Colliding Stars

By liveaches

5.6K 284 471

In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineeri... More

colliding stars
soundtrack
prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen

chapter five

184 15 26
By liveaches

━━━━━━━━━━

CHAPTER FIVE

"Galing namin, 'di ba?" malakas na sabi ni Adrian habang naglalakad palapit sa 'min. His both arms are in the air in an arrogant way. May padila-dila pa ang gago.

Yabang, ah... porket ang dami nilang fans. Kumakapal mukha ni gago. Sarap sapakin nito, oh my God...

Sa likod ni Adrian ay ang mga ka-member niya sa banda na sina Akira, Leon, AK at dalawa pang 'di ko kilala. As far as I can remember, Adrian told me their names. Hindi ko lang maalala kung ano mga pangalan nila. Ang alam ko lang ay ang isa sa kanila ay IT student at 'yung isa naman ay galing sa CHTM.

Nang huminto sila sa harap namin, mula sa gilid ng mata ko, nakita ko na nagulat ang mga katabi naming fans nila. At syempre, nginitian ni Adrian ang mga ito. Nagsitilian naman sila. Lakas talaga ng tama ng lalaking 'to.

"Ano? Ayos ba performance namin?" tanong ni Adrian sa 'min. Sumandal pa siya sa barricade. Nagpapa-pogi pa si kuya. Batukan ko 'to.

"Oo, Adrian! Fan na fan n'yo po ako! Lalo na ikaw!" singgit ng isa naming katabi. Nagulat naman ako dahil muntik na niya akong masanga. Tangina nito, kanina pa 'to. Katatalon niyo kanina, nababangga na ako. Hindi man lang nagso-sorry.

"Wow, I'm so glad that you love our performance," Adrian said with a sweet smile on his face.

Kinilig naman ang babaeng nasa gilid ko.

Although, 'di ko gusto 'yung mga interactions namin, I am glad that they appreciate their talents. I am glad na AK and his friends are getting recognition that they deserve. Because ever since we were in high school, iyon na ang gusto ko para sa kanila.

Deserve nilang ma-recognize ng mga tao ang talents nila. They belonged there, in the sky – among the stars. They have to shine bright.

Kahit na hindi maganda ang past namin ni AK, I still wish the best for him. I hope that his dreams come true. Kahit ano pa ang napagdaanan naming dalawa, I will still watch him from afar, watching him strive for what he wants to do. I will still root for him. I will still support him.

Kung anuman ang inaasam niya ngayon, sana makuha niya 'yon kasi I want him to be happy.

Even though we had a painful ending, I still want him to be happy and find peace. That's the only thing I could hope for.

Iyon naman ang sinabi niya sa 'kin noon – the day we ended whatever the hell is between us. He promised me that day that he will still strive for what he wants, to look for what he truly wants in his life, kahit na hindi na niya ako kasama. Pipilitin pa rin niyang tuparin ang mga pangarap niya kahit na wala na ako sa tabi niya.

He promised me that even though it would probably be hard, kakayanin pa rin niya.

I promised the same thing. Kahit na masakit at mahirap, I will still make my dreams into a reality. Hindi raw siya papayag na hindi niya ako makikita sa TV na nagbabalita.

After that "closure", 'di na kami nag-usap pa. Kahit noong graduation, ni 'congrats', wala.

It was probably the best. Mas mabuti na 'yon because I feel like at the end of our so-called relationship,we are just hurting ourselves. I don't want to hold on to something that never existed in the first place.

I just feel like I'm trying to reach for something that's not even there.

That's how we closed our book kasi tapos na ang kwento naming dalawa. I don't want to stand at the end of our story that never began.

It's the end for us.

After that, umalis na siya sa buhay ko. Walang paramdam.

I don't want to go back and open it again just because he came back into the scene again.

Bumalik ako sa realidad nang kausapin ako ng fan nila. "Ate, pwede n'yo po ba kaming picturan?" tanong sa 'kin ng fan nila.

Tingnan mo 'to, pagkatapos akong banggain kanina, magpapa-picture. Pambihira nga naman oh...

Of course, para hindi ako magmukhang rude, um-oo na lang ako. Narinig ko ang bungis-ngis na tawa ni Tori. Inirapan ko na lang siya.

Kanina ko pa kasi sinasabi sa kanya na binubungo ako ng mga katabi namin. Kahit na malapit si Tori at Alex sa kanila, parang ako lang ang tinatarget niya. Sinabi niya sa 'kin na baka daw intentionally 'yon kasi close kami ni Adrian and fan sila.

Edi tangina na lang, lakas ng trip nila. Sa kanila na si Adrian! Hindi ko naman gusto 'yung tao.

Friends lang po kami, mga ate. You're barking at the wrong tree...

"Hindi ba masyadong maingay dito?" tanong ni Adrian sa kanilang dalawa at agaran naman silang tumango.

Pumunta kami – kasama na sila Alex at Tori sa may gilid kung saan tahimik pero maliwanag pa rin.

Inabot ng isa sa kanila ang phone nila at kinuha ko naman 'yon. Nakabukas na ang camera app nang makuha ko ito.

Tumayo si Adrian sa may gilid at tumabi naman silang dalawa.

Ngayon ko lang nakita ang lanyard na suot nila. Tiga-CAL din pala 'to. Galing pa talaga sa college department namin. They're both broadcasting students. Buti na lang hindi ko suot ang ID lanyard ko. Hindi nila malalaman na journalism student ako.

Ngayon ko lang din napansin na 'yung isa sa kanila ay kulay red ang buhok at nakasuot ng college shirt namin. Ang isa naman sa kanila ng nakasuot ng stripes na dress.

Inayos ko naman ang phone nila at tinutok ko ito sa kanila. Pipindutin ko na sana ang capture button pero biglang nagsalita ang isa sa kanila.

"Ay ate, magpapa-picture po kami sa kanila, isa-isa... okay lang po ba?" tanong sa 'kin ng naka-dress.

Ay, wow... nag-request pa s'ya. Ate, may atraso ka pa sa 'kin, ha... Joke lang.

Narinig ko na naman na tumatawa si Tori. Sikmuraan ko ulit kaya 'to. Buti pa si Alex, tahimik lang na nagse-cellphone sa tabi ko.

Wala naman akong magagawa, ang rude naman kapag humindi ako kaya tumango na lang ako. "Sige," sambit ko. Wala naman akong choice.

Bumalik sila sa pose nila at inayos ko ulit ang angulo ng camera at tinadtad ko ang capture button para maramihan na ang pictures nila.

Pinakita ko ito sa kanila at napa-ngiti naman silang dalawa.

Syempre, baka isa 'tong photojournalist since elementary. Talagang maganda kuha ko ng mga pictures kahit na hindi ko gusto si ate.

Sunod silang pumunta sa keyboardist ng banda I do not remember his name pero may naririnig ako kay Leon na unfamiliar name – Marco and Gian pero 'di ko pa rin alam kung ano ang name n'ya doon.

"Oh my, God... ang pogi mo po, Gian!" sabi ng red-haired.

Oh, so his name is Gian then 'yung isang mukhang soft boy ang buhok ay si Marco.

Napakamot naman sa ulo si Gian as he laughs nervously. Napansin ko na may tattoo siya sa may lower arm niya. It looks like a tattoo of barbed wire wrapped around his lower arm.

Wow, that's cool. Gusto ko rin ng tattoo.

Red-haired's right tho, Gian looks like your typical bad boy na sobrang charismatic. Siya 'yung tipong alam mong sisira ng puso mo. Mukha s'yang antisocial na lalaki na makikita mo sa tabi-tabi na nagyo-yosi. With his slight mullet haircut and his very expressive eyes, alam mo talagang sasaktan ka nito pero hindi ko naman masasabi talaga, baka naman hindi gano'n personality niya.

Pinicturan ko na silang tatlo at muli, ito ay pinakita ko sa kanila. Kinilig naman silang dalawa ulit.

Habang nagpe-perform ang iba pang mga banda, pinipicturan ko lang sila.

Sunod silang nagpa-picture kay Akira. Napatingin na lang ako kay Tori. Nag-uusap lang sila ni Alex.

I am still curious kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa and how they met. Wala namang naikwento si Tori sa 'kin about Akira.

But I remember na sumama siya sa isang group blind date noong first year.

Then for a few weeks, tutok na tutok sa cellphone niya. Napapa-ngiti pa mag-isa. Sabi niya sa 'kin na nakilala daw niya doon sa group blind date.

After those few weeks, wala na. Bigla na lang siyang naging malungkot—no, she looks mad. Hindi na napapa-ngiti si Tori. Nanlulumo, hindi ko alam kung ano na nangyari.

Ilang araw ding galit sa mundo si Tori noon.

Based on her reaction, I assume that guy is Akira.

Hay nako, Akira... ano ba ginawa mo't nagka-ganoon ang isang Victoria Kaia Trinidad?

Alam mo bang isa 'yang strong and independent woman ta's gaganunin mo lang s'ya?

Iba ka talaga, Akira!

After I took a picture of them with Akira, Leon and Marco respectively, it's AK's turn.

"Sobrang pogi n'yo po! Crush na crush ko po kayo since battle of the bands noong foundation week!" narinig ko sabi ng naka-dress.

Naka-ngiti lang si AK sa kanilang dalawa. "Thank you po..." he replied.

Ganyan din ako noon, e. Kung ako sa'yo, ate, tatakbo na ako palayo kay AK. Kahit sobrang pogi niyan, delikado 'yan. Ako na nagsasabi sa'yo, speaking from experience pa.

"Ready na po?" tanong ko sa kanila na medyo may pagka-inip sa tono ko. Napatingin naman silang tatlo sa kin.

Hindi ba nila alam na naabala ako dito? Nagpunta ako dito para mag-enjoy, hindi para maging photographer nila...

Matatapos na rin ang bandang nagpe-perform after ng Streakers. Hindi pa rin kami matapos-tapos dito sa pagpi-picture sa kanila.

Jusko.

Umayos na silang tatlo. Nag-peace sign si AK at ngumiti awkwardly.

I used to love his genuine smile. 'Yung ngiti niya na napapapikit siya, 'yung ngiti niya na makikita yung upper teeth niya. I used to love that.

Kapag ngumi-ngiti siya sa akin no'n, hindi lang butterflies ang meron sa tiyan ko, buong zoo pa.

Pinagpawisan na naman ang mga kamay ko.

Inayos ko na ang angulo ng picture nila para madali na kami sa pictorial na 'to. Mula sa screen, nakita ko na nakatingin sa 'kin si AK. Maybe that's just me being assuming.

Syempre, titingin talaga siya sa akin, ako ang nagpi-picture... hawak ko camera kaya sa akin talaga titingin 'yan.

Tinadtad ko ulit ang capture button para matapos na ako dito. Medyo nagugutom na ako. Para na rin hindi ko na ulit makita si AK.

After pa ng ilang pindot, pinakita ko ulit ang pictures nila sa kanilang dalawa. Nag-thumbs up lang sila sa akin. Binigay ko ang phone nila sa kanila at nag-thank you sila kila AK.

Kila AK lang? Wow, how rude... 'di man lang nag-thank you sa "photographer".

Habang naglalakad sila paalis, tinitingnan pa nila ang mga picture nila with the band. Kinikilig pa sila.

Bago pa man silang dalawa maka-alis, nagsalita si AK. "Hey, I think you're forgetting something..."

Natigil naman silang dalawa. Napatigil din silang kiligin at napatingin kay AK, mukha pa silang confused.

"Ano po 'yon?" tanong ng red-haired sa kanila, genuinely confused.

"You forgot to thank her," AK pointed at me.

Alam ko naman na rude ang pakikitungo nila sa 'kin but he doesn't have to point it out to them. He doesn't have to defend me.

It's not really a big deal for me. Makakalimutan ko rin naman 'yun eventually. At kapag naalala ko 'yon, I will just laugh it out.

Oh my God...

"Naabala na nga natin siya ta's hindi man lang kayo magte-thank you sa kanya," he calmly stated.

"Wait, AK..." sambit ko sa kanya.

Humarap ako sa dalawang broadcasting students. "It's okay, hindi na kailangan. Okay lang." sabi ko sa kanila with a genuine smile.

"No, Frans, it's not okay." sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko gusto kung paano niya ako tingnan so I wandered my eyes everywhere but him.

"Plus, nakita ko kayo kanina na binubungo siya noong nagpe-perform kami. I don't know if that's intentional or what but from the looks of it, mukhang intensyonal talaga 'yon. She's our friend, don't be rude to them." he added.

Doon ako napatingin sa kanya. I did not know na napapansin niya sa ako mula sa audience.

Binaling ko naman ang tingin ko sa dalawang fan nila. Tahimik lang sila.

"If you proclaim yourself as our fans, please do not be rude o maging pisikal sa mga tao." he reprimanded them. Napayuko lang silang dalawa.

Alam ko na hindi maganda ang ginawa nila sa 'kin pero naaawa na ako para sa kanila. Buti na lang wala kami sa maraming tao, buti kami-kami lang nandito. Kasi it would be totally embarrassing for them kapag napapalibutan kami ng tao.

I pity them so I have to stop AK.

Hinawakan ko ang braso niya at naramdaman ko naman na naging tense siya.

Mas lalo ko pa siyang nilapitan. "AK, it's alright." I softly told him.

"Hindi mo na 'to kailangan gawin. It's not really a big deal 'saka hindi naman ako nasaktan. Wala naman akong sugat o gasgas kaya okay lang..." mahina kong pagpapaliwanag sa kanya to the point na pabulong na siya.

Napatigil na lang ako nang ma-realize ko na ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Napatitig ako nang saglit sa mga mata niya.

Ang ganda talaga ng mata ni AK. His dark brown almond eyes are so gorgeous. It's so deep and mysterious na para bang gusto kong malulunod. His eyes are so rich, so pure. It is just so pretty to the point that I don't have the right words to describe it.

I remember that I used to love looking at his eyes. I guess, it's true that old habits die hard. Hanggang ngayon, I still like his pretty dark brown eyes.

Naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Namula na lang ang aking pisngi at nakita ko na nakatingin siya sa akin. I diverted my eyes to the people around us. Pinapanood lang nila kami. Napatingin ako kay Tori. She got her hand covering her mouth habang si Alex naman ay naka-taas ang kilay. Nasagi ng mga mata ko si Adrian at Leon na naka-ngisi.

Nakatingin lang din sa 'min ang iba naming kasama.

Oh my God.

Isang napakalutong na putangina ang kailangan kong sabihin.

Lumayo ako sa kay AK.

I cleared my throat. "So, ano, uh..." I stuttered, still traumatized sa nangyari.

"Uh, sorry but I still think that you both have to apologize to her. What you did is rude and incorrect so..." madiin na sabi ni AK.

Napatingin naman ako sa dalawa na tahimik lang at nakayuko.

"I'm sorry if I sound rude or what but I had to call you out on this one, I won't tolerate that kind of behavior." he explained.

"I agree." singgit ni Adrian. "She's our friend, and being rude to her is being rude to us,"

Napabuntong-hininga naman ako.

I mean they're right naman but I'm slowly feeling bad for them. Ikaw ba naman, pagsabihan ka ng mga "idols" mo, hindi ka mahihiya.

"Ano po..." mahinang sabi ni red-haired girly.

"Ate, sorry po." sabi nilang dalawa pero hindi pa rin sila makatingin sa akin ng diresto.

"Nainggit lang po kami sa'yo kasi mukha pong close kayo sa kanila. Sorry po talaga..." the red-haired girly explained.

Tiningnan ko silang dalawa. Napakamot na lang ako ng ulo ko.

I sighed inwardly. "It's okay, 'wag niyo na lang sana gawain sa iba 'yun plus we're just friends, nothing more. Dati lang kaming magkaklase noong high school..."

I gave them a genuine smile.

"Sorry po talaga..." sabi nila. Hanggang ngayon nakayuko pa rin sila.

I'm glad naman na guilty sila sa ginawa nila and they look like they're genuinely sorry for what they did. And ayaw ko na gawain pa 'tong big deal.

I really feel bad for them, but it's nice to see that they got called out for what they did.

I just hope na hindi na ulit nila 'yon gawain.

After they apologized, umalis na silang dalawa.

Tahimik lang kaming lahat.

Napatingin ako kay AK na nasa tabi ko. He's just looking at me.

"Bastos no'n, ha..." narinig kong sabi ni Tori. Mukhang nainis din siya.

"Buti na lang kinall-out ni—wait, ano ulit name mo?" Tori questioned AK while pointing at him.

"AK." AK answered.

"Buti na lang talaga at kinall-out nitong si AK, kundi ako makakalaban nila!" she commented.

"Oo na, oo na. Ikalma mo sarili mo," sambit ni Alex kay Tori.

Lumapit sa akin si Adrian. "Ano 'yun? Ba't ganon tinginan niyo ni AK?" he teased him.

Isa rin itong gago e.

"Ano ba 'yan, ba't naman kailangan pang maglandian sa harap naming lahat? Alam namin naman na dati kayong mag-MU pero chill, sister." bulong niya sa 'kin.

Sinuntok ko si Adrian sa braso at napa-aray naman siya.

"Che! Tangina ka,"

Tumawa lang siya. Nakakainis talaga si Adrian. Siguro, he gets a sense of fulfillment kapag iniinis niya ako kay AK.

"Frans," tawag sa 'kin ni Tori na para bang ilang kilometro ang layo namin. Sinisigaw pa pangalan ko, halos magkatabi lang naman kami. OA talaga nito.

"Tara daw! Kain daw tayo... libre ni Alex." yaya ako ni Tori.

"Ganda mo naman," Alex commented. "Pero sige, kain tayo... hindi ko libre, ha..."

"Sige lang."

"Ano, Adrian..." pagtawag ko sa kanya. "Una na kami, kain lang kami d'yan sa food park." paalam ko sa kanilang anim.

"Oh, go lang! Kain well kayo." sabi niya.

"Wait, Frans..."

Aalis na dapat kami pero narinig ko na tinawag ako ni AK kaya napatigil kami.

Ano na naman gusto nito?

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Bakit?"

Tahimik lang siya for a few seconds. Kumamot pa siya sa batok niya.

"Wala, wala... eat well na lang." sabi niya.

Feeling ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin. Hay, naku! Bahala siya diyan!

"Okay, bye!" sabi ko at umalis na kaming tatlo.

Habang naglalakad kami papunta sa katabing food park ng Conve, nagsalita si Alex.

"Frans, I'm just curious, was there something between you and AK?" tanong niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad.

"Halata ba?" I groaned.

"Oo, dai." Tori agreed. Alex nodded her head.

Should I tell them? I mean, alam ko naman na hindi nila ako ija-judge. I'm pretty sure na they would even hate him for what he did.

"We're classmates noong grade ten, that's all." sagot ko.

Inirapan ako ni Tori. "Girl, we know but dama ko na merong something sa inyo na so much more than being classmates,"

Hindi talaga ako makakawala sa dalawang 'to, hano...

I sighed. "Kwento ko sa inyo pero..." I paused. Mas lalo silang lumapit sa 'kin na para bang hinihintay kung anuman ang sasabihin ko. Kita mo 'to, mga chismosa talaga e

"Kain muna tayo, please."

Tori groaned. "Pa-suspense naman nito... Tara na nga!"

Dinala kami ni Tori sa isang fried chicken stall na dati naming laging kinakainan since second sem ng first year namin.

Saktong-sakto na kakaalis lamang ng isang customer kaya naman may libreng table. Doon kami pumwesto na tatlo.

"Kuya, tatlo pong one-piece chicken meal," sabi ni Alex. Binigyan naman siya ng thumbs-up ni kuyang nagbebenta.

"Oh dai, ano na?" agad na sinabi sa akin ni Tori. Kakaupo pa lang namin, chismis na agad hinahanap.

"Wala lang..." I paused to look at their reactions. Paunti-unting lumalapit ang mukha ang mukha ni Tori sa 'kin.

"Ano, 'te?"

"Mag-chill ka lang kasi! Hayok na hayok sa chismis?" pangungutya ni Alex.

"Pa-showbiz naman kasi 'to, may pahinto-hinto pa."

"Eto na e, ayaw mo ba?" I scoffed.

"Oo na, oo na! Bilis na kasi..."

"Nothing serious naman kasi, napanood ko siya sa concert night namin dati noong grade nine kami ta's nagkaroon ako ng super small crush sa kanya–"

"Super small nga ba?" singgit ni Tori. Napaka-sulsol talaga nito.

"Oo! Kaya makinig ka na lang," they're both just listening to me attentively.

"Then naging grade ten na kami. Unfortunately for me, naging magkaklase kami, kasama si Adrian. That time, slowly nagiging close kami ni AK but I said to myself na hindi ko na siya crush noon kahit na alam kong in-denial lang ako."

"And then?" curious na tanong ni Alex. May pagka-chismosa rin 'tong si Alex e...

"Ayun, nalaman ni Adrian na may crush ako sa kanya. Like any other friend, ininis niya ako kay AK but also dahil sa kanya, naging close kami ni AK noong grade ten..." I took deep breath. "Syempre, ako naman 'tong marupok, mas lalo akong na-fall kay AK."

"We were like that until grade eleven. Kahit na hindi kami magkaklase noon, we would still talk to each other. Sa chat, in-person, and all. We would hang out here and there but I would still tell myself that I don't like him anymore and friends na lang ang tingin ko sa kanya but my heart tells otherwise." Naalala ko na naman 'yung mga araw na 'yon.

My heart aches for some reason.

"Then second semester ng grade eleven, nag-confess siya sa 'kin." nagulat naman ako nang hinampas ni Tori ang lamesa. Napatingin sa amin ang mga tao.

"Hoy, 'anyari sa 'yo?" said Alex worriedly.

"Ay... sorry, sorry! Nadala lang ng emosyon. Sorry."

"OA talaga nito,"

"So, ayun nga..." pagtuloy ko sa kwento ko.

"He confessed. I made terms with my feelings so I confessed. That's how our mutual understanding started. Sa simula, casual lang kaming dalawa sa relationship namin kasi we both agreed na hindi muna namin lagyan ng label 'yung relationship namin kasi study-first kami gano'n..." I explained.

I sighed loudly. "We were like that until grade twelve."

"Oh, what happened?" Alex asked.

Pero bago ako makapagsalita, dumating na ang pagkain namin. Binigyan kami ng isang server ng tatlong plato na may malaking piece ng fried chicken at tig-isang serving ng java rice. Binigyan din nila kami ng isang maliit na mangkok na may gravy.

"Thank you po, kuya," Alex thanked him.

Kumuha kami ng plastic gloves mula sa dispenser na nasa gitna ng lamesa namin.

"Oh, tuloy mo, sis..." utos sa akin ni Tori habang nagsusuot siya ng plastic gloves.

Grabe siya...

"Second semester ng grade twelve nagsimula ang fall-out ng relationship namin."

It was the start of the downfall of our relationship. Madalas akong mapaisip na ano ba ginawa ko para mangyari 'yun.

Did I say or did something that turned him off? Masyado ba akong clingy? Nagsasawa ba siya sa company ko kasi lagi kami magkasama noon?

We ended everything without answering those. He just said that he fell out of love.

I mean, that's valid. I accepted that.

"'Di ba! Wala pang one year relationship namin, hindi na nag-work out. Partida, wala pang label 'yun!" I exclaimed. I ran my hand through my face. Nakakahiya! Nakaka-frustrate! Nakakainis!

Tangina talaga ni AK.

"And few weeks before graduation, I asked him something,"

"Oh, ano?" tanong ni Tori bago sumubo ng pagkain.

"I asked him kung ano ba talaga kami even though unti-unti na kami nagiging distant sa isa't isa," kwento ko at sinuot ang plastic gloves.

Nakakagutom din mag-ungkatan ng past.

"Sagot niya? Wala."

Tahimik lang silang dalawa.

"E, tarantado pala siya!" biglang galit na sigaw ni Tori. Napatingin ulit sa 'min ang mga tao.

Napatakip si Alex ng mukha dahil sa hiya.

Si Tori talaga, kahit kailan napaka-OA!

"So, iyon na 'yun. Grumaduate kami tapo eto, we're college. That's the my story," pagtatapos ko ng pag-kwento ko.

Tanggap ko naman na tapos na kami ni AK at wala na kami – kahit naman noon pa, walang kami. Mahirap lang talaga kalimutan ang mga feelings. Imaginin mo, since grade nine I have feeling for him... mahirap talaga makalimutan.

Sabi sa akin ni Hayleigh na maghanap na raw ako ng iba para makalimutan ko siya. Sabi naman ni Nina na mag-try daw ako ng mga online dating apps. Porket kasi mag-jowa silang dalawa!

Si Javi naman sabi na magpaka-single na lang daw ako buong buhay ko. Gumaya raw ako sa kanya.

Kung ako naman ang tatanungin, ayoko na. I would rather choose being single than having a relationship. Nakakapagod din. Nakaka-drain.

Although there are many perks of being in a relationship. Napapangiti ka niya. Napapatawa ka niya. Napapasaya ka niya. The constant good mornings and good nights. The random gifts. The random skinship. The random appreciation messages.

Pero hindi, isang sakit pa rin sa ulo ang mag-jowa kaya 'wag na lang.

Kaya kong maging isang strong and independent woman.

Kaya hindi hindi ko na kailangan pa ng lalaki sa buhay ko.

I'm happy being single.

Marami pa akong kailangan marating sa buhay kaya tama na ang landi.

I'm happy on my own!

---

happy women's month to all women out there!

di muna ako makakapag-update for next two (?) weeks bc hell week and midterms na rin :< but i will still try.... auq n magaral pls 

how's the new chapter? corny ba?

may summary na tayo sa high school story nila frans and ak... talaga nga bang "nafall-out of love" si ak? omg 

thank u for reading! lovelots 💖

also thanks for almost 700 reads! i love y'all!

ps: ako po ay kumakakot sa iyong mga puso na ifollow po ang aking x (twitter) acc HAHA my username is @lvchswp you can get updates there and all, thanks mga babes

Continue Reading

You'll Also Like

54.2K 1.9K 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
22.2K 781 34
Having to care for her mother since the end of grade school, Meadow Jil Carreal was no stranger to exhaustion. Being the bigger person physically, me...
476K 13.3K 35
WATTY'S SHORTLIST 2023 Stuck in the never-ending responsibilities as one of the breadwinners of the family, Calisse Abigail Guillermo, an Iska from U...
3.5K 92 7
Zalaera Ayara Acosta suffered a lot from her father. She hates her life for not being able to have a protective father, because instead of having a f...