FPS 1: His Illicit Affair

Autorstwa perieaus

25.3K 338 11

His Illicit Affair Forbidden Passions Series A Collaboration Genre: Erotic Romance/R-18 Status: Complete Ly... Więcej

Forbidden Passions Series
Paalala
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Wakas
Pasasalamat
Bonus Chapter

Chapter 8

745 11 0
Autorstwa perieaus

Chapter 8

Hinihintay ni Lyxhel na sagutin ng ina ang tawag niya. Sa isang restaurant siya sa BGC pumunta dahil kumalam ang sikmura niya. Tahimik ang restaurant dahil wala pang gaanong taong naroroon. Iyon ang pinili niya kaysa sa restaurant na lagi niyang pinupuntahan dahil puno iyon ngayon.

She doesn’t know why she’s calling her mother. She doesn’t even know what she’s going to tell her the moment she answers the call. All she knows is that she just wanted to call her.

Ngunit hanggang sa ibigay na sa kaniya ang in-order niyang pagkain ay hindi pa rin sinasagot ng ina niya ang tawag. Itinuon na lamang niya ang atensiyon sa kinakain na hindi naman niya talaga kinakain. Mas mabuting sabihin na pinaglalaruan niya lang ang steak.

“My hunch is right. Ikaw nga iyan, Xhel.”

Agad na napatingala sa nagsalita si Lyxhel. Nakita niya si Bryxse pero hindi ito nakasuot ng police uniform nito. Simpleng white T–shirt at jeans ang suot nito. Noon pa man ay ganoon na talaga manamit ang kaibigan. Kung hindi puti ang suot nitong T-shirt ay itim naman. Nagbabago lang talaga ang damit nito kapag school uniform nila ang isusuot ng binata.

Tumayo si Lyxhel para bigyan ng isang yakap ang kaibigan. Nag-beso rin siya rito. “What are you doing here? Wala ka bang pasok?” Saad niyang tanong sa matalik na kaibigan matapos itong yakapin.

“May pasok pero na-miss ko kasing kumain kaya naman nagpunta ako rito. Bakit? Am I not allowed to eat here?”

“Sira! Maupo ka na nga at mag-order ka ng kakainin mo.”

Bumalik na sa kinauupuan niya si Lyxhel habang si Bryxse naman ay naupo sa katapat nitong upuan. Tumawag ito ng waiter at sumenyas na mag-o-order ito. Mabilis namang lumapit ang waiter dito at kinuha ang order nito.

Si Lyxhel naman ay sumubo sa pagkain niya.

Nang makaalis na ang waiter, siya naman ang binalingan ni Bryxse. “So, what must be your problem? Is it that boy, again? That Gionne boy?”

Lyxhel wasn't able to contain her laughter. “Boy?”

“Oh, bakit? Hindi ba at boy naman talaga iyon? Mukha nga rin itong mama’s boy. A man won’t do what he did to you, Xhel. A man pays respect, not harasses women or anyone. Remember that, okay?”

“Nag-sorry naman na iyong tao. And he looks sincere when he asks forgiveness. I don’t know what happened to him after he was detained at your precinct but you know, I noticed that something changed about him.”

Lyxhel knew that Bryxse wasn’t still convinced of what she said even if he doesn’t argue with her anymore. She understands her best friend but he should give Gionne a chance. Wala namang masama sa pagbibigay ng pagkakataon lalo na kung kaya naman noong tao na magbago talaga. “Give him a chance, Sese. Paano niya maipapakita na kaya niya talagang baguhin ang sarili niya at gawi niya kung hindi siya mabibigyan ng pagkakataon, ‘di ba?”

Isang ngiti na muna ang iginawad nito sa kaniya bago nagsalita. Itinaas din nito ang mga kamay na hudyat na para bang sumusuko siya. “Oo na. Heto na, oh. Wala na akong sasabihin pa. Just be careful, okay?”

“I will, Sese. I will.”

Dumating na ang in-order ni Bryxse kaya naman naging tahimik silang dalawa sa pagkain. Pa-minsan-minsan ay nangangamusta sa kaniya ang binata. Sinasagot naman niya pabalik ang mga katanungan nito.

Siya rin ay nangangamusta rito. Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na sa kaniya ang matalik na kaibigan dahil kailangan na nitong bumalik sa presinto nila. May kaso kasi na kailangan na asikasuhin.

“Goodbye for now, Xhel. Just give me a call if you need anything, okay?” Bumeso ito sa kaniya kaya naman bumeso rin siya rito.

“Okay, I will. Thank you, Sese! Thank you very much.”

Nang mawala si Bryxse, nag-decide na ring umalis doon si Lyxhel. Pero hindi na muna siya sa BGC, naglakad-lakad na muna siya hanggang sa makarating siya sa isang high-end bar. She knew it wasn’t the right time to drink since it’s not quite night yet. But it felt like alcohol was calling her system.

Ngunit papasok na sana siya sa loob ng bar nang tumunog ang cell phone niya. Napatingin siya agad doon at nakita ang caller ay agad niyang sinagot ang tawag.

“Mom! Hi!” Masayang bungad niya sa ina.

Lumakad siya sa isang lugar kung saan may bench at doon siya naupo.

“Anak, what’s the problem? I’m sorry I wasn’t able to pick up your call. I was busy talking business with some of the investors of Arte Perfumes, anak. Wala kasi rito sa Australia ngayon ang dad mo. Nasa London siya para sa isang business venture na iniisip niya.”

“You mean, dad wanted to have another business? Hindi pa ba sapat ang Arte Perfumes, Mom? Mukha namang booming ito, ah. Aren’t dad tired thinking about business?”

“Anak, alam mo naman kung bakit iyon ginagawa ng dad mo. Namin ng dad mo. We just wanted to leave you a life full of comfort. Kung sakali man na kailangan na naming pumunta sa kung saang lugar. At least, you have the luxury of life.”

“Mommy naman, eh. Naiintindihan ko naman po pero ‘di ba pwedeng mag-invest na lang si Dad? At least through investment, he can still have money.”

Saglit na katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Tatawagin na niya sana ang ina ngunit bigla na ulit itong nagsalita. “You know your dad, Xhel. Whatever you’ll say, he’ll still do whatever he wants. Nga pala, enough talking with business. Do you have a problem? Bakit ka napatawag, anak? Hindi ikaw iyan. Hindi kita maku-kumusta unless ako ang tatawag sa iyo. Pero ngayon . . .”

Naniniwala na talaga si Lyxhel na malakas makiramdam ang isang ina. Kahit hindi niya sabihin dito ay ramdam nito na may iniisip siyang kung ano. She wanted to tell her mother that she wanted to take a break with her profession but there’s a possibility that she’ll make her go to Australia.

She’ll probably take over managing Arte Perfumes. Sino nga naman ang papalit sa mga magulang niya kung hindi siya? ‘Di ba?

“Just tell me, anak. Whatever it is, you know, I have your back.”

“Well, um, I resigned as the corporate lawyer of the Montedarbel family, Mom. Something happened that led me to do that. Nagkaroon kami ng misunderstanding noong anak nitong lalaki. Pero, okay naman na iyon, Mom. Naayos na iyon pero wala na akong balak bumalik bilang corporate lawyer nila.”

“So, what’s the problem now? Are you thinking of taking a break from your profession? Pwede naman, anak. Take a rest. Chill out. Hindi mo naman kailangan na magpakadalubhasa riyan. Mabubuhay ka pa rin naman kung titigil ka. Anong silbi ng business natin kung hindi mo kukunin ang pribilehiyong mayroon ka?”

May punto ang ina niya pero wala pa rin siyang balak na kunin ang pribilehiyo na mayroon siya. Hangga’t kaya niya ay siya mismo ang kikilos para sa sarili niya.

“Thank you, Mom. I’ll take your advice. Baka kailangan ko lang talaga na magpahinga na muna sa trabaho ko. I love you, Mom! Kiss dad’s cheek for me. Bye!”

“Okay! I love you, anak. Take care, okay? Tawagan mo kami kung sakali mang magkaroon ka ng mas mabigat na problema. Handa ang bisig ko at ng daddy mo para sa iyo, anak. I miss you!”

After hearing that from her mother, she was thinking of visiting them in Australia. Maybe she’ll make a surprise visit but not at the moment. Gusto niya kapag pupunta siya ng Australia, kasama niya ang lalaking ipapakilala niya sa mga magulang. Ang lalaking bumihag sa puso niya at gustong makasama hanggang dulo ng buhay nila.

Hindi man nabanggit ng ina niya ang tungkol sa kaniyang lovelife pero alam niyang naghihintay rin ito na magsabi siya tungkol doon. Gustuhin niya mang magsabi sa ina pero hindi pa iyon ang tamang panahon para sabihin dito ang bagay na iyon.

She was about to keep her phone in her bag when it vibrated. It means that someone left a message for her. She was expecting that it would be Traios but she got disappointed. It was Gionne and he was inviting her to go to his engagement party.

For a minute, she wasn’t able to process what she had read. But as she read it again, she wasn’t imagining the words she had read. Gionne’s really got engaged! Then, who must be the unlucky girl? Or maybe, lucky? Well, whoever she is, all she wishes for her is that she’ll have everything that she deserves to have.

The engagement party will be held tonight. It was really that quick but she doesn’t have a say on that. Hindi naman siya ang na-engage. Sinabi na lang niya kay Gionne na pupunta siya. Gusto niya rin kasing makita kung ano ang itsura ng isang Gionne na nagmamahal at nahulog ng sobra sa patibong ni kupido.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

5.9K 61 27
"Ni minsan ba minahal mo ako? O pinilit mo lang ang sarili mong mahalin ako dahil kapag kasama mo ako pansamantala mong nakakalimutan ang pag-iwan ni...
2.5K 45 2
Kryle Von Dela Virgo is a playboy man she know. She have a feeling for him when she look at him in a first time they met. Isang kahangalan na mag m...
23.9K 865 29
- Dangerous Roads Series #3 In this world that is slowly changing day after day, there's still a place that haven't change for decades. Like no signs...
40.1K 1.3K 33
(Completed) Warning! Mature Content | R-18 | SPG Written in Tagalog-English [Runaway Series 4] Kathy Dereen Sanchez, is an obedient daughter. She doe...