Chapter 12

2.7K 70 63
                                    

Enough

“School? Nah, I dropped out,” Simon said nonchalantly, his lips curling into a smirk as he plucked at his guitar strings.

“Ano? Seryoso ka ba?” pagkukumpirma ko pa.

Muntik ko pang mabitawan yung pizza dahil sa narinig ko. All this time akala ko pinagsasabay niya lang ang pagbabanda at pag-aaral pero hindi ko naman alam na nag-drop na pala siya?!

Halos matawa naman ako sa naisip ko. Akala mo naman talaga girlfriend niya ako kung makapagsalita. Nagkaroon lang kami ng ganitong arrangement pero hindi ibig sabihin na dapat alam ko na ang lahat ng nangyayari sa kaniya.

Simon nodded. “What? You don’t believe me?”

“Hindi naman sa gano’n,” I shook my head. “Akala ko lang talaga nag-aaral ka ngayon. Kailan ka pa nag-drop?”

“First semester lang nakumpleto ko. Hindi ko na tinuloy ang second semester,” sagot niya.

“So, hindi ka na mag-aaral ulit?”

“Mag-aaral naman...” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi pa ngayon.”

So, this is the price they pay for their career success? It must’ve been a tough call for them.

“How about you? What’s your plan?”

“Wala,” simple kong sagot.

His brows furrowed. “Anong wala?”

“Wala pa akong plano. Hindi ko pa alam ang gagawin ko,” paglilinaw ko.

Kinagatan ko na lang ang pizza na hawak ko dahil sa awkwardness. Hindi ko rin talaga maiwasan makaramdam ng inggit sa mga taong may plano na sa buhay nila. Tipong alam na talaga nila ang gagawin pagkatapos ng lahat ng ito.

I sometimes feel like my spontaneity and lack of plans are getting the best of me. It can be exhausting to just go with the flow all the time, and I worry about drifting through life without any real direction. I find it also frustrating to rely on my parents to shape my future just because I don’t even have a clear idea of what I want for myself.

“I remember you saying that your parents want you to be a doctor, but that’s not really your thing, is it?” he asked softly, his eyebrows arching in curiosity.

Dahan-dahan akong tumango. “Ewan ko. Hindi ko rin naman talaga alam kung anong gusto kong mangyari sa sarili ko. Baka nga tama rin ang plano nila Mommy sa akin.”

“Any hobbies? Dancing? Drawing?”

“I want to be an animator...” napayuko ako dahil sa wakas naamin ko na rin ang talagang inaasam ko.

“Akala ko wala kang pangarap?” tanong niya pa.

Sumimsim naman ako sa softdrinks na nilapag niya. Sa panahon pa naman ngayon, alam kong maraming magsasabi na hindi ako kikita o hindi ako uunlad sa gusto ko. Ang kailangan ko raw ay ang maging praktikal. Sundin ang yapak ng magulang ko at maging doctor kahit hindi naman talaga iyon ang gusto ko.

May pera raw kasi at sigurado na ang future ko kapag sinunod ko ang gusto nila. Kung tutuusin nga ay pwede naman akong sumunod. Hindi ko nga lang alam kung magiging masaya ba ako?

“Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad,” I answered truthfully.

Pakiramdam ko may humarang sa lalamunan ko kaya napalunok ako.

“Nakakainggit nga kayo kasi buti pa kayo may plano na sa buhay niyo. Tuwing naririnig ko sa mga kaklase ko na planado na nila yung gagawin nila, naiinggit ako. Nakaka-pressure din kasi ilang buwan na lang tapos ito pa rin ako. Undecided tapos walang direksyon ang buhay,” humalakhak naman ako.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن