THE LAST CHAPTER ( Slam Dunk)

By Zelien03

3.3K 167 97

" Hindi Tayo mananalo kung ganito Tayo Ngayon.... Para San ba lahat nang to kundi para sa basketball." ... More

AUTHOR NOTE!
PROLOGUE
INTRO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
AUTHOR NOTE!
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
AUTHOR NOTE
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
A/N

CHAPTER 26

47 4 2
By Zelien03

Ito na Ang pinakahinihintay at pinaka nakakakabang Araw para sa team Ng shohoku. Kung saan, maglalaro Sila kontra Miyaka high.

Alas kuwatro palamang Ng madaling Araw ay gising na Si Akagi, makailang beses pa itong tumakbo sa bakuran Ng Bahay nila para eh kondisyon Ang isipan. Dahil nga sa winter season na ito ay talaga nga Namang malamig kung kayat balot ito Ng mag jogging sa labas.

'ilang Oras nalang.'

Namuong salita nito sakaniyang isipan. Hindi Niya mawari Ang nararamdaman dahil nga unang pagkakataon nanaman nila ulit sasabak sa ganitong tornamento. Mariin Rin niyang pinasadahan Ang kaliwang binti dahil kumikirot ito satuwing malamig Ang panahon, Isa pa ito sa kinakatakutan Niya... Natatakot siyang baka Isa pa ito sa makaapekto sa laro Niya mamaya. Hindi paman subalit kinakabahan na Siya para sa mangyayare.

" Naku! Unang laro nanamin para sa Araw na ito." Ito Naman Ang naanas ni Mitsui sakaniyang sarili Nang mapabalikwas Ng gising. Pagkaupo Niya sakaniyang hinihigaan ay tumambad sakaniya Ang kalendaryo nakung saan iminarka Niya Ang laro nila para sa Araw na ito. Gaya Ng marami, kinakabahan Rin si Mitsui sa posibleng kahinatnan Ng laro. Ni Hindi Rin ito nakatulog kagabi Ng maayos dahil sa kakaisip. Ito Ang unang propesyonal na laro Ang dadaluhan nila na Hindi Kasama si coach Anzai. Mahirap mag adjust Lalo nat Hindi palamang matagal Nang palitan ito.

'manonood kaya si Coach Anzai?'

Ang natanong Niya sakaniyang sarili, Hindi Siya mapalagay satuwing Hindi nakikita Ang presensiya Ng matanda. Nangyare na ito noon, Nung Minsan nilang makalaban Ang team ng Ryonan. Wala Rin si coach Anzai nun at kaparehong-kapareho Ang nararamdaman Niya Ngayon. Bahagya pa siyang napatayo kahit na alas tres palamang Nang madaling Araw. Nagpabalik-balik pa ito sa paglalakad, ilang Oras Ang tinagal nun Hanggang sa makapag pasiya na siyang maligo. Nagbabakasakaling mawala Ang nerbyos na nararamdaman Niya. Mamaya pang hapon Ang laban nila pero parang sobrang Dali lang Ng takbo Ng Oras para sakaniya.

Sa kabilang Banda Naman.... magtatanghali na Ng magising si Miyagi, malalim Rin Ang iniisip nito para sa laro nila mamaya. Dahil sa sobrang pag-iisip ay nanatili Muna itong nakahiga. Kinakabahan Rin. Sino nga ba Ang hindi kakabahan kung ito na Ang Araw Ng laro nila. Pasimple Rin niyang pinagmasdan Ang dalawang palad, nanginginig nanaman ito ngunit Hindi masiyado.

' naku, ito nanaman siya.'

Ang mahinang bulong Niya sa sarili habang pinagmamasdan Ang dalawang palad na walang tigil sa panginginig. Matapos niyang sabihin yon kalaonan ay napabalikwas na Siya Ng upo Mula sa pagkakahiga. Dirin Naman nagtagal ay tahimik niyang tinungo Ang kusina at naka ilang baso pa siya ng tubig habang umiinom. Siguro'y marahil ito na Ang epekto Ng winter tournament sakaniya.

' Hindi ko alam kung San Ako dadalhin Ng mga kamay nato? Pero sana Naman makatulong to sa team.'

Aniya sakaniyang isipan habang mariing pinapasadahan Nang tingin Ang dalawang kamay na Ngayon ay nakahawak sa basong kinuha nito kanina lang.

Samantala.

Tahimik na naglalakad si hanamitchi Sakuragi para magtungo sa bakanteng lote kung saan naroroon Ang paborito nitong basketball court. Habang Nasa kalagitnaan Ng pagpalalakad, Hindi Niya maiwasang isipin kung Ano ba Ang maitutulong Niya sa team mamaya. Marahil ay sasabihin Ng marami na katawa-tawa Siya kung sasabihin Niya Ang mga katagang iyon sa iba. Pero sa Ngayon Yun talaga Ang iniisip Niya.

" Si Hanamitchi Ang sikat na basketbol men, magaling na basketbol men. Oo tama! Si Hanamitchi nga." Pagkanta Niya Mula sa kawalan. Mula sa paglipad Ng isip nito ay Hindi Niya sinasadyang makasalubong Ang naglalakad na Si Rukawa. Tila malalim Rin Ang iniisip nito na parang Wala sa sarili kung titingnan. Sabagay, palagi nga Naman itong ganito. Malimit Hindi magsalita at kung Minsan nagsusuplado pa. Sa basketball lamang nito pinapakita na nakikipag-usap Siya sa iba.

' aba! Si yabang... '

Ang nasabi Ni hanamitchi sa sarili Ng Makita si Rukawa... Mukhang napansin Rin Naman Siya nito dahil napatingin kaagad ito sa direksiyon Niya.

" Hoy yabang! Sinusundan mow bakow? " Pangunggong nanamang wika ni hanamitchi rito.

" At baket Naman kaya Kita susundan? " Ito Naman Ang naging sagot ni Rukawa sakaniya, Wala itong kabuhay-buhay Kong sumagot.

" Sus, aminin mo na Kasi Rukawa.... Hindi Naman Ako magagalit kung sumusunod ka." Hagikhik nitong Turan. Inismiran lamang Siya ni Rukawa Saka ipinagpatuloy Ang paglalakad... Pareho Sila Ng daang linalakaran kaya Naman Panay Ang pangungulit ni hanamitchi rito.

" Magtigil ka nga gunggong! " Asar na wika ni Rukawa dahil sa pangangasar ni hanamitchi sakaniya.

" Hoy mayabang, namumutla ka ata? Hehe kung sabagay dapat kalang mamutla. Ipaubaya mo na Kay henyong si Sakuragi Ang laro mamaya Nyehehehe." Wika pa nito.

" Anong iaasa Ng team sayo? Foul trouble? Wag kanang umasa." Banat kaagad ni Rukawa na nakapag paasar Kay Hanamitchi Sakuragi.

" Nong Sabi mo! " Hanamitchi.

" Baket? Totoo Naman, sa foul trouble kalang magaling." Rukawa

" Nagsalita Ang lupayat." Hanamitchi

" Anong Sabi mo? " Rukawa

" Lupayat."

" Ulitin mo. "

" Lupayat, lupayat si Rukawa! NYAHAHAHAHAHAHAHA! " Natigil sa pagtawa si Sakuragi Nang bigla siyang suntukin ni Rukawa dahilan para mapasubsob ito sa lupa. Kaagad Rin Naman itong tumayo at para bang nag-aapoy sa galit.

" Hindi ko hahayaang suntukin mo nalang Basta Ang henyong ito! Mayabang na lupayat! " Sigaw ni hanamitchi na sabay suntok Rin Kay Rukawa... Gaya Niya ay napaupo Rin ito. Walang tigil sa palitan Ng suntokan Ang dalawa... Ni walang nagpapatalo.

" Papatayin talaga kita Rukawa! "

" Ikaw Ang papatayin ko! " Ito Naman Ang naging sagot ni Rukawa Saka sabay sipa sa sa nakaibabaw na Si hanamitchi. Tumilapon ito sa kung saan ngunit agad Rin Namang nakabawi. Knowing hanamitchi, Kilala ito sa bardagulan... Werdo na kung werdo pero ganun talaga ito. Walang tigil sa suntukan Ang dalawa Hanggang sa dalhin Sila Ng kanilang mga paa sa mismong Lugar kung saan Sila pupunta dapat.

" Mas magaling Ako sa yo Rukawa! "

" Gunggong! "

Magkasabay pa sanang magsusuntukan Ang dalawa Nang may marinig Silang talbog Ng bola sa kung saan. Mukhang nagpa practice ito kung kayat sabay Silang napatingin sa direksiyon kung San ito Nang gagaling. Nakaibabaw pa si hanamitchi Kay Rukawa, habang si Rukawa Naman ay Nasa ilalim nito habang parehong nakaamba Ng kamao para suntukin Ang isat-isa. Puno Ng mga pasa Ang Mukha ng mga ito.

Bahagya pang itinulak ni Rukawa si hanamitchi para umalis ito sa posisyon nito.... Saka umupo para magpagpag. Napadaing Naman ito Ng itulak Niya at pangunggong Siya nitong tiningnan.

" Kadiri." Ang Turan ni Rukawa na Ang tinutukoy ay Ang pagkakadikit nila ni hanamitchi.

" Ikaw Ang kadiri, yak! Alis alis... Mahahawaan Ako Ng galis mo Rukawa! " Mala batang wika ni hanamitchi nasabay nagpapagpag pa... Ganun din Ang ginagawa ni Rukawa, Panay Rin Ang lagay nito Ng alcohol sa ibat-ibang bahagi Ng katawan nito....

" Gunggong ka, Ikaw Ang may galis Hindi ako."

" Aminin mo na, alam ko namang tinatago mo lang sa pwet mo yang galis mo Rukawa! Nangangamoy ketong kapa."

" Ok lang atlis Hindi nangangamoy putok kagaya mo."

" Wala akong putok ano! "

" May putok ka. "

" Wala! "

" Wag mong itanggi."

" Rukawaaaaaaa..."

" Gunggong."

" Amoy ketong."

" Hindi Ako amoy ketong, gunggong."

" Sus itatanggi pa."

" Putok."

" Ketong." Magpapalitan pasana Ng maaanghang na salita Ang dalawa Nang makarinig nanaman ulit Sila Ng tunog. Sa Ngayon Hindi lang Basta talbog Ng bola Ang narinig nila kundi parang masisirang ring. Agad na nagkatinginan Ang dalawa subalit agad Rin Namang nagbawian dahil sabay itong nag-irap sa isat-isa.

Unang tumayo si hanamitchi para silipin Ang loob Ng tagong basketball court. Sumunod Rin Naman si Rukawa at sumilip Rin.

" Wag ka ngang dumikit sakin rukawang may galis."

" Ikaw Ang wag dumikit sakin, Sakuragi'ng amoy putok."

" SINABI KO NA NGANG WALA AKONG PUTOK EH! HO DER YU TO SI IT TO MEY RUKAWA! " Ang pag e English ni hanamitchi rito.... Pero bago paman ulit magbangayan Ang dalawa ay naagaw Ang atensiyon nila Nang kung sino man. Kitang-kita nila kung papano ito mag dribble Ng bola. Parang bihasang-bihasa ito kung kumilos. Hindi lang nila masiyadong maaninag Ang Mukha nito dahil sa nakasuot ito Nang black na face mask. Naka jacket Rin ito Nang white habang naka jogging pants na may nakaukit na korona sa may bandang gilid Ng jogging pants nito.

' Teka? San ko nga ba Nakita Ang mga korona'ng Yan? '

Ang natanong ni Hanamitchi sakaniyang sarili. Maging si Rukawa ay napatitig Rin kundi Siya nagkakamali... Logo ito Ng.....

" Sannoh/ Ang tatlong Hari! " Magkasabay nilang Saad habang nagkatinginan pa. Agad bumalik Ang paningin nila sa kung sino man. Mabilis itong nagdi dribble Ng bola, parang sanay na sanay na ito. Maging Ang mahuhusay Mang agaw Nang bola sa laro ay mukhang Hindi ito maaagaw. Parang may magnet Ang bola sa mga kamay nito. Ibang-iba kung papano Sila gumalaw bilang player. Pinapanood lang nila Ang sunod na gagawin nito... Hanggang sa mamangha nalamang Silang dalawa.

Pano banaman Kasi, malayo pa ito Ng ihagis nito sa ere Ang bolang hawak nito kanina, Saka tumalon Ng pagkataas Taas para dakmalin Ang bola sa ere. Mas mataas pa ito kung tumalon Kay Hanamitchi, at mas mabilis pa ito kong kumilos kesa Kay Miyagi.

' Ang Taas '

Ani Hanamitchi, pabulong lang pero Tama lang para marinig ni Rukawa. Matapos nitong Kunin Ang bola sa ere ay walang pasubali nitong idinakdak Ang bola sa ring, na para bang ano Mang Oras bibigay na Ang ring sa sobrang lakas Ng pagkakadakdak nito roon. Walang kung Ano man ang bumalatay sa Mukha Ng dalawa kundi Ang gulat. Hindi na nila ininda Ang mga pasang natamo nila kanina dahil sa suntukan. Wala Silang ibang naramdaman kundi Ang panginginig Nang buo nilang katawan. Hanggang sa pagtalbog Ng bola sa sahig ay walang imik Ang dalawa....

Mas Lalo pa Silang nagulat Ng magtanggal ito Ng face mask na suot.

























































" T-teka? Si..... Si all-star? "

Continue Reading

You'll Also Like

56.8K 2.6K 20
"i'm deeply in love with you, jay." wherein the cold-hearted student council president or also called the ice prince, having a huge crush on the new...
238K 7K 81
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
52.5K 529 100
A Story where I judge girls where I would probably Smash or Pass on! I will do Girls and Genderbent Guy's but no actual Guys! also you Can Place your...
1.1M 36.3K 63
π’π“π€π‘π†πˆπ‘π‹ ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 π–π‡πˆπ‚π‡ jude bellingham finally manages to shoot...