POS 1: Miles, Track and Field...

By sailerstories

148 24 28

In order to reach the finish line, there are obstacles and uneven roads to pass through. It wasn't that easy... More

POS 1: Miles, Track and Field Hottie
Teaser
Prologue
Sprint: One
Sprint: Two
Sprint: Three
Sprint: Four
Sprint: Five
Sprint: Six
Sprint: Seven
Sprint: Nine
Sprint: Ten
Sprint: Eleven
Sprint: Twelve
Sprint: Thirteen

Sprint: Eight

6 1 0
By sailerstories

//

Gabi. Tumatakbo pa rin si Miles. Nag-eensayo siya para sa intercollegiate battle ng mga universities sa Puerto Real. May mga mahihigpit siyang kalaban at may iba pang exchanging students pa sa Nigeria. Ayaw niyang pakampante. He was running like a wind passing by that caught some people off guard.

Although, he's lost a couple of times, he managed to get back to running with no exact destination. Napadpad siya sa may burol kung saan hingal siya ng hingal sa pagtakbo. Sabi ng coach nila, yung center ng gravity niya ang isa sa magaganda sa team nila pero kahit ganoon ay hingal na hingal siya pagtakbo ng burol. He could ran both short distance and long distance. Mas gusto lang talaga niya ang long distance running dahil hindi natatapos ng ilang segundo at gusto niyang damahin ang lupa at ang terrain.

Biglang nag-ring ang kanyang phone habang nakamasid siya sa Puerto Real sa baba. Sinagot niya iyon.

"Where are the heck are you?" Theo called. May kaguluhan sa background.

"Anong nangyayari iyan?" nakakunot ang noong tanong niya.

"The usual. Nag-aaway na naman yung dalawang mag-asawa - si Ainsley at Preston. At oo nga pala, nakita namin si Ophelia, mukhang effective ang ginawa natin."

Miles smirked. Wala namang bago sa pag-aaway ng dalawa. "Those two. Isang hoarder ng mga junk food at isa namang sumbungero. Magulo ang Mechevel dahil sa kanila kahit na nasa POS House naman si Ainsley."

"Yeah. Again, nasaan ka? I was just asking since Shane is looking for you. Bakit daw siya ang nagbayad ng mga utang mo sa club? Siraulo ka talaga."

Sariling pera na niya ang ginagastos niya. Highschool pa lang nag-invest na siya sa tulong ng family lawyer nila na walang alam ang kanyang pamilya.

"Babayaran ko naman pag nagkita na kami."

"May bago daw kayong mga teammates. Ano bang meron sa inyo ni Preston at di niyo nakakasundo ang team ninyo. Isama niyo na si Ainsley. May attitude problems ba kayo?"

"Hindi lang nila matanggap na mas magaling kami sa kanila," pagbibiro niya.

He could sense Theo rolling his eyes. "Isa ka pa."

"I will be there. I'm on the hill, facing Puerto Real. It's nice here."

"Tuloy ba talaga ang plano mo?"

Ngumisi siya. "Of course. Tuloy pa rin ang plano."

Nagpaalam na sila sa isa't isa at tumakbo na siya sa pababa ng burol. He controlled his pacing. Hinihila na siya pababa ng gravity. Baka may mabago sa training regimen niya.

Sino kaya ang mga bago niyang teammates? Kahit na magkaiba sila ng personalidad ni Eros ay pareho silang mahilig magpraktis mag-isa, hindi kasama ang mga teammates nila. Mas gusto kasi niyang mag-focus sa improvements niya kaysa makigulo sa mga teammates niya. Wala namang kasunduan na dapat kasundo niya ang team members ng track and field.

He was sweating when he's back in the dorm. Nagbibihis siya nang makita niya si Theo na tahimik na kumakain ng dinner nito. May nakahanda na ring pagkain sa kanya sa table. Buti hindi nagawang dekwatin iyon ni Ainsley dahil abala ito sa pakikipag-away kay Preston. Those two somehow sticks to each other despite their petty fights.

"Are you trying to destroy your body?" Theo asked while sipping on his drink. Miles shrugged his shoulders. Iyon naman talaga ang plano niya kahit ayaw noong una ng coach dahil mapapagod lang ang katawan niya.

"No. I want to become accustomed to the intercollegiate race. Ayokong magpakampante."

Wala rin namang magagawa si Theo dahil nasusunod talaga ang gusto niya. Matigas talaga ang ulo niya.

Kinain na lamang niya nang mapayapa ang curry na alam niyang ni-order lang nito sa cafeteria. Siya pa rin madalas ang nagluluto sa kanilang dalawa. Kung hindi lang talaga siya athlete, baka chef siya.

Tiningnan niya ang calendar na puro tatak ng mga running events. Events na gaganapin bago ang intercollegiate. Target niyang makapasok ng finals sa Track and Field at alam niyang di nalalayo ang goal niya sa POS members kasama na ang mga kaibigan niya.

Bago iyon, kilalanin niya muna nang mabuti ang makakalaban niya.

///

Brooke

Minsan gustong itakwil ni Brooke ang mga kaibigan niya o di kaya'y magpapanggap siyang hindi niya kilala ang mga ito, kagaya ngayon. Nakasilip ang mga ito sa loob ng salaming dingding ng indoor pool. Pinagmamasdan ang mga swimmers na lumalangoy doon. Admiring their specs, abs and toned body. Swimming trunks lang ang ilan sa mga isinuot ng swimmers kaya nakabalandra ang upper body ng mga ito.

"Oh lala! Kulang na lang pang-kape. Akala ko, yung mga lalaking muscular ang merong abs. Di pala. Applicable pala for a bit lanky guy." sambit ng kanyang kaibigan na si Everlee. Kaklase niya ito iilang subjects. Kagaya niya, Agriculture ang kurso nito. Suot-suot pa rin nito ang helmet na ginagamit nila kapag nagkatuwaan silang maglaro ng roller derby. "Biatches, magpapalit na ako. I'm on Eros team. Isalpak mo na sa baga mo si Preston, Ava."

Napapailing na lang si Brooke nang lihim at napapangiti sa kalokohan ng mga ito. Hindi lingid sa kaalaman ni Brooke na pinagkakaguluhan talaga ang mga kabilang sa POS list.

Si Eros ay kilalang hindi palaimik sa campus at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha pero harmless naman ito.

Hindi nang-aano hindi gaya kay Preston, na mukhang matino pero ang mga gawang drinks ay pamatay.

"Ipapalit mo ang isang weirdo sa isang top tier weirdo?" nakangiwing sambit ni Ava.

"Dibs on Wayne Chad Keegan, bruh!" Itinaas pa ni Yannie ang isang kamay nito.

"Eh? Gusto mong bugahan ng apoy ng isang 'yon?" hirit ni Everlee, natatawa sa deklara ni Yannie.

"Hoy! One of these days, lalambot 'yon sa 'kin!" giit ni Yannie kaya nagsingiwan sila rito na umangal lang.

"Pero teh, ang guwapo guwapo lang talaga ni Ainsley. Talbog kagandahan natin." sabi ni Everlee.

"Ikaw, Brookie? Wala ka bang crush sa POS?" tanong ni Ava, nakapameywang pa.

Kunyaring nag-iisip si Brooke, pero sa loob-loob, gusto niyang batukan ang mga ito. Mag-iisip pa ba siya nang dagdag sakit sa ulo?

Eros is too silent and cold at times and drawn into his own little world.

Preston is wicked and dangerous, also a total weirdo, second to Eros.

Wayne is so mysterious and aloof, and untouchable.

Ainsley is more wicked and chaotic than Preston, you'll never know what's inside his evil head.

Aga is not brusque and rogue, apart from the usual stereotypes in boxing world, a total gem, but off-limits.

So far, lima pa ang kabilang sa POS List. May lima pang kulang na malamang ay idedeklara sa susunod na buwan o school year.

"None." simpleng sagot niya. Napansin ni Brooke ang paglapit ng coach ng diving team sa puwesto nila. Ininguso niya iyon sa mga kaibigan niya kaya dali-daling umalis ito ang mga ito. Bago pa sila sigawan ng coach na 'yon ay kanya-kanya na sila ng skates palayo sa indoor pool.

"Kahit isa lang sa mga nobody athletes? Wala? Kahit ang boss mong si Neon? Wala kang amor?" usisa ni Everlee, na katabi niyang nag-skates.

Brooke rolled her eyes exaggeratedly. She crossed her arms to emphasized her point. "Eww? Si Neon? Talaga? Everlee, he's my boss. Ayoko pang matanggal sa trabaho ng wala sa oras." she said a-matter-of-factly. "Isa pa, why would you waste your time on those guys?"

Napasinghap si Yannie at tinakpan pa talaga ang bibig, parang hindi makapaniwala sa narinig o sadyang OA lang talaga ito mag-react.

"Girl! Ano pa't nandito tayo sa dorm school? We are free to choose our guys! Ikaw lang tong parang man-hater sa 'tin." reklamo ni Yannie na nahuhuling mag-skates. May mga knee pads at arm pads pa rin sila at malayang nagsk-skates sa gilid ng maliit na kalsada patungo sa Northside na bahagi ng Dayton Crest.

"Tirador ka talaga ng college boys, Yannie ha!" pasigaw na tugon ni Everlee kaya may mga taong napalingon sa kanila. Napahiya naman si Yannie at hinabol ang tatawa-tawang si Everlee.

"Uy, uy! May ideya ako. Lapit kayo sa 'kin." ani Ava. Nagsilapitan naman sila rito hanggang sa magkahawak kamay na silang umaabante gamit ang roller skates nila.

"Dare tayo! Kung sino ang mahuhuling gawin ang dare ay manlilibre sa 'tin tatlong dinners." Pagkarinig sa dineklara ni Ava ay napalayo si Brooke at itinaas ang mga kamay na parang nagtutulak ng pader.

"Okay, girls. I'm out." she said and stayed away from her three friends for quite a meter.

"Hoy! Daya! Dapat kasali ka." giit ni Yannie na pilit hawakan ang braso niya subalit mas lalo lamang siyang umiwas.

"Everlee, you will sneak in the indoor pool and steal Eros's swimming trunks. Take note. Used trunks." pilyang sabi ni Ava.

"Yuck." Brooke exclaimed in disbelief.

"Go! Then you'll gonna date Ainsley!" nakangising sambit ni Everlee kay Ava.

"Why Ainsley? Oh my god, puwede bang si Preston na lang?" angal ni Ava. "Makukuba ako nang wala sa oras sa hayop na 'yon!"

"More like ikaw pa ang manlilibre sa kanya sa mga date ninyo! Okay, cut Ainsley. Mas mahirap 'yon, a challenge. Walang ka-challenge challenge kay Ainsley pagdating sa pagkain," bigay-paalam ni Everlee. "Earn dates with the mighty Preston Knoxx."

"Challenge accepted!" Ava even clapped in excitement.

This is getting dirtier, isip-isip ni Brooke. Hindi alam kung susuwayin ang mga kaibigan niya o hindi. Walang makakapigil sa mga itong gumawa ng mga nakakahiyang mga bagay.

"Yannie, kiss a nobody athlete." ani Ava.

"Akala ko ba si Wayne sa 'kin? Nobody athlete? Yuck!" maarteng reklamo ni Yannie.

"Ah! Si Shane! The football player! Guwapo 'yon! Oh, wag ka nang umangal, Yannie." Everlee exclaimed. Bumaling ito sa kanya na napahawak lang sa isang poste. Umiling-iling si Brooke kasabay ang pagkaway ng kaliwang kamay.

"I'm out girls. Tirhan n'yo ako ng dignidad. Mga walanghiya talaga kayo." Salubong ang mga kilay niya pero nakangiti sa shenanigans ng mga ito. Tumawa lang ang mga bruha.

"KJ ka talaga forever. Magsisisi kang hindi mo ginawa ito sa lifetime mo." ani Everlee.

Brooke rolled her eyes for the nth time. "Eww. Mas mabuti na 'yon kaysa mapahiya. Tatawanan ko talaga kayo kapag palpak mga dare ninyo." iiling-iling niyang sabi sabay nilayasan ang mga ito.

"May duty pa ako!" paalam niya sa mga ito at binilisan ang pag-andar ng skates.

Nagulat si Brooke nang makakita ng dambuhalang Saint Bernard na aso na biglang tumakbo sa kinaroroonan niya. Binilisan niya lalo ang pag-skates at napatili nang wala sa oras nang tumalon ito. Dahil nakamasid siya sa likod niya, hindi niya namalayang bubunggo siya sa isang malaking puno. Huli na upang umatras siya.

Tuluyan siyang napasalpak doon. Tumama ang helmet niya roon at natanggal sa ulo niya. Sanay na siyang mabunggo kaya hindi niya ininda ang pagkakabunggo niya roon at mag-landing sa damuhan. Naabutan siya ng malaking aso at dinilaan ang pisngi niya.

"Chowder!" sigaw ng isang taong may baritonong boses. Lalaki.

Bumangon si Brooke at dinama ang kanyang leeg. Nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng university's jersey at above the knee shorts. Uniform ng football tean. Kilala niya ito.

Lumapit ang malaking aso rito at tumahol. The guy scratched the dog's neck and smiled. Napalingon ito sa kanya na napatayo na at pinagpagan ang nadumihang damit. Tinanggal niya ang arm pads at knee pads niya.

"Roller derby player?" Tumango siya rito. "Pasensiya ka na sa aso ko." Hindi namalik-mata si Brooke nang ilang segundo nagtagal ang mga ito sa legs niya. Shorts kasi ang suot niya, usual get-up niya kapag naglalaro ng roller derby.

"Okay lang. Nagulat lang ako sa laki niya." Nangunot na ang noo ni Brooke sa puntong ito. This must be the Shane Imperial, the girls are swooning, kahit hindi ito parte ng POS. He is adorably good-looking.

"Behave, Chowder." kausap nito sa aso nito at lumingon sa kanya, showing his toothy smile. "You sure hell, you aren't hurt? Nakita kitang nabunggo sa punong 'yan."

"Hindi masakit. Sanay na ako."

"Na mabunggo?" He was slightly making fun of her. Inirapan niya ito at dinampot ang helmet niya.

"Nope. Hindi naman ako ganoon katanga." Pumeke siya ng ngiti rito at tinanguan ito for the last time. "Alis na 'ko."

Bago pa man ito hihirit ulit ay lumayo na siya rito, bitbit ang pads at helmet niya. Mukhang hindi mahihirapan si Yannie kay Shane. He has this charming aura that could attract girls.

Nang lumingon siya rito ay pinaliligiran na ito ng mga babae at hindi siya nagkakamali. Pinanggigilan rin ng mga ito ang aso ni Shane. Looks like, nakadagdag ng appeal ang aso nito.

///

Dayton Express (Online)

Theodoric Russo: The 6th on the POS list!
by Jowanne Baramedez

The exclusive jury has chosen now a new athlete on the POS List! No other than the hotshot and swift basketball player Theodoric Russo of Black Phanters, popularly called 'Theo' (Way to go, DCU basketball team for winning the Collegiate Finals the last season!) He's the awesome point guard of the team, known for his mind-boggling and thrilling buzzer beater, standing at 6'7 ft tall, from the college of CBA (College of Business and Accountancy) and possesses the most attractive dark green eyes of the campus. We have the MVP on POS, Now what's next, Daytonians?

Continue reading . . .




Usap-usapan ang pang-anim na miyembro ng POS sa DCU, hanggang sa umabot ito sa Neon's Bar kung saan madalas tumatambay ang mga Dayton's students. Doon nagtatrabaho si Brooke bilang isang waitress at kung minsan, pag may emergency, tumatao siya bilang isang barmaid sa counter.

Panay ang pagplantsa niya sa skirt uniform niya. Pakiramdam kasi niya makikita ang suot niyang cycling shorts sa ikli ng skirt. Mabuti na lamang ayos lang sa may-ari na magsuot sila ng flat shoes. Masakit sa paa ang heels lalo na't paroo't parito siya sa loob ng bar, kumukuha ng orders ng mga customers.

Jam-packed ang bar. Sabagay, Friday night kasi. Neon's Bar is not offering only liquior and cocktail drinks, Neon has his own two exclusive chefs that would cook some decent food for their customers. Best-seller ang baby back ribs sa kanila.

Nang maihatid ni Brooke ang order ng mga customers sa mga ito ay kinalabit siya ng katrabaho niyang si Hazel.

"Ni-request ka ng isa sa makulit na customer, Brooke," imporma nito at ininguso ang kinaroroonan ng magugulong mga lalaki sa isang table. Umarko ang kilay ni Brooke nang makilala ang isa sa mga ito na mukhang napilitan lang sumama doon base sa gusot nitong mukha. The weird Eros Apostol. "Hindi daw sila oorder pag hindi ikaw ang mag-eentertain sa kanila. Mukhang paborito ka ng football player," tukso pa nito sa kanya.

'Si Shane? Yeah right, si Shane.' bulong niya sa sarili nang matagpuan si Shane na kausap si Theo. Ang bagong nasali sa POS. 

"Ako na ang bahala," sambit niya rito. Medyo masakit sa mata ang neon strobe lights sa loob, ang nagsilbing liwanag sa loob ng bar. May tumugtog rin na banda sa stage kung kaya't may nagkukumpulang mga tao sa harap niyon.

Tumungo na si Brooke sa puwesto ng mga ito, nakalabas na ang papel at ballpen para kuhanin ang order ng mga ito. Bitbit niya rin ang tray niya. Hindi pa man siya nakakalapit ay kinawayan na siya ng overly-energetic na si Shane.

"Hi, Brookie!" These days, feeling close na ang gago sa kanya kapag nagsasalubong sila ng landas. Tirador daw ito ng mga petite na babae at hindi siya petite sa height niyang 5'7 kaya minsan nagtataka siya kung bakit lapit ito ng lapit na parang linta.

"Order n'yo?" Napataray tuloy ang pagtanong niya sa mga ito. Napalingon sa kanya ang mga kaibigan nito.

Magsasalita pa sana si Ainsley, ang 'demonyong' tennis player nang takpan ni Attwell ang bibig nito, ang pandak na volleyball player. "Dalawang servings ng baby back ribs. Then korean fried chicken. Isang bucket. Sagot lahat ni Shane. Mayaman naman daw siya."

"Isang case na rin ng beer," dagdag ng lalaking may kulot na buhok. Ang totoo'y parang broccoli na ito. He's cute, the only guy Brooke didn't know by the name.

"I guess, I haven't introduce myself yet. I'm Attwell Wright. Your future." The guy even winked at her as he reached her hand and kissed the back of her hand. Akala niya iha-handshake siya nito. Nagulat na lamang ang lahat na tinalikuran niya ito.

"Di kita type sorry." At sumirit na siya palayo sa mga itong tinatawan ang sinapit ni Attwell. 

Brooke Cadence didn't hate boys in general. She was just tired of them 'being boys' and their endless shenanigans. She was there in Puerto Real, here in the Philippines to take a break from those alpha males or males.

Halos wala siyang breaks dahil sa dami ng customers na inaasikaso niya. Panay ang paghatid niya ng tray na may orders ng mga ito na kinuha niya galing sa window counter ng kusina. Kumuha ng mga orders ng customers sa dining table maging ang pag-asikaso sa mga kakainin ng band members.

Pasado alas dos na ng gabi siya nakarating sa apartment unit niya. In DCU, choice ng isang estudyante na manatili sa dorm o hindi. Bawas sa tuition fee niya ang hindi niya pananatili sa dorm. May curfew sa dorm at makokompromiso ang duty niya sa bar kung doon siya magst-stay.

Nakahiga na siya sa kama niya, humihikab at sandaling tiningnan ang online news sa Florida, partikular na sa isang bagay. Brooke frowned upon reading the article and almost threw her phone in frustration.

Isa sa mga dahilan niya kung bakit lumuwas siya rito sa Pinas ay upang magtago. Hanggang kailan siya mgtatago?

It was painful to go back in Florida now, when the truth slaps her and she knew she won't be able to escape if she would come back. Para saan pa?

///

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
361K 11.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.