The Past, We Await

snowriteus द्वारा

483 92 17

Saide Monique Koh is a modest young lady who was born with a protector, ang nagiisa niyang kaibigan na kasama... अधिक

Copyright
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14

Kabanata 6

24 7 1
snowriteus द्वारा

Kabanata 6

Marami ang naging mga sunod na gawain namin sa sumunod na linggo. Naging abala ako sa mga activities na ibinigay, sa pagaaral para sa mga quizzes at sa iba pang mga bagay na may kinalaman sa school.

Somehow I was forgetting the idea that made my heart so mad. Dahil sa pagiging okupado ng utak ko, minsan ay nawawala ang galit at tampo na nararamdaman sa magulang ko.

Hindi naman madaling tanggapin yung desisyon na basta na lamang nila ginawa para sakin, para sa halos magiging kahati ng buhay ko.

The idea that my parents will decide who I marry and when I marry is something I don’t like. Pero ano nga bang magagawa ko? Palagi na lang tradisyon ang sagot diyan. Kailangan naming sumunod bilang pag-respeto which something I don't quite understand.

Sa buong buhay ko ay hindi ako nagpasalamat sa mga tambak na school works na ibinibigay sa amin, ngayon lang. Totoo pala talaga yung sinabi nila na kapag magulo at maraming iniisip ang utak mo, magpapasalamat ka talaga sa mga oras na magiging okupado ito.

Inangat ko ang tingin kay Eloise nang marinig ang malakas na pag-bagsak ng mga salansang na papel sa lamesa. Kita ko agad ang magkasalubong niyang kilay.

“Ano bang kinakagalit mo diyan? Hindi ka naman inaano ng mga papel.” komento ko dahil kanina pa siya nagda-dabog.

I glanced at my cellphone when it vibrates, it was a signal that Blanche had replied to the message I sent. Ka-textmate ko siya habang nandito kami sa bodega. Niyayaya niya ako na kumain daw sa labas, libre niya. Hindi ko naman alam kung pwede ba ako dahil marami rin akong gagawin.

Nu’ng linggo ng gabi ay hindi na ako nakapag-paalam pa kay Blanche na uuwi na ako. It was very childish to say pero sobrang na-badtrip ako sa sinabi ni Andrino sa akin.

Iyon yung bagay na ayaw kong mangyari.

I don’t want my actions to reflect on my future husband. Ayoko na sa bawat galaw o salita ko ay palagi na lang nakabitin yung pangalan ng lalaking mapapangasawa ko.

I was so freakin’ mad that it made me cry.

Ano naman kung maikli ang shorts ko? Ano naman kung ganoon ako manamit? Ikakabawas ba iyon ng pagkatao ko? Ikakabawas ba iyon ng pagiging babae ko?

At ang masakit pa roon. Nanggaling pa talaga kay Andrino. The only person, three years ago, who couldn’t say that because he didn’t like meddling with what I like. Ibang-iba na siya sa ngayon. Pakiramdam ko ay hindi siya ang dating kaibigan ko. Is this sign of maturing?

Blanche Ariadne:

Kasama ko si Andrino tsaka Landro. Ayaw mo pa rin sumama?

Mas lalong ayoko na!

Miyerkules ngayon at tatlong araw ko na rin na hindi pinapansin si Andrino.

Not that I’m talking to him dahil kahit noon pa ay matagal naman na niya akong hindi pinapansin. But when I say ‘hindi pinapansin’, ibig sabihin nu’n ay hindi ko siya tinitingnan manlang, o hinihiling na makausap, o malapitan, o kahit maramdaman ang presensya niya.

Ganoon ako ka-iritado sa kanya.

Everything about him now is irritating me.

“Nakakairita. Gusto ko sabunutan ‘yang bwiset na babae na ‘yan. Napaka-landi niya, Saide. Sobra! Hindi ko alam na may ganyan palang uri ng tao dito sa balat ng lupa!” nagpapa-padyak na aniya.

Nagulat ako sa naging biglaang akto niya. Kanina pa siya hindi nagsasalita, at ngayon ay mukhang sumabog na siya.

Inuutusan kami ng Adviser namin na dalhin ang lahat ng mga papel na hindi na ginagamit sa bodega. We only have a few papers but the warehouse is far away so even though there is air conditioner, we are still
sweating.

“Who are you mad at?” I calmly asked her.

“Kay Selah, Saide! Bwiset siya!”

“Bakit? Ano na namang ginawa niya sayo?” halos matawa ako sa tanong ko.

Natatawa ako dahil alam ko rin naman ang sagot sa tanong ko. Kahit alam kong itatanggi niya ang totoong sagot.

We found out on Monday morning when the topic of our class is about Selah borrowing Blanche’s robe and shirt. Ang exaggerated pa nila magsabi na mamahalin daw ang pinahiram ni Blanche. Dahil doon ay inakala nila na mayroong something special sa pagitan ng dalawa.

Kahit ang totoo niyan ay puro mamahalin naman talaga ang mga gamit nila sa bahay. Mahilig si Tita sa mga bagong gamit kaya pati ang mga gamit ni Blanche ay nadadamay.

Alam kong alam iyon ni Eloise. But I can still feel her intense jealousy, I also know that she was even more furious because it was Selah. Iyon talaga ang puno’t dulo ng kanyang galit. Ang kahit na ano na may kinalaman kay Selah ay ikinakagalit niya. At mas lalo pa niyang ikinagalit na may kinalaman din doon si Blanche.

“Nakakairita lang siya!” as I expected, iyon lang ang isinagot ng kaibigan ko.

Blanche Ariadne:

At Sumo Niku, SM Dasma. After class.

Ngumiwi ako sa naging reply ng pinsan ko sakin habang nagaayos ng gamit ko.

Saide Monique Koh:

Isama ko si Eloise.

Patapos na ang klase namin at napilitan din ako na pumayag sa alok ni Blanche. Hindi ko alam kung ano ba ang nakain niya at naisipan niyang manglibre. Hindi kasi siya ‘yon. Mas maku-kumbinsi pa ako kung bigla na lang siya mag-message ng picture niya sa isang lugar para inggitin ako.

Blanche Ariadne:

Tayo tayo na lang. Sunduin ko kayo.

Mas lalo akong ngumiwi.

Inangat ko ang tingin ko. Nasanay ang mga mata ko na gumala at hanapin si Andrino. Nakita ko siya agad na nakikipag-usap sa Adviser namin. His seat is far away from my seat, the gap is too far.

I put the strap of my bag on my shoulder and thought several times whether I should tell him about Blanche’s invitation. Ugali naman kasi ng pinsan ko na hindi na magsabi.

Hindi ko pa nararanasan pero sa mga kaibigan niya, ugali niya talaga na sunduin agad sila para maka-gala. Kaya ang ending, hindi na rin nakakapag-paalam nang maayos ang mga kaibigan niya at wala ring magawa kundi pumayag.

“Mas maganda ang biglaan, Saide. Tingnan mo, wala ring magagawa ‘yang mga magulang nila kasi nandito na ako, e.”

That’s what he said one time when he took me to hang out with him and his friends. Ikinagulat ko na hindi pala alam ng mga kaibigan niya na gagala sila.

Sa huli ay nag-desisyon ako na huwag na lang sabihin kay Andrino at panindigan na huwag na talaga siyang pansinin.

Okay, I can’t do that.

Hindi ko kaya na hindi siya tingnan, o hanapin dahil kusa iyung ginagawa ng mga mata at ng katawan ko.

Pero kahit ngayon manlang? Kahit ngayong araw lang sana ay pag-bigyan ako ng Diyos na hindi muna siya pansinin sa lahat-lahat. Dahil naniniwala rin naman ako na ang nararamdaman kong tampo o galit na ito ay hindi rin naman magtatagal sa akin.

When I arrived at the parking lot, I immediately saw Blanche’s Lexus, when I entered the shotgun seat, I saw him busy with his cellphone.

“Hindi mo kasabay si Andrino?” tanong niya nang sulyapan ako.

Umiling ako, sinusuot ang seatbelt.

Ilang sandali lang ang hinintay namin, nakita ko agad si Andrino na naglalakad palapit sa kotse. Nakasuot siya ng uniform at sa ibabaw nito ay ang itim niyang Decathlon jacket. Medyo magulo pa ang buhok niya.

He opened the shotgun seat door, nakita ko ang bahagyang gulat sa mga mata niya na para bang hindi niya inaasahang kasama pala ako.

Gusto ko sanang tanungin si Blanche tungkol sa naging reaksyon nito pero naunahan ako nito na magsalita.

“Sa backseat ka na lang, Saide.” ngisi ni Blanche.

Ngumuso ako at kinuha ang bag ko. Nagtama ang mata naming dalawa ni Andrino, pinanood niya ang pagbaba ko sa kotse at hindi manlang nag-abala na tulungan ako.

Pag-pasok ko sa backseat ay sinalubong agad ng rear view mirror ang mga mata ko. His eyes showed no reaction when I looked at his reflection there. His face is emotionless, his eyes are the same. Pero kahit ganoon, hindi pa rin niya tinatanggal ang mga mata niya sa akin.

Ako na naman itong parang nabubulunan. Ako na ang nag-iwas ng tingin at kunwari’y tinitingnan ang labas kahit puro lang naman puno ang naroon.

“I’m sorry, Andrino, Saide. Kailangan kong umalis agad pagka-hatid ko sa inyo.” panimula ni Blanche nang paandarin ang kotse.

Tiningnan ko siya na nanlalaki ang mga mata.

“What?! Ang sabi mo ay kakain tayo at libre mo?”

He glanced at me. “I have already booked a table for two. Kaya wala kayong choice kundi pumunta dahil masasayang yung libre ko. Nasa kanila naman ang credit card ko, kuhanin mo na lang, Sai—”

“Wait. Table for two? Si Kuya Landro?” kunot na kunot ang noo ko, hindi na naman alam ang sitwasyong pinasok ko.

“Wala rin. May biglaang gagawin. Tinext ako ni Daddy, may emergency roon sa Zambales kaya kailangan ko agad makaalis.” may panghihinayang ang tono ng boses niya. “Pero babalik din ako agad.”

“Bakit tinuloy mo pa yung libre mo?” si Andrino naman ngayon ang nag-tanong.

“Nakapag-book na ako nu’ng nag-text si Dad!” sagot ni Blanche at ngumiwi. “Malay ko ba na hindi ako makikinabang roon. Ikaw, Saide, ‘wag kang madupang sa credit card ko, huh? Sabihan mo ako, Andrino.”

Mabilis na nag-salubong ang kilay ko sa mga huling sinabi ng pinsan ko. Sinubukan kong tingnan ang reaksyon ni Andrino pero kahit ano pang reaksyon ay hindi makikitaan sa mukha niya.

Hindi pa roon natapos si Blanche sa pagsasalita. Pinaulanan ko na lang siya ng irap at hindi na nagsalita pa.

Sobrang OA naman kasi niya! For his information, I have my own money. Oo, noong mga bata pa kami ay talagang ginugulangan ko siya dahil wala pa akong pera noon at hindi ko pa alam ang salitang libre. Kung makapag-salita naman ito parang mauubos ko ang laman ng card niya.

Pagdating sa SM Dasma, ibinaba na kami agad ni Blanche. I thought of just going home because I was sure that things wouldn’t be good either because this person wasn’t paying attention to me. Pero kahit matindi ang kagustuhan ko na iyon, tila may sariling isip ang paa ko dahil hindi manlang gumagalaw palabas.

Ayoko namang iwan siya dito. Alam ko na hindi siya mahilig sa Mall. Hindi naman na siya bata para maligaw pa pero may kung anong parte sa akin na ayaw siyang iwan dito at kahit magmu-mukha lang akong multo dito ay ayos lang.

Dumiretso kami agad sa Sumo Niku. Marami akong mga in-order hindi lang dahil nangaasar kay Blanche kundi dahil gutom talaga ako.

Si Andrino naman sa harap ko ay kaunti lamang ang in-order.

While waiting for our orders, no one spoke between us. Nanatili ako na kunwari’y nanonood sa mga taong pumapasok habang siya ay ganoon din. Hindi ko alam kung paano ko matatagalan ito. I didn’t know that two people who ignore each other can eat at the same time

“Ganyan ba kababa ‘yang uniform mo?”

Or not.

Tiningnan ko si Andrino na salubong ang kilay sa harapan ko. Tiningnan niya ang uniform na suot ko at ganoon rin ang ginawa ko.

Hindi naman ito ganoon kababa pero dahil naka-hilig ako nang kaunti sa mesa habang naka-pangalumbaba ay nagmumukha itong mababa. Pero kahit ganoon, wala namang nakita na kung ano dahil nakaharang naman ang buhok ko!

Ibinalik ko ang tingin sa kanya. “Ano bang problema mo sa mga suot ko?” iritadong tanong ko, salubong na rin ang kilay.

“Masyadong revealing.” he simply replied.

“Hindi naman. Akala mo lang iyon.” inirapan ko siya kahit kusang gumalaw ang kamay ko at itinaas ang uniform ko.

Hindi naman problema kay Andrino ang mga suot na ganito—o masyadong revealing noong mga bata pa lang kami. When we were both in grade eight.

I don’t wear revealing clothes because I don’t feel comfortable and even now I still do. Pero noon, kahit may nakikita kami na halos ilabas na ang kaluluwa ay wala namang pakialam ang isang ‘to.

Pero ngayon, masyado nang pansinin sa kanya ang mga ganitong suotan. Lalo na kung ako.

Why? Is it because I’m engaged? Is it because there is a respected man waiting for me? Is it because I’m getting married?

Saide, it was freakin’ three years ago. Syempre, marami na ang nag-bago. Maaaring pati ang mindset at beliefs ng lalaking ito ay malaki na rin ang pinagbago. Always remember that this man is not the same man three years ago.

Tahimik lamang kami habang kumakain. Siguro nga’y napapansin rin ng ibang tao roon ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko natagalan ito na parang napapanis ang laway ko at hindi pa kumportable ang katawan ko na gumalaw dahil sa takot na pinapanood niya ang bawat kilos ko.

“You want to watch a movie?”

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya habang pinupunasan ko ng tissue ang mesa na pinagkainan namin.

I looked up at him. “Ano?”

Actually, sa kabila ng ingay dito ay narinig ko pa rin talaga ang sinabi niya. Baka lang mali ang rinig ko kaya gusto kong i-kumpirma.

He pursed his lips as he looked away.

“Gusto mo bang manood ng movie?” malalim ang boses niya, lalaking-lalaki kahit mababahidan ang kahinahunan.

Kinagat ko ang labi ko.

What in the earth is happening?

Gusto kong sumigaw ng ‘the earth is healing’ dahil sa labis na tuwa na nararamdaman ng puso ko. Ang tampo at galit na naramdaman ko sa loob ng tatlong araw ay parang nilipad na rin ng hangin na ibinubuga ng tower aircon sa gilid ko.

I looked back at the table I was wiping while wondering if I would agree to his offer or not. Kahit ang totoo ay naghu-huramentado na ang puso ko at gusto na agad siyang hilain patungo sa Cinema bago pa magbago ang isip niya. But I don’t want him to think too much of himself, I don’t want him to think that I’ve been waiting for this moment.

Matagal pa ako bago muling nagsalita. Nang mabahidan ko na ng inis ang mukha niya ay tumango na ako nang hindi siya tinitingnan.

Ayokong makita niya sa mga mata ko ang labis na
tuwa dahil lang sa simpleng pag-alok niya na iyon.

Tahimik kaming tumungo sa Cinema. Pagdating roon ay nag-browse na agad ako ng pwedeng panoorin. Pinili ko ang Aquaman. Maraming romance roon pero pakiramdam ko ay mabo-bored ako kapag iyon ang pinili ko.

Sumusunod lang si Andrino sakin. Pinapanood ang bawat kilos ko. Hindi rin siya umapila sa pinili kong film. Tahimik lang siya at paminsan minsan ay nilalaro niya lang ang labi niya o binabasa.

“I can pay.” sabi ko nang magbabayad na kami ng ticket.

Hawak ko na ang wallet ko pero naunahan niya pa rin ako na maglapag ng isang libo.

“Alam ko. Pero kaya ko ring magbayad.” rinig kong sabi niya.

“Babayaran na lang kita. May barya—”

“Hindi ako naghihirap, Saide.” nagulat naman ako sa pagiging seryoso ng boses niya kahit na ganoon naman talaga siya.

“Hindi na. Nakakahiya. May pera—”

“Sir, pili na lang po kayo ng seats niyo. Pwede po kayo dito sa dulo, o dito sa unahan.”

Nilingon namin si Ate na nasa counter habang itinuturo ang dulo at unahan ng loob ng sinehan. Hindi ako nagsalita dahil inaasahan ko na pagdating sa seats ay si Andrino na ang pipili pero hindi rin siya nagsalita.

Ngumiwi ang babae at siya na ang nag-decide kung saan kami uupo. Hindi na kami umapila. I still can’t get over the fact that Andrino paid for my ticket even though we were sitting down to wait for the movie to start.

Nakaupo siya sa tabi ko. Marami rin ang nakaupo sa tabi namin kaya hindi ko sinasadya na madikit sa kanya. Para naman akong tanga na halos singhutin na ang amoy niya.

I bit my lip to stop smiling too much. Hindi ko maintindihan ang labis na sayang nararamdaman ko ngayon. This is not something that would certainly make me happy. Pero ang ideya na makakasama ko si Andrino manood ng movie—bagay na hindi na namin nagawa ulit—ay sobrang nagdudulot ng tuwa para sa akin.

I don’t know why this simple thing makes me feel this way. Ang tanging alam ko lang, I’m happy to be with him again.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

7.4M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
67.5K 2.7K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
I'm a Costello _crazy_hooman_ द्वारा

किशोर उपन्यास

4M 87K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
3.8M 104K 44
When a professional football player finds out he has a daughter with the love of his life from high school, what could go wrong? Season 3 of My Broth...