Whispers of Tomorrow

By ayepowful

269 25 408

Daphne, haunted by her father's past betrayal and the fear of repeating his mistakes makes herself scared to... More

Disclaimer
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

12

9 1 14
By ayepowful

"Oo nga pala, daph. Kumusta si tita? Inatake siya diba." pag-iba ni Lovi ng topic.

"Ah okay naman ata."

"Huh? Nag away na naman kayo?"

Alam na alam niya talaga kapag ganito na ako sumagot pag usapang pamilya. I gave her a smile bago nagkibit balikat.

"Natanong ko lang kasi nakita daw ni Casper sa hospital, baka nagpa check up." kwento niya.

"Good for her." sagot ko at napabuntong hininga nalang habang nakatingin sa mga papel na kumakalat.

Birthday na pala ni Darren ngayong sabado, for sure papuntahin ako nun pero knowing the situation right now, baka nag hesitate pa yon e invite ako.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may pumasok, I smiled when I saw Draken wearing a gray nike shirt and black pants, napawi ang ngiti ko nang mapansin ang sapatos niya.

"New shoes again?"

"Good morning rin sa'yo, Daphne Froi." sarcastic niyang bati sabay lapit sa akin, he glanced at Lovi saka napatingin sa mga nagkalat na mga gamit.

"Hindi ka naman nagkaka allergy rhinitis?" tanong ko sa kanya, ma alikabok kasi yung ibang gamit.

"Nah, my immune system is not weak." aniya sabay karga ng box "Should I bring this to the new room?"

"Sa principal's office yan." pamimilosopo ko

He just rolled his eyes saka lumabas. Nagkatinginan kami ni Lovi at sabay na natawa.

"Malaking tulong talaga siya, Daph." aniya "Hindi ba siya busy?"

"Siya rin naman daw CEO ng buhay niya." I replied "Hayaan mo na."

Sakto ring nakabalik na si Draken, just when he was about to carry the other box tumunog ang phone niya. Tinignan niya naman sino ang tumawag bago sinagot.

"Asean.."

Nagkatinginan kaagad kami ni Lovi nang binanggit ni Dk ang pangalan na yun. Then we looked at Draken na naka kunot na ang noo.

"Tanga why would I do that to Dustin? Baka nakalimutan mong sinuntok ako ng gagong yun, Apollo." aniya

"Did something happen?" tanong ni Lovi

"Nag suntukan sila ng pinsan niya nung nakaraan." sagot ko "It's their story to tell."

Tahimik lang tumango si Lovi bilang sagot, pinatay na rin ni Dk ang tawag at kinarga na naman ang isang box at naglakad palabas.

Nagkwentuhan lang kami ni Lovi nang mapansin kong natagalan sa pagbalik si Dk. Pupuntahan ko na sana kaso bumalik na rin siya at may kausap sa phone.

"Ma, I told you it's not my fault." aniya "I'll tell you the whole story this weekend just don't let grandpa find out about this."

Baka tungkol to sa awayan nila.

I noticed he glanced at Lovi and a gut feeling just sank into my system. Hindi ko ma point out kung ano yun pero parang meron.

Baka guni-guni ko lang to.

After the call, Dk sat beside me and tapped my arm "Daph?"

"Hmm?"

"Tahimik mo."

"Ano gusto mo, sumigaw ako?" pamimilosopo ko.

He pursed his lips "It's unusual for you."

"Eh malamang may kausap ka sa call." sabi ko at tinoun sa kanya ang atensyon "What a clingy friend you are."

He shook his head and changed the subject "By the way, I need to go to Manila tonight." aniya

Nabigla ako "Kaagad?"

Tumango siya "Nalaman ni mama yung awayan namin ni Dustin, she looks mortified." kwento niya "Baka naman daw maulit yung sa amin ni Asean."

"Nag away na rin kayo ni Asean?"

Wow nagagalit rin pala si Asean, akala ko puro kabaitan nasa katawan nun.

"We're still 18." sagot niya at tinignan muli si Lovi na abala sa pag tingin ng mga papers kung ano ang itatapon at hindi. Binalik niya naman ang tingin sa akin "Ayoko malaman na naman ng mga matanda."

"Are they that strict?"

He nodded "Mula nung namatay si Chairman, they feel like they rule the family." inis niyang kwento. "That's why I'm striving, para hindi na nila kami diktahin."

"Kaya hinayaan mo nalang na gawin ang gusto nilang gawin sa'yo, tulad ng pag engineer?"

He nodded "Hayaan mo na, time will come I'll confront them." aniya

"Wow after ng confrontation niyo ni Dustin parang may confidence ka na." sabi ko pa at napangisi. He playfully smirked too.

"Someone just made me realize some things." aniya "Anyway, Let's get back to work."

Bumalik kami sa ginagawa namin, si Lovi umalis na kasi may class pa siya, buti nalang before lunch time natapos ko nang ilipat ang ibang gamit ko, since I still have time nag arrange nalang rin ako sa bagong room ko.

"So what year are you handling?" tanong ni Dk at binigyan ako ng isang bottled water.

"Grade two." sagot ko "Thanks." dagdag ko sabay tanggap ng tubig, I drank it and it feels refreshing.

"Daphne!"

Napaigtad ako nang marinig ang sigaw ni Nicole sa labas ng room ko.

"Bakit ba?"

She then looked at Draken "Nandito si Asean."

"Ano?" napakunot noo si Dk, sinenyasan lang kami ni Nicole na lumabas. Nagkatinginan kami ni Dk bago sabay na tumango at lumabas.

Nagtungo kami sa site katabi ng building at nagulat nga kami nang makita si Asean na nandoon. Like us, nagulat rin siya nang makita ang pinsan.

"Ginagawa mo dito?" tanong ni Dk

"Akala ko nasa cdo ka na?!" tinuro siya ni Asean

"Eh bakit nga nandito ka?" tanong ulit ni Draken

"Akala ko nasa cdo ka na, as well as daddy kasi pinapunta ka nila Tita sa manila diba? Edi ako ang inutusan e check ang area, malay ko bang nandito ka pa? Ano? May anak ka bang pinapa aral dito?"

Ang daming sinasabi..

"Kukuha ka na nga lang ng information maling details pa makuha mo, gago." napailing si Dk "I got called earlier and my flight is tonight, hoy baka nakalimutan mong nanaig dugong koreano ko kaya hindi ako filipino time na katulad mo na 3 pm pa nga flight, 5 am pa lang nasa airport na."

Alvarez is Alvarezing..

"Are they really like that? Hindi naubusan ng laway kakasalita?" bulong ni Nicole sa akin

"Alvarez thing."

Then Asean pointed at his cousin again "Dustin told me na papuntahin ka sa Manila so akala namin ni daddy agad-agad yun! Malay ba naming hindi pala rush flight? At wow himala, hindi ka pinapunta agad, hindi pa alam to ng mga elders no?" then he smirked "Eh bakit nga nandito ka? Kaka check niyo lang sa site ah."

"I was helping Daphne." sagot ni Dk at tinuro ako, Asean looked at me with his lips parted, lumagpas ang tingin niya sa likod ko dahilan para mapatutop siya sa bibig niya sa gulat.

It was Lovi

"What the fuck was happening—" he muttered and pointed at Dk then kay Lovi. He shook his head "Oh shit."

"Alis!" taboy ni Dk

"Teka lang!" sigaw ni Asean saka mabilis na lumapit kay Lovi "Lov! We've been looking for you!"

Nicole gasped when Asean just hugged Lovi, kita ko rin ang gulat sa itsura ni Lovi, nang kumalas na si Asean parang natuyo ang lalamunan niya.

"Sean.."

"Nakakainis ka! Alam mo yun?" si Asean "Akala ko okay na tayo nila Jash! Bakit hindi mo nalang kami kinausap bigla ha?!"

"Stop shouting, Asean." saway ni Dk

"Isa ka pa." sinamaan ng tingin ni Asean ang pinsan, napaawang ang labi ko. Naguguluhan ako sa mga tao na ito. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagkita na pala kayo ni Lovi?"

Tumikhim si Dk "Asean.." he said in a warning tone

"Sean.. hindi naman yun importante." sumingit na sa usapan si Lovi "Sinabi ko rin sa kanya na huwag muna sabihin sa'yo."

Naguguluhan na talaga ako dito.

But one thing's for sure, Draken and Lovi have had some connections before.

And Draken said, he doesn't know Lovi.

He just lied to me?

I cleared my throat to catch their attention "I guess you all need to talk about some things." sabi ko bago hinila si Nicole paalis. I even heard Dk called me pero hindi ko na siya nilingon pa.

Lies feel like a punch in the gut to me. I've always hated them because they break trust and ruin relationships. Now that I'm dealing with someone lying to me, it's even worse than I imagined.

That's why I can't stand the fact that he's lying with me. Totoo pala talaga ang sinasabi nilang I should trust my gut.

Just when I was starting to acknowledge that maybe, just maybe, I was developing feelings for him, I heard his lie.

***

"Iuwi mo yan nang maayos ah." bilin ni Kenneth sa akin nang sinundo ko si Nicole sa bahay nila.

"Sure!"

"No drinks, Nic." aniya sa asawa "Kapag masama pakiramdam mo, sabihin mo kay Daphne o kaya tumawag ka sakin."

"Okay, hubby!" malanding sagot ni Nicole na inismaran ko lang, hinalikan niya pa ito bago nagpaalam.

I'm surrounded by married people.

Sunod naman naming pinuntahan ang bahay nila Lovi, maayos pa rin naman ang pakikipag usap ko sa kanya after nun, hindi na rin siya nagtanong o kaya inopen ang usapang 'yon.

Intindihin ko nalang siya.

"Hindi naman ako magtatagal doon." sabi niya sa asawa nito.

"Pero sigurado ka bang okay ka dun?" paninugurado ni Casper.

Oo na, wala nang mag-alala sa akin, pinamukha pa talaga e.

"Don't worry, Casper boi. Hindi ako magpapakalasing kaya ihahatid ko siya mamaya." singit ko nang pumasok na si Lovi sa kotse ko. Casper nodded at me

"Sige, Daph. Ingat kayo!"

I am wearing a white long sleeve top with heart shape neckline and black boot cut jeans paired with a white shoes. I let my wolfcut hair down and I also put a light make up. Nicole is wearing a blue polo top and white trousers and Lovi is wearing a black sleeveless dress.

Iba iba talaga ang outfit references namin.

"Kahit ilang taon na tayo magkaibigan, nababaguhan pa rin ako sa inyo pag hindi uniform sinosout natin." Ani Lovi nang mag drive na ako 

"Daily routine na natin ang uniform e, yung ganitong outfit minsan lang." I replied

"In fairness ha, may improvement tayo sa mga outfit natin, para tayong mga bully noong high school." ani Nicole, we all laughed.

"Sa Goldstar diba bahay nila Asean?" tanong ko

"Yung daan pa goldstar lang, sa unahan yung sa kanila." sagot ni Lovi

I nodded "Ah yung may mga malalaking bahay?"

"Naalala ko, balak ni Kenneth bumili ng lupa diyan e, ang daming vacant." si Nicole "Too pricey nga lang."

Buti nalang mabilis kaming nakarating doon, saktong sakto sa call time. Pahirapan pa ako makahanap ng parking kasi ang dami nang kotse sa harap, buti nalang lumabas si Asean at tinuro yung bakanteng space kung saan pwede mag park.

"Sigurado ka dito? Baka trespassing pala to." sabi ko sa kanya nang makababa sa kotse, nauna na kasing pumasok sila Nicole at Lovi baka sinabi rin nila kay Asean nahirapan ako maghanap ng parking space.

"Anong tresspassing? Eh lupa rin namin yan."

"Edi ikaw na mayaman, doc." I rolled my eyes

He smirked "I mean sa parents ko yan." bawi niya "Konti pa lang nandito, less than 20 pa lang ata." aniya

"Masyado siguro kaming maaga." sabi ko

"Dadami rin yan mamaya." aniya "Halika na!"

Nang makapasok na kami sa bahay nila o mansion ba kung tawagin, binati kaagad ako ng batchmates namin na hindi ko naman close pero kilala lang. Sabi ni Asean sa likod daw ng bahay nila gaganapin kaya nakapasok pa ako sa loob.

"Pansin ko lang ah, tshirt mo palaging white." ani Asean nang nasa living room na kami, natigilan pa tuloy ako sa paglakad at pinaningkitan siya ng mata "Napapansin ko lang!" depensa niya pa at napanguso

"Wala akong sinabi?"

"Baka kung ano naman iisipin mo? Napaka powerful pa naman ng mga salita mo." he tsked and shook his head.

"Kahit sa economy pa yan basta dapat hindi lang kami same flight ng gagong yun."

Napatingin kami sa hagdan, napaawang ang labi ko nang makita si Draken bumaba hawak ang backpack niya at may kausap pa sa phone.

"Edi siya ang ilagay mo sa economy at ako naman sa business class, Ashton!"

Napailing nalang si Asean habang nakatingin sa pinsan "Hindi pa rin sila maayos ni Dustin" aniya at bumaling sa akin "Coincidentally, Dustin will be back to Manila and has the same flight as Draken kaya ganyan ka OA mag react."

"I heard you, Asean!" sigaw ni Draken at napatingin sa gawi namin pero natahimik bigla nang magtama ang tingin namin.

I sighed and diverted my gaze in him "Mauna na ako sa likod." sabi ko kay Asean bago naglakad paalis.

Nakakatampo pa rin siya!

Continue Reading

You'll Also Like

644K 33.8K 20
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
1.1M 29.4K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...