Extra Character in a Novel

By rssaje_03

13.3K 641 67

Achlys Manea Bloodthorne is one of the famous Model, business woman, a ruthless Queen and a billionaire at th... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
author's update
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
author's update
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 16

352 13 1
By rssaje_03

Apollo POV

“i told you hindi siya basta bastang babae, tignan niyo ang ginawa niya kay Hermes muntik na niya itong mapatay” sabi ko sa mga ito. It's been a week since nangyari ang labanan sa pagitan ni Hermes at ni Avery. Hanggang ngayon ay nakahilata pa rin si Hermes.

Hindi kasi sila naniniwala sa kwenento ko sa kanila that time na kaya lang daw niya ako niligtas dahil sa plinano niya ito eh napatay niya nga ang leader nila na si Brandon eh tapos sasabihing plano lang niya iyon.

Minsan ay hindi pala minsan madalas hindi ko alam ang takbo ng utak ni Hades. Itong nagdaang araw napapansin kong panay ang tingin niya kay Avery. Baka nga iisipin kong may gusto na ito sa kanya pero malabo dahil mahal niya si Angela. Si Hades iyong tipo ng taong gagawin ang lahat para lang sa taong mahal niya.

“oo na naniniwala na kami, tsk” sambit sa akin ni Zeus. Isa rin ito eh hindi ko na rin nakikitang may kasama siyang iba't ibang babae. Ano ba nangyayari sa mga ito? May alam ba sila na hindi ko alam?

“akala ko nga walang kakalaban sa atin pero biruin mong nilabanan tayo ng dalawang taong hindi natin ineexpect na lalaban sa atin, malala pa doon kapatid ni Ashton at Aaron” hindi makapaniwalang sabi ni Poseidon at himala wala siyang hawak ng pagkain ngayon.

“kaya wag ninyong ubusin ang pasensya ni Avery dahil maliit lang ang pasensya niya. Hindi ko man alam kung saan iyon nagtraitraining dahil sa lakas ng suntok at sipa na ibinabato niya kay Hermes” sabi ni Ashton sa amin, tama siya sa liit at payat na pangangatawan ni Avery ay kaya niyang mag-bitiw ng ganoong kalakas na sipa at suntok sa kalaban niya kaya hindi na ako nagtaka nung laban nila dahil alam kong gaano siya kahusay makipaglaban.

“hindi ko nga rin alam na ganoon na lamang ang aking takot ng makita ko ang nag-aapoy na mata niya habang kinakalaban nito si Hermes, nakakakilabot” sabi naman ni Aaron habang niyayakap pa niya ang sarili niya.

“hindi pa ba kayo tapos pag-usapan ang ginawa ni my lo--- este ni Avery kay Hermes, isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin kayo maka-get over sa nangyari” kumunot naman ako sa sinabi ni Achilles, duda ako sa isang ito, halos lagi niyang pinagtatanggol si Avery kapag pinag-uusapan siya. Don't tell me, nagkakagusto na ito kay Avery? May kaagaw agad ako.

“what the hell Achilles, what's wrong with you? Kung makapag-tanggol ka kay Avery para mo siyang kasintahan ah” hindi siya nakapagsalita at umiwas ng tingin sa amin habang namumula ang tenga niya sa sinabi ni Orion.

I confirmed, may gusto kay Avery kahit niya aminin sa amin. Umubo naman ito ng peke saka niya tinignan si Orion ng matalim.

“hindi ko siya pinag-tatanggol, nakakarindi na kasi ang paulit-ulit niyong sinasabi about what happened last week kaya masakit na sa tenga, okay” depensa naman nito kay Orion pero ngisi lang ang binigay na sagot ni Orion sa kanya. Hindi pa kasi aminin halata na nga sa kanya.

“are you done talking” nabaling naman ang tingin namin sa malamig at seryosong tao sa isang gilid habang nakapikit. Andito pa pala ang isang ito, akala ko umalis na.

“ano ka ba naman pareng Hades, we will just discussing some important things, hehehe” sabi ni Zeus pero tinignan niya lang ito ng malamig at nakakatakot na tingin.

“important? Who? That girl? Really Zeus?” napalunok naman kami sa sunod sunod na katanungan niyang isa o dalawang words lamang pero naiintindihan naman namin ang ibig niyang sabihin.

“is she really important to you to talk about it?” mas lalo ulit kaming napalunok dahil sa lamig niyang magsalita. Nakikilabot siya, ang lamig na nga ng aircon dito sa infirmary dinagdagan pa ni Hades ng malamig na boses siya.

“hindi naman as ganoon pre, masyado lang kasi kaming nahihiwagaan sa mga pinag-gagawa ni Avery these past few days, right guys?” talagang isinama pa kami ng bwesit na Zeus na ito.

“oo nga pala may nakalimutan pa ako, sige kayo muna ang magbantay kay Hermes, alis muna ako” palusot ni Orion at nagmadaling lumabas ito.

“sh*t may sasabihin pa pala sa akin ang isa sa mga instructor, mauna na rin ako, bye” at tumakbo si Achilles palabas ng infirmary.

“una na rin kami ni Aaron, pupuntahan lang namin si Avery” palusot din ni Ashton sabay hila nito kay Aaron.

“sige guys punta muna ako sa cafeteria, nagugutom na ang mga alaga kong bulate sa tiyan, bye bye” kumaripas naman ng takbo si Poseidon at nawala sa paningin namin.

“ako rin, puntahan ko rin si Amber baka hinahanap na ako nun” sabi ni Aries at pa-cool pa itong lumabas bago namin narinig ang pagkaripas niya ng takbo.

Ngayon, ako, si Zeus,  at si Hades nalang ang nandito. Walang balak magsalita sa amin.

“you” turo sa akin ni Hades kaya napatingin ako rito, “do you want to say anything?” umiling naman ako rito kaya tumayo nalang ako at umalis na rin doon.

Bahala doon si Zeus, kung ano-ano kasi sinasabi tapos mangdadamay pa. Harapin niya mismo ang ice king, tignan nalang natin kung makakalabas pa iyon ng buhay doon.

Achlys/Avery POV

Isang linggo na ang nakalipas simula ng nakalaban ko si Hermes at balita ko hindi pa ito nagigising hanggang ngayon. Grabe naman siya, hindi naman ganoon kalakas ang ibinigay kong suntok at sipa, kung makatulog ng isang linggo dinaig pa ang na-coma.

“Trix pwede mo ba akong samahan sa infirmary?” tanong sa akin Dianne and I give him why-look

“bibisitahin ko lang si kuya Hermes” tumango nalang ako rito at naglakad kasama siya papuntang infirmary. Hindi ko naman siya masisisi dahil may samahan naman sila ng mga kaibigan ng kuya.

Si Elijah pala ay nagpapahinga pa rin dahil din sa natamo niyang halos kay Hades. Hindi na rin ako nag-duda kung bakit siya ang leader ng knights, magaling talaga siya pero syempre mas magaling pa rin ako.

Nakarating na kami sa kwarto kung saan nakahilata si Hermes, bubuksan na sana ni Dianne ang pinto ng kusa itong nag-bukas at ang mukha ni Hades ang nakita namin.

Hindi ko nalang ito pinansin at susunod na sana kay Dianne ng hinarang nito ang kanang kamay niya para hindi ako makapasok. Ano naman problema ng isang ito?

“let me in Hades” sabi ko rito pero tinitigan lang ako ng loko. Alam kung maganda ako kaya wag na siyang tumitig ng ganyan baka matunaw lamang ang aking kagandahan.

“you're not welcome here” cold nitong sabi. Aba't nakakagago ang lalaking ito ah. Porket nabugbog ko ng husto ang kaibigan niya, hindi na niya ako papasukin.

“just let her in kuya Hades” mabuti na lamang nagsalita si Dianne dahil kung hindi iiwan ko talaga siya rito kasama ang gunggong na ito.

“why would I?” pigilan niyo ako baka siya ang isunod ko na nakahilata ngayon sa hospital bed. Hindi naman inaano ang isang ito kung makadamot para niyang pinagmamayri si Hermes eh.

“bakit ayaw mo akong papasukin? Wala naman akong gagawin ah, unless kung may iba kang iniisip kaya ayaw mo akong papasukin diyan” saad ko rito,  ngumunot naman ang perpektong noo nito sa akin. Edi sana all, siya na ang may perpektong noo.

Imbes na papasukin niya ako ay isinara ang pinto at pumaharap sa akin. Ngayon ay magkaharap kami habang hindi pinuputol ang titigan namin sa  isa't isa. Kunti nalang talaga masusuntok ko na ang gwapo nitong mukha.

“stay away from us Avery” inirapan ko naman ito dahil sa sinabi niya. How can I stay away from them kung isa sa kanila ay nakakausap at nakakasalubong ko pa, hindi nga lang maganda ang kinakalabasan ng pag-uusap ko sa kanila.

Sa tuwing nakakausap ko si Hades palagi nalang itong galit sa akin kahit hindi naman inaano.  Lagi siyang may dalaw dinaig pa ang babaeng may regla.

“i know, hindi ko naman nakakalimutan eh pero pagsabihan mo rin ang mga kaibigan mo” tamad kong sabi rito habang nakatingin sa mga mata niyang nanghihipnotismo.

“Avery” napatingin naman ako sa taong tumawag sa akin, kumaway pa si Apollo sa akin bago siya pumunta sa pwesto ko kasama ang ibang knights. Kakasabi lang ni Hades na lalayo ako sa kanila pero ito sila ngayon na sa harapan ko, kulang nga lang sila.

“okay ka na ba? Wala bang masakit sayo? Nakatulog ka ba ng maayos? Kumain ka na ba?” sabay sabay na tanong sa akin ni Apollo habang kinikilatis ang buo kong katawan kung may sugat ba ako o hindi.

“pwedeng isa-isa lang ang tanong mo” iritang sabi ko rito, Anong akala niya sa akin si google para masagot ang sunod sunod niyang katanungan.

“sorry, hehehe” dinaig pa niya ang mga kuya kong tukmol.

“fine I will answer your damn questions, I am okay, wala akong sakit, I have always a peaceful sleep and I'm done eating” plain na sagot ko sa walang kwentang tanong niya sa akin.

“nasagot na ba niya ang katanungan mo Apollo?” sabi naman Achilles habang hindi inaalis ang mata niya sa akin.

“oo nasagot na niya kaya stop staring at my sister Achilles” sabi ni kuya Ashton kay Achilles kaya napaiwas ito ng tingin sa akin.

“alam mo bang humahanga na ako sayo” saad ni Zeus sa akin habang may pahawak-hawak pa sa dibdib niya. Anong meron ngayon at bakit ang babait ng mga ito sa akin.

“don't you dare Zeus, wag mong isali sa mga collection mo ng babae ang kapatid namin” sabi ni kuya Ashton kay Zeus na habang nakatingin ito ng matalim kay Zeus. Hindi na lamang pinansin ni Zeus ang kuya at tumingin siya sa akin habang nakangiti, ngiting may binabalak na masama.

“where is Amber Avery?” malumanay na tanong ni Aries sa akin. Anyare rin sa isang ito? Kapag nakikita ako nito ay para na akong sakit na ayaw niyang madikitan ang kapatid niya tapos ganito siya ngayon sa akin.

“Avery can you cook some delicious foods for me?” nabaling naman ang tingin ko kay Poseidon habang naka puppy eyes pa ito sa akin na bagay naman sa kanya.

“may sasabihin ka rin?” sabi ko kay Orion na ibubuka na rin sana niya ang bunganga niya at hindi iyon natuloy dahil inunahan ko na ito.

“hmmmm, Trix” kailan pa naging Trix ang tawag nitong Achilles sa akin. Hindi naman kami close.

“what?” bagot kong tanong rito dahil nabwebwesit ako sa mga boses nila. Sana hindi nalang ako sumama kay Dianne, ayaw na ayaw ko pa naman nakikihalubilo sa mga ito. Paniguradong trending na naman ako, ikaw ba naman ang pinagtitignan ng mga estudyanteng dumadaan dito.

“may sasabihin pala ako sayo mamaya, magkita nalang tayo sa moon condominium” kita ko ang gulat sa mga mata ng mga kasama niya dahil sa binanggit ni Achilles.

“ANO” they said in unison. Napatakip naman ako sa tenga ko dahil ang lakas ng boses nila.

“anong masama sa sinabi ko eh na sa iisang condominium lang naman kami” sabi ulit ni Achilles sa mga ito kaya binalingan nila ako tingin.

“pinapasok mo siya sa condo mo Avery?” tanong sa akin ni kuya Aaron.

“hindi” diretso kong sabi sa kanya.

“bakit alam niyang doon ang condo mo?” tanong naman sa akin ni kuya Ashton.

“dahil hinatid niya ako?” ewan ko kung sagot ba talaga ang sinabi ko o tanong. Bakit ba tanong sila ng tanong.

“akala ko pinapasok mo na siya bukod kay Apollo” napatingin naman ako sa huling sinabi ni kuya Ashton, so alam na nilang pinapasok ko si Apollo sa condo ko? Tumikhim naman si Apollo dahil sa sinabi ni kuya Ashton.

“sorry Avery kung nasabi ko, hindi kasi ako makapag pigil eh” tumango lang ako rito dahil bawal awayin ang mga isip bata.

“instead na ako ang guluhin ninyo bakit hindi niyo lapitan si Angela na kanina pa nakatingin dito” tumingin naman sila sa direksyon na kung saan ako nakatingin. Kanina pa kasi siyang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung ano ang nakita ko sa mga mata niya pero masisigurado kong galit, selos at paghihiganti iyon.

Sa likod ng mahinhin niyang kilos may nakibli palang kasamaan na nakatago sa kanya. Kaya sa umpisa pa lang na nakita ko siya, hindi ko na siya gusto.

Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin at may hawak itong prutas. Nang nakalapit ito sa amin ay ngumiti ito sa kanila. Ngumiti naman ang mga ito pero yung ngiting friends lang. Wala kasi akong makitang sparks sa mga mata nila na lagi naman nilang ipinapakita kapag andyan na si Angela. But now, anong nangyari?

“h-hi, bibisitahin ko lang sana si Hermes kaso hindi ako nagtuloy dahil kinakausap niyo pa si Avery” malumanay niyang saad habang nahihiya pang tumingin sa kanila.

“ah oo, may sinasabi lang kami sa kanya, sige pumasok ka nalang, may sasabihin pa kasi kami kay Avery” at saka ngumiti si Apollo kay Angela.

“h-ha?” parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Apollo, ang akala niya kasi sasabay ang mga ito sa kanya sa loob kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya ng sinabi ni Apollo ang mga iyon.

Tumingin naman siya kay Hades pero tinignan lang niya ito ng malamig. Teka nga, anong nangyayari sa mga ito? Bakit iba ang pakikitungo nila kay Angela? Hindi naman sila ganito ah?

“Trix alis na tayo” pahina ng pahinang sabi ni Dianne nang makita niya kaming nag-uusap. Lumapit ito sa akin at kumapit sa braso ko.

“anong meron ma'am?” bulong nito sa akin pero sinabi kong mamaya nalang dahil grabe ang tensyon ngayon.

“ah, sige ako na Lang ang papasok” sabi ni Angela bago siya tuluyang pumasok, tinignan pa ako nito ng nakakamatay na tingin bago siya isinara ang pinto.

“grabe makatingin sayo ni Angela ah, para ka na niyang kakainin ng buhay” bulong ulit sa akin ni Dianne, tama siya, hindi kasi nakuha ang gusto niya kaya ganoon ang tingin na ipinupukol niya sa akin.

“ano pa ang ginagawa niyo rito mga kuya, hindi niyo ba sasamahan si Angela sa loob?” bumalik naman sila sa kanilang sarili at saka sila ngumiti sa amin.

“hindi na Amber, kaya naman na niya ang sarili niya” sabi ni Aries sa kapatid niya. Wew, may nag-iba talaga sa mga ito eh. Hindi ko lang alam kung ano.

“kung ganoon ay ma-una na kami ni Trix may pupuntahan pa kami” at saka ako hinila ni Dianne  para makaalis ako sa mga iyon.

“parang may nag-iba sa mga kuya ko?” takhang tanong nito.

“ano naman iyon?” tanong ko rin ito sa kanya.

“parang hindi nila masyadong nakakasama si Angela lately eh. Kasi kapag hindi lang nila makita ng isang beses si Angela ay hindi na sila mapakali pero ngayon parang wala na lang sa kanila si Angela” mahabang lintayan nito sa akin. “kita ko pa mismo ang mata nila ang kawalan ng excitement, happiness and love tuwing nakikita nila si Angela these last few days” tuloy pa nito sa sinabi niya.

Ganun din ang napapansin ko sa mga ito. Hindi na sila tulad ng dati na sobrang protective nila kay Angela. Ngayon naman ay prinoprotekhan pa rin naman nila siya pero hindi yung sobra kundi katamtaman lang.

Ay ewan, bat ba prinoproblema ko ang mga iyon. Ang dapat na prinoproblema ko ay kung paano ko hahanapin kung saan nagtatago ang Gemini syndicate. May balita na kaya si Kidlat sa sindikatong iyon? Sana naman meron na para maumpisahan ko na ang plano ko. Hoping hindi masisira ang mga plano na gagawin ko at ang mga hakbang na aking tatahakin.

















To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
1.7K 215 43
Do you believe that another world exist? That if you die on this land you'll be reincarnated on the other land or world? Or a person who is in comato...
68.8K 2K 40
Maayus naman ang buhay ko bilang studyante sa Mend High School Pero sa kasamaan palad napunta ako sa librong binabasa ko.. akalain mo yun dahil sa...
10.4K 353 39
[PROLOGUE... ] "𝑊ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑎𝑚 𝐼 𝑎𝑔𝑎𝑖𝑛 " "He's so handsome" "Kyaaaa ang pogi na nya" "My lab prince" "Isn't that guy is a gay" "Look he's so ha...