La Vendetta

By Ehugirl_pating

869 10 0

Hustisya ang hangad ng kabataan na naulila sa isang trahedya. Poot at galit ang nanaig sa kanilang mga puso... More

Prologue ๐Ÿช“
Chapter 1 ๐Ÿช“
Chapter 2 ๐Ÿช“
Chapter 3 ๐Ÿช“
Chapter 4 ๐Ÿช“
Chapter 5 ๐Ÿช“
Chapter 6 ๐Ÿช“
Chapter 7 ๐Ÿช“
Chapter 8 ๐Ÿช“
Chapter 9 ๐Ÿช“
Chapter 10 ๐Ÿช“
Chapter 11 ๐Ÿช“
Chapter 12 ๐Ÿช“
Chapter 13๐Ÿช“
Chapter 14 ๐Ÿช“
Chapter 15 ๐Ÿช“
Chapter 16: ๐Ÿช“
Chapter 18 ๐Ÿช“

Chapter 17 ๐Ÿช“

44 0 0
By Ehugirl_pating


Jervin's POV:

Nakaupo lang ako sa kama habang nakatanaw sa bintana, magmula ng mangyari ang masamang panaginip na yon ay hindi na ako makakilos at makapag-isip ng maayos.

Flashback.....

Napabalikwas ako ng bangon tsaka mabilis na kinapa yong buong leeg ko, sinama ko na pati katawan para malaman kung may tarak ba ng kung ano.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto na panaginip lang pala yon, pero tang ina. Napakasamang panaginip non.

Nilinga ko ang mga mata ko at napagtanto na gantong ganto ang ang nasa panaginip ko, madilim . Sobrang dilim.

Agad kong kinapa ang mga gamit ko tsaka mabilis tumakbo palabas. Bahala na kung may naiwan man ako, wala akong pakialam.

Natatakot na ako baka mangyari yong nasa panaginip ko .

End of Flashback.

Kinikilabutan pa din ako kapag iniisip ko yon, pilit ko kasing inaalala ang mga pagmumukha ng mga salarin eh. Hindi ko na matandaan, ultimo boses nila nawala sa memorya ko, pero isa lang ang sigurado ako.

Kilala ko sila at malapit sila sa'kin.

Hoy Gago! Napaigtad ako nang marinig ko ang boses niya.

Anong nangyari sa'yo? Tanong ko nang mapansin na nakahawak siya sa bewang niya.

Kupal yung transferee niyo! Siya may gawa sa'kin nito. Irita niyang sabi.

Sino si Yanna? Tanong ko, lumapit agad ako sa kanya saka tinulungan siyang makaupo sa kama.

Oo hayop! Napuruhan yong puwetan ko sa ginawa niya.

Ano ba ginawa mo? Tanong ko.

Gaya ng sabi mo ulol. Nagtanong tanong ako, hanggang sa makasalubong ko ang mga tropa mo. Ginalit ako ni Quira! Pagbintangan ba naman ako daw may gawa ng patayan sa school niyo! Bakas sa boses niya ang galit. Kay Blessie ako lumalit at nagtago nang makaalis ako sa school, gusto ko sana sa papa ko magsumbong kaya lang ayoko siyang madamay.

Una nagdadalawang isip akong lumapit kay Blessie baka bugbugin niya na naman ako ulit pero wala nakong choice alam kong matutulungan niya din ako. Ayon sinampal ko!

Gago ka, bat mo sinampal?

Ano kamo gago ako Jervin? Ulit niya pa.

Aish! Sana hindi mo na sinampal, kawawa naman si Quira. Reklamo ko.

Tang ina! Ako pinagbintangan eh! Tsaka maiba tayo mukhang tama ang kutob mo na si Yanna yung killer. Sabi niya kaya napaayos ako ng upo, naikwento ko kase sa kanya yong kutob ko tungkol kay Yanna.

Paano mo din nasabi?

Kakaiba ang lakas niya, mabilis din siya . Sanay na sanay kaya kung tama ka sa tingin mo sa kanya paniguradong mahihirapan kayo . Nakaramdam ako ng kilabot sa sinabi niya.

Pero naisip mo ba kung ano ang motibo niya kung sakali? Hindi agad ako nakasagot sa naging tanong niya.

Hindi eh. Nahihiya kong sabi.

Alamin mo yon. Hindi lang din sa kanya pati sa iba mong tropa, maaring hindi mo kilala ang ikot ng bituka nilang lahat. Dagdag niya pa at natahimik ulit ako.

Wag kang mag-alala, tutulungan kita. Mukhang exciting to eh . Pahabol niya dahilan para pagkunotan ko siya ng noo. Exciting mukha niya, porket sanay makipagbasagan ng ulo.

Yanna's POV:

Magkasama kami ngayon ni Sj, nagpresinta kasi siya kanina na ihatid ako sa bahay. Hindi na din ako tumanggi.

Paano? Pasok na ako? Sabi ko.

Pwede bang mamaya na? Malumanay niyang sabi. Five minutes pa.

Kung gusto mo sa loob na lang tayo? Pagyaya ko pa sa kanya.

Dito nalang .

May problema ba? Napapansin kong may bumabagabag sa kanya.

Napapaisip lang ako kung ano ang susunod na mangyayari.. Pagkatapos ng nangyari kay Jervin, hindi na mawala sa isip ko na kung sino kaya ang susunod?

Wag mong sabihin yan Sj, wala ng susunod.

No Yanna, traydor ang kalaban natin. Ni hindi natin alam kung kelan sila susulpot. Ni wala tayong lead kung sino siya o sila.

Wala tong kinalaman sa nangyari kay Hilary Jake . Sabi ko

How'd you know?

Inalam ko, kase pakiramdam ko sa'kin ibubunton ang sisi sa nangyayari eh. Kaya hindi matahimik si Jervin sa kaka diin sa'kin eh.. Gaya ng sabi mo, nanay lang ang meron siya, at maayos na ang nanay niya ngayon. Wala siyang kapatid, at wala siyang boyfriend. Kaya labas siya dito. Hindi to tungkol sa paghihiganti ni Hilary. Paliwanag ko.

Sa tingin ko ... Napahinto ako, parang ayokong sabihin ang nasa isipan pero kailangan, magalit na siya't lahat basta kailangan kung ano sa tingin ko . Isa sa mga grupo mo ang may gawa nito.

The hell Yanna? Kunot noo niyang sabi which I understand, alam kong papanigan niya mga kaibigan niya.

Jake, isipin mong mabuti na maliban sa nangyari kay Hilary meron pa bang pangyayari na sangkot kayong lahat?

Napapikit siya ng mata at halatang taimtim na nag-iisip. Fuck! Nagulat ako sa reaksyon . Wala! Shit. Wala talaga Yanna.

Okay okay . You have to be careful, lahat ng kilos at sasabihin mo lalo sa mga kaibigan mo.

Including you?

Tumango ako. Pati sa'kin. Ikaw na may sabi traydor ang kalaban natin, malamang nasa paligid lang siya o sila..

Yanna. Biglang sumeryeso ang boses niya. Pasimple naman akong napalunok sa kaba nang hawakan niya ang mga braso ko para mapatingala sa kanya. Please avoid us, save yourself .

Hindi kita maintindihan . Gulong gulo kong sabi.

Save yourself habang may oras pa, hindi ka kasali dito. Kaya please huwag ka ng lumapit ni kahit isa sa'min.

Ano ba pinagsasabi mo Sj? Ngayon pa kung kelan magaan na ang loob ko sa inyong lahat?

Please ayokong madamay ka. Pagsusumamo niya.

Damay na ko. Kasama niyo ko dito. Hindi ko kayo iiwan .

Yanna naman. Reklamo niya. Ayokong may mangyari sa'yo..

Dahil? Kunot noo kong tanong.

Basta.... Makinig ka nalang . Hayaan mo na kaming lumutas nito.

Gusto kong makatulong Sj.

Wag na nga! Nagulat ako dahil tumaas ang boses niya

Bakit nga!

Dahil gusto kita! Napaigtad ako sa sinabi niya, gulat at hindi ko maintindihan .

Yanna, I like you. Malumanay at sincero niyang sabi. Pakiramdam ko nagblink ng ilang beses ang mga mata ko bago ako matauhan . Napaiwas agad ako ng tingin at napatikhim.

Gabi na, umuwi kana . Tsaka delikado na din. Pagkasabi ko non, rekta akong tunalikod ngunit mabilis din akong napabalik gawa ng paghatak niya sa'kin.
I'm serious Yanna. Well, hindi niya na kailangang sabihin kasi halata naman na seryoso siya. I like you

Baka naguguluhan ka lang Sj. Sabi ko.

Ano? Kunot noo niyang tanong. Saan?

Diyan! Sa sinasabi mo. Bwelta ko sa kanya.

Yanna, ngayon lang ako naging sigurado. Seryoso niyang sabi.

Sarkastiko akong natawa. Talaga lang ha?

Yes! And I can prove to you everyday that I really like you .

Sj listen, you can't like me just because I remind you of someone. I am not her. Deretsahang sabi ko.

Gumuhit ang gulat sa mukha niya. Si Quira, may sinabi siya sa'yo.

Doesn't matter. Basta yang nararamdaman mo ay hindi para sa'kin. Matutulog nako, pagpaalam ko. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa o pigilan ako pero kung hahatakin na naman niya ko ulit naku makakatikim siya ng sapak panigurado.

Pero buti hindi na niya ginawa, nakarinig ako ng pag-andar ng motor at tuluyan ng nakalayo..

Ganto pala kasakit yon. Mahinang bulong ko tsaka pumasok na.

Kinabukasan, ramdam ko ang malaki kong eyebags. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-uusap namin ni Sj kagabi.

Pagkapasok ko, agad akong sinalubong ni Quira. Are you ok? Malamang nahalata niyang may bumabagabag sa'kin.

Ok na naman ako. Sabi ko, ayokong mag-alala siya lalo pa't bukas na yong birthday niya.

Sabi mo eh . Halika na . Hinatak niya ko paupo katabi kung san siya nakaupo. Paladesisyon talaga to, mukhang ayaw niya kong matabi kay Sj.

Oh? Ang aga niyo namang maging biyernes santo dalawa! Bungad ni Chester nang mapadaan siya sa gawi namin. Parang kahapon lang nilalanggam kayo ah. Dagdag niya pa

Chester! Pagbabanta sa kanya ni Quira.

Hehehe! Tawa niya. Hindi kase nalalayo ang itsura nilang dalawa eh, dinaig pa panda. Hahaha!

Umalis ka na nga don . Iritang sabi ni Quira sa kanya, gusto ko mang lingunin si Sj pero wag nalang dahil ramdam ko ang titig niya sa'kin.

Ate Yanna! Okay ka lang ba? Lumapit na din si Kara.

Huy bes! Pwede kang mag open up sa'min ah. Singit din ni Reika.

Okay ako. Wag kayong mag-alala. I assured them, pero mukhang hindi sila kumbinsido.

Magsasalita pa sana si Quira ngunit hindi natuloy dahil naagaw bigla ni Maxwell ang mga atensyon namin.

Hey! Hey! I'm so excited. Bungad ni Maxwell habang naglalakad na parang kasali sa pageant.

Hoy! Bakla, kumalma ka. Puna sa kanya ni Deanna.

Maxwell. Tawag din sa kanya ni Quira, batid kong ayaw niyang ipaalam sa iba naming kaklase . Kami lang kasi ang niyaya niya para sa celebration niya bukas.

Okay okay! Hehe. I'm sorry .
Bawi niya agad. Mamaya nalang sa tambayan.

Quira's POV:

Nandito na kaming lahat sa tambayan at pinagplanuhan ang ganap namin bukas.

Ang mangyayari bukas, sa bahay tayo magkikita kita. Panimula ko. I rent a van, of course with a driver. Dagdag ko pa.

Eh bat may driver pa? Reklamo ni Chester. Pwede naman kaming magsalitang boys sa pagdadrive.

It's ok Chest! Para chill nalang tayong lahat sa byahe..

Lumiwanag naman ang mukha niya animo'y may napagtanto. Oo nga pala no! Sige, I'm ok with that.

What time pala? Nagtaas  ng kamay si Giselle.

Kaya niyo ng 6 am? Nag-aalangan kong tanong

Oo naman! Sagot ni Deanna. Alarm lang yan.

I'm sure, Filipino time . Gatong ni Dylan which most of us agreed. How about the foods? Muli niyang tanong.

I'll take care of it sa Villa, pero during sa biyahe , magdala ng kanya kanya then share share.

Much better! Sabi ni Rico.

Boss Rics! Dala kang canned drinks ah. Sabi ni Chester..

Hey! Walang mag-iinom sa byahe, saway ni Astrid.

Kj! Pabulong niyang sabi. Natawa na lamang kami.

So all set na for tomorrow? Muli kong tanong.

Yiiie! I'm so excited .... Tili ni Maxwell, I'm sure he is.

Pagkatapos ng klase, ay kanya kanya na din kaming nagsiligpitan ng gamit. May iba akong kaklase na naggreet sa'kin inadvance, napangiti akong pinasasalamatan sila, on the other hand parang nakonsensya ako dahil hindi ko sila inimbita.

Quirz, pwede ba kitang makausap. Seryosong sabi ni Yanna, actually kanina ko pa talaga siyang inaantay na lumapit. Feeling ko there was something wrong sa nangyari kagabi.

Sure. Wait lang, pasok ko lang lahat to. Sabi ko at naghintay naman siya.

Hindi nagtagal ay sabay na kaming naglakad palabas, yung iba naming mga kaibigan ay nagkanya kanya . For sure magpeprepare pa for tomorrow.

What's the problem? Nag-aalala kong tanong.

Si Sj.. bungad niya. He confessed. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Omg! That guy, hindi ko alam na magkakalakas loob na siya.

Then? Anong sabi mo? You rejected him right? Tanong ko na siya namang kinatango niya. I knew it, hindi magiging ganyan yung mga mukha nila if Yanna admitted her feelings too. Pero bakit? I know, you like him Yanna.

Eh kasi. Nag-aalangan niyang sabi, somehow natawa ako, nawala yung maangas niyang dating.

Eh kasi what? Nakikita niya sa'yo si Adie? Believe me Yanna, Tapos na siya kay Adie, hindi siya maglalakas loob na aaminin sa'yo ang nararamdaman niya kung hindi pa.

Pero sige, kung hindi kapa handa, it's ok. You still have more time to think. Wag muna ngayon... Sabi ko pero hindi ko inaasahan ang isasagot niya.

Do we really still have more time Quira? Inaamin kong kinakabahan ako, sa nangyayari nung mga nakaraan, pilit ko lamang tong iwinakli dahil ayaw kong masira ang vacation namin.

Of course Yanna. I assured her with a smile. Wala ng mangyayaring masama. Tumango tango siya sa sagot ko.

Siya nga pala, dito ko na ibibigay tong regalo ko ha . Nakita ko siyang may kinalikot sa bag. Maya maya lang ay may inabot siya sa'king metal thing na hugis dagger pero maliit lang siya, halos masasakop lang siya ng palad ko. Hinawakan ko yung dulo, medyo nagulat pako dahil mukhang matulis ito.

Hindi agad ako nakareact, pinagmamasdan ko lang ang bagay na yon hanggang sa muli siyang magsalita . Try mo na iipit sa buhok mo .

Mabilis ko namang tinalikod ang maliit nanbagay. It was a hairclip. Sinunod ko ang sinabi niya at inipit ito sa left side ng hair ko.

How do I look like? Nakangiti kong tanong.

Beautiful. Seryoso niyang sagot. Wag kang magdadalawang isip na gamitin yan sa taong mananakit sa'yo.

Yanna...

Hindi ako nakagalaw ng bigla niya kong yakapin. Thank you Quira, for accepting me and treating me as your friend. Kahit anong mangyari, mananatali akong kaibigan mo. Pagkasabi niya non, kumalas siya sa pagkayakap sa'kin.

Why are you saying this Yanna?

Wala lang . Tipid siyang napangiti. I just want you to know how grateful I am to be your friend. .

And so am I. Madamdamin kong sagot. Please be happy, don't worry about me ok? Patungkol ko sa pagconsider niya sa feelings ni Sj. Batid kong nag-aalangan siya dahil iniisip niya ang mararamdaman ko.

Of course I will. And more thing, hindi ko kayo iiwan, sasamahan ko kayo. Sa kahit anong laban niyo. Batid kong patungkol ito sa nangyayari sa mga kaibigan ko.

Napatikhim ako. Ano ba yan, sobrang drama na natin. Kala mo naman ito na ang huling pagkikita natin. Hahaha!

Gusto ko lang talagang iabot ngayon yung gift ko sa'yo.

Thank you ha, it has been a long time since someone gave me a hairclip. Kakaiba pa ang binigay mo kaya I'm so very happy..

Maya maya ay nagring phone ni Yanna, mabilis naman niya itong sinagot.

End of Chapter 17 🐊🐊
Getting ready for the party .... 🥳🥳

Continue Reading

You'll Also Like

OBSESSED By thisbejaja

Mystery / Thriller

95K 4.1K 26
obsessed
43.7M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
23.4K 2K 30
แ€‡แ€ฌแ€แ€บแ€œแ€™แ€บแ€ธ แ€กแ€€แ€ปแ€ฅแ€บแ€ธแ€€แ€แ€ฑแ€ฌแ€ท แ€แ€แ€นแ€‘แ€ฏแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€…แ€ฅแ€บแ€กแ€แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€•แ€ซแ€•แ€ฒ... แ€œแ€„แ€บแ€ธแ€™แ€ฌแ€”แ€บแ€แ€€ wormhole แ€€แ€ญแ€ฏ แ€–แ€ผแ€แ€บแ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€แ€ฒแ€ท แ€กแ€”แ€พแ€…แ€บ แ‚แ€ แ€€แ€ญแ€ฏ แ€›แ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€œแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ‹ แ€žแ€ฐแ€ทแ€กแ€–แ€ฑแ€€ แ€žแ€ฐ แ‚แ€”แ€พแ€…แ€บแ€žแ€ฌแ€ธแ€‘แ€ฒแ€€ แ€†แ€ฏแ€ถแ€ธ...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...