FPS 1: His Illicit Affair

By perieaus

27.8K 355 11

His Illicit Affair Forbidden Passions Series A Collaboration Genre: Erotic Romance/R-18 Status: Complete Ly... More

Forbidden Passions Series
Paalala
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Wakas
Pasasalamat
Bonus Chapter

Chapter 7

865 9 0
By perieaus

Chapter 7

“We already let him go, Xhel.” Imporma ni Bryxse sa kaniya mula sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nasa banyo ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinatok pa siya ni Traios para lang maibigay ‘yon sa kaniya.

Ayon kasi sa binata ay wala iyong tigil sa pagtunog. May kasamang masamang pukol ng tingin sa kaniya si Traios bago tuluyang ibinigay ang cell phone sa kaniya.

“Salamat, Sese! I owe you one.”

May narinig siyang malalim na buntong hininga sa kabilang linya matapos ang ilang minutong katahimikan. “Please be careful, okay? Be careful with all the people you associate with. Kaibigan kita, Xhel kaya importante ka sa akin. Dalawang taon ka mang hindi nagparamdam sa akin, magkaibigan pa rin tayo. Pwera na lang kung gusto mo akong maging kaIBIGan. Joke!” Hirit nito sa kaniya sabay tawa ng malakas.

In-emphasize pa talaga nito ang salitang ibig. Hindi naman na siya nagtaka o nailang sa naging hirit nito dahil noon pa man ay mahilig na talagang mang-asar ang matalik niyang kaibigan. Kaya kung minsan ay sinasakyan niya rin ang mga biro at hirit nito.

They were in college when they had a serious talk. Bryxse told her everything he wanted to say. He said that all he really wanted between the two of them was friendship and he tried to like her in a romantic way but there’s really nothing. He treasures her so much because he also considered her as his sister that he’ll protect and make her feel loved and appreciated at all times.

“Mabulunan ka sana sa kakatawa mo. Heh! You’re still the Bryxse I knew. Mabuti naman at hindi ka nagbago. Sige na, tumigil ka na sa pagtawa. Ibaba ko na ito. Salamat ulit, Sese!”

Tumawa-tawa pa rin ito pero hindi naman lumipas ang oras ay tumigil na rin ito. “Alangan namang maging alien ako pagkalipas ng dalawang taong hindi natin pagkikita, ‘di ba? Siya, sige na. Baka kaltukan mo pa ako kahit na nasa cell phone lang naman tayo nag-uusap. See you when I see you, Xhel. Bye!”

Ang binata na ang pumatay sa tawag. Napailing-iling muna si Lyxhel bago niya tinapos ang pagligo. Sa paglabas niya sa banyo na nakabihis na rin, nabungaran niya si Traios na nakabusangot ang mukha.

Kumunot ang noo niya dahil doon. Ano naman kayang problema ng lalaking ito?

Tumayo si Traios sa kaniyang harap nang magka-krus ang mga braso nito. “Sino ‘yong tumawag? Bakit BESTIE BF ang nakalagay sa contact mo?” May diin ang bestie bf ng sabihin iyon ni Traios. Puno rin ng kuryosidad ang tono nito.

Hindi niya tuloy naiwasang tumawa ng malakas. Sa sobrang pagtawa niya ay napahawak na siya sa kaniyang tiyan. Nakabusangot namang nakatingin sa kaniya ang lalaki at parang hindi ito natutuwa sa reaksiyon niya. Kaya naman itinigil niya ang kaniyang pagtawa at sinagot na lang ang tanong nito. “That’s Bryxse. I forgot to tell you about him. Two years din kasi kaming hindi nagkita. Bestfriend ko siya simula noong high school.”

Alam naman niyang hindi seloso si Traios pero matutuwa talaga siya kapag sinabi nitong nagseselos ito. Nakakakilig iyon para sa kaniya dahil sa unang pagkakataon ay nagselos na ang binata.

Gusto niya sanang biruin ito at sabihing nagseselos ito pero nabahag ang buntot niya.

“I hope it’s all clear to you know, babe.”

Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “I wasn’t jealous.” Tila isinatinig nito ang kung anuman ang tumatakbo sa isip niya. “I was just curious. But . . . fine, I got a little bit jealous.” He admitted then bowed his head as if being jealous is a crime.

Tila naman hindi na alam ni Lyxhel ang i-re-react niya. Natutuwa siyang nagseselos ang binata pero may isang katanungan ang tumatakbo sa utak niya. May karapatan ba silang dalawa na magselos kung sa unang pa lang ay alam na nila ang estado ng relasyon na mayroon sila?

“Mabuti pa ay kumilos na tayo para makapunta na tayo sa kaniya-kaniya nating lakad. Um, are you going to be here tonight? Or you have some important business to do?”

Hindi agad sumagot sa tanong niya si Traios, alam na niya kung bakit at hindi na niya kailangan pang magtanong. Naiintindihan naman niya.

Malungkot itong ngumiti sa kaniya bago hinalikan ang kaniyang noo. “I’m sorry. Babawi na lang ako. Okay?”

Tumango na lamang siya bilang tugon. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Anong laban niya sa kailangan nitong asikasuhin, ‘di ba?

Isang banayad na yakap ang iginawad ni Traios sa kaniya. Sinuklian niya rin ang yakap na iyon. Nagtagal sila sa ganoong posisyon ng ilang mga minuto bago siya kumalas. “Sige na, babe. Magkita na lang tayo ulit kapag wala ka nang dapat gawin. Ingat ka, okay? Lalo na sa pag-da-drive mo.”

“I will, love. Ikaw rin, mag-ingat ka.”

They kissed then Lyxhel took her bag before they intertwined their fingers. Sabay na silang naglakad paalis ng unit ni Lyxhel at nagtungo sa elevator. Naghiwalay lang sila ng makarating na sila sa parking lot.

Dumiretso si Lyxhel sa Hacinda Law Firm para makausap ng personal si Callianna. Nang makarating na siya roon, agad niyang hinanap ang dalaga. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa opisina lang ito at walang meeting.

“Good morning, Atty. Buenavidez.”

Umangat ang ulo ni Callianna mula sa binabasa nitong papeles. “Oh, Atty. Artevazes. What brings you here? Na-settle mo na ba ang sa inyo ni Gionne?”

Umupo na muna siya sa visitor’s chair bago ito sinagot. “I resigned. Wala bang nabalita sa television news or newspaper ang pananatili ni Gionne sa police station buong magdamag?‘

Napuno ng kuryosidad ang mukha ni Callianna. “Bakit? Anong nangyari?”

Ikwinento ni Lyxhel kung ano ang nangyari sa naging pag-uusap nila ni Gionne. At kung paano ito na-detain ng buong magdamag sa police station nila Bryxse. Naramdaman niya ang pag-aalala ni Callianna at naintindihan nito kung bakit mas pinili niyang mag-resign na lang.

“So, ano ang plano mo ngayon, Lae? Gusto mo pa bang kunin ang sinabi ko sa iyo noong huli tayong mag-usap? O gusto mong mag-isip isip na lang muna?”

Naging tahimik saglit si Lyxhel. Hindi pa niya kasi alam kung ano nga ba ang gusto niyang gawin. Kaya naman niyang buhayin ang sarili kahit na itigil niya ang propesiyon niya.

“I think I have to think about it thoroughly, Calli. Hindi ko pa alam kung ano ang tamang desisyon na dapat gawin. Mauna na muna ako. Mukhang marami ka pang dapat na gawin.” Tumayo na si Lyxhel. Si Callianna naman ay nakaupo pa rin pero nakatingala naman sa kaniya.

“Okay, sige! Tawagan mo na lang ako o kaya naman ay pumunta ka na lang ulit dito.”

Umalis na sa opisina ni Callianna si Lyxhel. Lumakad na siya patungo sa elevator. Nginitian niya na lamang ang ilan sa bumabati sa kaniya. Nang nasa lobby na siya ng HLF, agad siyang napaatras nang makita si Gionne.

“Lae, can we talk?”

Galit na tinig agad ang ibinungad ni Lyxhel sa binata. “Anong ginagawa mo rito? Kailangan ko bang mag-file ng restraining order para lang hindi mo na ako malapitan pa?”

“Look, Lae, I didn’t come here to harass you or anything. I came here to talk to you properly. Gusto ko lang humingi sa ‘yo ng tawad. Sa pambabastos na ginawa ko sa ‘yo at sa iba pang mali na nagawa ko.”

“As I came out of that jail earlier, I chose to just walk. I wander around, thinking too much that I bumped into someone. Nag-usap kami, sinabi ko sa kaniya ang lahat ng tumatakbo sa isip ko. At hindi ko inaasahan na magiging magaan ang loob ko matapos ang pag-uusap namin na iyon. She told me that it's not too late to change. That I still have hope. All I need is to accept everything and ask for forgiveness. Kaya naman humihingi ako sa ‘yo ng tawad, Lae. Walang halong kung anuman ang paghingi ko sa ‘yo ng tawad. At sana ay mahanap mo ang kasiyahan na ginugusto ng puso mo. I wish you goodluck, Lae. I hope that you’ll truly be happy. Because you deserve that.”

Inilahad nito sa kaniya ang kanang kamay. May pag-a-alinlangan man na nararamdaman si Lyxhel pero tinanggap niya pa rin ang kamay ng binata. Nakipag-kamay siya rito. “Pinapatawad na kita, Gionne. Sana lang nga ay totoo ang sinasabi mo. I wish you happiness, too, because you deserve that, too.”

Isang totoong ngiti ang ibinigay niya kay Gionne bago binawi ang kaniyang kamay. Ngumiti rin sa kaniya si Gionne bago ito tuluyang mag-paalam sa kaniya. Pinanood niya ang pag-alis ni Gionne bago siya naglakad na rin paalis ng HLF building.

Sa kaniyang paglabas ng building, kinailangan niya munang hintayin ang Audi Q5 niya mula sa valet na nag-park niyon sa parking kanina. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil agad din namang dumating ang kotse niya.

Nagbigay siya ng tip sa valet at nagpasalamat bago tuluyan nang umalis doon. Hindi alam ang patutunguhan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

64K 2.1K 31
Teenage Love The Din Ignacio and JeeAnn Paez Story
45.2K 1.2K 50
(COMPLETED) Paano kung ang babaeng sinaktan mo ng todo? minahal ka ng walang halong biro, ay ang babaeng nag iisang nagpatibok puso mo? pero ngayon...
483K 14.2K 55
SEDUCTION TRILOGY VOLUME I *** Praia was still grieving for her beloved father's death when problems flooded on her and she discovered that her famil...
5.5K 150 51
|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! || || WARNING ⚠ R πŸ”ž || ||UNEDITED|| π™³πš˜πšœ πšπš’πšŸπšŽπš›πšŠ 𝚑 πšƒπšžπš•πš’πš™πš’πšŠπš— πš…πšŽπšπšŠπšœ Hindi ko alam na aabot ako sa pu...