My Typecast Midnight THE ENCH...

By LeivExile

2.7K 1.3K 57

'The Enchantresses' is an enchanting series that delves into the diverse stories of strippers. It is a master... More

DISCLAIMER
BLURB
THE ENCHANTRESSES
PROLOGUE
Chapter 1 ~My Choice Is You~
Chapter 2 ~ That's her
Chapter 3 ~handsome client~
Chapter 4 ~My Cousin
Chapter 5 ~ Her Fiancee
Chapter 6 ~ Mission
Chapter 7 ~My bestfriend~
Chapter 8 ~Past
Chapter 9 ~Found You~
Chapter 10 ~Her Lucky Days~
Chapter 11 ~Nakedly Pretty
Chapter 12 ~Dates
Chapter 13 ~His Queen~
Chapter 14 ~A Shared Connection~
Chapter 15 ~Red Roses~
Chapter 16 ~A woman in a wall
Chapter 17 ~Home
Chapter 18 ~Path Chosen
Chapter 19 ~ Hands-off
Chapter 20~ Half blood
Chapter 21 ~ Awaken From Nightmare
Chapter 23 ~ Save You For The Last Time
Chapter 24 ~Who saved her
Chapter 25~ sorting out~
EPILOGUE

Chapter 22 ~ True Colors Came Out

43 39 1
By LeivExile





“See. What happened? I warned you before na hindi natin kaya ang adopted daughter mo na iyon.” Nanlilisik ang mga mata ni Dermot. “I tried so many times para mapasa-akin siya pero matigas siya. Kakaiba siyang babae na kahit kailan hindi magpapasakop basta-basta. She’s strong and resilient,” dagdag pa nito na naiinis pero may paghanga sa kanyang boses na ikinainis ng kaharap.

“Paano na?” tanong ng kaharap niya na kanina pa hindi mapakali halos maikot ang buong kwarto ni Dermot, halos isang linggo na siyang naglalagi sa bahay ni Dermot dahil wala naman siya pweding puntahan at kailangan nilang mag-usap para sa susunod na hakbang.


“She’s digging everything,” she sighed heavily.

“She has the rights. You legally adopted her at talagang may karapatan siya sa Stargazer Club. Kung nakinig ka lang noon sa akin! Magenta! Pero anong ginawa mo? Si Tito Nicolo ang sinunod mo!” naiinis at may bahid na paninisi sa boses ni Dermot.


Magenta Vyralen was Dermot lovers since Nicolo Vyralen got murdered at Stargazer Club in the Philippines.


“That girl has two faces! She’s unpredictable bitch! Hindi man lang pumasok sa isip ko na darating ang araw na susuwagin niya ako. I’ll give her everything! Look! I am a perfect mother right?” Pagmamalaki ni Magenta sa katabing lalaki.


“And you are a perfect lover.” Pang-uuto naman ni Dermot na may pangisi-ngisi pa.


“Isa pa si Joeres. Hard-headed! Kung nakinig lang sana sila sa akin magiging masaya sana sila sa buhay nila! Pakatapos ibigay ko ang luho nila ay ako ang kakalabanin nila. Ako ang pinalayas nila sa pamamahay ko. Walang utang na loob!” galit na galit at nanlilisik ang mga mata ni Magenta, para na siyang baliw na hindi alam kung alin ang unang iisipon at gagawin.


“Calm down para makapag-isip tayo!” sigaw ni Dermot kay Magenta na tila nahimasmasan naman at napaupo ulit sa couch.


“Almost perfect!” palatak ni Magenta. “Kung hindi lang dumating ang lalaking iyon sa buhay ni Launcelle! Kung hindi niya lang pinakialaman ang babaeng iyon ay maikakasal na sana silang magkapatid!” dagdag pa nito na talagang mukhang baliw sa mga sinasabi.


“Loudon Riege Rosco. Siya ay alagad ng batas! At tatanga-tanga ka kase dahil hindi mo muna inaalam ang background ng mga pumapasok sa Stargazer Club! Kasalan mo ang lahat Magenta dahil masyado kang kampante sa anak-anakan mo kahit alam mong kahit anong oras ay pwedi ka niyang talikuran!” Isang masamang tao ang nagtatago sa mukha ni Dermot.


“I trust her! Hahahaha I really trust her! I thought she become my protege! She become like me! But that fucking man ruin everything! Loudon Riege Rosco ruin our perfect life!” Tatawa at biglang seryuso si Magenta Vyralen. Hindi niya na kaya pang itago kung ano talaga ang tunay niyang kulay.


“Patahimikin na natin sila lahat! Para matapos na ’to,” seryusong suggestion ni Dermot na parang ikinatuwa pa ni Magenta ang narinig mula sa kalaguyo. Alam ni Magenta na kayang gawin iyon ni Dermot para sa kanya, para sa kasakiman nila. Gagawin nila ang lahat para hindi mapurnada ang plano nila. They value money more than peacefulness and happiness. That's the work of evil.


**


She want to freely breathe now, hindi na naligo at nag-almusal si Cyla, gusto niyang makaalis sa pamamahay na iyon kaya nagpahatid agad siya kay Joeres sa Vyralen building. Hindi sila nag-usap ni Joeres kung ano ba dapat ang hakbang na dapat nilang gawin. Hindi naman si Launcelle pweding kumilos agad dahil wala pa siyang pinanghahawakang matibay na ebidensya. Nangako lang si Joeres na maghihintay siya sa puwede niyang itulong sa ate niya, nakadepende si Joeres kay Cyla, noon pa man ay iyon na ang sitwasyon nila at kaya pala si Cyla ang lakas ni Joeres. She’s the oldest. Gusto niyang mapag-isa muna kaya napagdesisyunan niyang sa Penthouse ulit mamalagi. Doon niya na inayos ang sarili at nagpaorder ng almusal sa kanyang assistant.


Gusto niya ng alamin ang buong katotohanan kung ano ba talagang nangyari ng mga panahon na iyon pero mukhang mahaba-habang oras pa ang gugugulin nila ni Loudon. Tahimik lang kase ang kilos ni Loudon at kailangan niyang pag-isipan lahat ng kilos, katulong naman nila si Morsel at Norleigh pero hindi lang sila puwedeng sa public kumilos dahil mapapahamak si Cyla at Norleigh. Sa Pilipinas pa naman nangyari iyon pero mas malakas ang kutob ni Cyla na tama ang nasa isip niya simula ng magkaharap sila ni Ignacio. Mukhang hindi naman ito nagsisinungaling at anong dahilan pa para magsinungaling siya?


Kailangan niyang gawin ang lahat para malaman ni Cyla ang katotohanan. She need to continue digging the past before fixing the present. At hindi niya maitatanggi na sobrang pasalamat siya dahil sa pagdating ni Loudon sa buhay niya at kahit ang best friend niya ay nakaligtas sa sitwasyon na hindi nababagay sa kanya. Norleigh deserve happiness and tranquil life because she’s kind and vulnerable. Norleigh was so lucky for having Morsel Gibson in her life.


“Baby, who is Rita Dejarlo?” After a week of solitude sa Penthouse ay tumawag si Loudon Riege, kinabahan si Cyla ng marinig ang pangalan ng kanyang Tita, what about her? After the incident sa bahay ni Magenta ay naikwento niya na lahat kay Loudon Riege lahat-lahat, she's asking for help dahil wala ng ibang puwede pang pagkatiwalaan kundi ang lalaking nasa tabi niya. Ang boyfriend niya.


“Rita Dejarlo, she's my Tita ang Ina ni Dermot at kapatid ni Daddy Nicolo,” paliwanag ni Cyla sa kabilang linya. Hindi pa sila nagkikita ni Loudon dahil pinag-iingat siya nito, baka may makakita na may kasama siyang FBI, hindi pa alam ni Cyla kung nasaan na ang kanyang Mommy pero sa kilos nito alam niyang guilty ito at nagtatago.


“Lumapit daw kay Clark noong nagtatanong-tanong sila tungkol sa nagsarang Stargazer Club sa Pilipinas.  I hired my trusted Detective friend from Philippines at pinasamahan ko kay Clark-- remember him? Kapatid niya iyong isang nawawala dati?” paliwanag ni Loudon habang tahimik naman na nakikinig si Cyla.


“What about, Tita?” Curious na tanong ni Cyla.


“She’s crying while talking to Clark, akala daw nila baliw ito dahil kalalabas lang ng Mental Hospital pero napag-alaman nila na pinasok ni Dermot ang kanyang ina sa Institution na iyon para hindi makapagsalita sa mga police. She witnessed the murdered of your father Nicolo Vyralen at si Dermot at Magenta ang may kagagawan ng lahat. That two evil are manipulating everything para maging safe sila,” kuwento ni Dermot na nagbigay ng kakaibang galit sa puso ni Cyla. Kahit pala ang ama ni Dermot ay hindi na alam kung nasaan na. Simula ng makulong si Rita Dejarlo ay nagpakalayo-layo na rin ang asawa nito at walang pakialam si Dermot sa mga magulang niya. Tanging si Magenta na lang ang pinapahalagahan nito or ang pera ni Magenta.


“Malinaw na sa akin ang lahat-lahat,” saad ni Cyla. “Let’s finish it. Ituloy na natin ang suggestion mo,” dagdag pa ni Cyla.


“Let’s do it, baby!” replied ni Loudon sa kabilang linya.


Ibinababa na ni Launcelle ang hawak na cellphone at hindi na niya napigilan pa ang kanyang luha na kanina pa nagbabadya. Wala na, wala na ang pag-asa sa puso niya na hindi totoo ang hinala niya tungkol kay Magenta. She’s very disappointed right now and she feels vomiting while remembering those sweet and genuine moments with her mommy Magenta. Naninikip ang dibdib niya sa galit at lungkot na bumabalot sa pagkatao niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, she also need to betray her own mother for the sake of innocent people working for them.


“She’s evil. Dermot is evil,” wala sa sariling banggit ni Launcelle, hindi niya itatanggi na natatakot siyang kalabanin ang taong nagbigay sa kanya ng lahat-lahat , nagbigay sa kanya ng karangyaan. Parang sasabog ang isip ni Launcelle dahil sa kakaharapin niyang laban, hindi niya lubos maisip na ang Magenta’ng kanyang nakilala ay isa palang kampon ni Satanas at kahit si Dermot ay walang kwentang nilalang rin, akala ni Cyla ay totoo lahat ng ipinapakita sa kanya ng hilaw na pinsan niya. Iyon pala ay may ginagawa itong katarantaduhan, mabuti na lang hindi siya nagtiwalang lubos sa lalaking iyon. The woman she thought was her savior and protector has been exploiting innocent lives for her own gain.


“Anyway, where is Tita Rita?” Cyla asked.


“She’s safe. We need her in the right time, Clark is taking care of her, don't worry baby I candle everything for you,” paglalambing ni Loudon.


“Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat-lahat kung wala ka sa tabi ko,” naging emosyonal pa tuloy si Cyla.


“I told you hindi ko hahayaan na mag-isa kang lalaban and I wasted a lot of time para hanapin at hintayin ka tapos ngayong nandito kana ay hahayaan lang kitang mag-isa? No. Never. No matter what happen I’m always here for you, kahit pa sa impyerno ay sasamahan kita, Launcelle Vyralen. You are my only queen, baby.” Tears of happiness fall from Cyla’s eyes. She is also lucky to have him. Until now hindi pa rin siya makapaniwala na natagpuan niya ang lalaking magiging katuwang niya sa lahat-lahat. She’s become contented and comforting at the very first day when Loudon Riege took her to his home. She felt na nakauwi na rin siya sa buhay na matagal niya ng hinihintay.


Speechless si Cyla, actually palagi naman siyang walang masabi kapag ganitong pinaparamdam ni Loudon na mahal na mahal siya nito at hindi siya nag-iisa. “Dito ka na lang kaya sa bahay. I’m worried, baby,” he suggested.


“Hindi pa ako pweding umalis sa Vyralen building na ito dahil nagmamasid lang si Mommy at Dermot. Tinatawagan nila ang assistant ko para magtanong kung andito ako at mukhang hindi nila balak na ayusin ito ng tahimik lang. Magenta trying to contact in accounting, she needs some papers and important thing para maitransfer ang ilang accounts sa kanya at mabuti na lang kaibigan ng assistant ko ang employee sa accounting kaya inunahan ko na sila,” Kuwento ni Launcelle.


“How about the Stargazer employee?” Loudon was worried. Hindi agad nakapagsalita si Launcelle, alam nilang madaming tao ang maapektuhan kapag bumagsak ang Stargazer Club, lalong-lalo na ang tatlong institution na nasa Pilipinas at walang kaalam-alam ang mga ito na ginagamit lang pala sila  ni Magenta para hindi sila paghinalaan ng gobyerno at para hindi sila hingian ng malaking tax. Magenta and Dermot manipulating everyone but unfortunately they’re careless. Hindi sila nag-ingat sa ibang bagay, sila na rin ang gumawa ng ikakasira ng pagkatao nila na ngayon lang nalaman ni Launcelle na matagal na palang sira ang mga utak nila. They are murderer, they are manipulator, they are shitheads.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 451 36
Sabi ng isang great philosopher na si Tagore, ang pinakamalayong distansya ay not between life and death but when I stand in front of you, yet you do...
Wild One By dstndbydstny

General Fiction

6.4M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...