Whispers of Tomorrow

By ayepowful

269 25 408

Daphne, haunted by her father's past betrayal and the fear of repeating his mistakes makes herself scared to... More

Disclaimer
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30

3

9 1 8
By ayepowful

"Ayaw talaga tumigil." mariin kong sabi habang nakatingin sa isang notification sa phone ko.

@therayken: Hi! Let's eat dinner! I know a restaurant. 😁

@froidaph: how did you find my Instagram? block kita.

I was just doing my skincare routine at gulat nalang ako nang mag notif na finollow niya ako sa Instagram! Hindi ko alam paano niya nahanap iyon and for sure, he's digging some information.

I stalked his profile, hindi ko mapigilan mapaismid nang makitang parang nasa all girls school ang followings niya. Nahiya pa tuloy ang bilang kong followers sa kanya na may letter K after the numbers.

Mukha pa siyang mabait sa profile picture niyang nakaupo at nakangiti sa camera sout ang brown trench coat, parang nasa ibang bansa siya nito.

@therayken: that's not important, daph. I've been dying to eat a meal with you, just one meal lang?

@froidaph: bakit ba gusto mo sumama ako sa sa'yo kumain ha? Are you really that interested in me?

@therayken: Yes, hindi kita kukulitin kung hindi.

Bigla ko nalang naitapon sa kama ko nang mabasa ang reply niya. I held my chest when I felt it was beating faster. Huminga ako nang malalim at binasa muli iyon.

He's just playing! He's trying to lure me by his words, for sure.

Hindi ko na siya nireplayan pa, humiga nalang ako at pinilit na matulog. Pero kahit anong gawing pagpikit, hindi pa rin ako makatulog! So I decided to spare my time watching videos sa phone ko.

Tutal sabado naman bukas, pwede ako magpuyat ngayon at ipapaayos ko na rin kotse ko bukas. Nasira pa yung battery nung nakaraan pa lang kaya sa nagdaang araw, panay commute ako.

Nakatulog ako sa kalagitnaan ng panonood ng Grey's Anatomy. Parang limang minuto lang ata ako natulog nang magising ako dahil sa ingay ng cellphone ko, akala ko alarm pero nagising ang diwa ko nang makitang ang kapatid ko pala tumawag.

"Oh bakit, Darren?" sabi ko kaagad pagsagot ko sa tawag.

"Ate sinugod si mama sa hospital."

"Ano?! Bakit? Anong nangyari?" Bigla akong kinabahan kasi sa pagkakaalam ko nasa cdo ang mga magulang ko ngayon para puntahan ang kapatid ko.

"Inatake ate.." tila parang natatakot rin siya "Ate, pumunta ka dito please, hindi ko kaya to e handle mag isa."

"Pupunta ako." tanging sabi ko bago pinatay ang tawag. Mabilis ako nagbihis ng at kinuha ang sling bag ko na tanging wallet ang phone lang nilagay. Nasa garage pa lang ako ng apartment nang marealize na sira pala kotse ko.

For sure there are no available buses right now na papunta sa CDO kasi hindi naman dito sa Malaybalay usually ang stop nila. Wala rin naman sila Nicole dito kasi diretso Pangantucan daw sila kanina pagkatapos ng duty namin.

So sinong malalapitan ko ngayon?

I opened my phone at bumungad sa akin ang chatlist ko sa Instagram, my eyes darted on the last person I chatted with at kitang kita ko ang green na circle katabi ng profile niya.

@froidaph: Are you still awake?

And he replied immediately

@therayken: yeah, why?

I sighed, bahala na! This is for my mother, talagang hahayaan ko na dignidad ko nito.

@froidaph: Can you help me?

***

My eyes widened in shock when after five minutes of giving my address to him ay lumitaw kaagad ang kotse niya dito sa harap ko. Napalunok nalang ako sa hiya nang bumaba siya at lumapit sa akin.

I couldn't help but to scan his outfit.

He's wearing a gray sweater and black shorts. Ang gulo pa ng buhok niya, pinilig ko pa tuloy ulo ko nang may maalala na naman.

Nakakainis na talaga itong isip ko!

"Let's go?"

"Sigurado kang okay lang sa'yo?"

"It's an easy ride." he shrugged his shoulders "Don't worry, I'm harmless."

I sighed "After this, I'll treat you to a meal." I said, his face lifted as a smile plastered on his lips.

"Gusto ko yan." aniya at binuksan ang pinto ng passenger seat, sinenyasan niya naman ako pumasok doon. Draken really looks handsome with just that look, genetic na ba talaga ito sa mga Alvarez?

"Mag stop ka sa gas station, I'll pay for the gas." sabi ko nang magsimula na siyang mag drive.

"Alright."

Nagulat pa ako kasi usually sa mga lalaki kapag sinabi yan ng babae parang ayaw pa nila. Etong si Dk pumayag naman kaagad? He's a different breed, I guess.

Nasa may Casisang pa lang kami nang tumunog ang monitor ng kotse, pahiwatig na may tumawag sa phone niya.

"You still got a call at this hour?" hindi ko mapigilan mapatanong, it's already 1 am.

"Kaya nga hindi ako natutulog e." biro niya saka pinindot ang green button. Iniwas ko nalang ang tingin ko para kunwari hindi ako interesado sa usapan nila ng tumawag. Hinayaan niya talaga sagutin yon habang nandito ako?

Napakurap kurap akong napatingin sa kanya nang magsalita siya gamit ang language nila. It makes sense kung bakit bastang basta niya lang sinagot.

He sounded so cool and fluent speaking korean, bakit ang gwapo pakinggan? Parang sa mga pinapanood kong kdrama lang.

"It's my cousin." aniya nang pinatay na ang tawag, I nodded.

"Asean?" tanong ko

Umiling siya "Si Asean lang kilala mong pinsan ko? That's good." aniya at iniliko ang kotse sa gas station. Kinuha ko ang wallet sa sling bag at nilabas ang card saka inabot sa kanya.

Casual niyang tinanggap iyon bago kinausap ang gasoline boy. I opened my phone to text my brother, kasalukuyang chini check pa daw ng mga doctor ngayon si Mama dahilan para mas nanaig pa ang pag-alala ko.

"Care to tell what happened to your mother?" ani Dk sabay balik ng card ko.

"She has arrhythmia." sagot ko at napabuntong hininga.

"I'm sorry to hear that."

"Okay lang." tipid akong napangiti

"You have other siblings right?"

Tumango ako "Tatlo kami. Eh ikaw?" tanong ko.

He pursed his lips "We're four." sagot niya

"Okay ikaw ang bunso." paghula ko, base pa lang sa expression niya, halatang halata na. Natawa naman siya nang mahina at napailing nalang, he thanked the gasoline boy bago nagsimulang mag drive ulit.

"Mostly the black sheep."

Napaayos ako ng upo at tinignan siya gamit ang expression kong ayaw maniwala "Paano mo naman yan nasabi? You have a job."

"Alvarez is not just Alvarez, Daphne." he shrugged his shoulders, mukhang may deep meaning ang sinabi niya kaya natahimik nalang ako.

"Hindi ka naman madaldal tulad ni Asean." sabi ko at napangiwi, hindi niya rin sasabihin ang ibig sabihin nun!

He chuckled softly "Okay fine. I have three older sisters." he said "Our korean blood is thicker than filipino."

"Ha? Konti lang pilipinong dugo mo? Hindi tulad kay Asean?" gulat kong tanong.

Tumango siya saka tinignan ako saglit at binalik sa daan "I am the first boy in fourth generation of Alvarez to have more korean blood that's why you know..." napailing siya "More pressure."

"Elite families are really something." I shook my head "Who pressured you? Your parents?"

Umiling siya "Our elders." aniya "They are just a bunch of old people who keep pressuring the fourth generation. Ginawang generational trauma."

"Let me guess.." I trailed off, tumingin naman siya sa akin saglit at tinoun muli ang tingin sa daan "You're not supposed to study engineering, right?"

He glanced at me with amusement in his eyes "Parang ganoon na nga pero bahala na, may license na ako."

Mukhang ayaw niya pag usapan iyon kaya tumango nalang rin ako.

As he talked about how he ended up in a career he never really wanted, and it got me to thinking about how life may sometimes pull us in unexpected places.

It helped me understand how many individuals settle for doing things they never would have imagined doing in order to live up to expectations or handle life's practicalities. It's similar to having to choose between doing what you have to and what you want to achieve.

I learned from what he says that sometimes the path we choose isn't the one we had expected.

"Pero alam mo.." nagsalita ako "There's nothing wrong in still reaching for it. Opportunities may still unfold, Dk." I gave him my sweetest smile.

His lips parted when he looked at me and after a second, tinoun niya muli ang tingin sa daan. "I see you have this sweet and soft attitude inside you, Daph. Akala ko kasungitan nalang ang sumakop sa katawan mo." sabi niya nang makabawi

I rolled my eyes and just laughed a little.

"Pero bakit nung lasing ka—"

"Hep! We don't talk about that!" pagputol ko sa kung ano pa man sasabihin niya.

He laughed "Are things still awkward to you?" natatawang tanong niya.

"Malamang!" bulyaw ko "Ang weird nga kasama ko ngayon yung naka sex ko last month." I said vulgarly. He laughed hysterically.

***

"Akala ko si Dara ang dumating." ayun kaagad ang bungad ni mama nang pumasok ako sa room niya dito sa hospital.

"Ma, kailangan malaman to ni ate, emergency naman ito." si Darren. I gave him a reassuring smile, palagi namang ganito, hindi pa ba ako sanay.

"Kumusta pakiramdam mo, ma?" tanong ko.

"Okay na, Daphne." sagot niya at ningitian ako "Galing ka pa Malaybalay?"

Tumango ako "Tinawagan ako ni Darren."

Bumaling naman siya bunso "Bakit mo pa tinawag ate mo? Nag abala ka pa!" aniya

"Kumain ka na ba, Daph?" singit ng magaling kong ama na tanging tango lang ang sinagot ko.  "Nag bus ka ba patungo dito?" tanong na niya naman.

I sighed "Hindi na yun importante." sagot ko "Ma, tatawagin ko muna si Dara."

"Sige, nak." tumango siya. Lumabas nalang ako ng kwartong yon at tinawagan si Dara, ang pangalawa kong kapatid. Hindi ko mapigilan mainis nang hindi niya sinagot ang tawag ko.

"Ate."

"Oh bakit?" sagot ko sa bata kong kapatid na lumabas rin pala ng room

"Ikaw na naman po ba magbabayad ng bills?"

"Oo, ayaw sumagot ng ate dara mo e." I shrugged my shoulders and gave him a smile "May natira ka pa bang allowance?"

Tumango siya "Narinig ko kanina tinawagan ni papa si ate dara pero ang sabi ni ate, wala pa daw siyang extrang pera." napakagat siya sa labi "Kaya tinawagan nalang kita."

I nodded at my brother

"Kung may pera pa ako baka nga ako nalang nag shoulder sa bills e." napanguso siya "Pasensya na ate, ayoko lang mangyari naman yung hihingi na naman sila sa ibang kamag-anak natin

"Ang thoughtful mo pero ako na bahala." sabi ko "Huwag kang mag sorry kasi tinawagan mo ako."

"Ayan ka na naman ate." he started sulking "Inaako mo nalang lahat porket ikaw ang ate. Kung may ibang paraan pa sana—"

"Ganoon naman talaga dapat ah? Atsaka magulang natin yun, Darren." I pursed my lips.

Even if it's against my will?

Being the oldest sister is like having a backpack full of rocks you can't take off. Everyone expects you to lead the way and sort things out, but sometimes, you just want someone to give you a hand.

It's not all rainbows; it's more like a rollercoaster with a few too many twists and turns.

Imagine standing in a storm, trying to protect others from the chaos while getting drenched in the pouring rain yourself.

There are moments when I crave a break from the constant demands and the unspoken assumption that I have all the answers.

Kahit hanggang ngayon hinihiling ko na sana may 'Ate Daph' rin ako.

But all I have is myself.

I just wish someone would get that I'm not always strong. It's tough, you know? Admitting that sometimes, I'm barely holding it together. Not complaining, just saying it's hard when showing vulnerability feels like a luxury I can't afford.

I sighed as I looked at the receipt of the hospital bill of my mother, including na doon ang mga gamot na ni reseta ng doctor sa kanya.

"Daphne binayad mo na ang hospital bill?!" gulat na sigaw ni mama nang makitang pagpasok ko may hawak na akong papel.

"Oo ma." sagot ko

"Daphne!" si Papa at napatayo.

"Lalapit pa rin naman kayo sakin kaya ako na nag insist." sabi ko pa "Kaya ayos lang."

"Anak magbabayad kami."

"Pa kahit huwag na." I looked at my father "Just stay healthy."

"Sigurado ka ba diyan, Daph?" si mama, she has a soft emotion on her face right now. Binigyan ko siya ng reassuring smile.

"Oo nga ma." umupo ako sa kama sabay hawak sa kamay niya. "Huwag lang matigas ang ulo, just stay healthy."

"Hiyang hiya na ako, Daph." napayuko siya "May sariling buhay ka na—"

"Mama naman." I laughed a little "Hindi naman ganoon kalaki ang binayad ko."

Pagkatapos ng usapan namin ay lumabas na ako ng kwarto at sinagot ang phone kong kanina pa nag ring.

"At naisipan mo na sumagot ah?" sarkastiko kong sabi sa kapatid ko.

"Ate sorry po talaga." sabi niya kaagad "Sa susunod babawi na ako!"

I sighed "Dara ilang beses mo na sinabi yan." sabi ko at napasapo sa noo "Sa atin na sila umasa ngayon, even Darren. Kailan mo ba sasabihin sa kanila?"

"Ate sinubukan ko naman e kaso hirap na hirap din kami dito."

Napailing nalang ako at walang pasabing pinatay ang tawag. It's so tiring to handle this. I don't want my parents to noticed na wala ako sa mood kaya lumabas nalang ako para na rin magpahangin.

"I'm so done, mom! I'm not complaining, I'm just saying why did he have to give me such duties? Hindi ba sinabi ni Tito Blake sa kanya na may project akong inaasikaso dito?"

Napaigtad ako nang marinig ang boses na yon sa gilid ko and then I saw Draken standing beside his car at may kausap sa phone. My lips parted nang mapansing mukhang galit ang itsura niya.

"Then why did he have to sign for it? Tangina—" napasinghap siya "No, he should fix that on his own."

He looks so stressed. Nanlaki ang mata ko nang mapalingon siya sa direction ko. Akala ko umalis na siya nung bumaba na ako pero hindi pa pala?

Iniwas ko ang tingin ko nang makitang papalapit na siya at binaba pa ang phone, pahiwatig na pinatay niya ang tawag.

"How was it?" he asked gently, parang hindi galit kanina e.

"Okay na si mama." tipid akong ngumiti "What happened?"

He shrugged his shoulders "My father signed an agreement with an investor, ako ang nilagay niyang assigned engineer but I have a lot on my plate right now so.." paliwanag niya.

"Sa Manila ba? Ang hirap."

"Kaya nga e." he nodded in agreement "He can't say no daw dahil naging kaibigan ito nung grandfather ko."

"But you can talk about it with your grandfather." I said.

"Some other time." he replied "Anyway, are you going home?"

I shook my head "I want to drink a beer."

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 136K 45
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
3.9M 161K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
28.9K 103 18
↳˳⸙;; ❝ fast talk.ᵕ̈ ೫˚∗: │ ✵ ˚ : · ╰────────✬ ❝ let's play fast talk! ❞ ┏━━━━°⌜ 赤い糸 ⌟°━━━━┓ [ 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭𝐞𝐝 ] 11th december...