Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Nine

65.2K 1K 110
By cursingfaeri

__________________________________________________

“’Wag kang mag-hesitate sa pag-swing nung bat. Timing-an mo lang ‘yung trajectory nung bola, tapos.. swing with all your might,” paliwanag ni Charlie na matamang pinakinggan ko naman. Kailangan kong pagbutihin 'to. Ayokong matalo.

Hindi pa rin ako nakakaganti sa di sinasadyang pagtama nito ng bola kanina sa noo ko. Ang sakit kaya. Masyado kasing distracted dun kay Nile eh. Kaklase daw ng Kuya Mason nito. Ahead sa amin ng isang taon. Tindi din magcrush 'tong lukaret. Nawawala sa huwisyo. Hahahaha.

Nag-pitch na 'to ng bola. Si Nile na yung catcher namin.  Nilakasan ko ang pag-swing nung bat katulad ng turo niya. Kaso ano, uhm, sa sobrang lakas yata pati yung bat lumipad din kasama ng bola. Hahahaha. Tinignan ko lang ang paglipad nito at binilang ang unti-unting pagbaba.

5

 

4

 

3

Biglang nakita kong pababa ang bat kung saan nakayuko si Chan-Chan at nag-aayos yata ng sintas ng sapatos!

2

" CHAAAAAN! ALISSSS!!" Malakas kong sigaw, paglingon ko kay Charlie, busy na ito kay Nile. Charlie naman oh!

1

 

Lilingon pa sana si Chan-Chan pero tumama na yung bat sa puwet niya! Kitang-kita ko ang pagsubsob niya sa damuhan!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Biglang tumayo ito at nakita akong tumatawa.

"LOOOOOUIE! KANINA KA PA TALAGAAAA!" sabi nito at mabilis na tumakbo para habulin ako.

"Hala! Hahahaha! T-teka, hahahahaha! Hindi ko naman 'to sinasadya ah! Charlie!" at mabilis din akong tumakbo. Tawa pa rin ako ng tawa habang tumatakbo ng matulin. Hindi naman ako mahahabol nito eh. Lampa kaya to. Hahahahaha.

Nilingon-lingon ko si Charlie at nakitang napatakbo din ito. Huh? Papuntang banyo? Kanina lang kami umihi nun ah. Ibang klase talaga ang babaeng yun. Nakita kong namumula na naman si Chan-Chan. Tila maiiyak na 'to.

"Chan! Awat na. 'Wag kang umiyak! 'To naman. Sorry na. Sige ka, sasabihin nilang bading ka talaga, parang yun lang eh," sabi ko dito habang binabagalan ang takbo ko. Nililingon ko din to, baka bigla akong batukan sa sobrang inis nito sakin eh. Hahahaha.

"Kanina ka pa kaya sa classroom! Naiinis ako sayo! Ba't mo ako ninominate na President?! Ayoko naman maging officer eh! Tapos lumabas ka pa! Hindi mo man lang ako hinintay!" sumbat nito na tumigil na din sa pagtakbo at nagpapadyak na. Para talagang babae 'to maka-react. Kaya napagkakamalan eh. Alam ko naman na hindi ako aanuhin nito. Parang engot lang kaming naghabulan. Hahahaha.

"Para maging active ka. Tsaka ayoko maging officer eh. Tutulungan naman kita eh. Ayoko kasi sa mga meeting meeting na yan. Promise. Bibigyan kita ng stuffed toy bukas para di ka na mainis. Di ba paborito mo yun? 'Wag kang iiyak ha?" sabi ko dito. Huminga naman 'to ng malalim at kinalma ang sarili.

Napatungo naman 'to sa sinabi ko. "Lika nga, may damo ka sa mukha hahaha!" sabay kuha ang damo at konting buhangin na dumikit sa kilid ng nguso nito. Hindi naman 'to pumalag.

"Louie! Sino na naman yang pinaiyak mo? Ba't ka pumapatol sa walang kalaban-laban na babae?"

Patay si Kuya J! Yikes! Kasama pa si Aidan. Dyahe naman oh! Teka, ano daw?! Babae si Chan-Chan? Hahahahaha. Epic talaga 'tong itsura ni Chan andaming nabibiktima! Minsan gugupitan ko 'to ng hindi mapagkamalan. Hahahaha.

"Kuya. Si Chan-Chan 'to. Kaklase ko. Lalaki kaya 'to. Hahahaha." Kita kong napasimangot si Chan-Chan sa pagtawa ko. Sa hindi ko mapigilan eh. Sorry naman di ba.

Nakita ko yung maarteng frog na nakipagpustahan sakin kanina. Tinignan ko ang relo ko, patay! Five na pala!

"CHARLIE!!!"

Humahangos patakbo si Charlie palapit samin. "Oh bakit?"

"Si ano, si Maarteng Frog, paano ba yan, hindi pa nga tayo nagpraktis ng maayos! Naman oh! Ayoko matalo!" Nagpapadyak na ako.

"Ano minamaktol mo Louie?" natatawang tanong ni Aidan.

Isa pa 'to. Kasalanan mo kaya! "Aidan, kilala mo ba yung babaeng yun? Yung may kasamang dalawa pang babae, yung mahaba ang buhok na may kulay," turo ko kay Maarteng Frog.

"Si Ally? Graduating ng High School yan. Softball Captain Ball, bakit?" tanong nito.

"Geez! Hoy Charlie! Captain Ball pala yun ng softball eh! Andaya niya!" nagpapadyak na  naman ako sa inis. Kaya pala ang lakas ng loob manghamon ng maarteng yun. Grr. Nakita kong ngumiwi si Charlie.

"Patay! Hindi pa ako nagta-tryouts! Magback-out ka na, dali!" natitilihang sambit ni Charlie.

"Ayoko nga! Chance mo na 'to magpakitang gilas, sige na kausapin mo sila," tulak ko dito. Naiiling na sumunod naman to. "Hoy siguraduhin mong gagalingan mo ang pagpalo ha? Medyo gets ko na naman ang drill. Ikaw yung last batter, syempre. Hehehehe."

"Oo naman. Ako pa! Wala ka bang bilib sakin?" sagot naman nito. Ang yabang talaga nito. Humanda 'to pag natalo kami, sasakalin ko talaga 'to.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Kuya J. "Uuwi na tayo, dadating na si Tatay Tonyo mayamaya," sabi nito.

"Hintay lang kayo ng konti Kuya. Magsosoftball lang kami ni Charlie. Nakipagpustahan sakin yung babaeng yun eh," nguso ko kay Maarteng Frog.

"Kay Ally?! Naloloka ka na ba?! Captain Ball kaya ng softball yan?!" sagot nitong nanlaki ang mga mata.

"Nandito naman si Charlie eh! Tsaka napasubo na ko. Inabangan kaya ako kanina niyan sa gym niyo," sagot kong ngumunguso.

"Ba't di mo sinabi?! Hindi ka na dapat nakipagpustahan. Pakakainin ka ng alikabok niyan," iiling-iling na sabi ni Aidan.

Hindi ako makatingin dito. Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ako inepal niyang admirer mo. Tsaka gagalingan ko naman eh. Sana lang swerte. Hehehe.

"Hayaan mo na yan Aidan ng madala. Manood na lang tayo, masaya din 'to. Maya-maya andito na sina Justin. Asar-talo na naman sa bahay yang si Louie. Hahahaha." Napasimangot ako sa sinabi ni Kuya pero nakita ko ang pag-aatubili sa anyo ni Aidan. Ngumiti lang ako dito ng pilit.

Lumapit na si Charlie kay Ally at nakipag-usap. May kinuha pa silang tatayong referee. Coach yata ng softball yun at may pito pang tatayo sa 1st base, 2nd base, 3rd base, 3 outfielders, at short-stop na siyang member din ng softball team. Tapos tinawag na ako nitong lumapit.

"So, tig four players tayo. Ako ang first batter, si Charlie ang last, toss coin na lang," sabi ko. Tumango naman si Ally. Nakakaloko ang ngiti nito. Duh. Kala mo masisindak mo ko kahit pa ikaw ang the best of the best hindi mo ko mapapakain ng alikabok!

Nanalo kami sa toss coin kaya kami ang first na maglalaro. "Teka, pwede bang pag na-homebase namin, panalo na kami? Tutal mga extra lang naman ang iba eh," sabi ko dito.

"Sure, iyon ay kung maka-homebase kayong dalawa. Pero pag isa sa mga kasama mo," turo nito kina Nile at Chan-Chan na pinalabas naming reserve players, "Hindi counted yun, maliwanag?" sagot nitong nakataas ang kilay.

"Sige," sabi ko at kinindatan si Charlie. Tumango naman ito at nag-thumbs up sign.

"Ako yung pitcher at si Heather naman ang Catcher," dagdag pa ni Ally pangit.

So? Dapat matakot ako?

Pumuwesto na ako.

Okay, hingang-malalim Louie, sabi ni Charlie, feet apart, bend ang tuhod, focus. Focus. Walang nakatingin sayo. Parang basketball lang yan Louie eh kaya focus lang.

Nagpitch na yung bola. "Strike one!"

Pak!

Shucks. Hindi ko natamaan ang bola!

Ayoko lumingon kina Kuya. Huhu. Nakakahiya.

"Louie, relax lang , kaya mo yan. Focus okay? Focus!" sabi ni Charlie at tinampal tampal pa ang balikat ko.

"Aray ano ba?! Ang bigat ng kamay mo, pasimple ka lang eh, gumaganti ka," naiiling na sabi ko dito. "Eto na, eto na, hayyst."

Strike two!

Pak!

Wala pa rin!

"Boooooooo! Nice one Ally!" sigaw ng kampo ni Ally.

"Teka po, wait lang. Namamawis kamay ko eh," sabi ko kay Ally. Ito kasi ang nagpipitch. Ngumisi ito. "Take your time kiddo," sabi nito na tila alam na ang aking pagkasawi. Isang tira na lang, out na ako. Hindi pwede 'to! Huhuhuhu. Kabado na ako. Gusto ko na din umiyak.

"Pasalamat ka, hindi nasalo ni Heather, maswerte ka pa rin kiddo!" sigaw ni Ally habang tumatawa.

"Louie! Kaya mo yan! Bigay ko sayo tamiya ko pag nanalo ka diyan!" sigaw ni Kuya Kurt na kinangiti ko. Ibang klase talaga si Kuya Kurt. Kaya mahal ko 'to eh. Kahit ang paboritong tamiya ipupusta para lang lumakas ang loob ko.

Ayoko lumingon. Ayoko! Makikita ko si Aidan. Tapos pagtatawanan ako nina Kuya. Huhu.

"Louie."

Napalingon ako sa humawak sa braso ko. Si Aidan! Pinahid nito ang pawis na nagitilan sa noo ko. Waaaaaaa! Mas lalo akong kinabahan. Nanginginig akoooo!

"Kaya mo yan. Hingang malalim, sige na. Etong tubig inumin mo muna," bago pinainom ang mineral bottle sa bibig ko. Napilitan akong inumin at bahagya naman akong nakalma. "Kaya mo yan okay? Focus ka lang, doon lang kami nina J," turo nito sa bench kung saan sila nakaupo kanina.

Tumango lang ako, "Teka! Dito ka lang muna," pigil ko dito. "Sige, sa likod lang ako," sagot nitong nakangiti at umupo sa likod. Nakita kong nag-approve sign sina Kuya K, Kuya J, Kuya Justin at Kuya Kurt.

Medyo nabuhayan ako ng loob.

Tinignan ko si Ally. Alam kong nainis 'to sa paglapit ni Aidan. Ako naman ang ngumisi. Mamatay ka sa inggit, pangit ka! Tinignan ako nito ng masama at pumuwesto ng magpitch. Pumito ang referee.

Timing-an ang tragectory ng bola and swing with all your might. Focus. Focus. Focus.

Strike 3!

Pak!

Tumama ang bola! Waaaaaaaaaaa! Yes! Yes! Yes!

Tinignan ko ang paglipad nito. Nilagay ko pa talaga sa noo ko ang kamay ko. Hehehehe. Binatukan ako ni Charlie. "Hoy takbo na! Sige hintayin mong makuha pa yung bola, para kang timang!"

Hahahaha. Oo nga pala. Tumakbo naman ako ng mabilis. Lumingon-lingon ako.

Takbo.

Takbo.

Takbo. 

First base!

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Second base!

Takbo.

Takbo.

Takbo. 

Third base!

"Go Louie! Go Louie! Go Louie!" sabi ng mga estudyante.

"LOUIE!! ISA NA LANG!!" malakas na sigaw ni Charlie.

"Eto naaah! Wag atat pwede?!" Pasigaw ko ding sagot. Kala neto. Sumasakit na kaya paa ko kakatakbo.

Homebaaaaassseee!

Padapa akong nagsave at tinaas ang dalawang kamay ko pagkatapos.

YESSSS! ACHIEVEMENT! BWAHAHAHAHA!

Nakita ko si Chan-Chan na ngumingiti na rin. "Hoy! Anong nginingiti mo dyan? Bilib ka sakin noh? Hahahaha," pang-aasar ko dito. Sumimangot lang 'to. A 'lady' with few words talaga ang peg nito.

Nilingon ko sina Aidan na nagthumbs up sign at mga Kuya ko na halatang proud na proud sakin. Nag-apiran pa ang mga 'to.

Thank you po Papa God! I love you so much talaga, promise po! Hehehehehe.

Si Charlie na ang kasalukuyang maglalaro. Kampante na ako sa kanya kaya naman umupo pa ako sa damuhan.

Strike 1!

Pak!

Anlayooooooooo!!! Hindi ko matanaaaaw!!!

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"I love you Charlie! Hahahahahaha!" malakas kong sigaw habang parang ninjang tumakbo 'to. Ambilis ng walanghiya! Hahahahaha.

Napatayo tuloy ako sa sobrang tuwa at niyakap si Aidan ng maka-homerun si Charlie. Binuhat at inikot-ikot niya din ako! "Ang galing galing mo talaga hahahaha!" tuwang-tuwang saad nito.

Paglingon ko naman kay Charlie...

Si Charlie at si Nile!

Nagyayakapan din?!

At teka...

Chan-Chan?!

Si Chan-Chan may kayakap din na babae! Hahahahaha. Eto siguro yung sinasabi ni Charlie na Krystal.

Kumalas na ako kay Aidan. Tama ng pananantsing. Mamaya naman. Hahahahahaha.

Lumapit ako kay Ally pangit. 

"Oh pano ba yan? Panalo na kami? Tsktsk! Wala pa akong practice masyado niyan ha?" sabi ko kay Ally na hanggang ngayon eh natitigilan pa rin sa mga pangyayari.

I know right. Magaling talaga kami. Hahaha. Nakita ko na si Charlie na pinagkaguluhan na din ng ibang softball players at kasalukuyang kinakausap ng coach. Malamang hindi na kelangan magtry-outs nito. Good for her. Hayyy. What a day!

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 1K 42
LOVE isn't supposed to be EASY, it's supposed to be WORTH IT!
922 75 20
Sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta si Zaina kasama ng iba pa niyang kaibigan sa madilim na lugar na magiging hudyat upang magbago ang kanilang...
374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...
367K 24.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...