Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

192K 3.6K 2K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 37

4.6K 83 53
By kemekemelee

Duet

Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin ni Simon habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Sigurado akong nakilala na nila ako. Mula pa lang sa paraan ng pagtitig nila sa akin alam ko na agad na hinuhusgahan na nila ako.

Sinubukan ni Simon na hawakan ang kamay ko pero bumitaw ako.

“A-ayos lang ako. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko.

Kumunot ang noo niya. Hindi ko naman mabasa ang emosyon niya dahil sa suot niyang aviators. Kita ko lang ang pag-igting ng panga niya habang naglalakad kami.

“S-sige na, Simon. Huwag ka munang lumingon sa akin. Sumusunod naman ako.”

Napayuko naman ako dahil sa flash ng mga camera sa paligid ko. Ilang saglit lang ay naramdaman kong hinapit ni Simon ang baywang ko palapit sa kaniya.

“Chin up, love. You have nothing to be ashamed of,” he whispered softly.

“A-ano ba, Simon? You don’t need to hold me like this. Ang daming mga tao!”

He raised his brow. “So?”

“Anong so ka d’yan?! Syempre issue na naman iyan! Nakalimutan mo bang household name ka dito sa bansa?!” naiinis kong bulong sa kaniya.

“Let them know that my heart has always been yours.”

Naramdaman ko agad ang pamumula ko at mas lalo pa yatang natuwa si Simon sa reaksyon ko. Narinig ko pa ang mahina niyang halakhak habang naglalakad kami.

Hindi ko alam kung anong nahithit nito ni Simon o talagang miss niya lang ako kaya ang dali lang sa kaniya magbitaw ng ganito. At sino ba ako para magreklamo kung gusto ko rin naman ang lahat ng sinasabi niya?!

“Ibang klase ka rin talaga, eh. Gustong gusto mo ito eh, ano?!”

He chuckled. “Ano naman?”

“Bilisan na natin maglakad. Naghihintay na yung anak natin,” bulong ko.

His lips curved into a smile upon hearing what I had said. Anak natin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mabubuo na ang pamilya namin. Na ngayon ay maibabalik na sa akin ang dapat na akin naman talaga.

The way things are going smoothly for us makes me scared... or perhaps I already have God’s mercy after what we went through, so that we don’t need to suffer anymore.

Sa wakas ay naawa na rin Siya sa akin.

“A-anong pasalubong ang pwede nating bilhin para sa anak natin?” marahang tanong ni Simon sa akin nang makapasok kami sa sasakyan niya.

I smiled. “Bili tayo ng donuts. Sigurado akong magugustuhan niya iyon.”

Binaba ko ang kamay ko para hawakan ang kamay niya. Nakita ko naman ang pagdako ng tingin niya sa kamay ko.

“Simon... huwag kang kabahan. Matagal ka nang hinihintay ni Sol.”

“Sa tingin mo matatanggap niya ako?” he weakly asked.

“Hindi pa kayo nagkikita pero tanggap ka na niya. Kaya halika na? Bili muna tayo ng donuts tapos diretso na tayo sa Cavite.”

Saglit pa kaming napadaan sa isang store para bumili ng paboritong donuts ni Sol. Alam kong maraming nakakita sa amin pero hindi na iyon ang oras para isipin ang sasabihin ng ibang tao.

Ramdam ko pa naman ang takot at kaba ni Simon kahit ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na tanggap siya ni Sol. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nabigla lang din siya sa lahat ng ito. I know it’s a lot to take in. Lalo na sa kaniya kaya hindi na muna ako dadagdag.

“Siguro ngayon nakauwi na iyon si Sol. Umaga lang naman ang klase niya,” kuwento ko pa kay Simon.

“Grade 1 na ba si Sol?”

I shook my head. “Kinder pa lang. Medyo late nga kasi dapat sa Poland talaga pero umuwi na kami dito kaya ngayon ko pa lang siya napag-aral.”

Tumango si Simon. Kumirot naman ang puso ko nang makita ko ang pangingilid ng luha niya. Nag-init din ang mata ko pero sinubukan kong ngumiti dahil ayaw kong sabayan si Simon. I need to encourage him. Iyon lang ang maitutulong ko sa ngayon.

I feel bad for what I did, but what I did brought out the best in him. Equinox became one of the most successful bands in the country. Simon wouldn’t be the Simon in front of me if I hadn’t left him that night... so I guess it wasn’t so bad after all.

“Bilisan na natin,” iyon lang ang sinagot niya.

Nanatili na lang akong tahimik habang nasa byahe kami. Ramdam ko ang tensyon kay Simon lalo nang humigpit ang hawak niya sa manibela. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Sol. Sinadya kong i-loud speaker para marinig din siya ni Simon.

“Mommy!” Sol’s tiny voice filled the air.

I looked at Simon. Nangilid lalo ang luha niya pero ngumiti ako. Itinuro ko ang phone ko para ipaalam sa kaniya na si Sol ang kausap ko sa kabilang linya.

“Hello, baby. I missed you. Nakauwi ka na ba?” malambing kong tanong.

“Yes po! How about you, mommy? Are you on your way home?” she asked.

“Y-yes, baby. Pauwi na ako.”

Narinig ko naman ang mahinhin na pagtili ni Sol sa kabilang linya. Agad akong natawa dahil sa reaksyon niya. Natawa rin si Simon kaya nilingon ko siya.

“Who’s that, mommy?” bigla niyang tanong.

“Sino, baby?”

“I heard another laugh... but it’s not from you. ”

“Sol, I am with your daddy, and you’re going to meet him, so get yourself ready and wait for us, okay?” I sounded excited because I badly wanted to see Sol’s reaction.

Biglang natahimik ang linya. Akala ko namatay ang tawag pero ongoing pa rin naman kaya tumikhim ako.

“Sol? Are you still there?” pagkukumpirma ko pa.

Ilang sandali ay narinig ko ang pagsinghot niya. My baby is crying! Oh no. Hindi pwedeng umiyak siya nang wala ako sa tabi niya. Baka mamaya ay hindi na naman siya makahinga!

“B-baby, ayos ka lang ba? Can you breathe?”

“Y-yes po,” she finally answered.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti na lang ay ayos lang siya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali.

“A-are you telling the truth? Are you with daddy? For real?” tanong niya.

I nodded. “Yes, I’m with him.”

“Then what should I wear, mommy? Will he like it if I wear the pink dress that you bought for me last week? Or does he prefer the baby blue dress I wore last Christmas?” sunod-sunod niyang tanong. Halatang hindi na mapakali sa sobrang excitement kaya naman napangiti ako.

“Anything will do, baby.”

“But I want to look good. I want to impress him... s-so... so he won’t leave us... so he won’t be far away from us... I want him to stay with us,” she said, almost crying on the other line.

My heart clenched after hearing what my daughter said. The pain seared right through my chest, and I couldn’t stop the tears pooling in my eyes.

“B-baby blue dress, baby.” I answered.

“Yehey! I love you, mommy.”

I wiped my own tears. “I love you more, baby.”

Binaba na rin ni Sol ang tawag. Nilingon ko si Simon, tinitimbang ko ang ekspresyon niya. Muntikan na akong atakihin sa puso nang bigla siyang lumingon sa akin habang nakangiti!

“You did well, Darlene.” He smiled wider.

“H-huh?”

Simon remained silent. Nginitian niya lang ako bago niya binalik ang tingin niya sa kalsada. Napalunok na lang ako at pinili ko na lang na manahimik. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang ngiti niya sa akin.

Halos dalawang oras ang byahe namin bago kami nakarating sa Cavite. Iginiya ko si Simon patungo sa tinutuluyan namin ni Sol ngayon. He wrapped his arms around my waist. Bitbit ko rin ang donuts na binili namin kanina.

Nang nakababa kami ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong pinaghandaan ko na ito pero ngayong nandito na kami ay parang gusto ko na lang na umatras. Pero hindi ko na pwede pang ipagdamot si Sol kay Simon.

Nilingon ko ulit si Simon. Seryoso na ngayon ang tingin niya. He looks so sorrowful... his eyes brimming with sadness and anger. Pero kahit na gano’n ay mahigpit pa rin ang kapit niya sa akin na para bang sa akin lang siya kumukuha ng lakas.

“G-good afternoon po!” mabilis na bati sa amin ng mga kasambahay.

Agad na dumako ang pansin nila sa kasama ko. Namimilog ang mata nila at para bang hindi sila makapaniwala na kasama ko ngayon ang isa sa pinakasikat na personality sa buong bansa.

“Si Sol po?” tanong ko.

“Nasa kwarto niya po.”

I nodded. “Halika na, Simon.”

Nanlalaki pa rin ang mata nila lalo nang hawakan ko ang kamay ni Simon para hilain siya. Umakyat kami patungo sa kwarto ni Sol.

Saktong pag-akyat namin ay siyang paglabas din ni Sol sa kwarto niya. Malaki ang ngiti niya habang suot niya ang baby blue dress na binili ko sa kaniya noong nakaraang pasko.

“S-sol!” agad kong tawag sa kaniya.

Humigpit ang kapit sa akin ni Simon nang mag-angat si Sol ng tingin sa akin. Mabilis lang iyon dahil tinitigan niya agad ang lalaki na nasa tabi ko. Unti-unti na ring lumuwag ang kapit sa akin ni Simon.

Ilang saglit lang ay namuo ang luha sa mata ni Sol. Nanatili lang ang tingin niya kay Simon bago kumawala ang mga luha sa mata niya. Sumulyap din ako kay Simon at nakita ko rin ang pagpatak ng luha niya.

“S-sol, meet Simon Griffin Benitez. H-he’s your father,” I croaked.

Walang pasabing lumuhod si Simon para yakapin ang anak niya. Kita ko ang pag-alog ng balikat niya habang yakap niya si Sol nang mahigpit.

“Anak...” hikbi ni Simon.

“Daddy, bakit ngayon ka lang po?” naiiyak na tanong din ni Sol.

Parang gripo na ngayon ang pagbuhos ng luha ko. Mahigpit pa rin ang yakapan ng dalawa at parehas silang umiiyak. Simon doesn’t seem to mind showing his weakness, his vulnerability, on his daughter’s shoulders.

“P-please don’t leave us again...” Sol cried on Simon’s shoulders. Ilang beses niya pang sinuntok ito habang umiiyak.

“I saved up money for this so you won’t need to work. So you won’t need to leave us again!” dagdag pa ni Sol habang yakap pa rin siya ni Simon na hindi pa rin makapagsalita ngayon.

“I won’t leave you again...” bulong ni Simon.

Sol cried loudly. Nag-alala ako dahil baka mamaya ay hindi na naman siya makahinga pero ayaw ko rin naman na sirain pa ang pagkakataon na ito. Pinatakan pa ni Simon ng halik sa noo si Sol bago niya ulit ito niyakap.

I stood there watching both of them cry their hearts out. It was beautiful yet painful, as I couldn’t help but blame myself. If I hadn’t been careful enough, then this wouldn’t have happened.

I only know how to ruin things. This could’ve been more beautiful kung hindi lang ako naging pabaya. Bakit ko nga ba pinagdamot ang pagkakataon na ito para sa kanilang dalawa?

“I love you, daddy. I love you so much!” iyak pa ulit ni Sol.

Ngayon naman ay medyo humupa na iyon pero basang-basa pa rin ang pisngi niya dahil sa luha. Marahan namang sinuklay ni Simon ang buhok ni Sol gamit ang kamay niya. Ang isa naman niyang kamay ay pinunasan ang mga luha ni Sol.

“I love you more, Sol.” Simon finally replied.

It was like a trigger. Bumuhos na naman ulit ang luha ni Sol dahil sa narinig niya. Kita ko sa mukha niya ang pananabik dahil sa sinabi ng ama niya. Na para bang gusto niya na lang na pahintuin ang oras para marinig ulit iyon.

Matapos iyon ay binuhat ni Simon ang anak. Nanatiling nakasubsob ang mukha ni Sol habang buhat siya ni Simon. Nilapitan ko naman sila at marahan kong hinagod ang likod ni Sol.

“Baby, can you breathe?” I asked her.

She nodded. Mahigpit pa rin ang yakap kay Simon at para bang ayaw niya nang kumawala dito.

“Let’s go downstairs,” sabi ni Simon.

Bumaba kaming tatlo at dumiretso sa dining area. Nilapag ko doon ang donuts na binili namin ni Simon. Pinagmasdan ko rin si Simon na ibaba si Sol bago niya ito pinaupo.

“I’ll get you a glass of water,” malambing na sinabi ni Simon.

Maglalakad na sana palayo si Simon pero bigla siyang hinawakan ni Sol sa shirt niya. Namumuo na naman ang luha niya sa mata. Para bang ayaw niyang paalisin ang ama dahil baka iwan na naman kami.

“Ako na ang kukuha,” I said hoarsely.

Tumayo ako para kumuha ng baso ng tubig. Pagbalik ko doon ay nakaupo na si Simon. Nakakandong sa kaniya si Sol habang may kinukuwento si Simon sa kaniya. Bakas sa mukha ng anak ko ang saya at pananabik habang nakikinig siya sa mga kwento ni Simon.

“Here.” Inabot ko na ang baso ng tubig.

Agad na kinuha iyon ni Simon. Marahan niyang iginiya ang anak para painumin ng tubig. Simpleng pagpapainom lang iyon pero kita ko pa rin ang pagkagusto ni Sol sa ginagawa ni Simon.

Nakaramdam ako ng awa kay Sol. I know that I was hurt, in pain, and so much more. Alam kong nadamay lang kami sa mga issue at ginawa ko lang ito para kay Simon pero sapat ba iyon para gawin ko ito kay Sol?

Si Simon naman ngayon ang nilingon ko. Bakas sa mukha niya na nasasaktan siya pero pinipilit niya lang na maging malakas sa harap ng anak niya. Mas lalong kumirot ang puso ko nang makita ko ang kinahinatnan ng mga desisyon ko.

“I can play piano...” Sol tried to make her voice firm.

Ngumiti naman si Simon. “Really?”

Malungkot na tumango si Sol. Ilang beses niya nang sinabi sa akin na pangarap niya iyon. Kung pwede lang na masabayan siya pero hindi ko naman kaya dahil hindi naman ako marunong.

“A-and I’ve been wanting to play it with you...” Sol confessed. She’s close to crying again.

“Then let’s do it. Let’s sing together, Sol.”

Agad na nagningning ang mata ni Sol dahil sa narinig niya. She hopped and held Simon’s hand. Tumayo rin agad si Simon. Lumapit din si Sol sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sandaling tumingin si Simon sa akin bago ko binaling ang pansin ko sa anak namin.

“Let us all go to the music room!” she happily said.

Hinila kami ni Sol hanggang sa makarating kami sa music room. Itinulak ko ang pinto at bumungad sa amin ang napakaraming musical instruments. Sa gitna ay nandoon ang malaking piano na madalas gamitin ni Sol.

“Here! Let’s go po, daddy!” masiglang sinabi ni Sol sabay upo sa harap ng piano.

Bumaling sa akin si Simon bago ko siya tinanguan. Kumuha siya ng upuan at tumabi siya ngayon kay Sol. Nag-usap sila pero hindi ko marinig iyon. Siguro ay nagdedesisyon sila kung anong kakantahin nila.

“Mommy, come here. Listen to us!” Sol urged me. Nilapitan ko naman sila agad.

Sinulyapan ko si Simon at nakita kong nakahawak na siya sa piano. Titig na titig si Sol sa kaniya na para bang kinakabisado niya ang mukha ng ama niya. I suddenly felt the urge to record this. Gusto kong mapanood ulit ito kaya nilabas ko ang phone ko para kuhaan sila ng video.

“I can show you the world. Shining, shimmering, splendid. Tell me, princess, now when did you last let your heart decide?”

Namilog ang mata ni Sol. Halatang nagulat dahil sa ganda ng boses ni Simon. Malambing iyon at medyo namamaos. Hindi pa rin nagbago. Pinapabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon.

“I can open your eyes. Take you wonder by wonder. Over, sideways and under on a magic carpet ride.”

Simon looked at Sol with so much love and adoration. Hindi ko mapigilang humikbi dahil sobrang saya ko para sa anak ko. Matagal na niyang hinintay ang pagkakataon na ito. Ang makasama si Simon na kumanta at tumugtog ng piano.

“A whole new world. A new fantastic point of view. No one to tell us, "no" or where to go or say we're only dreaming.”

Nginitian ni Simon ang anak dahil si Sol na ang susunod na kakanta. Huminga nang malalim si Sol bago niya binuka ang bibig niya.

“A whole new world. A dazzling place I never knew, but when I'm way up here. It’s crystal clear that now I’m in a whole new world with you.”

Malambing at maliit ang boses ni Sol. Nakita ko sa mukha ni Simon ang pagkatuwa. Medyo namumula ang mata pero alam kong gusto niya ang nangyayari ngayon.

Sa dinami-dami ng performances niya, ng naka-duet niya, alam kong ito ang paborito niya sa lahat. Ang pinaka hinihintay niya sa lahat.

“A whole new world.”

“That’s where we’ll be.”

“A thrilling chase.”

Simon smiled. “A wondrous place.”

Itinuro naman siya ni Sol. “For you.” At itinuro rin ni Sol ang sarili niya. “And me.”

Pinunasan ko ang luha ko nang matapos silang kumanta. Malaki ang ngiti ni Sol at para bang proud na proud siya sa performance nila ni Simon.

“Do you like it, mommy?” Sol asked me.

Nilingon din ako ni Simon na. Hinihintay ang sagot at reaksyon ko. Ngumiti ako at tumango.

“I love it,” sagot ko.

“We should always do it,” pakiusap ni Sol kay Simon. Mahigpit ang kapit niya sa braso ng ama. “Please po?”

Simon chuckled. “Yes, we will.”

Binuhat niya ulit si Sol bago niya ako nilingon. Sumunod naman ako sa kanila hanggang sa makabalik kami sa dining area. Agad na binuksan ni Simon ang box ng donuts na kanina pa nakalapag doon.

“You sing so well, daddy!” Sol exclaimed.

“That’s because he is a band vocalist,” singit ko sa usapan nila.

Simon shyly nodded. “Yeah... I sing.”

“I bet you liked daddy because of his voice and his looks!” pang-asar bigla ng anak ko. Humalakhak pa siya at mapanuksong tumingin sa aming dalawa.

“Sol!” natatawa kong saway.

Nilingon naman ni Sol si Simon na ngayon ay natatawa rin sa sinabi ng anak.

“Yeah, she’s my fan before. My favorite fan,” sagot ni Simon. Tumingin siya sa akin bago niya ako kinindatan.

Pinagtutulungan ba ako ng dalawang ito?!

Sabay silang humagalpak ng tawa. Kahit medyo napikon ay parang natunaw ang puso ko habang pinapanood ko silang nagtatawanan. Hindi ko maikakaila na talagang magkamukha nga sila.

Matapos iyon ay nakatulog na si Sol sa mga braso ni Simon. Marahan niyang binuhat ang anak habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Sol. It’s almost 8 in the evening. Hindi na namin namalayan ang oras.

“Uuwi ka ba?” tanong ko kay Simon.

I watched him tuck his daughter to sleep. He even planted a small kiss on her forehead. I caught him tearing up while watching Sol sleeping peacefully. It’s as if he’s memorizing everything, savoring the years that have been robbed from all of us.

“I want to stay,” he answered hoarsely.

Tumango ako. Dumiretso ako sa veranda at naramdaman ko ang pagsunod ni Simon sa akin. Umihip ang malamig na hangin kaya bahagyang hinangin ang buhok ko.

Masaya ako dahil mabilis nilang nakasundo ang isa’t isa. Hindi na rin naman magiging mahirap iyon dahil matagal na itong hinihintay ni Sol.

“Galit ka ba sa akin?” bigla kong tanong.

He looked at me. “Bakit mo naman natanong iyan?”

“Kasi tinago ko si Sol sa’yo.”

Nakita ko ang paghinga niya nang malalim. Sandali pa niyang hinilot ang sentido niya bago siya tumango.

“Galit ako, Darlene.”

Hindi na rin ako nagulat sa narinig kong sagot sa kaniya. Binaling ko na lang ang pansin ko sa Taal na overlooking dito sa veranda namin.

“Pwede naman tayong maging magkaibigan kahit para lang kay Sol. Alam ko na—”

“Galit ako pero mas mahal kita, Darlene. Naiintindihan mo ba iyon?” masyadong mabigat ang pagbanggit niya sa bawat salita.

“Oo, galit na galit ako dahil wala ako sa anim na taon. Wala ako noong pinanganak mo siya. Wala ako noong unang beses siyang nagsalita. Wala ako sa unang birthday niya kaya oo galit na galit ako!”

Hindi ko alam na may iluluha pa pala ako. Agad ko ring pinunasan iyon. Hindi ko yata kayang titigan si Simon ngayon.

“Alam mo ba ang pakiramdam ko kanina nang unang beses ko siyang makita? Anak ko pero hindi ko man lang kilala. Anak ko pero hindi ko alam ang mga gusto niya. Ang sama sama ng loob ko, Darlene!”

I sobbed. “K-kaya nga maiintindihan ko kung magiging ganito lang muna tayo. Alam ko naman na nabigla ka lang kanina at nasabi mong mahal mo ako pero noong nag-sink in na sa’yo narealize mo na wala akong kwe—”

“Oo, galit ako! Pero wala eh. Mas mahal kita. Mahal na mahal kita na kaya kong isantabi iyon dahil baka kapag nagalit ako mawala ka na naman sa akin.” Nahilamos niya ang palad niya sa mukha at umiling. “Hindi ko na kaya iyon kaya hindi ko na hahayaan na pangunahan pa ulit ako ng galit ko.”

Natahimik ako. Inangat niya ang kamay niya at marahan niyang pinunasan ang mga luha ko.

“Mahal na mahal kita at kaya kong kalimutan ang galit ko,” malambing niyang bulong sa akin.

“Simon...”

“If I am jealous. I will love you. If I am mad, I will still love you. If I am sad, I will love you more. No matter how I feel, I will always choose to love you,” he softly whispered, his gentle breathing almost brushing against my lips.

He caressed my face with his free hand. It almost feels like he was comforting me with his touch. With every move, I couldn’t help but tear up and feel validated, feel worthy.

“I love you even more, Simon. Palagi namang ikaw,” marahan kong bulong.

He leaned in and pressed his lips against mine. My eyes immediately welled up with tears. It almost feels like he was making me feel the love he has for me with how gently his lips move against mine.

I almost forgot how it feels to be in his arms, to be this close to him, to be this intimate. I couldn’t help but sob because of the years that we have been apart. I never expected that I could kiss him again, so I responded with a softer kiss, my way of showing how much I missed him.

Then maybe we were still meant to be after all. Things may not go exactly as we planned, but still, we found each other again... because our love is endless... limitless... the kind of love that will find us even in another lifetime. It is infinite, with no end in sight.

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 1.1K 50
Batchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity...
221K 4.3K 49
Bar Series #3 For Eve Ryn Sotto, time is the most powerful and important thing in the world. Ayaw na ayaw niya na nasasayang ang oras niya sa mga wal...
117K 2.4K 43
Montereal Series #3 Amara Daphne Villada is the spoiled princess of her family. Growing up in New Zealand, she had everything she wanted. Her status...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...