Jersey Number Eleven

By xelebi

2.2M 87.1K 38.9K

It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes. More

Jersey Number Eleven
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
Epilogue 01
Epilogue 02
Epilogue 03
Epilogue 04
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Side Story : C × J (Part 1)
Side Story : C × J (Part 2)

49

34K 1.5K 388
By xelebi

• 🏐 •

Siguro dahil na rin sa dalas naming magkasama ay alam agad ni number eleven kung may kung ano akong iniisip. Siguro ay masyado rin kasi akong halata na bigla na lang natahimik doon at natulala.

At mukhang pati si number eleven ay nabahala na rin sa binalita ko sa kaniya kaya kinailangan naming huminto muna sa isang gas station para... kumalma? Pero hindi naman kasi kami nagpa-panic...

Mas lamang iyong pagkabigla. Well, sino ba naman kasi ang hindi magugulat do'n, 'di ba? Kumakalat lang naman ngayon sa social media ang mga pictures ng private moment namin na kinuhanan nang walang consent mula sa 'ming dalawa.

Parang halos kasasabi ko pa lang na ang smooth lang ng araw na 'to tapos may gano'n na palang nangyayari? Kung hindi ko pa sisilipin ang phone ko, hindi ko pa agad malalaman na pinagpipyestahan na kami ni number eleven ng mga tao.

At sa mismong birthday ko pa talaga.

Hindi man lang pinatapos ang araw na 'to.

"Water?" Sabi ni number eleven pagkabalik niya galing sa convenience store.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha iyong bottled water. "Thank you."

Uminom ako ro'n kahit hindi naman talaga ako nauuhaw. Nakaupo pa rin ako sa passenger seat pero nakabukas ang pinto. Nakatayo naman doon si number eleven sa labas habang pinapanood ako... o siguro tinitimbang niya iyong facial expression ko.

"Feeling better?" Tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Ngumingiti ako kasi gusto kong ipakita sa kaniya na okay ako. I mean, okay naman kasi talaga ako. Nagulat lang do'n sa kumakalat na pictures namin pero overall, e, hindi talaga iyon ang iniisip ko ngayon.

Sabi ko nga, hindi ko naman tinatago ang meron kami ni number eleven. Gusto ko na private lang kami as much as possible pero at the same time, e, lowkey lang din. Kapag may nagtanong, sasabihin kong kami. Kung walang magtatanong o kung nahihiya lang kami tanungin, e, 'di what you see is what you get.

Hindi ipapangalandakan na boyfriend namin ang isa't isa kasi wala naman kaming dapat i-explain sa ibang tao. Hindi naman kasi sila kasali sa relasyon namin ni number eleven. Pero iyon nga, kung ma-curious sila, sasagutin ko naman.

Hindi ko lang in-expect na sa ganitong paraan malalaman ng lahat ang tungkol sa 'min.

Ang mas iniisip ko talaga ngayon ay si number eleven.

Hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na malaki ang magiging epekto nito sa kaniya. Famous pa naman 'to. Marami ang humahanga sa kaniya hindi lang dahil sa galing niya sa volleyball pero pati na rin sa labas ng mundo ng sports.

Kahit hindi niya aminin o pansinin, alam ng lahat kasama siya na meron siyang following at influence.

At natatakot ako na marami ang mag-judge sa kaniya. Na marami ang hindi makaintindi. Na marami ang hindi pa bukas ang isip pagdating sa same-sex relationship. Tapos iyon pa ang maging dahilan kung bakit mawalan siya ng mga opportunities na sobrang deserved niya.

Kasi aminin na natin, marami pa rin dito sa Pilipinas ang homophobic at judgmental.

At doon papasok iyong isa rin sa mga iniisip ko bukod kay number eleven. Iyong parents ko... na sa rami ng missed calls sa 'kin ay umaasa pa rin ako na magiging open-minded sila at maiintindihan nila ako... kami.

"Baby..." tawag ulit sa 'kin ni number eleven.

Tiningala ko siya at kitang-kita ko iyong pag-aalala sa mukha niya. Naku, baka iniisip nito na pinepeke ko iyong ngiti ko para lang hindi siya mag-alala.

Ngumiti ulit ako at inabot iyong kamay niya.

"Okay lang ako, ano ka ba," natawa pa ako pero mukhang hindi bumenta sa kaniya. "Promise. Okay lang talaga ako. Nagulat lang 'tsaka... na-violate?"

Nakita ko agad ang taranta sa kaniya. "Violate?"

Shit, namali pa yata ako ng word na ginamit!

"I mean, private moment natin iyon, e. P-in-icture-an tayo nang hindi natin alam kaya na-violate iyong rights ko. Pati iyong rights mo. Iyon! Rights pala! Hindi ako iyong na-violate. Iyong rights natin."

Pero hindi pa rin kumakalma ang hitsura nitong isa. Tumingin siya sa malayo habang nakakunot ang noo. Malalim agad ang iniisip. Nagsisi na tuloy ako na ginamit ko pa iyong word na violate.

"Baby," tawag ko sa kaniya.

Mabilis din naman siyang tumingin sa 'kin.

"Okay lang talaga ako," sabi ko ulit. "Ikaw ba? Okay ka lang?"

Nakita kong bahagya siyang natigilan. "I'm not. I'm actually mad right now to whoever posted our pictures. Why would someone do that?"

Huminga ako nang malalim habang tinitignan siya. Oo, okay lang sa 'kin na malaman ng lahat na kami ni number eleven pero naiinis din ako na sa gano'ng paraan iyon nangyari.

Hindi lang kami pinangunahan, e. Parang may intensyon din iyong gumawa no'n na ipahiya kami. At bilib ako sa effort niya na sundan kami sa Tagaytay para lang picture-an, a? Sana makatulog siya ngayong gabi sa ginawa niya.

"Akala ko ba, gusto mo ng issue? Heto na, o. Ginawan na tayo ng issue. Hindi nga lang sa Tiktok p-in-ost-"

Natigilan nga lang ako sa pagjo-joke nang taasan ako ng dalawang kilay ni number eleven. Awkward akong ngumiti at napakamot sa pisngi. Shit, for the first time simula no'ng maging kami, natakot ako sa mukha niya na naka-serious mode.

Nanginig iyong tuhod kong walang injury. Iyan iyong mukha niya kapag ready nang humampas ng bola, e!

"Sorry," mahina ang boses na sabi ko.

Ready na akong mapagalitan niya pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry, baby," sabi niya saka bumuntong hininga. "I'm just mad that something like this happened on your birthday."

"Oo nga, e," sagot ko at sinubsob ko na lang iyong mukha ko sa dibdib niya. "May next year pa naman."

Huminga lang ulit siya nang malalim at naramdaman kong hinalikan niya iyong tuktok ng ulo ko.

"I'm worried about you," aniya.

Ako nga dapat mag-alala sa 'yo, e.

Tiningala ko siya. "Lilipas din 'to. Makakalimutan din iyan ng mga tao. Smile ka na."

"Don't want to."

"Dali na. Smile na. Birthday ko naman, e."

Pagkasabi ko no'n ay pinakita niya iyong signature smile niya. Iyong hindi nakalabas ang ngipin. Natawa na lang ako at napailing. Pilit na pilit ang ngiti nitong isa pero hinayaan ko na lang.

Ilang minuto rin siguro kaming nag-stay ro'n sa gas station hanggang sa ma-realize kong kailangan na niyang makauwi kasi maaga pa ang training niya bukas. Pagkatapos ng 2 hours ay nakarating din kami sa dorm ng Creston. Pagtingin ko sa relo ko ay may 15 minutes pa bago ang curfew.

Tinulungan ako ni number eleven bumaba ng sasakyan. Siya na rin ang nagdala papasok no'ng isang basket ng mga mangga. Ayaw pa nga niyang umalis at kahit gusto ko ring mag-stay muna siya kahit sa lobby lang kami ay pinauna ko na kasi nga kailangan na rin niyang magpahinga.

"I'll message you once I get back to the dorm," sabi niya sabay halik sa noo ko. "And call me if you need anything or if something happens, okay?"

Tumango ako. "Okay. Ingat ka. Thank you for today."

"You're always welcome," ngumiti siya. "You sure you're okay, baby?"

"Sure na sure," ngumiti rin ako. "Ikaw ba?"

"I'm okay when you're okay."

Saglit pa kaming nagtitigan do'n. Umihip ang maalinsangan na hangin ng April. Kung wala lang talaga siyang training bukas, dito ko na siya patutulugin.

"I love you," sabi ko.

"I love you," sabay yakap niya ulit sa 'kin bago tuluyang umalis.

Walang tao sa kwarto pagpasok ko. Nasa training pa siguro sina Jerome. Hinagis ko lang sa kung saan iyong backpack ko at naupo ro'n saka natulala. Tsk. At the end of the day, kahit ilang beses kong sabihin na okay ako, iisipin at iisipin ko pa rin iyong tungkol sa mga pictures.

Sino kaya ang kumuha no'n? Siya rin kaya ang nag-upload? Tinignan namin kanina iyong profile no'ng uploader pero walang laman. Talagang ginawa lang yata iyong account para lang do'n. Bakit niya ginawa iyon? May ginawa ba kami sa kaniya? May galit ba sa 'min? Sa 'kin?

Malalim akong nag-iisip nang bumukas iyong kwarto at dire-diretsong pumasok sina Jerome, Vince, Kiko, Paul, at Drew. Iyong gulat sa mga mukha nila nang makita ako ay napalitan din agad ng pag-aalala kaya ngumiti ako para ipakitang wala dapat problemahin.

"Kai! Ni-report na namin iyong post!" Sabi ni Kiko.

"Okay ka lang, Kai?" Tanong naman ni Drew.

"Parang gago naman iyong nag-upload no'n! Lakas ng trip, e! First time yata makakita ng nagki-kiss! Inggit siguro iyon," si Vince.

"H'wag ka muna magbubukas ng social media mo, Kai. Maba-badtrip ka lang," si Paul.

"Anong sabi ni Alejo?" Si Jerome naman.

"Thank you, guys," panimula ko at doon na nagsimula ang mahabang kwentuhan namin tungkol do'n. Nakakatuwa nga kasi mas apektado pa sila para sa 'kin. Medyo nahiya tuloy ako kasi ang paulit-ulit kong sinasabi na okay lang naman ako.

Tapos kung hindi pa ako humikab ay hindi pa magyayaya na matulog si Jerome. Gusto pa nga sana nina Kiko, Paul, at Drew na rito na rin matulog sa kwarto namin pero hindi pumayag ang captain.

Iyon nga lang, ito na naman iyong mga gabing inaantok ako pero hindi rin makatulog. Ang hirap din talaga kapag pinanganak kang overthinker.

Kahit ayaw mong isipin, mapapaisip ka pa rin talaga.

Tapos hindi lang basta pag-iisip ang mangyayari. Makakagawa ka pa ng mga scenario sa utak mo. At hindi lahat ng scenario na iyon ay maganda. Kadalasan, e, iyong mas lalo ka pang ipag-o-overthink.

'Dorm,' message ni number eleven.

'Okay. Pahinga ka na.'

'Are you really okay, baby?'

Tumagilid ako ng higa habang nagre-reply sa kaniya.

'Okay ako. 'Wag mo na masyadong isipin. May training at games ka pa. Sige ka, baka matalo kayo.'

Buti na lang ay hindi na nakipagtalo pa ang number eleven.

Pagkatapos naming mag-usap ay sina Reena at Carlos naman ang sunod kong m-in-essage. Nagpasalamat lang ako sa kanila. Hanggang sa mapadpad ako sa missed calls ng parents ko.

Magme-message din ba ako? Hindi na ulit sila tumawag, e. Pero nakatulugan ko na lang iyon.

Dumaan ang dalawang araw na halos walang nagbago sa routine ko. Siguro dahil na rin sinunod ko ang payo ng coaching staff at ng teammates ko na 'wag tumingin sa social media para hindi ako ma-distract sa rehab ko.

At so far, okay naman. Wala na akong balita kung trending pa rin ba o wala na iyong mga pictures.

O baka kami pa rin ang laman ng social media pero hindi lang sinasabi sa 'kin ng mga tao sa paligid ko para hindi na ako mag-isip. At sa totoo lang, okay na rin iyon kasi pagod na rin akong mag-overthink.

Kinumusta ko rin si number eleven kung ayos lang ba siya lalo na sa trainings nila. Wala kasi akong idea kung ano bang nangyayari sa team nila kasi hindi rin naman ako talaga nagtatanong. Feeling ko kasi, kapag nagbiro ako kay number eleven kung anong strategy nila ay sabihin talaga sa 'kin ng isang iyon.

Isa pa, hindi ko rin naman kasi kilala ang lahat ng teammates niya. Nakikita ko lang sila sa mismong games, e. Malay ko kung may mga homophobic pala sa team nila.

Pero ang sagot niya lang sa 'kin ay okay lang naman din daw siya. Mag-focus na lang daw ako sa recovery ko at iyon nga ang ginawa ko.

So, ang problema ko na lang ay ang parents ko... na hindi na ako tinawagan simula no'ng birthday ko. Nag-message ako sa kanila pero hindi pa rin sila nagre-reply.

Kinakabahan tuloy ako.

"Manonood ka sa arena, Kai?" Tanong ni Jerome ng sumunod na araw.

Tumango ako at sumabay sa kanila sa bus papuntang arena. Game day ngayon. Parehong may laban ang Creston at Westmore kaya nag-decide akong manood nang live para suportahan ang team ko at si number eleven.

Actually, nagdadalawang-isip pa nga ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero... ewan ko. Bigla ko na lang naisip kanina na gusto kong patunayan sa mga tao na hindi ako nagtatago sa gitna ng issue na 'to.

Na wala lang sa 'kin iyong issue kasi totoo naman talaga ang nando'n sa pictures, e. Naghahalikan kami ni number eleven... okay, tapos?

Na-realize ko na hindi ko na problema kung ano man ang iisipin at panghuhusga na sasabihin nila.

Mas mahalaga si number eleven.

"Nice one, team!" Sigaw ko nang manalo in 3 sets ang Creston.

Sa totoo lang, sobrang nako-conscious na ako sa mga tingin na binibigay ng mga tao pero hindi ko na lang pinapansin. Medyo nakakainis nga lang minsan kapag nahuhuli ko sila pero hindi pa rin sila natitinag. Magbubulungan pa sabay ituturo ako.

At mas lumala pa iyon nang lumabas na ang Westmore sa dugout para sa official warmup. Nagsigawan ang mga tao no'ng sa amin ni number eleven tinutok iyong camera. Hindi na lang ako tumingin do'n at buti na lang ay tinabihan ako nina Jerome para raw may kasama pa rin ako manood ng susunod na game. Sila na rin daw ang bahala sa mga tingin nang tingin sa 'kin.

Hindi rin naman nagtagal, e, nagsimula na rin ang game nina number eleven. Mabilis lang din na natapos iyon at nanalo rin sila in 3 sets. Siya ang naging Player of the Game kaya in-interview siya no'ng courtside reporter.

At gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang sumunod na tanong sa kaniya.

"So, Roen, everybody's asking, is it true that you're dating Kaizen Reyes of Creston University?"

Nagsigawan ang mga tao. Halos wala pang umaalis sa mga upuan nila kahit tapos na iyong game. Para bang no'ng nalaman nila na iinterview-hin si number eleven ay inaasahan na nila na itatanong sa kaniya iyong tungkol sa issue.

Napaayos ako ng upo habang titig na titig sa mukha ni number eleven sa screen sa itaas.

At ramdam ko na iyong puso ko sa lalamunan ko nang diretso siyang tumingin sa camera saka tumango.

"Yes, we're dating. He's actually here right now," seryoso niyang sagot. "Hi, baby."

At halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao.

Continue Reading

You'll Also Like

771K 15.2K 43
"Happy first day of your death, Misis Montelibano. Your outfit suits for this occasion," sarkastikong bulong ni Alexander bago tuluyang lumayo sa kan...
308K 16.6K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
Someday By @Che

Teen Fiction

300 66 32
Si Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngu...