niyang Saad sa mga ito, ngunit imbis na tumigil ay tumawa lamang Ang mga ito Ng malakas na para bang nang-aasar pa.

Sisigaw pasana si hanamitchi Nang biglang pumito Ang referee, simbolo na magsisimula na.

" Alam Kong kinakabahan kayo, alam ko Yan dahil Minsan ko narin yang naranasan noon. Tandaan niyo, kayo Ang pumangalawa sa Kainan at pumasok sa Interhigh, baket kayo Ang nakapasok at Hindi Sila? Lagi niyo yang Itanong sa mga sarili niyo. Na Ngayon sasagutin ko. Nakapasok kayo dahil magaling kayo, kaya Naman panghawakan niyo Yun. Makinig kayong mabuti sakin, Wala kayong ibang iisipin kundi Ang manalo. Manalo Ng manalo, Yun lang. " Panimula ni Suwahara sakanila. Isa-isa pa nitong tinapik Ang bawat balikat Ng manlalaro Niya. Saka isa-isang binulungan.

Bago pumunta sa court ay tinawag pa niya Ang pangalan ni Akagi.

" Akagi! Maaasahan ba kita? " -ani Suwahara na siyang itinango lamang ni Akagi... Gaya Ng iba ay tinanguan Rin Niya Sina Kogure, Miyagi, kakuta, at Mitsui.
















































" SHOHOKU! FIGHT! " Sigaw Ng lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

328K 9.8K 105
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
670K 33.8K 61
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...
963K 22K 49
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1.3M 58.9K 105
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC