Our Love Story (on-going)

By acrilane

979 48 5

This story contains mature and vulgar words, curse and mature scenes. More

Author's Note!!
OUR LOVE STORY
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FOURTY
FOURTY ONE
FOURTY TWO

THIRTY SEVEN

18 1 0
By acrilane

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, ang sakit nang ulo ko sobra. Hindi ko na alam kung anong mga nangyari basta ang tanda ko ay sinundo na ako ni viva sa bar. Dahan dahan ako bumangon at kinuha ang phone ko na nakacharge, chinarge ko ba ito? Hindi ko na alam basta mahalaga full charged ang iphone ko. Mamayang alas 3 pa ang pasok ko pero hindi ako papasok, pupunta na lang muna ako sa restobar na pagtatrabahuhan ko para doon muna tumambay at para makapag start na rin.

Maaga pa pala for sure tulog pa sila tita, makakalabas ako nang matiwasay sa bahay nila ng walang nakakakita. Dali dali akong kumilos para hindi sayang sa oras at dahan dahan akong lumabas. Imemessage ko na lang si calvin at si viva.
Great, wala pang gising” Sambit ko sa aking sarili bago lumabas ng bahay nila. Para akong magnanakaw kung tumakas. Agad na akong nagpunta sa sakayan para umuwi sa tree house magcocommute na lang muna ako ngayon papunta sa tree house at mamaya na ako pupunta sa condo. Habang nasa byahe ay nilabas ko na ang phone ko at minessage si calvin at nagpasalamat.
Dito na lang po, kuya. Salamat po” Pagkaabot ko ng bayad ay pumasok na ako sa mga bushes na narito at dumiretso sa lugar kung nasaan ang tree house namin. Nandito ang motor ko, dinala ko ba ito rito kagabi? Baka pinadala ni calvin dito buti naman hindi ko na pala kailangan pang magcommute papunta sa condo.

Naligo lang muna ako buti ay may natira pang damit rito, sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na paalis sa tree house. Uuwi muna ako sa bahay namin miss ko na sila mama. After 1hour and half minutes of driving ay nakarating na rin ako sa bahay. Dito kaya muna ako matulog ngayong gabi? Wag na pala sa condo na lang.
Ma! namiss kita, namiss ko po kayo! Nasaan si lucas?” Lumabas naman si lucas sa kwarto ng mommy nya at niyakap ako, parang ilang linggo lang akong wala rito sa bahay ay mukhang tumatangkad ang pamangkin ko. Hanggang legs ko na sya konti na lang ay aabot na sya sa bewang ko.
Tita A! dito kana ulit?” Umiling naman ako at hinalikan sya sa buhok, namiss kong gawin iyon.
Aalis din ulit si tita a, bumisita lang ako kasi miss ko na ang kapogian mo! May pasalubong si tita sayo!” At nilabas ko na ang burger at fries pati na rin ang bucket chicken na binili ko kanina sa jollibee drive thru kaya ako natagalan.
Yey burger! Thank you po tita!” Yumuko naman ako para maabot nya ako, he kissed me sa pisnge ko. Nakangiting ginulo ko naman ang buhok nya.
Malapit na ang midterm nyo, nak. Wala pa akong pera pasensya kana ha” Ngumiti lang ako at niyakap si mama, kaya ko na bayaran yon.
Ayos lang ma, hindi mo na kailangan mag-isip para don may trabaho naman na akong napasukan every week ang sahod non saka malaki laki na rin makakaipon na ako pambayad ng tuition ko hanggang finals ng 1st sem.” Bumisita lang talaga ako para dalahan sila ng ulam, minsan na lang kami makakain ng bucket chicken dahil sa hirap ng buhay at mahal na din naman ang mga bilihin talaga kumpara dati.
Ma, alis na po ako. Babalik ako rito sa sabado kapag po hindi masyadong busy sa part time job ko, bisita ako rito agad. Iloveyou! ingat kayo ha, saka si papa. Hindi ko na nakikita lagi ba naman nasa inuman yon e. Sige na, alis na me” Niyakap ko muna si lucas at hinalikan sa noo bago umalis sa bahay. Kita ko naman ang mga marites na nakatingin sa akin paglabas ko ng eskinita pinagpipiyestahan nila ang motor ko.
Ganda, sayo pala iyan ang ganda naman, saan kana pala nakatira ngayon?” Sus, pasimpleng tanong pero sa utak utak nyan may side comment yan. Chismis pala gusto nyo ah, sige hayaan ko kayo magmukhang tanga.
Sa tabi tabi lang ho, sige alis na ako aling tesi.” Nagsilayuan naman silang mga chismosa at umalis na ako. Mga chismosang iyon hindi magbago mag babagong taon na. Pagkarating ko sa condo ay kinuha ko ang mga marurumi kong damit maglalaba muna ako bago magpunta sa restobar.

After 1hour and 30mins na paglalaba ay natapos na rin ako. Hindi naman ganon karami ang labahin ko at hindi ganon karumi ang mga damit ko kaya hindi ako nahirapan kuskusin bago iwashing, drinayer ko na rin bago isampay. Tanghali na pala ako natapos sa paglalaba 12:30pm na agad ang bilis naman ng oras, tumayo na ako para kumain at maligo. Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko bago dumiretso sa kwarto ko para maligo. While taking a bath ay nag papatugtog ako para mas feel ko ang paliligo.

Give me a sign take my hand we'll be fine, promise I won't let you down.
Just know that you don't have to do this alone, promise i'll never let you down.

Tumigil ang kanta sa phone ko indikasyon na may tumatawag, pinunasan ko muna ang kamay at mukha ko bago kuhanin at phone. Si mj pala
Hello te, bakit?” Sagot ko at niloudspeak ang tawag bago ipinagpatuloy ang paliligo phone call lang naman.
How are you? You're so wasted last night! Buti buhay ka pa” Tarantadong ito ang sama nang pag uugali.
Still alive and kicking, how are you?” Balik kong tanong buti na lang at patapos na ako maligo.
What are you doing?” Hindi ako sumagot at tinapos na ang pagt-toothbrush ko.
Taking a bath, hindi ka makakarelate hindi ka kasi naliligo” After brushing my teeth I went out of the bath room. May suot naman akong bathrobe.
Kapal ng mukha mo! sige na, kinamusta lang kita. See yah sooner again!” Pinatay ko na ang tawag at nagbihis. 1:30 pa lang at alas kwatro ang bukas ng restobar mag gagala gala muna ako rito sa condo pati na rin sa mall may nakita akong mall malapit rito maraming pasyalan ang malapit dito sa condo ni calvin. Nagsuot lang ako ng jogging pants at black jacket bago lumabas ng unit. Uunahin ko muna maglibot libot rito sa 4th floor nakalampas na ako sa isang unit ng bigla itong bumukas at narinig ko ang familiar na boses, agad akong nagtago sa gilid at nakinig.
I'll see you tomorrow, hon.Hon? Dito na rin ba nakatigil si miss ma'am? Sumilip ako konti para tignan kung si miss ma'am ba yung kausap nya pero hindi ko makita yung mukha.
No, babe. I'll just see you tomorrow puntahan kita bukas” Shit! hindi boses ni ma'am ito masyado itong malandi, manloloko kang panget ka ha. Huli ka ngayon nakita ko pa silang nagkiss kailangan ko itong mapicturan agad akong tumalikod ulit at kinuha ang cellphone ko para picturan sila ngunit pagharap ko ay bato ang nakaharap ko. Nauntog ako ang malas ko naman tangina, tumalikod ako agad ng makitang paharap sya dito sa pwesto ko kailangan kong umalis dito. Sapo ang noong naglakad ako sa kabilang daan ang sakit mag kakabukol pa ata ako.
Ang malas naman! Sayang huli na sana iyon pero sapat na pruweba na siguro ang nakita ko sya nang sarili kong mata, kailangan kong sabihin ito kay ma'am” Bukas na bukas ay sasabihin ko sa kanya ang nakita ko para hiwalayan na nya ang lalaking yon, kawawa naman sya niloloko sya nung mahal na mahal nya. Takip takip ang noo na bumalik ako sa unit ko kumuha agad ako nang ice pack at nilagay sa noo ko. Ang laki ng bukol ko
Hello te” Sagot ko sa tawag.
Nasaan kana te?” Tanong ni Val sa kabilang linya voice call lang.
Nasa bahay, hindi ako papasok masama pakiramdam ko.” Sagot ko bago ibaba ang ice pack mukhang effective naman dahil nawawala ang pamumula ng noo ko medyo malaki pa rin ang bukol pero hindi na malala.
Ayos ka lang ba? Puntahan ka namin dyan mamaya, send mo location ng bahay nyo” Pag ooffer nya, hindi ako sanay na may napuntang kaibigan sa bahay namin. Except sa best friend ko noon, sya lang ang unang friend ko na nakapunta sa bahay namin without judging our lifestyle. Hindi pa ganon ang bahay namin noong nagpunta sya, purong kahoy pa ang bahay namin noon at sira sira ang kwarto ko. But she didn't judged me neither our house, doon pa nga kami tumambay at nanood ng movie kahit walang electric fan.
Hindi na, ayos lang ako. Papasok na rin naman ako bukas, goodluck pasend na lang ng mga notes ninyo ha? Thank you.” Sagot ko bago patayin ang tawag. Bigla ko tuloy namiss ang mga dati kong kaibigan at ang bestfriend ko before. Naging magkaibigan kami nung naging kaklase ko sya ng grade 8 then we became bestfriends until g10 then we just stopped talking with each other nung g11 pandemic. I don't know why but we didn't talk, no one cares to make a move. Ganon rin sa mga kaibigan ko non bigla na lang din hindi nag-usap then boom, I don't know if we're still friends or not. Pero masasabi kong okay naman ang buhay ko ngayon may mga bagong kaibigan at may bagong bestfriend.  I decided to sleep for a while before magpunta sa restobar I still have 2 and half hour bago mag 4pm.

Nagising ako because of my alarm clock, bumangon na ako at nagtimpla ng kape bago naghilamos at nag-ayos nang sarili. Hindi na ako nagpalit ng damit dahil malinis at mabango naman ako magpapabango na lang ulit ako. Kumain muna ako at inubos ang kape then brush my teeth before heading out to my condo.
What's up kuya” Bati ko sa guwardya. Close na kami nyan ni kuyang guard.
Goodafternoon ma'am, mukhang wala po kayong pasok ah” Taray nalalaman din pala ni kuya yung mga ganitong bagay, sabagay hindi ako lumabas maghapon.
Meron po, hindi lang nakapasok sumama po ang pakiramdam ko. Sige kuya, una na ako” Sumaludo ako bago umalis at nagpunta sa parking lot. Katulad ng lagi kong ginagawa suot helmet bago paandarin ang motor. Maya maya lang ay nakarating na ako sa restobar ni pahina.
Pinarking ko muna ang motor ko at sinabit ang helmet sa upuan bago pumasok sa restobar.
Ylra! Akala ko ay sa sabado ka pa?” Si Angie ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob. Konti na lang sila mukhang eto ang normal day nila.
Hi ylra! Anong ginagawa mo rito?” Tanong nang kakalapit lang na si akira kasunod ang kapatid nyang si Yara.
Binibisita ko lang kayo tsaka para may alam na rin ako sa mga gagawin ko sa sabado, tutulong na rin ako.” Nakangiting ani ko sa kanila.
Wala naman tayong masyadong ginagawa rito, minsan ay naghuhugas ng kasangkapan tapos minsan ay magseserve ng mga orders nila at kukuhanin ang order nila ganon lang” Mukhang kakayanin ko naman ang trabaho nila rito. Mukhang hindi rin naman mahigpit si paige sa mga tauhan nya.
Sige, tutulong na ako ngayon saan ko kayo pwedeng tulungan? Pwede ako sa kahit saan na pwesto” Saad ko at kinuha ang inabot sa akin na apron ni angie. Wala si belle at jana mukhang mamaya pa silang gabi. Konting chikahan at lokohan pa ay may mga customer nang nagsisidatingan mukhang kilala talaga ang restobar ni Paige. Ang dami na agad tao.
Ylra, table 5” Kinuha ko ang tray na hawak ni akira at dinala sa table 5
Here's your order, ma'am.” Saad ko bago ilagay isa isa ang mga order nila pansin ko naman ang tingin ng isa sa kanila ngunit binalewala ko lang at umalis na. Sunod sunod na ang mga pinagdalahan ko ng mga orders nila nakakapagod pala pero kaya naman ito. Maya maya ay tumawag ng waiter yung table 5 kaya lumapit si ronald ngunit bumalik din agad at lumapit sa akin.
Ikaw ang gusto mag asikaso sa kanila, ylra” Kahit napapagod ay tumungo ako sa table nila para kuhanin ang oorderin nila.
Ano pong ipapadagdag nyo, ma'am?” Tanong ko sa kanilang lahat they're all girls here.
I think I know her, I saw her somewhere. I just can't remember where” Saad nung isang mukhang expensive habang nakatingin sa akin, ano ba ito quiz bee?
Ah miss, pwede po bang umorder na kayo?” Pansin ko kasing marami na ang naorder kila akira at kailangan na nila ng tulong.
Yeah, I think so. Don't you think she's a celebrity and wanted a normal life?” Turo sa akin nung isa. Kung makapag usap naman ang mga ito ay parang wala ako rito sa harapan nila.
I am not a celebrity or kung ano pa man po. So, if you don't mind at kung wala na po kayong oorderin aalis na po ako.” Saad ko bago tumalikod sa kanila hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita na yung babaeng kanina pa nakatingin lang sa akin.
What's your name? Can I have it perhaps?” Humarap ako bago ituro ang nasa kaliwang dibdib ko may pangalan kasi rito na naman pin.
Ylra, you have this top vibe are you a lesbian?” Hindi ko gustong maging bastos pero kailangan kong magtrabaho.
Not into a personal question, may kailangan pa po akong asikasuhin na importante, sige po mga ma'am.” At tuluyan na akong umalis at iniwan syang tulala ron.
Anong nangyari?” Pabagsak kong binaba ang hawak kong menu at ballpen.
Hindi naman nag-order, kailangan nyo ba nang tulong pa?” Umiling naman si JB at Yara.
Papunta na rin naman sila Belle rito, pwede ka nang umuwi ylra may pasok ka pa bukas. Salamat sa pagbisita at pagtulong sa amin” Tumango naman ako at ngumiti bago hubarin ang apron na suot ko tinanggal ko na rin ang pin bago ilagay sa lagayan nito.
Mauna na ako angie, aki, yara kayo nang bahala magsabi kila james!” Kumaway lang ako palabas ng restobar at nagtuloy na ako sa motor ko bago paandarin ang sasakyan ay sinuot ko muna ang helmet ko.

Pagkarating ko sa condo ay nagpalit lang ako ng damit bago kumain, hindi pa naman ako inaantok at medyo maaga pa naman. Binuksan ko muna ang tv at nanood ng movie na nakita ko ‘below her mouth’ mukhang horror ata ito, nagpunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain ko habang nanonood. Nakakagutom din pala maging masipag na mamamayan bumalik ako sa living room dala ang kinuha kong snacks.  Prente lang akong naupo habang nanonood sa mga pwedeng mangyari, nasa bar yung babae tapos may lumapit sa kanya na lesbian? nanonood lang ako hanggang sa nagulat ako sa susunod na nangyari.
Shit!” Agad kong pinatay ang tv dahil sa scene nung dalawang babaeng nasa bar lang kanina ngayon ay nasa kama na at may ginagawang milagro. Ayoko nang manood naa-alala ko yung nangyari samin ni miss ma'am, nagiinit ang katawan ko. Inubos ko na lang ang mga kinuha kong pagkain bago tumayo at bumalik sa kusina nagdala na akong tubig at nagpunta sa kwarto ko. Matutulog na ako maaga pa ang pasok ko bukas.

——

Nasa school na ako ngayon at medyo napaaga ako kaya naghihintay ako rito sa gilid ng school. Tagal nila val kanina pa ako rito habang naghihintay sa kanila ay naisipan kong tignan ang mga pictures namin ni mj noong gabing nagbar kami imamyday ko itong mga ito mamaya ay ipopost.
Kanina ka pa rito? Tara na mamaya pa raw sila niki” Tumayo na ako at sumabay kay vallen. Mamaya pa raw sila niki e, unang subject namin ngayon ay MMW then next class ay 6:00pm na habang papunta sa classroom ay nakita ko si miss ma'am. Kailangan nyang malaman yung nakita ko.
Mauna kana, susunod na lang ako val.” Agad akong nagpunta sa kabilang daanan para walang makakita sa akin kung saan man ako pupunta. Pagkarating ko sa labas ng office nya ay sarado kumatok muna ako ng ilang beses at naghintay sa sagot nya. Instead na sagot ang matanggap ko ay bumukas ang pinto at sumalubong sa akin si miss ma'am.
Hernandez? What are you doing here?” Pasimple akong sumilip sa loob ng office nya para tignan kung may tao ba.
M-ma'am, importante lang po pwede po bang pumasok?” She stared at me for a seconds before she heaved a sigh and open the door for me. Agad naman akong pumasok at naupo sa sofa. Ang ganda talaga tumambay rito.
Don't waste my time, Hernandez. What do you want?” Right! May sasabihin nga pala ako.
Miss, n-niloloko ka lang po ni sir. Nakita ko po sya kahapon sa condo may kasamang babae, nagkiss pa nga po sila e!” Ineexpect ko na magugulat sya sa sinabi ko but she just laugh and look at me. Her laugh is somehow insulting me.
Oh my, I'm sorry. Do you have any proof?” That's it, hindi sya naniniwala sa akin. Sabagay bakit nga ba sya maniniwala sa akin.
W-wala po pero miss, nakita ko po talaga si sir kasama yung baba-” She cut me off and stared at me seriously.
Enough, stop making a story about my boyfriend. Gosh, why are you doing this anyway?” I am not making a story about her boyfriend! Goddamn it.
I'm just concerned miss, your boyfriend's cheating behind your back at nakita ko yon. So, I came here to tell you!” Hindi ko na naiwasan ang mapasigaw dahil hindi sya naniniwala. She glared at me before standing to her chair, minutes later she heaved a sigh.
Get out, Hernandez.” Malamig nyang turan pero nanatili lang akong nakaupo sa kinauupuan ko kahit na kinakabahan na ako.
Hindi po ba kayo naniniwala?” Gusto ko lang naman malaman nya na hindi nagpapakatotoo sa kanya ang lalaking mahal na mahal nya. Ouch
Why would I believe in you when you don't have any proof to show me? And besides maybe you're making up stories para lang maghiwalay kami because you have a feelings for me. Maybe you're that desperate.” Ganon ba talaga ang tingin nya sa akin? Tumawa ako nang pagak at tumayo na sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam na g-grabe pala kayo ma'am, all I want is to protect y-you gusto ko lang din malaman nyo na hindi sya nagiging totoo sa inyo pero mukhang mali pa ata ang ginawa ko. Napasama pa ako but don't worry, this will be the l-last time na mang g-gugulo ako sa inyo. I will make sure na sa mga araw na makakasalubong kita h-hindi na, wala na akong n-nararamdaman para sayo.” Sinubukan kong pigilan ang luha ko pero sadyang traydor talaga ang mga mata ko. Agaran kong pinunasan ang pisnge ko bago lumabas sa office nya. Huling beses ko na itong gagawin sa sarili ko.

Hindi ako pumasok sa time ni Ms. Akerson at panay ang chat sa akin ng mga kaibigan ko. Mamaya ko na lang kakausapin si Ms. Akerson para itanong kung anong mga ginawa kanina kay Ms. Santiago na lang ako papasok. Nandito ako sa tabing dagat sa pinuntahan ko kahapon, masyadong mahangin at tahimik dito. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko si calvin lang pala.
Hey couz, where are you?” Mukhang nasa hideout nila sya rinig ko ang boses ni dikle.
School, why?” I lied. Isusumbong kasi ako nyan kay mama e. Sumbungero
Gotcha! Wala ka sa school nyo nandito kami ng B-band sumbong kita kay tita!” Tangna kaya pala maingay sa kabilang linya kala ko pa naman ay nasa hideout sila.
I know you won't, nandito ako sa tabing dagat malapit sa isang convenient store. Pumunta kana lang kung gusto mo.” Saka ko pinatay ang tawag at tinuon ang pansin sa dagat at sa langit tirik ang araw pero hindi naman mainit sa pwesto ko nasa ilalim ako ng coconut tree. I can't stop thinking about her at sa mga sinabi nya kanina. Masyadong masakit lahat yung mga sinabi nya, hindi ko na kinakaya.

Siguro nga tama na yung mga ginagawa ko para kay ma'am, kung ayaw nyang maniwala ay ayos lang. Hindi naman ako ang masasaktan pero sino nga bang niloko ko. Sarili ko lang din naman ang nioloko ko sa tuwing nagsisinungaling ako na hindi ako na aapektuhan. Aminin ko man o hindi higit pa sa gusto ang nararamdaman ko para sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 29K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
13.3K 194 19
Y/n and his friends save world and steven universe world save them
56.5K 1.7K 17
Unadulteratedโ€‹ love happens because of natural passion, and maybe a little history.
599K 32K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...