Colliding Stars

By liveaches

4.8K 257 440

In which Francine Maya Rivera from Journalism once again crossed path with Archer Kaden Ladera from Engineeri... More

colliding stars
soundtrack
prologue
chapter one
chapter two
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve

chapter three

266 18 63
By liveaches

━━━━━━━━━━

CHAPTER THREE

That's a lie, I do not miss him at all. Kahit ano pa ang mangyari, hinding-hindi ko mami-miss 'yang lalaki na 'yan. Kahit pa kaming dalawa na lang matira sa mundo, hinding-hindi mangyayari 'yon.

But I can feel my heartbeat. It's so loud. I can't stop it, nabibingi ako. Tila ba ang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

I hate feeling like this. It's like ayaw ng utak ko pero gustong-gusto ng puso ko. They're both clashing with each other. Sinasabi ng utak ko na dapat ko nang layuan si AK because of what he did before pero nagwawala naman ang puso ko tuwing nakikita s'ya.

My heart yearns for him but my brain says that I should hate him.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ano 'to, tao laban sa sarili?

Isa lang ang masisi ko dito at si AK 'yon.

Tangina niya. Fuck him for going back into my life.

Did I ask for this? No!

Mas maganda pa nga kung mawala na s'yang tuluyan sa buhay ko. I'm in the process of forgetting him tapos ngayon, he will just randomly show up in front of me. Now, I can't even walk around the campus without the fear of bumping into him.

Ngayon alam ko na malas lang talaga ako. Salamat talaga, Lord...

"Uy, ikaw pala 'yan, AK..." mahina kong sambit. "Long time no see."

Bakit ba kasi nagpapakita pa 'to sa 'kin? D'at kasi sa UST na lang 'to nag-aral e. Bakit ba nandito pa 'yan!? Kainis.

"Anong size 'tong file, ine?" Napatingin naman ako kay ate.

"Short lang po," Tumango na lang sa 'kin si ate.

"Kamusta ka na, Frans?" tanong niya sa 'kin.

'Wag mo na akong kausapin, please! Saka 'wag n'ya nga bangitin pangalan ko!

"Guds lang naman. Eto, buhay pa din..."

"Ah, buti naman..." mahinang sabi ni AK pero narinig ko pa rin.

Hindi ko na siya kinausap no'n at tinuon ko na lang ang pansin ko sa phone ko. Kung anu-ano na lang ginawa ko para magmukhang busy ako o may ka-chat.

Gising na kaya si Tori do'n?

Nagu-guilty tuloy ako na iniwanan ko siyang mag-isa do'n. In my defense, 'di ko naman ine-expect na mapupunta ako dito. Kung bukas lang pa-printan sa CSSP, edi sana tapos na ako dito!

Binuksan ko ang Messenger app ko para mai-chat ko si Tori na nasa may COE building ako. So if ever na gising na siya, 'di na niya ako hahanapin pa kung saang sulok ng campus. Hindi naman siya nagre-reply or seen man lang kaya I assume na nakadukdok pa rin 'yon at natutulog nang mahimbing.

"Oh, Reo, heto na papel mo..." sabi ni ate at lumapit naman ang kasama ni AK sa kaniya.

Kinuha ni Reo, ang kasama ni AK ang limang pirasong short bond paper at nagbayad kay ate.

"Thanks, ate! Love you, 'te!" sabi ng kasama ni AK at kinilig naman si ate. Halata namang binobola lang ng Reo na 'to si ate.

"Una na ako, Kaden..." sabi ng Reo at tumango naman si AK.

Kaden? Is that his new nickname? Ano 'yun, bagong identity?

Dati, ayaw pa niya tinatawag siya na Archer or Kaden, or buong pangalan niya. Gusto niya AK lang tawag sa kanya. Awkward daw kasi 'pag full name, tapos ang haba pa daw.

"Wait lang 'yung sa'yo, ha. Nagka-paper jam e." sabi ni ate kay AK.

"It's good to see you again, Frans..." he said while getting closer to me. Lumayo naman ako sa kanya pero lumalapit pa rin siya sa 'kin.

Hell, no! 'Wag nga siyang lumapit sa 'kin, please!

"Good to see you rin, AK..." sabi ko sa kanya at binigyan siya ng isang awkward smile para ma-realized niya na hindi ako comfortable na kasama siya. Tumahimik na lang ako at ino-observe si ate na magtrabaho.

"You know, Frans..." Tuloy pa rin niya akong kinakausap. Hindi ba niya nagegets na ayoko siyang kausap?

"Nakita kita noong isang araw. Nasa may CON ka..."

Oh, that...

Hindi pa ba matatapos si ate sa pinapa-print ni AK. Gusto ko lang naman magpa-print, bakit naman napunta ako sa gan'tong situation?

"Frans," Tawag niya sa 'kin na para bang hindi kami magkatabi. Hindi ko na lang siya pinansin para hindi na rin ako guluhin. Nawawalang bata ba 'to? Kanina pa banggit nang banggit ng pangalan ko.

"I know this is overdue but, Frans, can we ta–" Naputol ang sinasabi niya dahil nilapag ni ate ang mga papel sa harap naming dalawa.

"Ine, trenta 'yung sa'yo." pataray niyang sabi sa 'kin. Bakit parang galit pa siya sa 'kin? Ate, wala naman akong ginagawa sa'yo... Ngayon nga lang tayo nagkita, bakit ka naman nagagalit sa 'kin...

Lumingon naman siya kay AK. "Twenty-five sa'yo," Pero 'yung pagsabi niya parang sweet girl siya. My jaw dropped when I realized na baka may gusto si ate kay AK. Napakagat ako sa labi ko para mapigilan ko ang tawa ko.

Don't tell me, ate... nagseselos ka kasi kinakausap ako nitong lalaki na 'to? Ate, sayong-sayo na siya.

And she looks like she's in her mid-40s so... that's definitely not gonna work....

But still, this is funny, but also at the same time, weird.

Habang nagpipigil ako ng tawa ko, kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng pants ko. Binuksan ko ito pero nakita ko na buong one thousand bill lang ang meron ako. Nakalimutan ko na magpapalit barya bago pumunta dito.

Nakita kong kinuha ni AK ang wallet niya at nagbayad kay ate.

"Ate, may panukli po kayo sa one thou? Wala po akong barya e..."

"Ay, wala..." mataray niyang sabi. I was taken aback sa way ng pagsagot niya. Nagtatanong lang naman ako ng maayos. Hindi naman kailangang maging hostile sa 'kin.

"Ah, ganon po ba... magpapapalit lang po ako. Buong isang libo po kasi pera ko. Wala po akong barya e, babalikan ko na lang po." sabi ko ng mahinahon sa kaniya at pinakita ang one thousand bill sa kanya. Tiningnan niya lang ako with matching nakataas na kilay pa.

Kahit na medyo naiinis na ako, pinipilit kong kumalma kahit na hindi ko gusto ang way ng pakikipag-usap sa 'kin ni ate.

"Bahala ka," sabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

Kanina nakakatawa pa pero ngayon, hindi na. Nakakainis na. Wala naman akong ginagawa ta's ganito pagtrato niya sa 'kin. Ganito rin ba pagtrato niya sa ibang mga students dito lalo kapag babae?

Tangina nito, hindi na ulit ako magpapa-print dito.

Aalis na dapat ko pero hinawakan ni AK ang braso ko. Inalis ko naman ang hawak niya sa 'kin dahil nakadagdag lang iyon sa inis ko.

"Wait, Frans. Ako na magbabayad sa'yo..." Napatingin naman ako sa kanya. Kinukuha niya ulit ang wallet niya at kumuha ng singkwenta pesos. "Para na rin 'di ka na bumalik at mapagod pa," dagdag pa niya.

Ay, wow... ano 'to? Concern s'ya?

"Hindi, AK. 'Wag na!" Pagpigil ko. I don't want to owe him something. Ma-pride na kung ma-pride pero ayoko nang i-associate ang sarili ko sa kanya.

"I insist, para na rin hindi ka na bumalik pa dito."

Napakamot na lang ako ng ulo. "AK, 'wag na..." kalmado kong sabi.

"You don't have to pay me, Frans. It's for old times' sake, parang hindi tayo naging magkaklase."

When I heard the last phrase, my whole body twitched. I felt my blood boil. But I also felt a painful pang in my heart.

Putangina mo, gago! Gustong-gusto ko siyang murahin. Nagpipigil lang ako, I don't want to cause a scene. Baka may mga klase dito na magagambala.

Iyon lang ba tayo noon, magkaklase?! Ano 'yon, nag-coffee date kami as classmates?! Nag-date kami sa park noon as classmates?! Classmates lang ba?!

Parang walang pinagsamahan e. Parang 'di naging magka-mutual understanding dati.

Old times' sake mo mukha ko. 'Parang hindi tayo naging magkaklase' was the breaking point. Para bang may pumutok na ugat sa may ulo ko dahil sa inis. Nangangati palad ko.

"No need na, AK. Babalikan ko na lang," I calmly said even though inside my head, I'm cursing him and his generation that will come after him.

"Hindi na, Frans. Okay lang..."

"'Wag mo na nga sabing bayaran. Kulit mo rin, hano..."

"Mas makulit ka, Frans. Ako na nga magbabayad para 'di ka na mapagod."

"Okay nga lang sa 'kin, gamit ko naman 'yan!"

"Hay, naku! Napakaingay n'yong dalawa! Madaming nagkakalase dito, ha! Bayadan n'yo na nga lang mga pina-print n'yo! Dami n'yo pang sinasabi e!" sigaw sa 'min ni ate. Napatigil naman kaming dalawa ni AK.

Natahimik na lang kaming dalawa ni AK na para bang pinapagalitan kami ng nanay namin.

Si ate talaga may kasalanan dito. Kung 'di siya nagtaray sa 'kin, edi hindi ako maba-badtrip.

"Bayadan mo na nga lang 'to, ato. Nang 'di na kayo magsigawan pa." dagdag pa ni ate.

Kumuha si AK ng pera sa wallet niya at inabot ito kay ate. Kinuha niya rin ang mga papel na nasa may counter. Kinuha ko na rin ang mga papel na kailangan ko.

Mukha namang wala akong choice, wala naman akong perang ipangbabayad. Next time, iche-check ko na talaga mga gamit ko.

"AK..." tawag ko sa kanya nang mahina pero narinig pa rin niya ako. He looked me in the eyes.

Grabe naman 'tong makatitig...

"Bayaran na lang kita..." sabi ko.

"Okay na, Frans... you don't have to,"

"Ayaw kong nagkaka-utang ako sa isang tao, you know that..."

"I know, Frans. I know." As he said those words, he's just staring at me intensely with a sad smile plastered in his face. He stares at me like he yearns for me. He stares like I'm the only person in the area.

I hate this, because my heart is jumping for joy. My heart wants me to tell him that I missed him so much. I don't want that, I hate that.

I diverted my sight from him. "Ah, sige... una na ako, bayadan na lang kita next time. Thank you, AK."

Tinangunan niya lang ako at ngumiti sa 'kin. Mas lalo namang nagwala ang puso ko.

Umalis na ako sa building nila na may mabigat na puso. Na para bang 'di ko kayang dalhin ang buong katawan ko. I just dragged myself papunta sa building namin.

Hinding-hindi na ulit ako tatapak sa building na 'yan. Sunugin ko pa 'yan.

Habang naglalakad ako papunta sa CAL building, biglang tumunog ang ringtone ng phone ko.

burnik is calling...

Si Tori, nagising na siguro ang gaga.

I swiped across my phone screen to answer the call.

"Good morning, sleeping beauty!" I said as I walked past Del Pilar's statue in Plaridel park.

"Hoy, nasaan ka na?" tanong niya sa 'kin mula sa kabilang dulo ng tawag.

"Plaridel park na ako,"

"Gege, bilisan mo pinapalibutan na ako ng mga broad dito!"

"Sige, wait babagalan ko pa."

"Tangina mo! Ay, oo nga pala! May naghahanap sa'yo kanina."

Napakunot naman ako ng ulo. "Sino?"

"Lalaki, nakalimutan ko name e, basta nagsisimula sa letter A..."

Mas lalo naman akong napakunot ng noo. Bumilis naman tibok ng puso ko nang ma-realize ko na nagsisimula sa letter A ang pangalan ni AK. That's not possible, bilis naman niyang maglakad... naunahan pa ako?

"Pero nandito lang siya, hindi pa umaalis. He looks familiar, though. Hindi ko nga lang maalala kung sa'n ko s'ya nakita..." Tori added. Binilisan ko naman ang paglalakad ko para malaman ko na kung sino ang taong naghahanap sa 'kin.

"May kilala ka bang lalaki na may pangalan na nagsisimula sa A? Baka mamaya kung sino 'to... Bigla na lang kasi akong tinanong kung journ student daw ba ako ta's tinanong kung kilala kita. Um-oo naman ako..."

"Oo? Siguro? May kakilala naman..."

I have a few guesses pero I hope na hindi si you-know-who...

Sana 'di siya ang nandoon. Please lang! Please!

"Sige, ayan na ako." sambit ko at binaba ko na ang tawag.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Kinakabahan ako.

Hindi ba siya nagsasawa na makita ako? Kakakita lang naman namin kanina tapos susulpot na naman siya sa harap ko. Wala ba siyang klase? Dami niyang ganap sa buhay.

Nakarating na ako sa CAL grounds at hinanap ko kung nasaan si Tori. Pumunta ako sa table kung nasaan kami naka-pwesto kanina at nakita ko siyang may kasamang isang lalaki.

Para naman akong natanggalan ng tinik sa puso nang makita ko si Adrian na kasama si Tori na nakaupo sa table namin.

Nandatnan ko silang 'di nag-uusap at tahimik lang si Adrian na naka-upo sa tabi ni Tori na nakatuon lang ang pansin sa cellphone niya. Malaki ang distance nilang dalawa, siguro 'di comfortable si Tori na may 'di kilalang lalaki siya na katabi.

Nilapitan ko silang dalawa.

"Hoy," sabi ko at napatingin naman silang dalawa sa 'kin.

"Oh, s'ya naghahanap sa'yo... Adrian pala name niya," sabi sa 'kin ni Tori nang makaupo ako sa pagitan nilang dalawa.

Binigay ko kay Tori ang copy ng material namin para sa isang subject.

"Thanks, 'te," sabi niya habang nilalagay niya ang papel sa bag niya at binalikan ang cellphone niya. Lagi na lang 'tong nakatutok sa phone niya.

Lumingon ako kay Adrian. "Oh, Adrian, ano ginagawa mo dito, ha?"

"Galing kasi ako ng CAFA ta's napadaan lang ako." sagot ni Adrian.

Ano naman ginagawa niya sa CAFA?

"Oh, ano naman ginawa mo do'n?" pagtataray ko sa kanya with matching taas pa ng kilay.

"I just met up with a friend," he said with a suspicious sweet smile plastered on his face. "Hindi ko ba pwede na bisitahin kita?" He acted like he got offended. "'Saka 'di mo sinabi na roommate mo pala si Alex!" dagdag pa niya at kinagulat ko naman iyon.

"Kilala mo si Alex?"

Tumango naman siya. "Kaklase ko s'ya."

Alex ay ang roommate na Entrep din ang program. Hindi ko ine-expect na mag-kaklase pala sila.

"Wow, what a small world!"

"Right!" sambit niya at nakipag-highfive sa 'kin.

"Ay, by the way... 'di ba nasabi ko na nasa banda kami nila Leon," um-oo naman ako.

"Napag-isipan kasi namin nina Leon na i-invite ka sa Saturday, tutugtog kami sa Conve. May event do'n e, sumali kami. Libre lang naman siya."

"Sure, I would love to!"

Though I am very much aware na kasama niya si AK sa banda, I don't want to reject Adrian just because of AK. Ayaw ko naman na maapektuhan ang friendship namin nina Adrian just because nagkaroon kami ng "past" ni AK.

Hindi naman siya ganoon ka-importante sa buhay ko.

"Wait..." Biglang singit ni Tori. Napatingin naman kaming dalawa sa kanya. "Member ka ng Streakers, right?" tanong niya kay Adrian at tumango naman ito.

"That's why you look familiar! You're the vocalist, right?" Hype na hype na tanong ulit ni Tori at tumango ulit si Adrian.

"Are you a fan?" tanong ulit ni Adrian na may malaking ngiti sa mukha.

"Hindi," Pa-deadpan na sagot ni Tori.

"E, paano mo kami nakilala?"

"Sa battle of the bands noong foundation week, ako nag-cover no'n para sa org namin. Sikat na sikat kayo sa COE,"

"Syempre, kami pa..."

"Ay, nevermind..."

Natawa naman ako sa interaction nilang dalawa. Feeling ko kapag mas naging close pa silang dalawa, lagi silang magbabarahan at magbabarda. Hinding-hindi magpapatalo si Tori. Number one bardagul yata 'yan. Si Adrian naman, for sure laging iinisin si Tori.

Tumatawa lang si Adrian habang si Tori ay tumitingin ng masama sa kanya in a jokingly way.

"What time na, Frans?" tanong sa 'kin ni Adrian nang tumigil na siya sa katatawa.

"Malapit na mag-two o'clock," sagot ko naman. Napatayo naman siya.

"Totoo?" Tumango naman ako.

"Ay, sige... aalis na ako! May klase pa ako e," Kinuha niya ang bag niya at sinabit ito sa likod niya.

"Basta ha! Saturday, sa Conve! Punta kayo, sama mo na rin siya! Bye!" sigaw niya sa 'kin habang tumatakbo paalis.

"Type ka no'n," Biglang sabi ni Tori nang makaalis na si Adrian. Agad ko naman siyang hinampas.

I faked a laugh. "Manahimik ka nga, friends lang kami no'n!"

"Ay, 'te! Feeling ko talaga may gusto sa'yo 'yun, sinasabi ko sa'yo,"

"Manahimik ka na lang. Imposibleng mangyari 'yon,"

Adrian liking me more than a friend would be weird. He is like a brother to me. Besides, he is the reason why AK and I had a "relationship". Kung 'di niya kami shinip randomly, 'di kami magkakaroon ng mutual understanding ni AK. If Adrian liked me that time then ang masochist naman ni Adrian. Why would he ship the girl he likes to his friend...

Adrian liking me makes no sense at all.

"I'm just saying what I observe,"

Sure, Adrian and I are kind of close pero iyon na 'yun. Those people who say that a man and a woman could never be friends are crazy because they can. Wala namang halong malisya. We're just platonic, 'yun na 'yun.

"Che! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo."

"I'm just sayin'!" Pangiinis sa 'kin niya. Babatukan ko 'to.

"Bahala ka nga d'yan... Tara na nga, malapit na mag-two o'clock,"

"Okay," she said in an annoying tone. I am so close to hitting her. Kung 'di ko lang 'to kaibigan, sasakalin ko na 'tong babae na 'to.

Inayos na namin ni Tori ang mga gamit namin at tumayo mula sa pinagkakaupuan namin. Naglakad na kaming dalawa papunta sa room namin sa third floor ng building namin.

✧・゚: *✧・゚:*

Sabado na at hanggang ngayon iniinis pa rin ako ni Tori kay Adrian. Ever since noong magkita kami ni Adrian sa CAL grounds noon, pilit niyang sinasabi na may gusto daw sa 'kin si Adrian.

Ilang beses ko na ring sinasabi kay Tori na imposibleng mangyari 'yon. Pilit pa rin niyang sinasabi na mukha daw "in-love" si Adrian kung tumingin sa 'kin. Bigla naman ako kinilabutan doon.

Kung anu-ano na lang talaga lumalabas sa bibig ng babaeng 'yon. Minsan 'di mo na malaan kung nasa tamang ulirat pa ba siya o ano...

Kung alam lang ni Tori na ang kaibigan ni Adrian ang nagustuhan ko dati, hindi niya ako iinisin. Baka nga mainis pa siya sa buong friend group ni AK.

Katatapos lang ng klase namin for today kaya naman paalis pa lang kami ni Tori sa room.

"Excited ka na ba na makita si Adrian, your baby?" she teased me. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang sabihin niya na baby ko daw si Adrian.

Inirapan ko na lang siya at nag-type sa cellphone ko. Kinakausap ko si Alex sa Messenger, pinipilit ko na sumama siya sa 'min mamaya sa Conve para manuod ng banda nila Adrian. Since kakilala naman niya si Adrian, inviting her wouldn't be bad.


Alexandria Mya Diaz

1:06 PM

Alexandria Mya Diaz
What time ba yan?

Wait lang, tapusin ko lang gawain ko sa Business Analytics

Ayoko na 'tong gawain, please! 😫

Francine Rivera

GAKSHSHS 😭 KAYA MO YAN!!!!

maya pa namang 6pm

uwi muna ako dorm

sabay na lang tayo pumunta ng conve

kasama ko si tori

Alexandria Mya Diaz
Wag na kamo siyang sumama

Okay, see you later!

"Niyaya ko si Alex, sama siya." sabi ko kay Tori habang naglalakad kami palabas ng campus. Since halos tatlong oras pa ang hihintayin namin, balak namin ni Tori na tumambay muna sa dorm ko para magpalipas ng oras.

Sa Conve, o Convention ang tambayan ng mga estudyante ng BulSU dahil malapit ito sa university at tuwing gabi, maraming tao doon dahil sa food park na nandoon. Ang daming tao siguro doon ngayon especially na Sabado ngayon at may event pa.

Last semester, madalas kaming kumakain ni Tori doon lalo na kung Tuesday dahil gabi na ang tapos ng klase namin noon. Iyon na din ang dinner namin para 'di na ako magluto pa sa dorm. Affordable naman ang mga benta do'n, kaya nga favorite namin nag Conve.

Naghintay kami ng jeep sa may sakayan ng jeep para makuwi kami sa dorm ko. Maya-maya pa ay may huminto na jeep sa harap namin at sumakay kami sa jeep.

Halos ten minutes lang naman ang biyahe namin kaya naman saglit lang at nasa kwarto ko na kami, kasama si Alex.

"Alex ko!" sigaw ni Tori nang makapasok kami sa kwarto namin.

"Yuck," Alex commented habang focused na focused sa ginagawa niya sa laptop.

"Grabe s'ya!" sabi ni Tori at humiga sa kama ko. Wow, parang siya ang nakatira dito a...

Napatigil naman si Alex sa ginagawa niya nang tumunog ang ringtone ng phone niya. Tiningnan niya ang caller's ID at ni-reject call niya ito.

"Hanggang ngayon tinatawagan ka pa rin?" I asked her and she nodded. Her long-time ex-boyfriend has been bothering her ever since they broke up two weeks ago. Nahuli lang naman ni Alex na nagchi-cheat ang boyfriend with his classmate kaya sila nag-break.

They've been in a relationship for almost a year but the guy just ruined it. Ang cute pa naman nilang dalawa pero gago pala si kuya.

I have witnessed their relationship since Alex and I have been roommates noong second semester ng first year. Not gonna lie, 'di ko nga bet ang boyfriend niya para sa kanya kasi even from the start, I can sense something fishy from him. Hindi ko masyadong gusto ang attitude ng lalaki na 'yon. Hindi ko na lang siya pinapansin baka kasi umiiral lang ang pagka-judgemental ko. Ayaw ko rin naman na maging rude kay Alex.

Alex just found out that he's cheating on her for almost two months with his classmates noong dumalaw si Alex sa dorm ng boyfriend niya at nakitang nagse-sex silang dalawa.

That day, umuwing galit na galit siya. But not once I saw her cry. Good, because a guy like that is not worth crying for.

No man is worth a woman's tears.

I'm speaking from experience.

"Tangina, binlock ko na ang lahat, nagagawan pa rin paraan na tawagan ako." she complained and sighed loudly.

"Try mong magpalit ng number," Tori suggested.

"Iyon nga balak ko pero lagi kong nakakalimutang bumili ng sim card."

"Sige, ibibili na kita, para 'di mo na makalimutan." Tori said habang nagse-cellphone sa kama ko . "Para na rin matigil na 'yang ex mo."

"Thanks, Tori. It's very much appreciated."

Habang nagpapalipas kami ng oras, ginawa ko na din ang activity sa English Elective para 'di na rin ako magahol.

Sometimes, I feel like dinadaan ko na lang talaga sa sipag at effort mga gawain namin. Alam ko naman na 'di ako matalino, marunong lang siguro. Before, I used to think na ang galing-galing ko and I'm so smart because of the achievements and recognition I get but now, hindi ko na rin alam. As the time passes by, I feel like I'm just doing this for the sake of passing. I am not motivated like I was before.

Sabi nila matalino daw ako pero sa loob-looban ko, hindi ko na alam, litong-lito na ako.

Dati takot na takot akong bumagsak, ngayon basta pasado, okay na.

Siguro kaya ko lang pinipilit 'to kasi ayaw ko lang ma-disappoint parents ko.

When I was a kid I was an achiever but as I grew up, I realized that I am not as smart as I thought I am.

Akala ko matalino ako, ayaw ko lang pala ma-disappoint ang mundo, ang parents ko, ang sarili ko. 

What I fear the most is what if bigla na lang ako mapagod at sumuko...

What if pagod na pagod na ako to the point na willing na akong 'di makipagsabayan sa mga taong nakapaligid sa 'kin?

What if bumigay na ako?

Kakayanin ko pa ba?

Halos isang oras na din ang lumipas habang ginagawa namin ni Alex ang mga gawain namin. Si Tori naman pinipilit ako na 'wag na lang gawin ang activity namin. Hindi pa daw niya kasi nasisimulan.

"Magpapalit ka pa ng damit?" tanong sa 'kin ni Alex.

Umiling ako. "Hindi na."

Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit kanina dahil nakaligtaan ko na rin. Naging busy sa gawain.

Maayos pa naman ang damit ko. I'm just wearing simple wide-legged pants, white shirt and a denim jacket. Simple lang naman ako manamit. I'm just a pants and shirt girly.

Hindi naman ako kasing fashionable ni Tori na grunge-y ang datingan. I actually love Tori's outfits so much. It fits her.

If I had the money, I would buy clothes like that.

"Wait lang, magbibihis lang ako." sabi ni Alex at lumabas ng kwarto namin, dala-dala ang damit niya.

Nilapitan ko si Tori na natutulog sa kama ko.

Malakas ko siyang tinapik sa balikat. "Hoy, babae! Gumising ka na d'yan."

Nagising naman siya at nagpunas ng labi. Akala niya siguro may tulo-laway siya.

Lagi na lang s'yang natutulog, hindi ba 'to makatulog sa bahay nila?

Sometimes, I feel like Tori is keeping secrets from me. But I can't blame her, I understand naman. There are things we can't tell someone. Maybe, she's just uncomfortable talking about it.

"Anong oras na?" garalgal pa ang boses niya.

"Quarter to six na, nagpapalit lang si Alex ta's aalis na tayo."

Saktong-sakto naman na pumasok si Alex sa kwarto na nakabihis na. Napatayo naman si Tori mula sa kama ko.

Inayos niya ang damit niya at ang buhok niya na messy. It's part of her style.

Buti na lang 'di siya nahaharang ng mga guard sa school gate dahil sa damit. Sabi daw kasi na may mga nagbibigay ng violation slip ang mga guard kapag "inappropriate" ang mga outfit ng mga estudyante.

Pero napaka-selective naman ng mga guard na 'yon. May times na may pinapalagpas silang students na mas malala pa ang suot.

Nagpatupad pa sila ng Magna Carta Law, 'di rin naman nagiging effective.

Nag-touch up muna kami at inayos ang appearance namin. Kinuha ko ang isang shoulder bag ko, nilagay ko doon ang wallet ko at cellphone ko bago lumabas ng kwarto.

Lumabas na kami ng bahay at naghintay ng jeep na papuntang Conve.

Halos twenty minutes lang ang nakalipas at nasa Conve na kami.

Medyo marami na rin ang mga tao kasi nagsisimula na ang event.

Pumunta kami sa may gilid ng stage para na rin 'di kami masyadong makipag-siksikan buti na lang maluwag pa sa lugar na 'to. May nakaharang din na barricade sa may stage for safety reasons na rin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. May mga nakikita akong familiar faces na mula sa department namin. May mga tao rin na may hawak-hawak na mga banner na nakalagay pangalan nila Adrian.

May nakita pa nga akong may hawak-hawak na banner na may nakalagay na napakalaking 'Kaden, marry me!'.

Napairap na lang ako. 

Madami rin pala silang fans. I'm sure na halos tiga-uni namin sila.

"Pang-ilan daw magpe-perform 'yung Streakers?" narinig kong tanong ng isa naming katabi.

"Pangalawa yata, 'di ako sure e." sagot ng katabi niya.

"Ang pogi ng vocalist nila. Na-like yata ng kiffy ko."

Napaubo naman ako sa sinabi ni ate. Napatingin sila sa 'kin. Nahalata yata na nakikinig ako sa conversation.

"Pinag-uusapan, Adrian mo." bulong sa 'kin ni Tori.

Hinampas ko naman siya sa braso at napa-aray siya. Serves her right. Kahit kailan talaga, hindi ako titigilan sa pang-iinis kay Adrian.

"Tumigil ka nga, 'di nga ako gusto no'n!" I defended myself. Wala naman talagang gusto sa 'kin si Adrian. We're just friends, that's all.

Ilang beses ko na ring ine-explain kay Tori na close lang talaga kami.

"Iyon 'ata sila oh!" Narinig kong sigaw ng isa naming katabi. Napalingon naman kaming tatlo nila Tori.

Nakita naming silang anim na nagaayos ng gamit nila sa may likod ng stage. Since medyo malapit ang pwesto namin, nagkatinginan kami ni Adrian at kinawayan niya ako. I waved back at him.

Napansin rin ako ni AK. Nagkatingnan kami nang saglit pero iyon ay naputol dahil siniko ako ni Tori.

"Ikaw ha,"

I faced her with a questioning look. "Ano?"

"Ikaw talaga unang nakita, yie!"

Gustong-gusto ko na sabunutan ang babaeng 'to.

"Kilala mo pala si Adrian? He's my blockmate," sabi ni Alex sa tabi namin.

"Yeah, siya nag-invite sa 'kin dito. Batchmates kami noong high school."

"May gusto si Adrian kay Frans," singit ni Tori. Sinikmuraan ko naman siya. Namalipit siya sa sakit. Buti nga sa kanya.

Kung may kutsilyo ako dito, nagripuhan ko na siya. Pasalamat na lang siya at wala akong sharp items sa bag ko.

"Tangina, sakit no'n," pilit niyang sinabi habang namamalipit sa sakit. "Alex, si Frans nga!"

Hindi pinansin ni Alex si Tori at hinayaan lang siya. "Really? I don't think so," sabi ni Alex. "I saw him before sa E-library na may kasamang arki student e,"

Kaya pala nasa CAFA siya noon, may nilalandi!

"See, sabi ko sa'yo e!" Tinuturo-turo ko pa si Tori na namamalipit pa rin sa sakit ng pagkakasuntok ko.

"Oo na, oo na! Sorry na!"

"Uy, you came!"

Nagulat kaming tatlo na nasa harap namin si Adrian. Nasa kabilang side siya ng barricade.

"Sinama mo rin pala si Alex!"

I nodded. "Yeah, sabi sa'yo pupunta ako e! Kinukulit mo pa ako sa chat,"

Simula noong nagkita kami ni Adrian sa CAL grounds, araw-gabi niya akong kinukulit sa Messenger na pumunta sa event nila kahit na lagi kong sagot ay oo.

Mas lalo rin akong ininis ni Tori kay Adrian dahil do'n. Nagpapansin daw sa 'kin.

"Ano nangyari sa'yo?" tanong ni Adrian sa namamalipit na Tori.

"Wala, wala..." sagot ni Tori habang pinipilit niyang tumayo nang diresto.

"Ayos lang ba 'to?" tanong sa 'kin ni Adrian. Tumango na lang ako.

"Tangina mo talaga, Frans!"

"Ay, wow! Ako pa talaga!"

"Sakit kaya," sabi niya at hinihimas pa ang tiyan. "Sorry na! 'Wag mo na lang ako sikmuraan, please!"

Pinipilit niya akong yakapin pero lumalayo ako sa kanya.

Bigla na lang siyang tumigil nang may narinig kaming nagsalita.

"Adrian," napatingin kaming lahat sa nagsalita sa likod ni Adrian. Si Akira.

Nakita ko naman na biglang nanigas at namutla si Tori nang makita niya si Akira. Para bang nakakita siya ng multo.

Nagkatinginan silang dalawa. I saw Tori pursed her lips and tried to divert her eyes anywhere but Akira.

Si Akira naman nakatitig lang kay Tori.

"Uy, this is Akira nga pala," nilapitan ni Adrian si Akira at inakbayan niya ito.

"Kilala ko siya," I commented.

"Hi, Frans. Long time no see," I smiled at Akira.

Pinakilala ni Adrian si Akira kay Alex. Napansin ko na tahimik lang si Tori which is very unusual of her. Madaldal 'yang tao. Mamamatay yata siya kapag 'di siya nakapagsalita.

"This is... wait, ano ulit name mo? I forgot," tinuro ni Adrian si Tori pero tahimik lang siya at hindi makatingin kina Adrian.

"Kaia," mahinang sambit ni Akira pero rinig pa rin. Nagulat naman ako kasi how the hell did he know Tori's second name?

As far I know, hindi ginagamit ni Tori ang second name niya. Mas nasanay siya sa nickname niya. 

"Hindi! It's... Tori, right?" tumango na lang si Tori na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapagsalita.

Napansin rin ni Alex na ang tahimik ni Tori dahil tinanong niya ako kung bakit ganoon si Tori. Wala naman akong masagot sa kanya dahil 'di ko rin naman alam kung ano nangyayari sa kanya.

"Alright, Adrian... tara na, malapit na tayong mag-perform," yaya ni Akira.

Intense pa rin ng atmosphere between him and Tori. I'm curious, I got a feeling na magkakilala silang dalawa, or baka may 'past' between them. Wala namang na-kwento si Tori about any guy or what.

"Sige na, guys. Kailangan na ako ng banda ko. Bye!" at umalis na silang dalawa.

What was that? That was weird.

Tahimik na lang kaming hinihintay ang performance nila Adrian. Nagugutom ako but I'm still curious tungkol kay Tori and Akira. Did something happen between them?

I wanted to ask her about it but tahimik lang siya. Hindi naman siya umiimik. I'm genuinely concerned about her.

Maya-maya pa ay narinig kong tinawag ng MC ang banda nila Adrian.

"Please welcome, Streakers!"

Umakyat naman silang anim sa stage. Sobrang lakas naman ng hiyawan ng mga tao sa buong venue. Winawagayway pa nila ang mga banners nila.

Wow...

Dati noong high school, puro schoolmates lang namin ang nagchi-cheer sa kanila. Ngayon, there are probably people cheering for them, siguro meron din na fans sila na hindi galing sa uni namin.

As someone who watched them grow as a band, it's so heartwarming to see there are many people cheering for them and rooting for them.

As their friend, I am proud of them.

Mula sa isang trip na bumuo ng banda, they're slowly reaching their dreams.

Good for them. 

---

this is probably the longest chapter i wrote (typed)

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
83.7K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.6K 114 42
an epistolary ; serene & jc