Parang (Meadow)

By zelaiii331

292 62 0

A story of an imperfect man striving to be perfect, and a perfect woman living in an imperfect world. More

Parang
Page I
Page II
Page III
Page IV
Page V
Page VI
Page VII
Page VIII
Page IX
Page X
Page XI
Page XII
Page XIII
Page XIV
Page XV
Page XVI
Page XVII
Page XVIII
Page XIX

Page O

53 3 0
By zelaiii331

BZZ.. BZZ.. BZZZ..





Ahhhhhhhhhhhh! sigaw.







BZZ.. BZZ.. BZZZ...


"Ayan na. Babae sya. Pa, babae sya. 'Nak, tignan mo ang kapatid mo. Magkamuka kayo, parehong maganda. Manang mana." sabi ng Ina na hinihingal padin dahil sa panganganak. Kahit na gayo'y, tuwang tuwa padin ito sa anak nya.

"Ano ipapangalan natin sa kanya?" tanong ng maliit na babaeng kapatid.

"Pagsamahin natin ang pangalan natin." sabi ng Tatay nito.

"Pagsamah.. Ahh. Ano ba nasa isip mo Pa?" tanong ng Nanay nito.

"Ah, alam ko na. Ze.."

BZZZZ..... BZZZZ...

March 31, 2004.

Sa araw na ito ipinanganak ang salitang "maganda". Tila'y ang umaga ay dumating na. Sumilip na ang araw sa madilim na kapaligiran.

Napaka swerte naman ng mundo kung gayon na may nabubuhay na perpekto dito. Paano mabubuhay ang perpekto sa imperpekto?

The Sun had arrived.


2 years after..


BZZZ.. BZZZ..



"Kamusta? Tapos na ba???" Alalang tanong ng isang lalaki.

"Oo, ayy nako napaka pogi ng anak mo. Ang pungay ng mata." sabi ng isang matanda na babae.

"Maraming salamat Inang, kamusta sya?" tanong na may pag silip sa likod ng babae.

"Ang asawa mo ba? Andoon, naka tulog hawak ang bata. Puntahan mo na at sya, maya-maya ay lalarga nadin ako." sagot nito.

"Sige lang po Inang, kaya na naman po namin. Marami pong salamat uli." huling salita nang nakangiti bago pumasok sa kwarto kung nasaan ang asawa nya.


30 minutes later..


"Kamusta pakiramdam Gaa?" tanong ng lalaki habang naka upo sa silya.

"Okay naman, maganda na uli ang pakiramdam at nakalabas na ang malusog na batang ito." sabi sa masayang tono sabay kurot sa pisngi nito.

"Oo nga eh no, antaba din ng pisng-"
"Huwag kang tumakbo!" sigaw ni Inang na pumutol sa pagsasalita nito.

"Paaaaa! Andyan na daw yung baby?" tanong nito kapag silip sa pinto.

"Halika ka 'Nak, pasok ka. Tignan mo ang kapatid mo." pagaaya ng Ama nito sa kanya.

"Ang cuteeeeeee nyaaa!" sabi nito nang may tuwa at mangha habang nilalaro laro ang kamay nito.

"Anong pangalan nya Pa?" tanong nito sabay tingin kay papa nya.

"Wala pa. Oo nga no, bakit hindi ikaw ang mag pangalan sa kapatid mo?" sabi nito ng nakangiti sabay himas nito ng ulo.

"Hmmmm... Ke.."


BZZ...BZZZZ...BZZZZZZ...

September 15, 2006.


Sa araw na ito, ipinanganak ang mala tagapagmana ng isang kaharian. Isang magiting at mabuting prinsipe, ngunit ang kapalaran ay hindi aayon sa kanyang panahon.

Anong kayang gawin ng isang sampid sa lipunan? Walang kayang ipagmalaki kahit pa'y punong puno ng potensyal. Ano ba ang kayang gawin ng isang imperpektong hari sa isang imperpektong kaharian?


The moon had introduced itself, finally.




BZZZZZZZZZ...... BZZZZZZ....

BZZZ....... BZZ......... B... BZZZ...


"Ano ang kapalaran? 'Yan ang isang salitang ang kahit na sinumay walang makakaalam kung ano ang nilalaman."

"Maaring, magkaron ng dalawang buhay na may iisang tagpo. Na kung saan magbubuhol at hindi na kailan pa may matatanggal. Hindi natin kailanman masasabi."

"Sa paglalakbay ng mga ibon sa kalangitan, anong mga bagay ang pwedeng mangyari? Upang magtagpo ang kanilang landas?" sambit ng isang matanda na kausap ang isang batang pinapatulog.

"Paano naman 'Lo kung magkita sila? Hindi na talaga sila maghihiwalay?" tanong ng bata.

"Maari, kung ipapagsatyansa nila ang lahat. Pero kung gayo'y magsama sila at hilingin ang panghabang buhay, lakipan nila ng gawa at ipagpasalangit ang kanilang pagsasama sa himpapawid." tugon ng kaniyang Lolo na nakatingin sa kalayuan.

"Ang lalim mo naman Lolo, di kita masyado minsan maintindihan." bulong ng bata sa kanyang isip.

"Lo, saglit lang po. Naiihi po ako." paalam ko kay Lolo at tumayo ako.

Dumaan ako sa hallway papuntang CR (Comfort Room), nakita ko ang kalendaryo at napa tigil ako.

"Oh? September 15 na pala. I wonder what good thing will happen today." sabi ko sa sarili ko at dumeretso na para gawin ang gagawin ko.


habang..



"Isang babaeng ibon ang laging napunta, at nadapo sa akin. Dalawang taon narin ang nakakalipas mula ng magpakita ito sa akin." sabi ng Lolo ng bata, habang minamasdan ang dumapong ibon sa kanya.

Twtttt! Twwwwtttt! isang malakas na tunog galing sa di kalayuan ang naka pukaw ng atensyon ng matanda at ng ibon na nakadapo dito.

Dumapo ang ibon na ito sa kaliwang binti ng matanda. Dahil sa nakaupo ito, napansin nya ang dalawang ibon na nakaupo sa pareho nyang binti.

"Itim. Puti. Ilang patak ng tubig ba ang kailangan para makabiyak ng bato? Hindi ko alam, pero bihirang pangyayari ito." bangit.

"Sya ba ang iniintay mo?" sabi nito sa babaeng ibon.

Ang ibon ay tila nakikinig sa tanong nang matanda at tumingin sa lalaking ibon. Pinagmasdan nya ito. Dahan-dahan din siyang lumapit.

Lumapit din ang lalaking ibon ng bahagya, nagpapakita ng pagkakakilanlan at para baga'y pinapakita nitong ayos lang lumapit.

Lumapit ang babaeng ibon. Pinagmamasdan sila ng matanda. Maya maya ay nagkamabutihan ng loob ang dalawa at lumipad ito.

Tumingala sa asul at maalinsangan na kalangitan ang matanda. Pinagmamasdan ang pagsasama ng dalawa.

"Napakaganda."

Sambit nang matanda. Na kanya naring huling mga salita. Pumanaw sya sa araw kung kailan dalawang buhay ang nabuo at nagsama, at panahon naman niya para magpahinga.

"Nagpahinga syang naka tingala at nakangiti." sambit ng lalaki na nagk-kwento sa isang batang lalaki sa parke.

"It's been 9 years since then, I guess? Lo."

Naluluha luha ang bata. Napatingin ang lalaki at napatawa nalang ito sa reaksyon nito.

"Ano kaba? Kwento lang 'yon wag kang magmukmok dyan." sambit nito na pasarkastiko at hinimas ang ulo nito.

"Kalalaking tao, ang hina nang loob. Pero.., nakakalungkot naman talaga. I admit."

"Wala ka bang iskwela ngayon bata?" tanong ko at nakuha pa nitong maglaro dito.

"Wala po Kuya. Ayoko ding pumasok. Tinatamad ako." tugon nito nang nakayuko.

"Huwag ka tamarin. Masaya kaya sa school. Marami kang matututunan tapos marami pang kaib—"

"Wala akong kaibigan 'don Kuya." putol nya na ikinabahala ko.

"Bakit naman wala? Di kaba palakaibigan?" alalang tanong ko.

"Hindi naman nila kase ako gusto, inaaway nila ako. Lahat sila." tugon nito.

"Kaya mas okay nadin pong mag-isa. Wala rin namang maayos na kasama."dagdag pa.

"Hindi kaya 'yon okay. Saka di ka naman magisa, andito pa ako." sabi ko sabay ngiti.

Natulala sya saglit..

"S-salamat Kuya. Kahit di kita kilala, kinausap mo parin ako." sabi nito.

"Walang anuman 'yon. Saka, sabi ko nga. Hindi okay ang magisa. Darating ang panahon, may taong hindi mo inaasahang darating sa buhay mo." banggit ko sabay tumayo.

Paalis na ako at tumalikod na.

"Para saan pa? Para guluhin ang meron ako?" mapait na tanong nito na ikinatigil ko sa akmang pagalis.

"Mali. Kapag nakilala mo sya, sya lang ang naiisang taong sasamahan ka hanggang sa bingit ng kamatayan." lingon ko at sambit.

Napatingin nalang sakin ang bata. Bumaling nako ng tingin dahil may pupuntahan pako.

"Una na ako Bata! Magiingat pauwi, 'wag na mag patagal. Hahanapin ka ng magulang mo sige." paalam nito habang naglalakad paalis.

"Napatingin ako sa orasan at alas kwatro na pala." agad nading nag ayos ng sarili at dadali-daling umalis.

"Mapapagalitan na naman ako."


"Oh? Kaninong panyo 'to? Ang burara ah." bangit ng isang boses batang babae.

"Nakk!" tawag sa kanya ng mama niya. Napaharap ito sa kanya.

"Saan ka ba galing?" alalang tanong nito.

"Naglalakad-lakad lang naman po ako 'Ma." sabi nito sa kanyang Ina.

"Hays, sa susunod h'wag basta-basta aalis ha. Magaalala si Mommy mo nyan." pagpapaalala nito.

"Gusto mo ba ng ice cream? May ice cream do'n oh."

"Sigee Mommy." ngiting saad ng bata.

Habang bumibili ang Nanay nito ay napatingin uli sya sa upuan sa panyo. Umupo saglit at dinampot ito.

"Kanino kaya 'to?" tanong nya sa kanyang isip.

Inikot-ikot nya ang panyo nito upang maghanap ng kahit ano mang pagkakakilanlan ng panyo ngunit wala syang nahanap. Hanggang sa tinignan nya ng maayos ang corner ng panyo.

Mayroong initials na halos mabura na. Kaya siguro hindi nya napansin agad.

"J.. K?" tanong nito dahil sa hindi sigurado kung yun nga ba ang nakasulat. Sobrang wala na kasing tinta yung sulat.

"Nak oh!" sigaw ng Mama nya sa kanya habang papalapit hawak ang ice cream.

Tinago na nya muna ang panyo sa kanyang maliit na bag na dala.

"Wooowwww! Favorite flavor ko pa!" tuwang sabi ng batang babae.

"Syempre, alam ni Mommy mo yan." saad pa nito habang nakangiti.

"Uwi na tayo? Anong oras na din, magaantay pa tayo ng jeep."

"Sige poo." tugon ng bata.

At sabay na nga silang umuwi.


habang...


Nakadating na ako sa bahay, bago pa dumating si Mama galing sa palengke.

Buti nalang ay di ako naabutan sa labas.

Habang inaayos ko ang mga pinamili ni Mama at arteng kala mo'y kanina pa sa bahay, meron akong bigat sa loob na parang may nakalimutan akong mahalagang bagay.

'Di ko gaanong pinansin pero habang tumagatagal, nababahala na ko.

Pumunta ako sa kwarto at inisip kung ano ang nakalimutan ko.

Sa pagiisip, ay biglang pumasok ang isang tanong sa isip ko.

"May dala ba akong panyo?" tanong ko sa sarili ko.

Agad agad akong nagmadali sa drawer at tinignan kung nandun ang panyo na nasa isip ko.

"Shit. 'Di pwedeng mawala' yon." alalang alala ako at mahalagang tao ang nagbigay sa akin no'n.

Kapag ka dating ko sa drawer ay agad agad kong tinignan. Tinignan ko din sa labahan, sinampay, kung nagamit ba bilang basahan, sa kusina, sa lahat ng lugar.

At napasabi ako...

"Patay, Nawawala."

Continue Reading

You'll Also Like

352K 4.8K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
1.2M 111K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
Cry-Baby By Criss

Teen Fiction

3.2M 102K 30
I wiped my eyes once again to see deep piercing green ones looking down at me. More tears came as I saw the root of my anger, and I stood up pushing...