Moymoy Lulumboy Book 2 Ang N...

By Kuya_Jun

78.3K 2.9K 111

Moymoy Lulumboy Book 2 Ang Nawawalang Birtud by Kuya_Jun More

PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2: NAIIBANG KAKLASE
KABANATA 3: MGA TIBARO SA AMALAO
KABANATA 4: PATUNGO SA GABUN
KABANATA 5: ANG NAGPAKILALANG INA
KABANATA 6: ANAK NI BUHAWAN
KABANATA 7: ANG KAPANGYARIHAN NI AMORA
KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA
KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW
KABANATA 10: SI TRACY SA SIBOL ENCANTADA
KABANATA 11: ANG DALAWANG INA AT ANG DATING MUNDO NG MGA TIBARO
KABANATA 12: ANG MGA WAKWAK
KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?
KABANATA 15: KAILANGAN KO ANG TULONG NIYO
KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?
KABANATA 17: DAMDAMIN NG ISANG INA
KABANAT 18: SA BULKAN NG TAAL
KABANATA 19: ANG NAGHAHANAP
KABANATA 20: SA LIBRARY NAGANAP
KABANATA 21: MAY BALITA ANG BALA
KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW
KABANATA 23: ANG BUHAY NA SI BUHAWAN
KABANATA 24: ISA SA MGA GINTO NG BUHAY
KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY
KABANATA 26: INA NG MGA ANAK
KABANATA 27: ANG PAGSAULI
KABANATA 28: INGKONG DAKAL
KABANATA 29: NARITO LAMANG AKO
KABANATA 30: MGA BINALIKAN

KABANATA 14: ANG PAGDALAW

1.8K 88 3
By Kuya_Jun


KARARATING LAMANG ni Tracy sa trabaho. Inilapag ang kanyang bag sa kanyang kama at umupo. Huminga siya nang malalim at nagtungo sa tokador—pinagmasdan niya ang kanyang mukha at bumulong sa sarili. "Wala pa naman." Nagkunot-noo siya. "Wala pa namang wrinkles."

Ibig sabihin, okay pa ako. Sa nangyayari sa buhay ko, hindi naman ako tumatanda. Akalain mong may ganoong lugar pala gaya no'ng Gabun na 'yon.

Gaya ng kinaugalian niya, kinuha sa bag ni Tracy ang kanyang cell phone, inayos ang buhok, nagtungo sa may liwanag, sa may bintana at para makapag-selfie. Unang selfie, pasimpleng ngumiti. Pangalawa, wacky na nakatikwas ang mga labi, kita ang ngipin na nakatingin pa sa taas, Pangatlo, ang paborito niya, ang walang kamatayang duck face. Click siya nang click sa iba't ibang poses na kanyang maisipan.

Pagkaraan ng napakarami at sunod-sunod na selfie, natigilan si Tracy sa papalubog na araw. "Ay! Oh my gulay, ang laki ng araw."

Sa labas ng bintana, pinagmasdan ni Tracy ang araw sa kalayuan—sa kalawakan ng Marikina at Antipolo. Nakita niya roon na mistulang dambuhala itong papalubog. "Ang ganda..! Kakaiba." Madali ay kinunan ng picture ang sarili na ang background niya ay ang takipsilim. "Gorgeous..." pabulong niyang sabi.

Ipinagpatuloy ni Tracy ang pag-click ng kanyang cell phone para makapag-selfie. Pero habang selfie siya nang selfie, bigla siyang napahinto. "Ay kabayo!"

Nakita ni Tracy na nakatayo sa kanyang likuran si Lolo Turing.

"Lolo Turing, ano ba 'yan!"

Ibinagsak ni Tracy ang kanyang balikat, huminga nang sunod-sunod hawak ang dibdib. "Nagulat ako sa inyo..."

"Bakit, Tracy? Nakapagluto na 'ko. Niluto ko ang all-time favorite mo—sinampalukang manok." Maaliwalas na nakangiti sa kanya si Lolo Turing.

"'Lo, sa susunod, puwede ba?" Napahawak si Tracy sa dibdib ng matanda at tiningnan ito. "Oo nga pala, sunset, at matino ka. I mean, hindi ka ulyanin. Halika na sige, let's eat."

Nagtungo sa komedor si Tracy kasama si Lolo Turing. Sa hindi maintindihang dahilan, habang tumatagal mula nang maging ulyanin si Lolo Turing, napansin ni Tracy na nawawala ang pagka-ulyanin ng kanyang lolo kapag papalubog ang araw. Lahat natatandaan niya. Sa madali't dalita—hindi siya ulyanin sa ganitong oras. Ipinagtataka iyon hindi lamang si Tracy kundi pati kanyang mga kapitbahay. Kapag ikinukuwento niya ito sa mga kaibigan at sa mga doktor na tumingin kay Lolo Turing ay hindi sila naniniwala.

Samantala, masayang naghapunan si Tracy kasama si Lolo Turing.

HINDI MAPAKALI si Tracy nang gabing iyon. Hindi niya mawari kung bakit parang hindi niya naiintindihan ang Koreanobelang pinapanood sa DVD. Sinubukan niyang iliapat sa TV ang panonood pero kahit pa ang pagpapatawa ni Vice Ganda walang epekto ang kanyang pagkabalisa. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili—hindi siya mapakali. Napapangiwi siya sa mga punchline ng komedyante sa halip na matawa. Pinatay niya ang TV at nagmasid sa paligid. Bakithindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang may gumugulo sa utak ko...

Naisipan niyang damputin ang kanyang cell phone, umupo sa pagkakahiga at nag-selfie. Ito lang naman kasi ang kanyang ginagawang outlet sa tuwing ganitong naiinip siya at nababahala. Sunod-sunod ang kanyang pages-selfie, sari-saring poses. Pero nakakailan pa lang siya, tumigil na siya. Wala akong gana...

Bigla niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Magbibilang ako ng butiki. One... Pero isa lang ang nakita niyang butiki at wala nang iba kahit na iginala pa niya ang tingin sa kisame.

Natigilan si Tracy nang makita niyang lumipad saglit ang kortina at humaplos sa kanyang mukha ang malamig na hangin. At lalo pa siyang nagulat nang may maramdaman siyang kaluskos mula sa labas ng kuwarto. Marahan siyang naglakad palapit sa pinto, at marahan ring hinawakan ang doorknob para pihitin. Pagbukas nito, napanganga siya sa kanyang nakita. "Moymoy..?" Nang mabatid niyang si Moymoy nga ang kaharap, bigla siyang napasigaw. "Moymooooyyyy!!!" Bigla niyang niyakap ang kanyang anak.

"Sabi ko na nga ba. Sabi ko na nga ba, darating ka e." Tuwang-tuwang sabi ni Tracy.

"Talaga Ma?" Matamis na ngumiti si Moymoy.

Muli, malugod na niyakap ni Tracy si Moymoy. Napapapikit siya habang yakap niya ang matagal na niyang itinuring na anak. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya sa kanyang nakita. Sa likuran ni Moymoy ay ang tatlong pamilyar na mga mukha.

"Alangkaw! Montar! Hasmin! Nasaan ang iba pang ka-tropa?"

"Ma," marahang hinarap ni Moymoy si Tracy. "Ma, naparito kami kasi gusto lang kitang makita, aalis din kami kaagad."

"Ha? Bakit? Ganyan ba talaga ang mga superhero, iniiwan ang mga nanay? Kailangan ko na ba talagang ihanda ang sarili ko nang bongga, bebe ko."

"Ma—huwag mo na kasi akong tawaging bebe, malaki na 'ko."

"E, iyon ang nakasanayan. Okay, Moymoy—aalis ka na naman?"

Inaya ni Tracy na umupo sina Moymoy may komedor ng bahay. "Siya nga pala Moymoy,

"Moymoy, pasensiya ka na at iniwan kita doon sa Gabun. Kasi naman medyo shocking ang lugar na 'yon. Dito nga kapag nagkukuwneto ako sa mga kaibigan ko, ayaw nilang maniwala. Kahit na 'yung kinuha ko sa cell phone ayaw nilang maniwala na may lugar kagaya ng Gabun. Pinoto-shop ko lang daw.

Pero, Moymoy, ngayon alam ko na," pagpapatuloy ni Tracy, "Matagal na pala akong nagpunta roon e. Ipinakita sa akin ni Liliw—'yung tunay mong nanay."

Nagulat si Moymoy. "Nagkita kayo?"

Tumango si Tracy. "Oo, yung nanay niyo ni Alangkaw na si Diyosang Liliw. Matagal na pala akong nakarating sa Gabun. Dinukot ako nina Buhawan noon kaya lang tinanggal nilang lahat sa alaala ko."

Natigilan si Montar. "Paano mo nalaman?"

"Sinabi sa akin ni Diyosang Liliw. Sa pamamagitan ng batis na nagpapalimot."

"Sa Batis ng Alaala," pakli ni Montar.

"Oo, iyon nga," sagot ni Tracy.

At nagsalaysay si Tracy.

"ANG BATIS NG ALAALA ay mahalagang lugar dito sa buong Gabun. Hindi lahat ng mga tibaro ay nalalaman ang lugar na ito," malumanay na sabi ni Liliw.

Natagpuan ni Tracy na nakatayo siya sa tabi ng isang batis. Isa itong naiibang batis. Nasa loob sila ng isang yungib pero ang ipinagtataka niya, kulay puti at napakaliwanag ng paligid. Sa gitna nito ay isang napakalinis na batis at sa paligid nito ay may talon na may malinis ding tubig na malayang bumabagsak at umaagos sa batis. Tulad nang una niyang reaksiyon pagkakita pa lamang niya sa Gabun, isa itong lugar na mahirap ilarawan dahil bukod sa hindi ito maihahambing sa nakita na niyang batis at talon, kakaibang-kakaiba ito.

"Bakit mo ako dinala rito...?" tanong ni Tracy.

"Gaya ng sinabi ko, nakarating ka na rito sa Gabun noon pa man. Isinalaysay na sa iyo noon pa lahat ang buong pagkatao ni Moymoy—ang lahat-lahat ng tungkol sa mga tibaro, ng Gabun, tungkol kay Buhawan, ang sumpa, at ang tungkol sa akin bilang tunay na ina ni Moymoy. Dito sa lugar na ito, malilimutan mo ang gusto mong kalimutan. At dito sa lugar na ito, maaalala mo rin ang dapat mong maalala."

"Ganoon ba? Makapangyarian ang batis?"

"Oo. Ibigay mo sa akin ang kamay mo."

Pagkahawak ni Liliw sa kamay ni Tracy ay inilubog niya iyon sa batis.

Marahan ay gumalaw ang tubig. Nagtungo ang lahat ng ito sa gitna. At doon, isang nakatayong pigura ang nabuo. Marahan, isang napakaputi at napakagandang babae ang nabuo sa tubig.

"Siya si Elizza. Siya ang tagatanggap ng mga alaalang gustong kalimutan at gustong maalala. Siya ang nagtatago ng lahat ng iyon. Ang iyong alaala, nasa kanyang katawan."

Pinagmsadan ni Tracy si Elizza; ang kabuuan ng katawan nito'y animo puting-puting perlas.

"Mga perlas..." pagtutuloy ni Liliw. "Mga perlas ang bumubuo sa katawan ni Elizza."

Dahandahang lumapit si Elizza kay Tracy. Binuksan ni Elizza ang kanyang palad at nagsalita sa napakalamig na boses. "Tracy, inakailangang banggitin mo ang gusto mong maalala."

Nagsalita si Tracy. "Gusto kong maalala lahat kung ano ang nangyari sa akin noong una akong nagtungo dito sa Gabun. Ang lahat ng nakita, naranasan ko, at nalaman ko."

Marahan, mula sa palad ni Elizza ay lumitaw roon ang kulay puting perlas.

"Ang perlas ng alaala, Tracy," sabi ni Liliw.

Muling nagsalita si Elizza. "Iyan ang alaala mong itinago ko."

Sa marahang paraan, si Elizza ay unti-unting bumagsak ang katawan bilang tubig at bumalik sa dating anyong malinis na batis.

Naiwan si Tracy na nasa palad ang perlas.

"Maaalala mo ang lahat-lahat ng hiniling mo—ang nilimot mo noon dito sa Gabun kung lalangoy ka sa batis, hawak ang perlas," pagpapatuloy ni Liliw.

Bantulot na lumapit si Tracy sa malinaw na batis. Marahan, inilubog niya ang kanyang katawan. Pinagmasdan saglit ang paligid—ang malinaw na talon sa paligid, ang malumanay na pag-agos ng tubig sa malalaking batong kasingkulay ng hawak niyang perlas. Pagkatapos ay inilubog niya roon ang kanyang katawan. At sa nakabukas niyang palad, nagliwanag ang perlas—hindi niya nakuhang isara ang kanyang mga mata. Sumambulat sa paligid ang mga pangyayaring ngayon lamang niya nakita. Nakita niya roon ang pagdukot sa kanya ni Buhawan. Ang pagdating niya sa Gabun. Ang paggapos sa kanya ng mga kampon ni Buhawan. At ang nakatuon sa kanyang alalala ay ang pakikipaglaban ni Moymoy; ang husay nito bilang mandirigma. Ang pakikipaglaban niya sa pangkat ni Buhawan—ang lahat-lahat ng kinalimutan niya noon bago siya bumalik sa Amalao.

"Batis ng Alaala?" Sa sarili ni Alangkaw niya iyon nasambit.

"Oo, Alangkaw, ang Batis ng Alaala ay isang tagong lugar sa Sibol. Sa lugar na iyon ay magagawa mong kalimutan at maalala lahat ng naisin mo," sabi ni Montar.

"Moymoy, sa pamamagitan ng batis na iyon, nakita kung gaano ka kagaling sa pakikipaglaban sa mga masasamang nilalang. Naisip ko, ano ang gagawin ko sa Gabun? Panggulo lang ako. Ikaw itong may diwani," pagpapaliwanag ni Tracy.

Niyakap uli ni Moymoy si Tracy.

"At nakita ko rin na oo nga, magkapatid kayo ni Alangkaw. Nakita ko kung papaano kayo nagkasundo. Alangkaw," tiningnan ni Tracy si Alangkaw," dapat huwag kayong mag-away a. Ialis mo ang inggit mo sa isipan mo. Hind lahat ng bagay dito sa mundo makukuha mo. Kung may diwani man ang kapatid mo, huwag kang maiinggit. Walang ibubungang mabuti ang inggit, ha?"

"Mama, napunta kami rito para dalawin ka, bago kami magtungo sa isang laban."

"Laban? Ano 'yon?" tanong ni Tracy kay Moymoy.

"Tuluyan pong nadukot si Wayan ng pangkat ni Buhawan."

Napanganga si Tracy. Niyakap bigla si Moymoy. "Mag-ingat ka, anak. Mag-iingat kayo."

Nilapitan din ni Tracy si Alangkaw at niyakap. "Mag-ingat kayo."

Bantulot na gumanti si Alangkaw. Tumango pero may lungkot sa kanyang mukha. "Ang Batis ng Alaala. Ano ang kakayahan ng batis na iyon?"

Si Montar ang sumagot sa tanong na iyon. "Sa Batis ng Alaala magagawa mong kalimutan at maalala lahat ng naisin mo. Isa itong tagong lugar sa Sibol."

"Iyon ang makakatulong sa akin," marahang sabi ni Alangkaw.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Tracy.

"Gusto kong kalimutan ang galit ko. Gusto kong kalimutan ang sinasabi niyong pagiging mainggitin sa kapatid kong si Moymoy." Nakayukong nag-iisip si Alangkaw habang nagsasalita sa basag niyang boses. "Pati na rin ang paghahanap ko sa nakagisnan kong ama na si Buhawan."

Naghari ang katahimikan nang marinig nilang nagsalita si Alangkaw.

"Puwede mo bang sabihin kung nasaan ang Batis ng Alaala, Montar?" pakiusap ni Alangkaw.

"Bakit hindi, Montar?" sabi ni Tracy. "Para tuluyan nang maging maayos ang lahat."

Bantulot ay itinaas ni Montar ang kanyang kamay. Inilapit ag hintuturo sa noo ni Alangkaw. Humaba ang kanyang hintuturo at nagningning iyon. May gumuhit na liwanag sa noo ni Alangkaw na nagtuturo kung saan matatagpuan ang Batis ng Alaala.

"Kailangan na tayong kumilos kaagad, Moymoy," paalala ni Hasmin. "Kailangan na nating malaman ang kinaroronan ni Wayan."

$+Ƈ8r3

Continue Reading

You'll Also Like

8.6K 551 12
How to dig your own grave: accidentally mistype your address so your ordered R-18 BL CDs will be delivered at the doorstep of your biggest enemy in s...
33.9K 3K 26
IKA-LIMANG AKLAT Ano ba ang alam ng mga tao sa amin? Bukod sa amin pangalan na kakaunti ang nakakaalam ay hindi wala na yatang nakakaalala sa mga gin...
24.1K 1.2K 34
NARITO ang kilalang kuwentong bayan sa Gabuna may pamagat na, Si Salir, Ang Panglimang Apo. Gaya ng ibang mga kuwentong bayan, ito ay nagpasalin-sali...
43.8K 3.9K 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naal...